Sunday, August 5, 2012

AFTER ALL - Part 4


WEEK 1 DAY 3
Nakatulog na pala ako kagabi. Hindi ako nagmamadali dahil 11:30 pa naman ang first class ko at 8:00 pa lang. Kumain ako ng breakfast at nagreview ng lesson.
Mike: Good morning. Musta best friend ko?
Ako: Ito kakagising lang. Napagod ako sa practice namin kagabi. Meron na naman mamaya.
Mike: Araw-araw ba dapat talaga practice niyo? Hindi ka na nakakasama sa amin magdinner ah.
Ako: Oo, kailangan kasi Mike eh. Hayaan nyo, pagkatapos ng midterm namin, balik na ko sa normal. Hehe
Mike: Sana nga…
Ako: Oo naman. J
Mike: O sige, kita tayo mamaya after ng class mo ah.
Ako: O sige.
*****
Jeff: Bryan, good morning, nasaulo mo na ba steps natin? Hahaha
Ako: Pinanood ko kagabi, nagpractice din ako. Medyo kaya ko na. Konting tiis pa.
Jeff: May magagawa ba ako? Haha. Joke. Hindi nga pala ako makakapasok ngayon so text mo na lang ako kung anong oras tapos ng class mo para masundo kita.
Ako: Bakit hindi ka papasok? Ang layo naman pag sinundo mo pa ko. Magcocommute na lang ako, text mo na lang sa kin directions papunta sa inyo.
Jeff: Sunduin na kita. Ako naman magdadrive eh, bakit ka pa nag-aalala kun g malayo? O siya sige, tulog na muna ulit ako. Haha. Basta magtext ka lang.
Tapos na ang kaisa-isang class ko kapag Friday. Pumunta agad ako sa may fishbolan sa tapat ng college naming at nadatnan ko doon sina Mike.
“Bry, labas tayo ngayon. Timezone tayo, manlilibre daw si Alvin. Haha,” patawang sabi ni Mike.
“Hindi ako pwede eh, may practice ulit kami ni Jeff eh.”
“Hoy Bry, gwapo yung Jeff na yun ah. Pumapatol ba? Pakilala mo ako dali. Nagsasawa na ko dito kay Mike eh.” Si Alvin ay ang kaisa-isa naming kaibigan sa tropa na out. Nakilala na namin siyang ganun at masaya kami dahil kaibigan namin siya. Vocal din siya sa pagsasabing type niya si Mike. Sinasakyan lang ni Mike ang kalokohan niya dahil alam din naman nilang dalawa na walang mangyayari sa kanila.
“Sa itsurang nun ni Jeff, mukhang nambubugbog pa yun. Haha. Joke lang. Bigla ngang bumait sa akin eh. Naalala niyo yung kwento kong nang-aasar sa akin sa PE. Siya yun eh.”
“O siya. Sige na Bry, sumama ka na, alis na tayo ngayon. Sagot na kita,” paanyaya pa rin ni Mike na biglang iniba ng usapan.
“O sige sama ako pero hanggang 4pm lang ako ah. Kelangan talagang magpractice eh.”
Nagtaxi na kami papuntang Tri Noma. Ako, si Mike, Alvin at dalawa naming kaibigang babae ang magkakasama. Madalas talaga kami sa Timezone. Dun naming inuubos allowance naming. Ang nilalaro lang naman naming dun ay basketball, air hockey at dance revo. Si Mike ang gumastos sa akin ngayon. Medyo nakonsensya nga ako dahil alam ko naming gusto niyang makasama ako sa lakad ng magkakaibigan.
Nilapitan ko si Mike habang naglalaro sina Alvin ng dance revo. “Mike, huwag ka ng magtampo sa akin. Ayoko din lang kasing bumagsak. PE lang yun tapos ibabagsak ko pa.”
Humarap sa akin si Mike. “Hindi naman ako galit. Namimiss ka na lang namin. Miss ko na best friend ko.”
Inakbayan ko na lang siya it hinila papalapit kina Alvin. Naglaro kami ng naglaro. Nakagastos na ata sila ng mahigit 500 pesos kakalaro lang naming.
Mga bandang 3pm ay tinext ko na si Jeff na sa Tri Noma na lang ako sunduin. Nagreply agad siya na paalis na at hintayin na lang daw siya.
Mga bandang 4 ng hapon ay nagtext na si jeff na nasa mall na daw siya at nagtatanong kung nasaan na ako. Nireplyan ko siya at sinabing nasa Timezone.
Mga ilang minuto lang ay may tumapik sa likod ko.
“Bryan, naglalaro ka nyan?” sabay turo ni Jeff kina Mike na nagsasayaw sa dance revo.
“Oo bakit?”
“Buti nananalo ka. Haha. Joke lang Bryan. Ano, ok lang bas a mga kaibigan mo na umalis ka na?”
Nilapitan ko mga kaibigan ko at nagpaalam. Huminto sa paglalaro sina Mike at Alvin. Nagulat ako ng biglang lapitan ni Alvin si Jeff at nagpakilala. “Hi I’m Alvin, what’s yours?” Tawanan kami pero ako ay may halong takot dahil baka biglang magalit si Jeff.
“Hi, I’m Jeff. Jeffrey Santos,” malumanay na sagot ni Jeff at nakipagkamay pa siya kay Alvin na talaga namang ikinagulat ko.
“Wow, parang kapatid lang ni Judy Ann Santos ah. Anong course mo Jeff?” malanding tanong ni Alvin. Nangingisi na lang kami ng mga kaibigan ko sa ikinikilos ni Alvin ngayon. Si Jeff naman ay nakita kong nakangiti lang din.
“Sports Sci course ko, third year.”
“Athletic, yan ang gusto ko. I like you Jeff. Hahaha.” Natulala kami sa sinabi ni Alvin. Napakastraightforward niya kahit hindi niya pa masyadong kilala yung kausap niya.
“Haha. Thank you Alvin. Mukhang masaya ka din maging kaibigan.,” natatawang tugon ni Jeff.”
“Ay friend lang? Busted na agad ako. Oh well, o siya sige kunin mo na yang friend namin at turuan mo ng totoong sayaw at hindi sayaw na pang dance revo lang ang alam.”
Nagawa pa akong asarin nito ni Alvin. “Hoy Alvin, tigilan mo ko, nabusted ka lang eh. Sige guys, una na kami. Text ko na lang kayo.” Nilapitan ko si Mike at inakbayan. “Best friend, practice na muna ako. Aagahan ko uwi tonight tapos puntahan kita sa boarding house niyo. Dun na lang ako matutulog total weekend naman bukas.”
Tumungo lang si Mike at ngumiti. Si Jeff naman ay parang biglang nawala ang kasiyahan sa mukha.
Pumunta na kami ni Jeff sa parking area.
“May gusto ba sayo si Mike?” tanong ni Jeff na ikinagulat ko.
“Huh? Anong pinagsasasabi mo diyan. Best friend ko si Mike, nagtatampo lang yun. Tsaka straight yun. Mas marami pa nga atang naging girlfriend yun kesa sa iyo eh.” Hindi ko maintindihan kung paano naisip ni Jeff na may gusto sa akin si Mike.
“Ah… ok,” simpleng tugon ni Jeff at sabay binuksan ang pintuan ng kotse.
Nagulat ako ng imbes na dumiretso siya papunta sa subdivision nila ay kumanan kami papasok ng Ayala. Nagpark kami sa Greenbelt at sinabihan niya ako na doon na daw kami magdidinner.
“Teka, maaga pa ah. Wala pa ngang 5pm eh,” reklamo k okay Jeff.
“Oo nga. 7 pm pa naman tayo kakain. Samahan mo muna ako mamili.”
“Ang akala ko ba magpapractice tayo? Tsaka kailangan ko umuwi ng maaga dahil may promise ako kay Mike.”
“Dun ka na naman matutulog kina Mike ah. Bakit kailangan mo pa agahan ang pagpunta dun eh magdamag naman kayo magkakasama?” Nagulat ako dahil parang galit si Jeff. Nainis na din ako sa kanya. Sinabihan niya ko na maaga daw kami magkita para makapagpractice tapos gagala lang pala siya. Iniwan ko pa tuloy mga kaibigan ko.
“Eh bakit ba galit ka?”
“Wala. Samahan mo lang ako Jeff. Sige, hindi na tayo kakain dito. May kailangan lang talaga akong bilhin,” mahinang tugon ni Jeff.
Nakonsensya ako sa mahinahon nyang sagot. Parang ang sama ko.
Pumasok kami sa isang candle store at bumili siya ng isang box ng chamomile candles.
“Bakit ang dami mong biniling ganyan?” tanong ko sa kanya.
“Favorite scent kasi ito ni Mama. Naubos na yung nasa bahay kaya bumili ako. Nagsisindi ako ng candle every night for her.”
“Ah ok. Sorry kung nagalit ako kanina. Hindi ko alam na important yung bibilhin mo.”
“Ok lang. Halika na, punta na tayo sa bahay.”
Pagkapasok naming sa kotse ay may tinawagan siya.
“Hi, I would like to cancel my reservation for tonight…Yes…Ok, thank you.”
Hindi na lang ako nagsalita pero nakokonsensya ako sa inasal ko kanina. Mukhang pinaghandaan niya talaga yun.
“Sorry kung pinilit kitang kumain sa labas ah. Nung buhay pa kasi si Mama, we made it a point to eat out once a week. Kahit kaming dalawa lang. Si Dad kasi laging busy tsaka simula ng nagalit siya sakin, mas dumalang na yung pagsama niya sa amin. Hanggang sa nawala na nga si Mama. And ever since wala na siya, hindi na ko kumakain sa labas. Wala na kasi akong makasama.”
“I’m sorry Jeff, hindi lang talaga ako pwedeng gabihin ngayon. Kailangan ko bumawi kay Mike dahil bihira ko na sila makasama.”
Pagdating namin sa bahay nila ay nagpractice na agad kami. Parang walang nangyaring tampuhan kanina. Tawa lang kami ng tawa. Medyo hindi na ko nahihirapan kaya may mga pagkakataon na natatapos naming tapusin yung routine na ginawa nya. Mga 8 pm ng nag-aya na akong umuwi. Sinabi naman ni Jeff na siya na daw ulit maghahatid sa akin.
Nagdrive-thru kami sa Jollibee na pinakamalapit sa kanila. Hindi na kami nakapagdinner sa bahay nila dahil nga nagmamadali ako. Mabuti na lang at favorite din pala niya Jollibee kaya hindi na kami nagtalo kung saan bibili ng pagkain. Nilibre niya ko ng favorite kong Chili Cheesedog, fries, drink, at may ice cream pa. Kumain kami sa sasakyan nya. Natagalan siya kumain dahil nga nagdadrive siya. Madalas kapag red light lang siya nakakasubo. Eh nagkataong dire-diretso yung takbo naming kaya may hindi siya saking pabor na kinagulat pero kinatuwa ko din naman kahit papano.
“Bryan, favor naman. Pwede bang subuan mo ko ng fries. Nabibitin ako sa pagkain eh. Kung kailan naman ako naghahangad ng red light tsaka ayaw. Ok lang ba?”
Medyo nailang ako pero ginawa ko pa rin para hindi naman niya isipin na naiilang ako. Isa, dalawa, nakatatlong subo ako sa kanya ng fries. Tapos ako na rin naghawak nung drink niya nung iinom siya.
“Salamat Bryan,” nakangitin niyang sabi.
“Sus, wala yun. Alam mo bang ikaw na lang sa mga kaibigan ko ang tumatawag sa akin ng ‘Bryan?’ Sina Mike kasi nasanay nang tawagin akong ‘Bry.’ Sa bahay buong pangalan ko din ang pantawag nila sa akin eh,” kwento ko.
“Eh maikli lang naman kasi pangalan mo kaya binuo ko na. Tsaka nahihiya akong tawagin kang Bry dahil baka isipin mo feeling close ako,” paliwanag niya.
“Close na tayo Jeff. Kasi mabait ka na tsaka marami na akong nalaman tungkol sa iyo.”
“Oo nga marami ka nang alam about me pero ako wala pa akong alam tungkol sa iyo.”
“Ano ba gusto mong malaman?”
“Lahat.”
“Ok. My name is Bryan Santos, 19 years old. Only child din like you. Close ako sa mga magulang ko. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman mahirap. Galing ako sa isang Catholic high school. May 2 org akong sinalihan ngayong college tapos dun sa isa ay officer ako. Hindi ako athletic na tao pero marunong ako magvolleyball. Minsan kapag sinapian ako ay gumagaling ako dun. Mahilig ako magbasa, manood ng movies at making ng music. Anything else you want to know?”
“Girlfriends. Nakailan ka na? May love life ka ba ngayon?”
“I had two girlfriends nung high school then another one recently lang pero nagbreak na din kami.”
“Bakit,” pag-uusisa niya.
“Personal problems ko. Ikaw nakailang girlfriend ka na? Siguro ang dami mo nang pinaiyak na baba no?”
“Wala pa akong nagiging girlfriend.”
“Ever?”
“Ever.”
“Wow. Parang hindi ako naniniwala. Sa itsura at ugali mong yan?”
“Itsura? Bakit nagagwapuhan ka sa akin no? Sabi ko na nga ba type mo ko eh!”
Nataranta ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Baka hinuhuli lang niya ako tapos aasarin ulit. Pero hindi, mabait na siya sa akin eh.
“Anong pinagsasasabi mo dyan? Oo gwapo ka pero hindi kita gusto,” pasigaw kong sabi.
“Ok, ok. Nagbibiro lang naman eh. Sorry na.”
Medyo napahaba pala usapan naming at hindi ko namalayan na nasa dorm na pala kami. Bumaba na ako ng kotse at nagpaalam sa kanya.
“Bye Jeff. Salamat. Ingat ka ah.”
“Bye. Have fun. Pero tandaan mo, bukas akin ka ulit. May practice tayo ng 1pm pero dun ka na sa bahay maglunch ok?”
“O sige sige. Bye.” Pagkaalis nya ay pumasok na ako ng dorm at kumuha ng gamit.
Malapit lang ang boarding house na tinitirhan ni Mike at kayang lakarin. Tinext ko siya na papunta na ko. Ilang beses na rin ako nakatulog dun pag wala akong magawa sa dorm kaya kilala na ako ng mga taga-roon.
Pumasok na ako sa bahay nila at dumiretso sa kwarto niya. Naabutan ko si Mike na nagbabasa ng libro. Pareho kami ng mga hilig ni Mike kaya madali kaming nagkasundo.
“Andyan ka na pala Bry. Lapag mo na lang gamit mo dyan.”
Pagkaayos ko ng gamit ko ay tinabihan ko siya. “Namiss kita best friend.”
“Namiss din kita. Masyado ka kasing seryoso sa pagsasayaw eh.”
“Kelangan kasi Mike eh.”
“I know. Kwentuhan mo nga ko ng nangyayari sayo. Yung kapartner mo, inaasar ka pa ba nun?”
“Si Jeff? Hindi na. Magkaibigan na kami nun. Mabait pala talaga siya. Hindi ko pa lang din alam kung bakit siya nagsalbahe sa akin dati pero ok na kami ngayon. Feeling ko makakasundo mo din siya.”
“Huh…”
“Oh bakit?”
“Wala lang, hindi lang palagay loob ko sa kanya.”
“Hay. Ok lang yan. Iba na lang pag-usapan natin.”
Kung anu-ano lang pinagkwentuhan at ginawa naming. Naglaro kami ng pinoy henyo, tapos nag-usap tungkol sa mga bagong kanta, movies at libro tapos konting chismis tungkol sa mga kakilala namin. Ilang araw lang kaming hindi nagkasama ng matagal pero parang namiss ko talaga best friend ko. Mga 2am na kami nakatulog. Magkatabi kami sa kama.
“Best friend, walang iwanan ah. Kahit ano amangyari,” bulong sa akin ni Mike.
“Oo naman. Walang iwanan. Tulog na tayo. Good night. Sweet dreams best friend.”
“Good night. Sweet dreams.”


No comments:

Post a Comment