Wednesday, August 22, 2012

SI UTOL ANG CHATMATE KO - Part 23

“Ok naman tol. Ikaw?” sagot na text ni kuya kay Zach.

“Ok naman. Punta ka sa resort mamaya?” text uli ni Zach.

“Sorry tol... hindi na ako puwede”

“Ha? Bakit?”

“Tapusin na natin ang lahat ng ito tol... Ayoko na.”

“Ha? A-anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan?”

“Ang relasyon natin, tapusin na natin”

“Huwag ka namang magbiro ng ganyan tol... Hindi magandang biro iyan.”

“Hindi ako nagbibiro Zach”

May dalawang minuto siguro bago nagtext uli si Zach. “Ewan ko ba kung anong klaseng visrus ang pumasok d’yan sa utak mo. Pero kailangang pag-usapan natin iyan.” Ang text niya noong makasagot na.

“Wala namang problema sa iyo, tol. Ako ang may problema. At di na kailangang mag-usap pa tayo. Basta, ayoko na. Magkaibigan na lang tayo.”

“Hindi pwede ang ganyan-ganyan na lang, tol. Hindi ganyan kadali ito para sa akin. Pupuntahan kita d’yan ngayon na!”

Tumingin si kuya sa akin, ang mga mata ay mistulang nagtatanong kung ano ang dapat niyang gawin.

“P-papuntahin mo siya dito kuya. Ok lang sa akin. Tutal, huling pagkikita niyo na ito. At huwag mo siyang awayin upang hindi magwala. Kung maaari ay dapat maganda ang hiwalayan ninyo para hindi siya manggulo o magtanim ng galit. I-explain mong maigi, dahan-dahan...” ang nasabi ko na lang. “At sa kuwarto mo pa rin kuya upang marinig ko ang mga usapan ninyo.”

Ewan ko rin kung bakit iyon ang nasabi kong payo. Marahil ay naramdaman ko rin na kung iyon ay mangyari din sa akin, masakit talaga ito. Kaya nasabi ko iyon upang huwag masyadong masaktan ang kanyang damdamin. May gumapang na awa sa aking puso para sa kalagayan ni Zach.

Sumang-ayon naman si kuya sa sinabi ko.

Wala pang limang segundo ay nag-ring na ang cp ni kuya. Si Zach. Agad niyang pinindot ang speaker upang marinig ko ang pag-uusap nila.

“Tol... bakit naman ganoon? Ano bang kasalanan ko sa iyo?” ang panunumbat ni Zach na hindi na nakatiis sa pagtext-text lang.

“Eh... sige tol, punta ka na lang dito sa bahay. Payag na akong pumunta ka dito, at sa kwarto ko pa rin tayo mag-usap.” Sambit ni kuya, hindi na sinagot ang tanong na iyon ni Zach.

Mahigit isang oras lang at nakarating na si Zach sa bahay namin. Dahil ayaw kung gumawa ng eksena, pumasok kaagad ako sa kwarto ko noong marinig ang tunog ng motor ni Zach.

Kagaya noong dati, dumeretso kaagad ang dalawa sa kuwarto ni kuya. Noong makapasok na sila sa loob, lumantad kaagad sa screen ng laptop ko ang eksena nila.

Pansin ko ang malungkot na mukha ni Zach. Deretso siyang naupo sa gilid ng kama habang si kuya naman ay naupo sa isang silya paharap sa kanya.

“Ano ba ang problema tol?” tanong kaagad ni Zach, ang mukha ay mistulang nagmamakaawa.

Napakamot sa ulo si kuya, “Ano kasi tol... gusto kong tumiwalag muna. Gusto kong dumestansya, mag cool off... Basta, gusto kong huwag munang makipagrelasyon.”

“Bakit naman? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?”

“W-wala tol. Wala...”

“Kung ganoon, bakit? Alam ko namang kulang ang pagmamahal mo sa akin e. Naintindihan ko iyon at wala sa akin iyon. Pero ang usapan natin ay hayaan mo munang turuan kitang mahalin ako at i-enjoy lang natin ang lahat, diba? Bigyan mo pa ako ng panahon tol...”

Natahimik si kuya.

“M-may iba ka na bang mahal?” tanong uli ni Zach.

“W-wala! Wala! Gusto ko lang talagang maging libre. Ma-experience ang buhay walang karelasyon; na may sariling space, libre sa lahat ng panahon, sa lahat ng bagay. Iyan ang gusto ko, tol. S-sana ay i-respeto mo ang desisyon kong iyan. At sana din ay hindi mo na gamitin ang tape upang sirain ang pagkatao ko, upang sirain ang pamilya ko.”

Natahimik ng sandali si Zach, halatng hindi makapaniwala sa desisyong binitiwan ni kuya. “Hindi ko naman talaga kayang gawin ang siraan ka e. Alam mo iyan. Noon pa man ay alam mong hindi ko kayang sirain ka. Mahal kita tol... mahal na mahal. Tinakot lang kita sa tape dahil... dahil ayaw kong mawala ka sa akin. Kung iyan lang ang dahilan kaya ka kakalas sa relasyon natin, kalimutan mo na ang tape. Huwag lang tayong maghiwalay, please?”

“S-sorry tol. Final na ang desisyon ko.”

Binitiwan ni Zach ang isang malalim na buntong-hininga. “Ansakit naman...” ang tugon ni Zach. “Alam mo namang hindi ko kagustuhan ang lahat ng ito, tol, diba? Hindi ko alam kung bakit nadevelop ako sa iyo ng ganito... Pilit kong nilabanan ang sarili ko, pilit kong itinanggi ang naramdaman ko, pilit kong isiniksik sa aking utak na lalaki ako. Ngunit hindi ko kayang burahin ka sa aking isip at hindi ko alam kung bakit. Para akong mababaliw tol. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin pa upang mabura ka ditto sa puso ko. Sana ay... huwag mo namang dagdagan ang paghihrap ng aking kalooban. Sana ay huwag mo akong hiwalayan. Nagmamakaawa ako sa iyo tol...” sagot ni Zach, ang boses ay nag-crack at kitang-kita ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

“G-gusto ko kasing magkaroon ng babaeng karelasyon tol eh...” ang pag-aalibi ni kuya.

“Bakit? P-puwede ka namang mag-girlfriend kahit nand’yan tayo sa isang relasyon e. Itago lang natin, walang problema sa akin. Hindi ako maging hadlang kung magkaroon ka ng girlfriend. Kahit ako, gusto ko ring magkaroon ng girlfriend... Dahil gusto na ng daddy na makitang may girlfriend na ako.”

“Basta tol... pagbigyan mo na lang ako sa hiling ko sa iyo please... Ayoko munang ipagpatuloy ang ganito. Sana maintindihan mo ako tol.” At lumapit na si kuya kay Zach, umupo sa sahig sa harap mismo ng gilid ng kama kung saan si Zach nakaupo. Inangat ni kuya ang ulo niya kay Zach, inabot ang kamay nito, hinawakan at hinalikan. “Tol please... intindihin mo ako.” dugtong niya na ang mga mata ay nagmamakaawa.

At doon ko na nakita ang mga luhang dumaloy mula sa mga mata ni Zach. “Bakit ako? Hindi mo ba ako puwedeng intindihin? Hindi ka ba naaawa sa akin? Hindi mo ba nakita ang pagsasakripisyo ko? Ang paghihirap ko? Ang pagsuway ko sa kagustuhan ng daddy ko? Masakit ang gusto mong mangyari tol... alam mo ba iyon?” at tumalikod na siya kay kuya, humagulgol na parang isang bata.

Kitang-kita kong natulala si kuya sa reaksyon na iyon ni Zach, marahil ay inexpect niya na magmatigas si Zach, maging bayolente, at igiit pa rin ang video tape na panakot niya kay kuya. Ako man ay nabigla din, hindi makapaniwalang sa ipinakitang pagka-kontrabida niya, pananakot, pang-aasar sa akin, may malambot din palang parte ang puso niya. At iyon ang ipinadama niya kay kuya sa pagkakataong iyon.

Ewan, hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili sa nakitang paghihinigpis ng kalooban ni Zach. Para akong nanood ng isang teleseryeng nakakaantig ng damdamain kung saan tumagos sa aking puso ang sakit na naramdaman ng mga tauhan nito. Naawa ako kay Zach. Naawa ako kay kuya. At higit sa lahat, may naramdaman akong awa na gumapang sa aking buong katauhan para sa aking sarili.

Hindi ko tuloy maiwasang sumagi sa isip na tanggaping may karapatan din si Zach kay kuya. Hindi ko rin maiwasang magtanong sa sarili kung talagang tama bang sa akin mapupunta si kuya; o kung nababagay bang kami ni kuya ang magkatuluyan sa kabila ng ipinakitang matinding pagmamahal ni Zach sa kanya, na handang gawin ang lahat para kay kuya. Parang may isang sibat na tumagos sa aking puso sa tanong ng aking isip; sa isang masakit na katotohanang hindi kami nababagay ni kuya dahil sa katayuan namin bilang magkapatid, at hindi ako karapat-dapat sa kanyang pagmamahal dahil may isang taong mas higit pa yatang nagmamahal sa kanya kaysa pagmamahal ko para sa kuya ko. Parang nakonsyensya ako. Parang may kung anong malalim na nag-udyok sa isip ko na ibigay na lang siya kay Zach. Lalo na na may sumagi sa isip kong inggit sa kanilang dalawa: bagay na bagay sila sa isa’t-isa, parehong mga guwapo, mga hunk, mga mestiso, parehong sports ang gusto, parehong hinahabol ng mga babae. Kumbaga kung sa damit, terno silang dalawa, tailor-made na ginawa ng tadhana para sa isa’t-isa.

Parang may narinig akong bumulong sa aking isip na katukin angkuwarto ni kuya at sabihin na lang sa kanya na huwag na niyang talikuran pa si Zach; na matanggap ko ang lahat, na kaya kong tiisin ang sakit na dulot nito dahil sa hindi nga kami pwede at sayang naman ang pagmamahal ni Zach sa kanya. Kasi, magkapatid nga kami samantalang sila ni Zach, walang hadlang na pwedeng pumigil sa kanila...

Sa eksenang iyon, hindi ko namalayan na dumaloy na pala ang mga luha sa pisngi ko.

“H-huwag ka namang ganyan tol... Intindihin mo naman ang kalagayan ko. O...” ang narinig kong sambit ni kuya kay Zach habang pinagmasdan niya itong nagpapahid ng luha.

“Naintindihan kita tol... Gusto mong kumalas sa relasyon natin dahil hindi mo ako mahal. Alam ko naman iyan e. Noon pa. Kaso, ang sakit pala kapag hahantong na ang lahat sa hiwalayan. Ngayon ko lang narealize kung gaano kasakit ang lahat. Akala ko kasi dati, kaya ko pa. Pero ansakit pala...” Ang sagot ni Zach na nanatiling nakatalikod kay kuya at umiiyak.

“Halika nga rito!” ang sabi ni kuya. Tumayo siya, inabot muli ang kamay ni Zach at pilit na hinila ito patungo sa sahig kung saan siya umupo.

Napaupo si Zach sa tabi ni kuya atsaka niyakap siya nito. Mahigpit silang nagyakapan, mistulang ayaw nilang bitawan ang isa’t-isa. Sa anyo nilang dalawa ay para silang mga magsing-irog na nag-uumapaw ang pagmamahalan sa isa’t-isa.

Ewan, baka naalipin lang ang aking pag-iisip sa sa sobrang pagseselos, kaya ganoon ang takbo ng interpretasyon ng aking imahinasyon sa nasaksihang anyo nilang dalawa.

Pagkatapos yakapin ni kuya si Zach, hinawakan ng dalawa niyang kamay ang ulo nito. Tinitigan niya ang kanyang mukha, ang mga mata ni kuya ay mistulang nangungusap. “Sabihin mo sa akin tol... na maluwag sa iyong kalooban ang paghihiwalay nating ito.”

Tumango si Zach.

“Promise tol... hindi mo na ako kukulitin, na hindi mo ako sisirain...?”

Tumango uli si Zach bagamat nanatiling nakayuko na parang pilit na nagpakatatag; pilit na nilabanang huwag makita ni kuya ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“S-salamat, tol...” ang sambit ni kuya na parang nabunutan ng tinik.

At habang nasa ganoong posisyong hawak-hawak ng mga kamay niya ang ulo ni Zach, kitang-kita kong hindi rin napigilan ni Zach ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi. Tuloy-tuloy. Mistulang munting talon ang kanyang mga mata.

Iyon lang. At ang sunod kong nasaksihan ay ang unti-unti ding paglapit ng mukha ni kuya sa mukha ni Zach habang nanatiling nakatutok ang mga mata niya dito.

Hanggang sa tuluyang naglapat ang kanilang mga labi.

Naghalikan sila na parang sarili nila ang mundo; na parang sabik na sabik sila sa isa’t-isa; na parang magugunaw na ang mundo at iyon na ang pinakahuli nilang paghahalikan...

Parang paulit-ulit na sinaksak ang aking puso sa nasaksihan. Sobrang sakit ang aking naramdaman na mistulang hindi ko na kakayanin pa ang patuloy na panonood sa kanilang ginawa.

Ngunit may parte pa rin ng aking puso na nagpumilit magpakatatag. Isiniksik ko sa isip na maaaring nagawa lang ni kuya ang paghalik kay Zach dahil sa matinding awa niya sa huli. Nilawakan ko ang aking pag-iisip at inintindi na may kahapon din sila; na matagal-tagal din silang nagsama ng patago. At sa mga sandaling nasa piling ni Zach si kuya, naging masaya din naman siguro ang kuya ko kahit papaano lalo na halos sa lahat ng bagay ay pareho sila ng gusto at hindi gusto. Alam ko, hindi basta-basta mabura iyon sa isip ni kuya.

Pagkatapos nilang maghalikan, nanatili silang magkayakap, ang mukha ni Zach ay nakikita sa camera samantalang ang kay kuya ay natakpan ng ulo ni Zach. Hindi ko lang alam kung sinadya niyang itago ang mukha niya.

Habang nasa ganoon silang posisyon, pansin ko pa rin ang patuloy na pagdaloy ng luha sa pisngi ni Zach. Ang eksenang iyon ay umantig sa aking puso. Mistula silang dalawang basang-sisiw na inabandona. Para silang magsing-irog na itinakwil ng sangkatauhan, pinagtaksilan ng panahon, at pinagkaitan ng tadhana...

Laking pagkamangha ko sa nakita kong iyon. Ibang-iba ito kaysa una kong nasaksihan sa kanilang pagniniig kung saan bakas sa mga mata ni kuya ang saya dulot ng tagumpay sa mga ipinapagawa niyang kababuyan kay Zach; kung saan ibinandera pa niya ang kanyang nakangising-asong mukha sa camera.

Ngunit sa pagkakatong iyon, tila isang mapagkumbabang tupa ang anyo ni kuya na naalipin ng awa kay Zach. Halos itatago na lang nito ang sarili niya sa camera, mistulang ikinahihiya.

Nasa ganoon akong pagmamasid noong mapansin kong mistulang umiiyak din si kuya gawa ng pag-angat ng kamay niya na parang pinahid ang kanyang pisngi. Ewan hindi lang din ako sigurado kasi, natakpan nga ang mukha niya sa camera...

Maya-maya, kumalas si Zach sa pagkakayakap ni kuya at nagsalita, “P-pwede ba...? Kahit sa huling pagkakataon?” sambit ni Zach.

Walang pagdadalawang-isip na tumango si kuya.

At muling naglapat ang kanilang mga labi. Hinawakan ni Zach ang dulo ng t-shirt ni kuya upang hubarin ito. Itinaas naman ni kuya ang kanyang mga kamay. At tuluyang hinila pataas ni Zach ang damit ni kuya hanggang lumantad ang hubad na pang-itaas na katawan ni kuya.

Pagkatapos, dali-daling siniil uli ni Zach ng halik ang mga labi ni kuya habang ang dalawa niyang kamay ay abala sa pagtanggal sa butones ng pantalon ni kuya.

Tinugon naman ni kuya ang halik ni Zach at hinawakan pa nito ang kanyang ulo upang mai-lock ang mga labi niya sa labi ng huli. Habang nasa ganoon silang paghahalikan, naibaba ni Zach ang zipper ng pantalon ni kuya. Agad niyang hinila ito, kasama ang brief ni kuya samanatalang si kuya naman ay bahagyang itinaas ang kanyang balakang upang tuluyang mahila ni Zach ang kanyang pantalon.

Noong hubot-hubad na si kuya, tumayo si Zach at hinila si kuya upang mahigang patihaya ang pang-itaas niyang katawan habang ang dalawang paa ay nakatukod sa sahig sa gilid ng kama.

Dinaganan siya ni Zach at pinaliguan ng halik ang buo niyang katawan...

Kung ibang tao lang akong nanood sa eksenang iyon, masasabi kong isa ito sa pinaka-magandang eksena ng kalibugan.

Ngunit sobrang napakasakit para sa akin ang eksenang iyon na hindi ko lubos maisalarawan ang tindi nito. Kitang-kita ng aking mga mata kung gaano nagpaubaya si kuya sa ginawang pagpapasasa ni Zach sa kanyang katawan. Ramdam ko ang matinding pagdurugo ng aking puso.

At tuluyan nang bumigay ang aking puso. Hindi ko na nakayanan pa ang nasaksihan sa kanilang ginagawa. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at umalis ng bahay na hindi nagpaalam at hindi alam kung saan patungo, naglalakad hanggang sa maabot ko ang plaza at umupo sa seawall paharap sa dagat.

Pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako sa mundo at sobrang napakabigat ng aking dinadala. Parang bumabalik-balik ang naramdaman ko noong pinagtaksilan ako ni Zach habang magkasintahan pa kami. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isip. Parang gusto ko nang mag give-up sa buhay sa pagkakataong iyon. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ko dinaranas ang ganoong klaseng sakit at ganoong klaseng karanasan. Parang gusto ko na talagang i-give up si kuya. Parang ang mensahe sa akin ng mga kaganapan ay pareho lahat: ang ipaubaya na lang si kuya sa piling ni Zach.

Kasi, una, magkapatid kami. D’yan pa lang ay napakalaking balakid na nito. Paano namin paninindigan ang lahat? Paano namin harapin ang galit ng aming mga magulang, ang pangungutya ng mga tao? Kagaya niyan, halimbawang nasa gitna kami ng maraming tao, kaya ba ni kuyang yakapin ako? Kaya ba niyang halikan ako? Suigurado ako, hindi. Kasi, bawal. Kasi, natatakot siya. Kasi, nahihiya siya at hindi niya kayang panindigan ang lahat. Kapag nakakakita nga ako ng mga magsing-irog na naghahalikan sa maraming tao, na parang proud na proud pa sila sa kanilang mga kasintahan, naiinggit ako, naitatanong sa sarili kung bakit iba ang pagmamahaan namin... Minsan din tuloy di ko maiwasng mangarap na sana ay hahalikan din ako ni kuya sa gitna ng maraming tao. Siguro, kapag nagawa niya iyon sa akin, masasabi kong talagang mahal niya ako. Pero syempre, imposibleng mangyari iyon...

Pangalawa, mahal na mahal siya ni Zach. At hindi lang iyan, bagay na bagay pa silang dalawa. Parehong mga guwapo, matangkad, hunk... samantalang ako ay... isang immature pa. Parang isa lang akong panggulo sa kanila, isang kontrabida o sampid na walang karapatang umangkin sa pag-ibig ni kuya. Pakiramdam ko ay isa akong outcast, isang trying hard...

At ang pangatlo na sa sandaling iyon ko lang napagtanto ay ang posibilidad na maaaring... may naramdaman din si kuya para kay Zach base sa aking nasaksihan sa kanilang ginawa sa kuwarto..

Ansakit... parang hindi ko kaya, lalo na sa pagkakataong iyon na habang nag-iisa sa ako sa seawall na iyon, kasalukuyang tinatamasa naman nila ang sarap ng pagnanasa nila sa isa’t-isa.

Walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha.

Siguro may isang oras ako sa ganoong pagmumuni-muni at pagsamsam sa sakit na dinaramdam noong maisipan kong i text si Ormhel. “Hello po... musta. Nalulungkot po ako”

“Eyyy.. bakit malungkot ang friend ko? Ayaw ko niyan. Saan ka ngayon? Naka out na ako sa work, nandito ako sa downtown. Puntahan kita, gusto mo?” ang sunod-sunod kaagad na mga sagot ni Ormhel.

“Sige po. Malapit ka lang pala. Nandito ako ngayon sa seawall sa may plaza.”

“Punta na ako jan!” text uli niya.

Wala pang 30 minutos ay nakarating na si Ormhel. Umupo siya sa sea wall sa tabi ko sabay akbay sa aking balikat. “Eyyyy... bakit ka malungkot?” ang pabiro niyang sabi, pag-encourage sa akin.

“Wala lang. Gusto ko lang mag-emote, mag-isip.” Ang sagot ko rin.

Ngunit pansin ko sa reaksyon ni Ormhel na hindi siya naniniwala. Tinitigan niya ako, ang mga labi ay mistulang bibigay sa pagngiti, pahiwatig na naintindihan niya ako at handa siyang magpagaan sa aking dinadalang sama ng loob.

“Bakit ganyan ang titig mo sa akin?” sambit ko.

“Wala lang... sige, kung ayaw mong magsalita, sabay na lang nating panoorin ang dagat...”

Tahimik.

“S-sabi mo dati, mabait si sir Zach mo. Gaano ba siya kabait?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“Ay sus, sobra... Ayokong sabihin dahil pinagbawalan niya ako ngunit maraming tao na iyang natulungan, may mga sinusuportahang charity organizations, at maraming taong iniligtas ang buhay.”

“Iniligtas na buhay? Kagaya ng ano?”

“Kagaya ng mga may sakit na pasyente na bagamat kayang gamutin ang mga karamdaman ngunit nasa bingit ng kamatayan dahil sa kawalan ng pera. Kaming mga tauhan nila, marami sa amin ang natulungan na rin niyan.”

“Ganyan siya ka bait? Hindi ba kayo niya napapagalitan? Hindi tumataas ang boses niya sa inyo?”

“Nagagalit din iyan, siyempre, tumataas din ang boses. Ngunit, pagkatapos ng galit niya, ipapatawag ka sa kanyang opisina at manghingi ng paumanhin at i-explain niya sa iyo kung bakit siya nagagalit. Naintindihan naman namin dahil mas nanaig ang kabaitian niya kaysa paminsan-minsang tantrums niya...”

Hindi ako nakakibo sa narinig. Para kasing hindi kapani-paniwala. Sa ipinakita niyang pagka-tuso at pagmamaliit sa akin, parang hirap namang paniwalaan na may puwang na kabaitan sa kanyang puso.

“Ba’t ganyan ang reaksyon ng mukha mo?” tanong niya noong makitang napangiwi ako. “Hindi ka ba naniniwala?”

“E... parang mahirap paniwalaan kasi.” Ang nasabi ko na lang.

“Mahirap paniwalaan kapag hindi mo siya nakilala ng lubusan. Kasi tingnan mo, anak mayaman, may hitsura at porma, at kung tingnan ay easy-go-lucky lang na parang kagaya ng ibang mga spoiled brat. Ngunit sa likod ng nakikita ng mga tao sa kanya, may malalim at kahanga-hangang pagkatao si sir Zach. Lahat naman ng tao ay mayroon nito eh, di ba? Gaano man ka-tapang o kasama ng isang tao, may parte pa rin sa kanyang puso na pwedeng magmahal, pwedeng tumulong, o pwedeng magbigay ng kaligayahan sa kapwa. Kaya nga isang malaking pagkakamali ang humusga sa isang tao. Ito ay dahil hindi natin alam ang tunay na laman ng kanyang puso, hindi natin alam ang tunay na kuwento ng kanyang buhay, hindi natin alam kung ano ang kanyang mga pinagdaanan.”

Ewan, ngunit nagandahan ako sa sinabing iyon ni Ormhel. Iyon na yata ang pinakamandang payo na narinig ko. “...isang malaking pagkakamali ang humusga sa isang tao. Ito ay dahil hindi natin alam ang tunay na laman ng kanyang puso, hindi natin alam ang tunay na kuwento ng kanyang buhay, hindi natin alam kung ano ang kanyang mga pinagdaanan.” Ramdam kong bumaon ito sa kaibuturan ng aking isip. “B-bakit? Ano ba ang pinagdaanan ni Zach?” ang naitanong ko.

Tiningnan ako ni Ormhel, mistulang biglang nagising mula sa malalim na pagkahimbing. “Sandali... bakit ba napunta kay sir Zach ang usapan? May kinalaman ba siya kung bakit ka nalungkot ngayon?” ang tanong niya.

“E... wala ah. Hindi, wala siyang kinalaman” ang biglang pagbawi ko. “P-pero interesado lang akong malaman ang buhay niya.” dugtong ko pa.

“Ah... Pero huwag na lang muna.” Ang tugon ni Ormhel. “Sobrang sensitive kasi ang mga iyon. Ako lang at si sir Zach ang nakakaalam. Ipinangako ko sa kanya na hindi lalabas sa mga bibig ko ang kung ano man ang dinadala niya ngayon. Basta, tandaan mo palagi, si sir Zach ay kagaya ng ibang tao. Nasasaktan, nagagalit, ngunit may puwang ng kabaitan sa kanyang puso. Maaaring nakakalamang at nakakaangat siya sa buhay at pisikal na anyo, ngunit kagaya ng ibang tao, kagaya mo, kagaya ko, may dinadala din siyang malaking problema...”

“M-ukhang alam ko na kung ano ang problema niya” ang paghula ko sa hindi niya masabi-sabing problemang dinadala ni Zach.

Nabigla si Ormhel. “Talaga? Ano? Sinabi niya na ba sa iyo? Bago lang ito e...”

“Hindi naman. Pero iyong... iyong pagkabakla ba niya? At na galit ang papa niya sa kanyang pagiging bakla?”

“Hahahahahaha!” ang biglang malakas na pagtawa ni Ormhel, nagulat na hindi pala tama ang aking hinala. “Hindi iyan iyan ang problema ni Zach. Mas matindi pa. Basta, malalaman mo rin siguro iyan.”

“G-ganoon ba...?” ang naisagot ko na lang.

“Woi... nandito na ang kuya mo!” ang biglang singit ni Ormhel noong mapalingon siya sa may likuran naming.

Napalingon din ako sa may likuran at nakita ko doon si kuya, nakatayong nakatingin sa akin. Agad ko ring ibinaling muli ang paningin sa dagat na parang hindi ko siya nakita, hindi ko kilala.

At marahil ay napansin ni Ormhel na may problema kami ng kuya ko kaya nagpaalam kaagad siya sa amin. “Alis muna ako, tol. Naghintay sa akin ang pinsan ko na nsa loob ng restaurant...”

“Huwag ka munang umalis!” ang pagpigil ko pa.

Nakita kong tiningnan muna ni Ormhel si kuya atsaka noong marahil ay napansing seryoso ang mukha ni kuya kaya hindi na siya nagpapigil pa. “Kailangan ko na talagang umalis tol. Ingat!” At kumaway din siya kay kuya, “Mauna ako tol!” at tumalikod na nagtatakbo pa.

Walang imik na umupo sa tabi ko si kuya. Tahimik siya, ang mga kamay ay isiniksik sa gilid na bulsa ng kanyang jacket, ang paningin ay itinutok din sa dagat na parang napakalalim ang iniisip.

Hindi ko alam kung ang laman ng kanyang isip ay ako, o ang pag-alis ko ng walang paalam, o ang ginawa nila ni Zach, o may iba bang kaganapang nangyari sa kanila na hindi ko na alam.

Ngunit wala na akong interes pa na malaman ito. Ang tanging naglalaro sa aking isip ay ang eksena kung saan sila nagla-love-making ni Zach at ang pagpapaubaya niya dito. Kitang-kita ko pa sa aking isip ang kanilang ginawa. Ramdam ko pa sa aking puso ang matinding sakit na dulot nito.

Tahimik. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakaupong magkatabi at hindi nag-iimikan.

Maya-maya, tinanggal niya ang isang kamay na nakasiksik sa bulsa ng jacket niya at hinawakan niya ang aking kaliwang kamay na nakatukod lang sa sementong inuupuan ko.

Hinayaan ko lang siya. Hindi ko ginalaw ang kamay ko. Sinamsam ko ang sensasyon at init ng paglapat ng kamay niya sa aking balat.

Hindi pa rin ako umimik o ni lumingon sa kanya bagamat ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mata. Pilit kong nilabanang huwag pumatak ang mga ito.

“B-bakit ka umalis ng bahay?” ang pagbasag niya sa katahimikan na siyang dahilan upang hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.

Hinayaan ko na lang na dumaloy ang aking mga luha sa aking pisngi at bumagsak ang mga ito sa aking damit. Hindi ko ito pinahid. Hindi ako kumibo o ni umimik. Para akong isang taong puno ng saksak ang katawan ngunit nagpupumilit na huwag magpaapekto; na huwag gumalaw at maging manhid sa sakit na dulot ng mga malalalim na sugat.

Dahan-dahan niyang inilipat sa pag-akbay sa aking balikat ang kamay na nauna na niyang inihawak sa aking kamay. Umusog siya ng bahagya upang idikit ang katawan niya sa katawan ko.

Hindi pa rin ako gumalaw. Hinayaan pa rin siya sa kanyang ginawa.

“I love you, tol...” ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig, ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon sa dagat. Marahil ay alam niya ang pagdadalamhati ng aking puso.

At hindi ko na napigilan ang sarili. Napayuko ako, napahagulgol. Paano ko ba lalabanan ang sarili sa aking naramdaman? Paano ko paniwalaan ang sinabi niyang mahal niya ako samantalang kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya ipinubaya ang katawan niya kay Zach? Paano ko iaangat ang tiwala ko sa sarili kung lugmok na nga ito, ipinamukha pa niya na kaya niyang ipamigay ang sarili niya sa iba?

“M-mahal mo ba si Zach?” ang naitanong ko sa gitna ng aking pag-iiyak.

“H-hindi ko siya mahal tol... Ikaw ang mahal ko”

“Kung mahal mo ako, bakit nakikipaghalikan ka pa sa kanya? Bakit nakipag-sex ka pa sa kanya? Bakit ka umiiyak na parang nanghinayang kang maghiwalay na kayo? Bakit? Bakitttt? Bakitttttttt?!!!” bulyaw ko.

“N-naawa ako sa kanya tol. Iyon lang iyon. Hindi ko akalain na ganoon ang ipapakita niyang pagpakumbaba sa desisyong ibinunyag ko. Hindi ko akalaing sa kabila ng paghihirap ng kanyang kalooban ay matanggap niya ito ng maayos, ng walang galit sa kanyang puso. Naantig ako sa ipinakita niyang pagka-sport sa pagtanggap sa aking desisyon tol.”

“Kaya ibinigay mo ang katawan mo sa kanya? Kaya ka nakipagsex pa rin sa kanya? Ganoon ba iyon?”

Hindi nakaimik ni kuya.

“Kung ako ba ay papatol sa iba, hindi ka ba masasaktan? Kapag makita mo akong may ibang katalik hindi ba magdurugo ang puso mo?” dugtong ko.

Hindi pa rin umimik si kuya.

“Ano??? Bakit hindi ka makasagot?”

Naramdamn ko na lang na hinigpitan ni kuya ang pag-akbay sa akin. Niyapos niya ako, hinalikan muli ang aking buhok at ulo. “Sorry na tol. Maaaring mali ako sa ginawa ko pero iyon lang ang paraang puwede kong ibigay bilang pasasalamat sa pangako niyang hindi niya ako gagambalain pa, na natanggp niya ang lahat ng maluwag sa kanyang kalooban. Iyon na ang huli sa amin, tol. At ngayon, iyong-iyo na ako, buong-buo, at wala ka nang kahati pa...”

“M-mahal mo ba si Zach?” Ang pagsingit ko.

“Anong bang klaseng tanong iyan, tol...?” ang tumaas niyang boses, pansin ang pagkairita.

“Seryoso ako kuya. At hindi ako magagalit kung may naramdaman ka sa kanya.”

“Putsa namang tanong na iyan, o... Hindi syempre. Naawa lang ako sa kanya, iyan lang talaga, wala nang iba.”

“K-kasi...” napahinto ako sandali, humugot ng lakas upang masabi sa kanya ang nasa isip ko.

“Kasi ano???”

“K-kasi... Ayoko na kuya. At papayag na ako kung kayo n Zach ang magkatuluyan.” At muli na naman akong napahagulgol.

Niyakap ako ni kuya ng mahigpit. “Ano ba iyang pinagsasabi mo tangina! Ngayong wala nang hadlang para sa atin atsaka ka pa mag-isip ng ganyan?”

“Hindi tayo nababagay sa isa’t-isa kuya. Maraming hadlang. Kayo ni Zach ang dapat na magkatuluyan.”

“Ano ka ba? Ikaw ang mahal ko! Tangina! Ayokong marinig iyan!”

“Magkapatid tayo, ok?!!! Nalimutan mo na ba iyan???”

“Walang problema iyan, tol. Ako ang bahala d’yan ano ka ba!”

“Anong ikaw ang bahala? Bakit? May magagawa ka ba?”

“Oo! May magagawa ako!” ang biglang naisagot niya. At ewan ko ngunit parang nagulat din si kuya sa kanyang naging sagot. Bigla siyang natameme.

Napatingin ako sa kanya, nalito kung ano ang ibig niyang sabihin na may magawa siya. Hindi ko alam kung ano iyon. “Ano ang magagawa mo???” tanong ko.

Ngunit hindi na niya ako sinagot. “Tara na sa bahay. Gusto kitang mayakap. Gusto kitang mahagkan...”

“See?!!! Ni hindi mo nga magawang yakapin ako dito? Hindi mo kayang hagkan ako dito? Bakit? Dahil magkapatid tayo! Dahil natatakot kang makita ng mga tao, ng mga kaibigan natin na tayong magkakapatid ay naghahalikan, nagmamahalan. At nahihiya ka dahil alam mong bawal iyan!”

“Tangina ano ba ang problema mo tol...? Halika na. Uwi na tayo.” Sabay tayo ay hila sa aking kamay upang makatayo ako.

Ngunit nagmatigas ako. “Ayoko... kung gusto mo lang pala akong makahalikan at mayakap sa bahay, ayoko. Lalo mo lang akong sinasaktan. Lalo mo lang ipinamukha sa akin na hindi tayo bagay, na bawal ang ating relasyon.”

“Gusto mo bang dito kita halikan...? Ha?” Ang may halong pagkairita niyang tanong.

Ngunit hindi ko pinatulan ang tanong niyang iyon. Alam ko namang panakot lang niya iyon. Alam ko, hindi niya kayang gawin iyon dahil ako man sa sarili ay hindi sigurado kung masikmura ko ring makikipaghalikan sa kanya sa gitna ng maraming tao. “Kayo ni Zach ang bagay kuya. Alam kong may naramdaman ka sa kanya kahit papaano. Tanggapin ko ang lahat...”

Hindi na kumibo pa ni kuya. Tahimik na naupo uli ito sa aking tabi at itinutok ang mga mata sa dagat.

“Kapag kayo ni Zach ang magkatuluyan kuya, matatanggap ko. Kasi, kilala ko na si Zach. At ako naman, malimutan na rin kita sa katagalan... alam ko iyan. At makahanap din siguro ako ng iba, iyong isang taong pwedeng kahit sa maraming tao ay makayakap ko, makahalikan ko, at maka – UHUMMMMPPPPPHHH!”

Iyon ang huli kong nasambit. Hindi ko na nadugtungan pa ang sasabihin gawa nang paglock ng mga kamay ni kuya sa aking ulo at puwersahang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko.

Hinalikan niya ako, hindi alintana ang maraming taong namasyal din sa plaza, ang iba ay nakaupo pa sa seawall, hindi kalayuan sa kinauupuan namin...

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment