Sunday, August 5, 2012

AFTER ALL - Part 9


Christmas vacation na namin. Sina Alvin at Anne ay bumalik sa La Union. Si Sarah naman ay sa boarding house lang daw magpaPasko. Ako ay umuwi ng Cavite.
Madalas pa rin kaming magkatext ni Jeff. Kung minsan ay nagkikita kami sa Greenbelt. Yun ang favorite naming puntahan na mall. Tahimik kasi tsaka ang sarap maglakad-lakad. Walang araw na hindi kami magkatext ni Jeff. Aminado akong namimiss ko siya kaya lagi akong nagpapaload para makatext siya.
Si Mike naman, tinetext ko din pero hindi nagrereply. Nag-aalala na ko at nalulungkot sa nangyayari sa amin ng best friend ko. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nanlamig sa amin.
December 24 na. Busy ako sa pagtulong kina Mama at Papa sa pagluluto. Si Jeff naman, sabi niya siya daw ang nagluluto ng handa nila pero wala daw ang daddy niya sa bahay nila. Nag-out-of-town daw kaya sina manang lang ang kasama niya. Naawa ako ng malaman ko yun pero sabi niya ay sanay na daw siya dahil lagi naman daw ganun ang nangyayari. Kaya ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko siya ng 11 pm. Nahirapan nga ko tawagan siya nun eh. Ganun naman lagi pag Pasko, palpak mga telecomm companies. Nagload ako ng 500 para siguradong aabot ng midnight yung tawag ko.
Magkausap lang kami ni Jeff. Hinahanda na daw niya sa table nila yung mga niluto niya. Sina manang daw inaayos na yung mga regalo nila sa isa’t isa. Ako naman ay naghahain na din ng mga niluto ni Papa.
Midnight na kaya binati ko na siya ng Merry Christmas.
“Merry Christmas din Bryan,” bati sa akin ni Jeff.
“Ano Christmas wish mo Jeff? Sana ibigay sa’yo yun ni Santa. Haha”
“Nabigay na niya.”
“Oh talaga? Ano? Yung gusto mong phone?”
“Hindi. Ikaw.”
As usual, kinilig na naman ako. Lagi na lang ako pinapakilig nito ni Jeff.
“Nambobola ka na naman.”
“Hindi bola iyon. Grabe ka,” nagtatampong sabi ni Jeff.
“Joke lang. Naniniwala naman ako eh.”
“Ikaw Bryan, ano wish mo?”
“Wala. Sobra sobra na na ibinigay ka sa akin. Ang selfish ko naman kung maghangad pa ko.”
“Uy bumabanat ka na din ah. Kinilig naman ako dun. I love you Bryan.”
“I love you Jeff. Kakain na daw kami. Text na lang kita later ah.”
“Sige kakain na din kami. Thank you nga pala sa pagtawag. Sobrang naappreciate ko. At alam kong gumastos ka eh ang kuripot mo,” pang-aasar niya.
“Eh kasi nga malakas ka sa akin. At least parang kasama mo na rin ako. O sige babye na.”
“Bye. Merry Christmas ulit.”
Matapos naming kumain ay natulog na kami. Ganun din ang ginawa nina Jeff, Sa umaga pa namin bubuksan ang mga regalo.
Pagkagising ko ay naka tatlong text na si Jeff.
Jeff: Good morning Bryan! Merry Christmas ulit!
Jeff: Mukhang puyat ah, hindi pa rin gising.
Jeff: Hey. If ever pupunta ako dyan sa inyo, paano kaya?
Mga 10 am na nun kaya siguro nangungulit na itong si Jeff. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush tapos ay nireplyan ko na siya
Ako: Good morning! Kakagising ko lang eh.
Ako: Papunta dito sa amin?
Jeff: Oo, kunwari galing dito sa amin.
Ako: Hmmm… paano ba.. Diretsuhin mo lang yung EDSA extension tapos kaliwa ka sa Macapagal Ave. hanggang Coastal Road…
Tinext ko nga kay Jeff yung direksyon papunta sa amin. Hindi ako nagtaka kung bakit niya tinanong. Marahil ay nangungulit lang siya.
Pagbaba ko ng bahay ay binuksan ko na yung mga regalo sa akin. Binigyan ako ni Mama ng wallet na may lamang 5oo pesos. Si papa naan ay binigyan ako ng bagong phone. Wala akong regalo sa kanila, alam kasi nilang kuripot ako. Madalas, ang regalo ko lang ay ‘hugs and kisses’ na siya namang ikinatutuwa na din nila.
Manananghalian na kami ng itext ko ulit si Jeff pero wala na siyang reply. Ang inisip ko ay busy na sa bahay. Pero hapon na ay wala pa rin. Nag-aalala na naman ako kaya sinubukan ko na siyang tawagan pero hindi niya sinasagot.
Biglang nagring phone ko ng bandang 5:30. Nasa room ko lang ako ng mga oras na ‘to.
“Huy Bryan.”
“Jeff, hindi ka na naman nagparamdam kanina. Kinabahan na naman ako eh.”
“Hehe. Basta. Na saan ka ngayon?”
“Dito lang sa room ko. Bakit?”
“Ah wala lang. Hmmm. Nagdadrive kasi ako kanina. Eh ngayon parang naliligaw ako eh.”
“Huh? Saan ka ba dapat pupunta?”
“Hindi ko nga alam eh. Basta dito lang ako napunta.”
“Idescribe mo yung lugar baka alam ko. Nasa Manila ka ba?”
“Napasok ako sa isang subdivision eh. Tapos andito ako ngayon sa tapat ng isang bahay na may green and yellow na gate. May tindahan din sila sa garahe nila. Alam mo ba kung saan ‘to? Parang nasa Cavite ako ngayon eh.”
Kinabahan ako sa sinabi niya. Parang pamilyar sa akin yung lugar na yon. Ang ginawa ko ay pumunta ako sa may terrace namin at sumilip sa labas ng bahay. Nakita ko ang kotse nya na nakaparada sa harap.
“Jeff! Nagpunta ka sa bahay?”
“Haha. Bahay mo ba ‘to? Ay oo nga ‘no. I just followed your directions. Nakalimutan kong papunta nga pala iyon sa inyo,” natatawa nyang sagot.
Tumakbo ako pababa at palabas ng bahay.
Nang nakita niya akong lumabas ng bahay ay bumaba na rin siya ng sasakyan.
“Merry Christmas Bryan ko!!” Mabuti na lang at walang tao sa labas namin, baka kung sino na nakarinig nun. Sina mama naman ay nasa loob lang din ng bahay.
“Bakit ka nagpunta?”
“Ayaw mo ata eh, o sige uwi na lang ako,” malungkot na sabi ni Jeff.
Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. “Uy wag, nagulat lang ako. Buti na lang hindi ka nawala.”
“Gusto lang sana kita makausap eh. Halika pasok tayo sa kotse.”
Pumasok na nga ako ng kotse. Kinakabahan ako. Sa tuwing nasa loob kasi kami ng kotse nya ay kakaiba ang mga nangyayari.
Pagkaupo namin ay may kinuha siya sa back seat at iniabot ito sa akin. Bingyan niya pa ako ng regalo.
“Hala salamat! May regalo din ako sa ‘yo kaso nasa room ko pa. Kunin ko lang,” sabi ko sa kanya.
“Wag na. Mamaya na lang.”
Binuksan ko yung regalo at nagulat ako sa laman. Isang white gold necklace. Alam kong ang mahal nun. Tumingin ako sa kanya na parang nagtataka.
“Yun na nga yung gusto kong pag-usapan natin Bryan. Alam mo naman kung gaano ako kasaya nung nalaman kong mahal mo din ako. Sabi mo wag tayong magmadali. Ok lang naman sa akin iyon. I mean I’m really happy every time na magkasama tayo kasi parang tayo na rin namang dalawa pero hindi lang official.”
Kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin. Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang.
“Bryan, I want to be your boyfriend. Alam ko hindi ka pa handa. Hindi mo pa nararanasan yung ganito. Pero I hope you’ll take your chance on me. I may not be the best man in this world but I know I am the best man for you. I’ll take care of you.”
Yun na nga ba ang sinasabi ko. Hindi naman sa ayokong maging boyfriend siya. Hindi ko lang kasi alam kung kaya namin. Takot lang ako. At mukhang nabasa niya yun sa mukha ko.
“I know you’re scared. Hell, we’re all scared. Pero alam ko, na kapag ikaw ang kasama ko, makakaya natin lahat. I won’t promise a perfect relationship. Alam kong mag-aaway at mag-aaway din tayo, but I’m willing to face that dahil alam kong ikaw ang kasama ko.”
Hindi pa rin ako makapagsalita. Patuloy pa rin na nakatingin sa akin si Jeff.
“Huy ano Bryan, magsalita ka naman. Naiiyak na ako eh,” sabi niya sa akin. At totoo ngang nangingilid na ang mga luha niya sa mata.
Nag-ipon ako ng lakas ng loob at pumili ng mga salitang dapat sabihin. Huminga ako ng malalim.
“Takot talaga ako Jeff. Hindi ako marunong maghandle ng ganitong relationship. Pero tama ka, dapat hindi ako mag-aalala dahil ikaw ang kasama ko,” hinawakan ko ang kamay niya, “Jeff, I also want to be your boyfriend. Pero wag mo ako masyadong paiiyakin ah.” Salamat at nailabas ko na din iyon.
Bigla akong hinila ni Jeff at niyakap. Ang higpit ng yakap niya na talaga namang ikinagaan ng pakiramdam ko. Niyakap ko din siya.
“I love you so much Bryan,” bulong niya.
“I love you so much too Jeff.”
“So tayo na?” tanong niya habang nakayakap sa akin.
“Yes,” sagot ko sa kanya. Lalo pang humigpit ang yakap niya ng narinig niya ang sagot ko.
Nang bumitaw siya sa akin ay bigla niya akong hinalikan. Saglit lang naman at inalis din agad niya ang labi niya sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay namula ako sa ginawa niya. Ngumiti na lamang ako.
“Akin na yung kwintas Bryan, isusuot ko sayo,” sabi ni Jeff.
Iniabot ko sa kanya ang kwintas. Nang nabuksan na niya ang lock ay lumapit siya sa akin upang maabot niya ako. Inilagay niya ang mga kamay niya na akmang yayakapin ako at isinuot na sa akin ang regalo niya. Napakasweet ng ginagawa niya.
“Bagay sa ’yo,” papuri niya.
“Salamat. Lagi ko tong susuotin,” tugon ko.
Bahagya pa niyang tinitigan ang kwintas na soot ko at parang tuwang tuwa siya.
“Pasok ka sa loob, kain ka muna,” paanyaya ko.
“Nakakahiya. Baka andyan parents mo.”
“Wag ka na mahiya. Ako bahala.”
Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok ng bahay. Sina mama at papa ay nasa sala, nanonood ng TV.
“Saan ka galing Bryan?” tanong ni Mama.
“Mama, papa, may papakilala ako sa inyo,” sabi ko sa kanila. Nasa tabi ko lang ng mga sandaling iyon si Jeff na nakayuko. Tumingin ako sa kanya saglit at kinausap na ulit sina mama.
“Si Jeff po. Classmate ko siya sa street dance. Boyfriend ko po siya.” Kinakabahan din ako habang sinasabi yun. Alam na nina mama ang tungkol sa akin. Sinabi ko iyon sa kanila dati dahil wala nga akong tinatagong kahit ano sa kanila. Naintindihan naman nila at ang sabi nila noon ay gusto nilang makilala kung sinuman ang mamahalin ko, kaya ayun, pinakilala ko sa kanila.
“Good evening po Maam, Sir,” mahinang bati ni Jeff na may kasamang pagyuko. Alas sais na nga ng gabi ng mga oras na iyon.
“Good evening din hijo. Kumain ka na ba? Halika sabayan mo na kami,” paanyaya ni Papa. Mabuti na lang at hindi siya nagalit sa akin. Yan ang pinakapinagpapasalamat ko. Tanggap ni Papa kung ano ako. Alam kong nasaktan siya nung nalaman niya pero siguro mahal lang niya talaga ako.
Tumayo na si papa at nag-umpisang maghain. Umupo naman kami ni Jeff sa may sofa.
“Jeff, ilang taon ka na?” Nag-umpisa ng magtanong si mama. Hindi naman ako natatakot dahil alam kong mabait siya.
“19 po,” mahinang tugon ni Jeff.
“Magkasing-edad pala kayo ni Bryan so graduating ka na din?”
“Third year pa lang po. Sa States po kasi ako naghigh school. College lang po kami bumalik dito sa Philippines.” Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon.
“Ah ok. Nakukwento ka na sa amin dati ni Bryan eh. Ikaw daw yung kapair niya sa midterm niyo sa PE. Nahihirapan ka nga daw turuan siya,” nakangiting sabi ni Mama. Alam ko ang ginagawa niya, Sinusubukan niyang iparamdam kay Jeff na tanggap nila.
“Ah hindi naman po. Nakuha din naman po niya agad after three practices,” nakangiti niyang sagot. Hay salamat at nakangiti na din siya.
“Hali na kayo. Kain na tayo,” tawag sa amin ni Papa.
At kumain na nga kami. Nagtanong pa sina mama at papa tungkol kay Jeff, pero hindi naman nila ito tinatakot. Nagkuwento din sila ng konti tungkol sa akin na minsan ay napaphiya pa ako. Si Jeff naman ay mukhang kumportable na dahil nakakapagtanong na siya kina mama ng tungkol sa akin. Masayang masaya ako ng mga panahong iyon.
Pagkatapos naming kumain ay kami na ni Jeff ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin.
Habang naghuhugas ay may sinabi siya sa akin. “Bryan, ginulat mo ako sa ginawa mo. Hindi mo man lang sinabi na ipapakilala mo na agad ako. Mabuti na lang at gwapo ako ngayon,” natatawa niyang sabi.
“Lagi ka namang gwapo, eh. Sabi ko sayo noon diba, malapit ako sa mga magulang ko kaya gusto ko lahat alam nila.”
“Oo nga. Sobrang thank you. Naflatter ako ng sobra dahil ibig sabihin nun proud ka sa akin,” palambing niyang sabi.
“Kahit sino naman ay magiging proud sa iyo.”
Matapos namin maghugas ay pinaupo ko muna siya sa sala. Nagkukwentuhan na sila ni Mama. Si Papa naman ay nagbantay ng tindahan. Kinuha ko naman sa taas ang regalo ko sa kanya.
Nagpaalam ako kina mama at papa na may pupuntahan lang kami saglit at babalik din agad. Nagpaalam na rin si Jeff at nagpasalamat. Pumasok na siya sa loob ng kotse. Habang si papa ay kinausap pa ako saglit.
“Bryan, hindi ako tutol sa pinasok mo. Oo masakit sa akin pero kung dyan ka masaya, tanggap ko na. Ang ayoko lang talaga ay yung masaktan ka. Sigurado ka ba dyan sa pinapasok mo?” Bakas ko kay Papa ang bahagyang pagkalungkot.
Niyakap ko na lang siya. “Papa, mahal ko siya. Mahal din niya ako. Kaya ko na po ito.”
“O siya sige. Sayang kasi kayong dalawa. Pareho pa naman akyong may itsura. Sayang mga lahi niyo,” pagbibiro ni Papa. Natawa ako sa sinabi niya. Pero kahit nagbibiro siya, alam kong nasasaktan siya. Gustuhin ko mang humingi ng tawad, hindi ko nakikitang kasalanan itong ginagawa ko.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa kotse.
Umikot-ikot lang kami sa subdivision. Hawak hawak ni Jeff ang kamay ko habang siya ay nagmamaneho. Huminto kami sa tapat ng chapel.
“Aalagaan kita Bryan.”
“Aalagaan din kita.”
“Paano kapag nagtanong ang mga kaibigan mo?”
“Sasabihin ko sa kanila na boyfriend na kita. Pero pakiramdam ko, kailangan kong kausapin ng masinsinan si Mike tungkol dito.”
“Nakausap mo na ba siya?”
“Hindi pa nga, eh. Binati ko siya kanina pero hindi siya sumagot. Sinubukan ko siyang tawagan pero wala din. Nag-aalala na nga ako. Pakiramdam ko galit siya sa akin.”
“Bakit naman siya magagalit sa iyo? Wala ka namang ginawang masama sa kanya.”
“Hindi ko alam. Hay, bahala na. Uy gabi na, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?”
“Hindi naman ako hahanapin dun. Pero sige uuwi na rin ako. Medyo napagod ako sa kakaluto kagabi eh. Kulang pa ako sa pahinga,” pangiting sabi ni Jeff.
“O sige magpahinga ka na.”
Hinatid ako ni Jeff sa bahay at nagpaalam na siya sa mga magulang ko.
“Mag-ingat ka sa pagmamaneho ah. Bawal antukin. Text mo ako pag nakauwi ka na. Oo nga pala may ito yung regalo ko sa’yo. Medyo nahihiya na nga akong ibigay yan dahil ang ganda ng regalo mo sa akin,” sabi ko sa kanya sabay abot ng regalo.
“Ano ka ba, bakit ka mahihiya?’ Binuksan na ni Jeff yung regalo. Binigyan ko siya ng libro, The Tao of Pooh. Yun kasi yung unang book na nagustuhan ko talaga.
“Wow thank you Bryan. Ayan may mababasa na ko. Matagal ko ng gusto magbasa kaso hindi ko naman alam kung ano maganda basahin.”
“Sorry yan lang nabili ko, ah”
“Ano ka ba? Gusto ko nga eh. Thank you talaga.” Muli akong niyakap ni Jeff.
“O siya umuwi ka na para makapagpahinga ka na.”
“Sige Bryan. I love you.”
“I love you so much Jeff. Bye. Ingat ka.”
Sinara na niya ang kotse at umalis. Pumasok ako ng bahay at nadatnan ko sina mama na nasa sala.
“Sigurado ka ba sa pinapasok mo anak?” tanong ni mama.
“Opo ma. Sana po maunwaan niyo ako.”
“Tanggap naman namin anak. Basta ayaw lang namin na may inililihim ka sa amin. O siya sige magpahinga ka na sa taas,” sabi ni mama.
Umakyat na ako at naglinis ng katawan. Nakahiga na ako at hinihintay ang text ni Jeff. Makalipas ang mahigit isang oras ay tumawag siya.
“Dito na ako sa bahay Bryan.”
“O sige magpahinga ka na. Nakahiga na ako eh,” sabi ko sabay tawa.
“O sige. Good night. Sweet dreams. I love you.”
“Good night. Sweet dreams. I love you, too.”
Pagkagising ko kinaumagahan ay may nareceive akong text kay Mike.
Mike: Kita tayo ngayon.
Ako: Saan? Baka hindi ako payagan.
Mike: Puntahan kita sa inyo.
Ako: Teka lang. Text kita kung pwede ako.
Mike: Please.
Tinext ko muna si Jeff para magpaalam.
Ako: Good morning Jeff. Nagtext si Mike.
Jeff: Good morning. Ano sabi?
Ako: Gusto makipagkita sa akin. Punta daw siya dito sa bahay. Ok lang ba sa ‘yo?
Jeff: Ano ba pag-uusapan niyo?
Ako: Wala din akong idea eh.
Jeff: Ikaw bahala kung makikipagkita ka. I trust you Bryan.
Ako: Sige makipagkita na lang ako para masabi ko na rin sa kanya yung tungkol sa atin.
Jeff: Ok. I love you.
Ako: I love you, too.
Tinext ko na ulit si Mike para sabihin na makipagkita na lang ako sa kanya. Ayoko naman na may dalawang lalaki na pupunta sa bahay namin ng magkasunod na araw. Kahit papano ay nahihiya din ako kina mama at papa. Sinabi ko kay Mike na doon na lang sa mall na malapit samin kami magkita.
Nahuli ako ng limang minuto sa tinakda naming oras. Pagpunta sa lugar na pagkikitaan namin, andun na si Mike, nakaporma. Ngayon ko lang ulit siya magbihis ng ganun. Ang gwapo niya sa suot niya kaya hindi na ko nagtataka na marami ang napapatingin sa kanya pag dinadaanan siya.
“Mike sorry nalate ako. Merry Christmas,” bati ko sa kanya.
“Merry Christmas din Bry. Ito o, may regalo ako sa ‘yo.” Inabot sa akin ni Mike yung box na hawak niya. Ng binuksan ko ito ay nakita ko ang isang Powercard sa Timezone. Hindi ko naunawaan kung bakit yun ang regalo niya sa akin.
“Matagal ko ng ginagamit yan pag naglalaro ako. May 1,400 e-tickets na yan. Marerescue mo na yung action figure ni Woody.”
Naalala pa pala niya. Favorite ko kasi yung Toy Story na movie at yung character ni Woody ang pinakagusto ko. Sobrang natuwa ako nung makakita ako ng toy Woody sa mga toy store pero di ko mabili dahil wala akong pera hanggang sa naubos na sila. Nakita ko na lang ulit siya sa isang redemption booth ng Timezone.
“Salamat. Ang laki siguro ng nagastos mo dito. Tuwing kelan ka naglalaro? Hindi naman ito yung ginagamit natin nina Alvin pag naglalaro tayo ah.”
“Weekends ako naglalaro. Sinasama ko mga younger cousins ko para may katulong ako sa pagcollect ng tickets.”
“Oh ok. Salamat talaga Mike. Sorry wala akong gift sa’yo.”
“Ok lang yun. Bry, kaya ako nakipagkita dahil may gusto ako sabihin sayo.”
“Ano yun? Actually ako din may sasabihin,” tugon ko kay Mike.
“Ayokong nakikita kayo magkasama ni Jeff.”
“Bakit? Hindi na pwede yun Mike.”
“Bakit hindi na pwede? Magkaibigan lang naman kayo ah. Di ba dati grabe galit mo sa kanya?”
“Noon yun Mike. Mike kami na ni Jeff at alam yun ng mga magulang namin. Bestfriend kita at gusto ko, magkasundo kayo ni Jeff,” mahina kong tugon kay Mike.
Hindi nagsalita si Mike. Para siyang nanigas sa kinauupuan niya.
“Kelan pa Bry?”
“Kahapon lang.”
Matapos ng pagkikita naming iyon ni Mike ay hindi na siya nagparamdam sa akin sa buong Christmas vacation. Tinetext ko siya at tinatawagan pero hindi talaga niya ako sinasagot. Marahil ay masama ang loob niya sa akin pero hindi ganoon kalinaw sa akin kung ano ang dahilan.
Naging masaya para sa amin ni Jeff ang Christmas vacation. Madalas siyang pumunta sa bahay. Dun lang kami nagpapalipas ng oras, nanonood ng pelikula o di kaya ay tinuturuan akong magluto. Nandoon palagi si mama. Nung una ay hindi niya masyado pinapansin si Jeff pero nung napadalas na si Jeff sa bahay ay unti-unti na niya itong kinakausap. Minsan nga sinabi sa akin ni mama na mukha naman daw okay si Jeff. Siyempre todo bida naman ako sa kanya.
Si papa naman ay bihira lang maabutan si Jeff sa bahay pero nung minsang maabutan niya ito ay naging mabait naman ang pakikitungo niya. Kinain pa nga niya yung niluto naming ulam.
Pasukan na naman. Ito na yung panahong sobrang mapapagod ako dahil tatapusin ko na ang aking thesis.
“Uy Bry, Happy New Year! Nasaan na regalo ko?” Umagang umaga si Alvin agad ang sumalubong sa akin. Wala akong naihandang regalo para sa kanila. Dati rati naman kasi ay hindi kami nagbibigayan ng regalo. Pero nakita ko siya na may hawak hawak na regalo.
“Hay naku, ang kuripot mo naman Bry. O eto, buti pa ako galante at nagbibigay ng regalo.” Iniabot sa akin ni Alvin ang hawak hawak nyang regalo. Nang nang binuksan ko ito ay nakita ko ang keychain na may nakalagay na Singapore. Mukhang nagbakasyon sila ng pamilya niya doon.
“Salamat Alvin. Mukhang masaya bakasyon mo ah,” sabiko sa kanya.
“Aba o-” naputol sa pagsasalita si Alvin dahil bigla niyang nilapitan si Mike na noon ay kapapasok lang sa room namin.
“Happy New Year Mike! I have a gift for you!” Mukhang super excited si Alvin na makita itong si Mike ah. Sabagay ganun naman talaga siya sa aming lahat.
“Salamat Alvin,” mahinang sagot ni Mike. Nagulat ako ng hindi siya umupo sa tabi namin. Pumunta siya sa bandang likod ng classroom. Sinundan siya ni Alvin. Kinuha niya ang gamit niya sa tabi ko at sinabing dun na lang sa tabi ni Mike siya uupo. Inaya din niya ako lumipat. Tinignan ko si Mike. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Halata kong malungkot siya. Nahiya akong lumapit sa kanya kaya nagpaiwan na lang ako.
Wala pa rin yung prof namin kaya ang ginawa ko na lang ay nakinig ako sa MP3 player ko nang nagtext si Jeff.
Jeff: Bryan, nasa school ka na? Mamaya pang 1pm yung class ko kaya andito muna ako sa dance studio, practice kami ng orgmates ko.
Ako: Yup. Nandito na ko sa room pero wala pa prof namin. Ang aga niyo naman magpractice. May dala ka bang extra shirt?
Jeff: May dala ako sa kotse. Kita tayo ng lunch? Nagluto ako.
Ako: Sure. Puntahan na lang kita sa studio?
Jeff: Ok. See you later. I love you.
Ako: I love you.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang department secretary namin at sinabing hindi na dadating ang prof namin. Nagkaayaan na pumunta daw sa Tri Noma dahil 1 pm pa naman next class namin lahat. Nagsabi akong hindi sasama dahil may importanteng pupuntahan.
Nilapitan ako ni Mike. “Ano yang pupuntahan mo Bry?”
“Alam mo na yun Mike,” tugon ko.
Hindi na sumagot si Mike at inaya na lang sina Alvin na umalis na.
Pumunta na ko sa gym kung saan andun ang dance studio. Nahiya akong pumasok dahil nagpapractice sila nang dumating ako at hindi ko naman talaga nakakasalamuha mga kasama nya sa org. Nakita niya ata ako dahil sa salamin na nakapalibot sa kwarto kaya nilapitan niya ako.
“Bakit andito ka na? Wala ka na bang class?”
“Hindi dumating prof namin eh. Punta na lang muna ako sa lib. Mukhang hindi pa kayo tapos magpractice,” tugon ko.
“Ano ka ba, andito ka na eh. Manood ka na lang ng practice namin.” Hinawakan ni Jeff yung kamay ko at hinila papasok ng studio. Medyo nahiya ako sa mga orgmates niya dahil nakita nila kaming naghihilahan.
“Guys, si Bryan nga pala. Manonood lang siya sa atin ah.” Nagulat ako sa ginawa ni Jeff. Mabuti na lang ay hindi niya sinabi na kami dahil hindi pa ko handa na may ibang makaalam sa school.
“Sure captain,” tugon ng isa nyang kasamahan.
“Captain?” tanong ko kay Jeff.
“Ako kasi yung dance captain nila. Parang head ganun. Sorry hindi ko nasabi agad sayo. Hindi lang kasi natin masyado napag-uusapab eh.”
“Wow ikaw pala pinakamagaling sumayaw dito.”
“Naman,” sabay ngiti ni Jeff na parang nagpapacute na naman. Wala na kong nagawa kundi ngitian na lang din siya. Pinaupo nya ko sa isang tabi. Walang upuan sa room na yun dahil nga dance studio yun kay asa sahig na lang ako umupo.
Nagpractice na ulit sila. Ang galing talaga nilang lahat. Pero siyempre si Jeff pa rin ang pinakamagaling. Pinapractice pala nila yung routine nila para sa sasalihan nilang contest sa susunod na buwan. Habang nagsasayaw si Jeff ay tumitingin siya sa akin pag minsan. Nangingiti na lang ako sa kanya. Ang swerte ko sa kanya.
Mga isang oras pa sila nagpractice. 11 am na din pala. Ng matapos sila ay inaya na ako ni Jeff umalis. Pumunta muna kami sa kotse niya. Pumasok kami sa loob. Nagpalit siya ng damit. Hindi ko sinasadyang mapatitig sa kanya.
“O titig na titig ka ah. Gusto mo?” Nang-aasar si Jeff! Mukhang inaakit ako!
“Ano ka ba, nasa school tayo. Tumigil ka nga dyan.” Namula ako sa pangyayari. Kahit na alam kong ok lang naman dahil kami na, pero hindi kasi ako sanay.
“Joke lang. Napipikon ka naman eh. Pero sagutin mo muna tanong ko, gusto mo nga?”
“Ay akala ko pa naman.”
“Jeff naman eh. Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang ako sanay.”
“Alam ko. Niloloko lang kita. I’m sorry if I offended you.” Hinawakan ni Jeff ang kamay ko.
“Ok lang. Hindi lang talaga ako sanay.”
Sinuot na ni Jeff yung dala niyang extra shirt. Tapos ay may kinuha siya sa may likod ng kotse niya.
“Nagluto ako ng lasagna kaninang umaga. Mga 4am kasi ako nagising kaya ayun, napagtripan kong magluto. Ok lang ba kung ito na lang lunch natin?”
“Oo naman. For sure masarap yan. Ikaw nagluto eh,” lambing ko kay Jeff. Nilabas na rin niya yung mga utensils.
Habang kumakain ay nag-usap kami ni Jeff tungol sa kung anu-ano lang hanggang sa mapag-usapan namin si Mike.
“Matagal na to nangyari pero hindi ko tinatanong sa ‘yo dahil alam kong sensitive issue to, pero ano yung nangyari sa inyo ni Mike nung mag-usap kayo nung bakasyon?”
“Sorry hindi ko nasabi sayo. Ayun nasabi ko na sa kanya na tayo. Mukhang hindi siya masaya sa nangyaring yun. After nun, hindi niya na ako masyado kinakausap.”
“Galit pa rin ba siya sa akin?”
“Hindi ko nga alam kung bakit siya ganun. Hindi naman niya sinasabi sa kin yung dahilan.”
“Baka naman may gusto sayo si Mike.”
“Ano ka ba Jeff. Bestfriends lang kami nun. Imposible yan,” sagot ko. Hindi ko talaga naisip yung mga bagay nay un.
“Baka naman sa akin siya may gusto,” patawang sabi ni Jeff.
“Feeler ka ah. Hahaha. Kumain na nga lang tayo.”
Naubos agad namin yung dala niyang lasagna. Matakaw kasi talaga kami. Matapos namin kumain ay inihatid na niya ko sa building namin. Malapit na kasi mag 1pm nun at pareho na kaming may class.
“Hintayin na lang kita dito later,” sabi sa akin ni Jeff.
“O sige. Baka mag-aya lumabas sina Alvin, sama tayo ah.”
“Are you sure it’s fine? Baka makahalata sila and diba kasama niyo si Mike?”
“Ok lang yan Jeff. Pag nakahalata e di aminin natin. Mga kaibigan ko naman yung mga yun. I’m sure they’ll understand.”
“Pero diba ayaw mong may ibang makaalam?”
“Ayokong may ibang tao na hindi naman close sa atin na makaalam. Pero I think it’s about time na malaman ng friends natin yung tungkol sa atin para naman we can move and act freely. Ayoko din kasi na pinipigilan mo sarili mo kapag gigil na gigil ka na sakin,” patawa kong sabi.
“So feeling mo madalas ako manggigil sayo? Actually yes. And thank you for thinking about me. I really appreciate it.”
“O sige papasok na ko para makaalis ka na. Baka malate ka pa eh.”
Bago ako lumabas ng kotse ay hinalikan niya ako sa labi. Para nanaman akong batang unang nakaranas na mahalikan ng ginawa niya iyon. Ang sarap sa pakiramdam.
Magmula ng araw na iyon, lagi ng masasaya ang araw namin ni Jeff. Paminsan-minsan ay nag-aaway din kami tungkol sa iba’t ibang bagay, pero hindi pa kami nag-aaway ng talagang seryoso. Medyo naging malungkot lang ng malapit na ang aking graduation dahil akala niya ay bihira na kami magkikita. Ngunit nawala naman agad ang pag-aalala niyang iyon ng malaman niyang pinayagan ako nina mama at papa na kukuha ng apartment na malapit sa papasukan kong advertising agency na nasa parehong lungsod lang din ng eskuwelahan namin.
Ngunit may isang bagay pa palang makakapagpalungkot sa amin.

No comments:

Post a Comment