“P’re hanggang kailan kaya tayo?” ang tanong ni Lance sa kumpare niyang si Sam habang nakahiga pa sila sa kama matapos ang mainit nilang pagtatalik.
“Sa totoo lang hindi ko din alam. Kahit na medyo may feeling of guilt na ako kay kumare, heto pa rin ako, niyayaya ka pa rin na gawin itong bawal na gawain natin.” ang tugon naman ni Sam.
“Ewan ko nga p’re bakit ang lakas mo sa akin. Sobra na yata ang pagmamahal ko sa iyo at lahat ng dahilan ay gagawin ko makasama ka lamang.” ang sabi naman ni Lance.
“Kailan na nga yun noong una tayong nagkakilala... Ah oo nga pala... Buntis pa si kumare sa bunso mo. Sixth birthday yung huling celebration nya di ba?” ang tanong ni Sam.
“Oo pre. Anim na taon na yung inaanak. At tanda mo pa pala yung panahon na yun.” ang sabi naman ni Lance.
“Sino ba naman makakalimot noong mga panahong iyon na may isang sobrang makulit ng straight guy kuno sa bisexual chat room. Yun bang ang yabang-yabang na otcho pulgada daw at super hot na daddy.” ang sabi ni Sam.
Biglang pinisil ni Lance ang matangos na ilong ni Sam.
“Grabe ka naman pare. Hindi ko naman sinabi ang mga yun.” ang biglang sabi ni Lance.
“Bakit sinabi ko ba na ikaw yun? Guilty ka lang pare.” ang sabi ni Sam.
Nagharutan ang dalawa sa ibabaw ng kama at nagbibiruan tungkol sa chat nila sa internet noong hindi pa sila nagkikita. Nagkakilala silang dalawa sa isang chat room sa internet. At iyon ang simula ng kanilang relasyon bilang magkaibigan, sexual partner at bilang magkumpare na din. Buntis noon ang asawa ni Lance sa pangatlo at bunso nilang anak. Samantalang si Sam ay nag-eenjoy sa pagiging chick-boy nya, yung pwede sa chick pero pwede din sa boy. Inaanak sa binyag ni Sam ang bunsong anak ni Lance. Mahigit anim na taon na din nilang naitatago ang kanilang kakaibang relasyon sa pamilya ni Lance. Subalit tanggap naman si Lance sa mga magulang ni Sam. Nag-iisang anak lamang si Sam at simula ng magtapat siya sa kanyang mga magulang ay buong puso nilang tinanggap ang kakaibang pagkatao ni Sam.
“P’re sa weekend pala meron celebration sa bahay. Punta ka ha.” ang paanyaya ni Lance kay Sam.
“Bakit? Sinong may birthday?” ang tanong ni Sam.
“Walang may birthday. Darating sa Tuesday yung kapatid ni misis. Si Edward, yung halos sampung taon na yatang pabalik-balik sa Saudi.” ang tugon ni Lance.
“Gusto nyang maghanda kami sa Sabado para sa kanyang permanente ng pagbabalik sa Pilipinas. Di na daw sya babalik sa Saudi. Start na lang daw sya ng business nya dito.” ang dugtong pa ni Lance.
“Bakit sa bahay nyo? Dapat doon sya sa province nila maghanda. Nandoon mga kamag-anak nya at yung mga magulang nya.” ang sabi naman ni Sam.
“Ayaw nya doon. Sa bahay daw muna nga sya titira habang naghahanap pa ng mabibiling condominium unit. Kahit nga magbakasyon lang eh ayaw nya pumunta sa probinsya nila. Yung mga byenan ko na lang ang luluwas bukas.” ang tugon ni Lance.
“Wala pa bang asawa yung bayaw mo?” ang tanong ni Sam.
“Ang alam ko nagpakasal na sya sa Bulacan noong huli niyang uwi more three years ago. Pero sabi ni misis naghiwalay na daw sila. Nagpunta na daw sa US yung babae. Nurse kasi yun. Dati din sa Saudi nagtatrabaho.” ang sabi ni Lance.
“So for good na sya mag-stay ng Pilipinas. Tama na din na magnegosyo na lang sya. Malaki na din yata ipon nya sa sampung taon niyang pagtatrabaho sa Saudi.” ang sabi naman ni Sam.
“Balita ko nga kay misis. Malaki ang sweldo nya sa Saudi at naipaayos nya nga daw bahay nila sa province. Sabi nga nya samahan ko nga daw maghanap ng condominium unit na bibilhin nya para may tirahan siya dito sa Manila.” ang salaysay pa ni Lance.
“Sige p’re. Pupunta ako sa Saturday. Sa susunod na Sabado ko na lang dadalhin sina Mommy at Daddy sa Tagaytay. Gusto nilang mag-spend ng weekend sa bahay namin doon.” ang pangako naman ni Sam.
Nagkayayaan ang dalawa na lisanin na ang motel na iyon. Sabay silang bumangon at tinungo ang banyo upang maligo. Matapos makapaligo at makapagbihis ay tuluyan na nilang nilisan ang motel. Kotse ni Sam ang dala nila. Idinaan ni Sam sa Lance sa isang parking lot upang daanan naman ang kanyang kotse. Doon na naghiwalay ang magkumpare.
Dumating na ang Sabado na welcome celebration ng bayaw ni Lance. Medyo na-late si Sam sa dinner celebration dahil may inasikaso pa syang kanyang client. Halos lahat ng bisita ay nakapag-dinner na at kumakain na lamang ng panghimagas o kaya naman ay may hawak na baso ng inumin. May dala din cake si Sam upang maihanda din bilang panghimagas sa hapunang iyon.
“Sam, bakit late ka naman pare?” ang bati ni Emily, ang misis ni Lance na syang sumalubong sa pagdating ni Sam
“Halika, pasok ka sa loob.” ang yaya pa nito kay Sam.
“Sorry mare, may urgent lang akong client na pinuntahan pa.” ang tugon naman ni Sam.
Ipinakilala si Sam ni Emily sa ilang bisita na nadaanan nila sa pagpasok ni Sam sa loob ng bahay. Inihatid ni Emily si Sam sa gilid ng bahay na kung saan naroroon sina Lance at ang bayaw nito kasama ang mga kalalakihang bisita na umiinom na ng alak.
“Pare, bakit ngayon ka lang?” ang bungad ni Lance.
“Medyo naipit lang sa isang client. Pasensya na pare.” ang sagot naman ni Sam.
“Sige pare maiwan muna kita. Aayusin ko lang ang mesa ng makakain ka na din.” ang paalam ni Emily kay Sam.
“Salamat mare. Pero nakapag-dinner na rin ako kasama yung client ko.” ang sabi naman ni Sam.
“Sure ka pare. Anyway, kapag gusto mong kumain pasok lang sa may dinning room at nandoroon lang ang mga pagkain.” ang sabi naman ni Emily.
“Salamat mare.” ang sabi naman ni Sam.
“Honey, ikaw na bahala kay pareng Sam.” ang bilin ni Emily sa kabiyak bago niya tuluyang nilisan si Sam.
Pagpasok ni Emily sa loob ng bahay ay ipinakilala ni Lance ang kanyang kumpare sa mga kalalakihang umiinom doon pati na rin sa kanyang bayaw na kapatid ni Emily.
“Pareng Sam, sya pala yung sinasabi kong bayaw na galing Saudi. Sam si Edward. Edward si Sam.” ang pakilala ni Lance sa bayaw nito.
Nagkamayan ang dalawa. Matapos maipakilala ni Lance sa lahat ng naroroon ay naupo na ito sa upuang itinabi sa upuan ni Lance. Inabutan din ng baso si Sam at tinagayan ng alak. Nagsimula na din makipag-inuman si Sam sa grupo ng magbayaw. Si Lance ang naging bangkero sa kwentuhan ng grupo. Subalit paminsan-minsan ay si Edward ang nagkwekwento tungkol sa naging karanasan niya sa Saudi. Si Sam ay talagang nanahimik na lamang at sumasabay na lamang sa tawanan kung may nakakatawang naikwento.
Hanggang sa tawagin ni Emily si Lance dahil gusto daw siyang kausapin ng isang kamag-anak ng kanyang byenan. Pag-alis ni Lance ay sumunod din si Edward na nagpaalam na pupunta lamang sa banyo. Makalipas ang ilang minuto ay nagbalik na si Edward at naupo siya mismo sa tabi ni Sam. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ng mag-usap ang dalawa ng malapitan. Medyo nagkanya-kanya na rin kasi ng kwento ang mga naroroon ng umalis si Lance.
“Madalas ka maikwento ni Lance sa akin. Binibiro nga ako na hanapan nga daw kita ng maliligawan.” ang panimula ni Sam.
“Si kuya talaga. Gusto pa rin nya ako na mag-asawa. Alam mo bang madami na rin siyang niretong babae sa akin. Ewan ko ba bakit hindi ako successful sa mga nakaraan relationship ko.” ang sabi ni Edward.
“Pero sabi din ni Lance na may asawa ka na.” ang sabi ni Sam sa kanya.
“Noon yun. Hindi kami nagkasundo. Kaya naghiwalay din kami.” ang sabi naman ni Edward.
“Ganoon ba. Di bale marami dyan na makikilala mo pa at magmamahal sa iyo.” ang sabi naman ni Sam.
“Sana nga.” ang maikling nasabi ni Edward.
“Oo naman lahat tayo may nakalaang soul mate.” ang dugtong pa ni Sam.
“Ang baduy naman nun. Soulmate? Meron ba nun? Naniniwala ka ba sa ganun?” ang mga tanong ni Edward.
“Malay mo. Just keep hoping. Someday darating din sya.” ang sabi naman ni Sam.
“Ikaw ba Sam natagpuan mo na soulmate mo?” ang tanong naman ni Edward.
Biglang tumahimik si Sam at tila di makasagot sa tanong ni Sam.
“Wala pa. Pero darating din ang panahon na makikilala ko sya.” ang tugon ni Sam na medyo natagalan bago nya nasabi.
“So ikaw din pala eh single pa? Or married na din pero naghiwal din kayo?” ang mga tanong ni Edward.
“Legitimate single pa ako.” ang tugon ni Sam sabay tawa.
Nagtawan ang dalawa ng malakas. Nabigla ang mga kasama nila sa mesa. Kaya naman nagtanong ang isa sa kanila kung ano ang pinagtatawanan nina Sam at Edward. Biglang binulalas na lamang ni Edward na meron din tulad nyang tumatanda na zero pa din ang lovelife. Nakitawa na rin ang buong grupo. Iyon naman ang balik ni Lance.
“Mukhang nagkakasiyahan kayo ng lubusan.” ang bungad ni Lance.
“Bayaw, single din pala itong si Sam at zero lovelife.” ang sabi ni Sam kay Edward.
“Ganun ba. Zero lovelife ka ba ngayon pare?” ang tanong ni Lance kay Sam.
Parang may kakaibang pahiwatig ang pagtatanong na iyon ni Lance kay Sam. Nakailang taon na din ang kanilang tagong relasyon. Tila di mawari ni Sam kung sasagutin niya ang tanong ni Lance. Pero nag-isip pa rin si Sam ng maisasagot kay Lance.
“Pare naman. Parang di mo alam ang tungkol sa lovolife. Ikaw yata ang adviser ko sa tuwing meron akong popormahan. Ikaw din ang takbuhan ko sa tuwing basted ako or may break-up na nangyari.” ang sabi naman ni Sam kay Lance.
“Kaya naman pala pareho tayong zero lovelife eh si kuya Lance pala ang parehong adviser natin sa ating lovelife.” ang biro naman ni Edward.
“Kayong dalawa talaga puro kayo biro. Malay ko sa lovelife nyo. Basta ako magaling pumili ng mamahalin ko. Masarap kasi ako magmahal kaya hindi din ako mahirap mahalin.” ang sabi naman ni Lance.
Mas lalong kinantyawan si Lance ng dalawa pati na rin ang mga kainuman nila. Nagpatuloy pa ang masayang kwentuhan ng grupo hanggang sa isa-isa ng nagpaalam ang ilan sa kanila. Si Sam ang pinakahuling nagpaalam kasi siya naman daw ay late na dumating.
“Hindi na rin ako magtatagal. Aalis na din ako.” ang paalam ni Sam kina Lance, Emily at Edward.
“Pare, kaya mo pa bang mag-drive?” ang tanong naman ni Emily.
“Ayos lang ako mare. Kayang-kaya ko pa.” ang sabi naman ni Sam.
“Pare, lasing ka na. Tignan mo nga sarili mo at hindi na tuwid ang lakad mo. Mabuti pa kaya na dito ka na lang matulog.” ang sabi naman ni Lance.
“Oo nga naman. Dito ka na matulog.” ang pagsegunda ni Edward.
“Kaya ko pang mag-drive. Don’t worry.” ang pagpupumilit ni Sam.
“Pare, kilala kita. Hindi ka naman ganoon karami uminom. Sinabayan mo kasi itong si Edward sa malakas uminom. Delikado ka nyan sa daan.” ang pagtutol ni Lance sa pag-uwi ni Sam.
“Ayos lang ako pare.” ang maikling nabanggit ni Sam.
“Tutal mapilit si Sam na makauwi, ako na lang ang maghahatid sa kanya.” ang alok naman ni Edward.
“Lasing ka na din kaya.” ang sabi naman ni Emily kay Edward.
“Ate, madami lang akong nainom pero hindi pa ako lasing. Kahit byahe pa tayo ng Baguio ngayon ay kaya ko pang magdrive.” ang sabi naman ni Edward.
“Mas mabuti nga siguro. Kilala ko itong bayaw ko. Wala sa vocabulary nya ang word na lasing. Sige, sasama na din ako sa paghatid sa iyo.” ang sabi ni Lance.
“Eh papaano ang kotse ko?” ang tanong naman ni Sam.
“Iwan mo muna at bukas ihahatid namin ni Edward sa inyo. Tutal Linggo naman bukas.” ang sabi naman ni Lance.
“Bayaw, ako ng bahala kay Sam. Maiwan ka na dito at ilapit mo na lang sa harapan ng bahay yung kotse ni Sam.” ang sabi naman ni Edward.
“Mabuti pa nga honey. Madami pa tayo ililigpit para bukas may time pa tayo magsimba at mag-grocery.” ang pagsang-ayon ni Emily sa kanyang kapatid.
“Ok. Sige bayaw, ikaw na maghatid kay Sam. Pero mag-ingat ka sa pagda-drive.” ang pagsang-ayon din ni Lance.
Gamit ang kotse ni Lance, binaybay na nina Sam at Edward ang daan patungo sa bahay ni Sam. Muling nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang personal na buhay, sa trabaho at sa kung anu-ano bang bagay. Nang makakita ng isang coffee shop si Edward ay niyaya niya si Sam na magkape muna. Hindi naman tumanggi si Sam. Sa pagbaba ni Sam ng sasakyan ay nahalata pa din ni Edward ang di tuwid na paglalakad ni Sam. Kaya naman inalalayan niya ito. Iniakbay ni Edward ang isang kamay ni Sam sa kanya at niyapos niya ng bahagya si Sam upang hindi na gumewang-gewang ang paglalakad nito. Damang-dama ng dalawa ang init ng katawan ng isa’t isa.
Si Edward ang nag-order ng kanilang kape at habang nagkakape ay nagpatuloy pa din sila sa kwentuhan. Makalipas ng ilang minuto ay medyo nabawasan na ang tama ng alak ni Sam. Nagsabi tuloy siya kay Edward na magtataxi na lamang siya mula doon at pwede ng umuwi si Edward. Pero nagpumilit pa din si Edward na maihatid si Sam sa kanyang bahaykaya naman hindi na nakatanggi si Sam. Ilang minuto pa ay muling nasa daan na naman ang dalawa at binabaybay ang daan patungo sa bahay ni Sam. Hindi nagtaggal ay narating na din nila ang bahay ni Sam. Pinapapasok pa sana ni Sam si Edward sa loob ng bahay pero tumanggi na siya. Agad na din nagpaalam si Edward.
Kinabukasan, sunud-sunod na mga katok sa pinto ng kanyang silid ang gumising kay Sam.
“Kuya, kuya, may naghahanap po sa inyo.” ang boses na narinig ni Sam sa may pintuan.
Ayaw sanang bumangon ni Sam dahil inaantok pa siya. Pero naging makulit ang kumakatok sa kanyang pinto.
“Kuya, pasensya na po. Dala nya po yung kotse ninyo.” ang sabi ng babae sa may pintuan.
Inakala ni Sam na si Lance iyon pero bakit tila hindi kilala ng kanilang katulong. Kaya naman minabuti na lamang niyang bumangon.
“Sino daw sya?” ang tanong ni Sam pagbukas niya ng pintuan.
“Hindi ko pa naitanong, kuya.” ang tugon naman ng katulong.
“Sige, sandali lang at maghihilamos lang ako.” ang sabi naman ni Sam.
Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na sa kanyang silid si Sam at tinungo ang garahe kung saan naroroon daw ang naghatid ng kanyang kotse.
“O ikaw pala Edward. Nasaan si Lance? Akala ko dalawa kayong maghahatid ng kotse ko.” ang bungad ni Sam na medyo nabigla ng makita si Edward.
“Hindi na sya pinasama ng ate. Tutal naman daw eh nalaman ko na ang papunta dito.” ang tugon ni Edward.
“Eh papaano ka uuwi? Susunduin ka ba ni Lance?” ang mga tanong muli ni Sam.
“Magtataxi na lang ako.” ang tugon naman ni Edward.
“Si Lance talaga, basta ka na lang pinabayaan. Don’t worry after ng breakfast ay ihahatid na din kita.” ang sabi naman ni Sam.
“Kumain ka na ba?” ang tanong ni Sam.
“Coffee lang ako sa umaga. Nasanay na akong ganoon.” ang tugon ni Edward.
“Halika muna sa loob at magkape ka kung ayaw mo akong sabayan sa almusal.” ang alok ni Sam.
Sa mismong hapag-kaininan uminom ng kape si Edward. Dahil sa sarap ng naihandang almusal at dahil din sa sarap ng pagkain ni Sam ay naenganyong kumain si Edward. Matapos makapag-almusal si Sam ay nagpaalam siyang maliligo muna bago niya ihatid si Edward. Matapos makaligo si Sam ay nilisan na nila ang kanyang bahay. Ang buong akala ni Sam ay magpapahatid na si Edward sa bahay nina Lance. Subalit nag-request siyang dumaan sila sa isang mall para bumili ng kanyang mga damit. Medyo out of fashion na daw kasi mga dalang damit ni Edward mula sa Saudi. Pumayag naman si Sam dahil wala naman siyang gagawin sa araw na iyon maliban lamang sa pagsisimba na pwede naman daw niyang gawin sa hapon. Nakipag-deal naman si Edward na pagtapos nila sa mall ay sasamahan naman niya si Sam sa pagsisimba nito.
Nawili si Edward sa pamimili ng kanyang mga damit. Gayun din naman si Sam na napabili na din ng ilang damit niya. Doon na rin sila nag-lunch at nagmeryenda kinahapunan. Tulad ng pangako ni Edward, sumama siya sa pagsisimba ni Sam sa simbahang madalas niyang pinpuntahan. May kadiliman na ng ihatid ni Sam si Edward kina Lance.
“O bayaw, ang bait nitong kumpare mo. Sinamahan ako sa pamimili ko ng mga bagong damit ko.” ang bungad ni Edward ng pagbuksan sila nito ng gate ng bahay.
“Sabi nga nya sa text na magkasama kayo sa mall.” ang sabi naman ni Lance na tila nagseselos sa kanyang bayaw sa ginawang pagsama ni Sam dito.
“Para makabawi naman sa kanya ay sinamahan ko syang magsimba.Kaya medyo ginabi kami kasi nga nagsimba pa kami.” ang dugtong pa ni Edward.
“Ah ganoon ba. Akala ko binili nyo na ang buong mall sa tagal mong makauwi.” ang sabi ni Lance na pilit pa rin itago ang nararamdaman nitong pagseselos sa bayaw.
Batid ni Sam na ganoon nga ang nararamdaman ni Lance. Nais man niyang magpaliwanag pero baka makahalata si Edward sa nararamdamang iyon ni Lance. Minabuti na lamang niyang magpaalam na.
“Sige pare, Edward, uwi na din ako.” ang paalam ni Sam.
“Dito ka na mag-dinner.” ang alok ni Edward.
“Hindi na. Sa bahay na lang. Baka dumating na sina Mama at Papa. Hindi pa nila ako nakikita simula kaninang umaga.” ang sabi naman ni Sam.
Tila walang imik si Lance habang nag-uusap ang dalawa.
“Sige, ingat na lang sa pagmamaneho.” ang sabi na lamang ni Edward ng hindi na niya mapilit si Sam.
“O pare nandyan ka pala.” ang bungad naman ni Emily ng lumabas ito ng bahay.
“Oo mare. Pero pauwi na din ako. Inihatid ko lamang si Edward.” ang sabi naman ni Sam.
“Mukhang ang daming pinamili mo bro.” ang sabi naman ni Emily kay Edward ng makita ang mga pinamili nito.
“Syempre ate. Kailangan palitan ko na ang mga di usong damit ko. Ayos nga itong si Sam sa pagpili ng mga damit ko. Bagay na bagay lahat ng pinili nya para sa akin.” ang sabi naman ni Edward.
“Sige, hindi na ako magtatagal. Aalis na ako.” ang muling paalam ni Sam.
“Sige pare, ingat na lang.” ang sabi ni Emily.
“Ingat sa pagmamaneho Sam.” ang sabi naman ni Edward.
Nagsalubong lamang ang mga mata nina Sam at Lance pero walang nasabi si Lance. Batid talaga ni Sam na may nararamdamang selos si Lance sa pagsasama nilang dalawa ni Edward sa araw na iyon. Lalong-lalo na ng malaman nito sa pagsama ni Edward sa kanyang pagsisimba. Nabanggit kasi ni Sam kay Lance noong bago pa lamang silang magkakilala na kapag naisama niya sa kanyang pagsimba ang isang tao ay may kakaiba na siyang nararamdaman dito at dahil nga isinama niya ay ipinapanalangin niya at humihingi ng sign na iyon na ang taong kanyang pakamamahalin. Ilang araw pa lamang kasi silang magkakilala noon ay nagsimba na silang dalawa. Iyon ang simula ng kanilang pagtagong relasyon.
Sa mga text ni Sam kay Lance ng araw na iyon ay hindi niya nabanggit na pati sa simbahan ay magkasama sila. Kaya batid ni Sam na magtatampo si Lance sa kanya ng banggitin ni Edward ang tungkol sa kanilang pagsisimba.
Umuwi si Sam na may bumabagabag sa kanya. Alam niyang mahal niya si Lance at ganoon din naman si Lance sa pagmamahal sa kanya. Ilang taon na nilang itinatago ang kanilang relasyon at kahit isang malaking pagtataksil iyon kay Emily ay tumagal pa din sila dahil sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Pero ng araw na iyon ay may kakaiba siyang galak na naramdaman habang kasama niya si Edward. Nakuha din niyang hindi magsabi na katotohanan kay Lance. Hindi pa nya kilala ng lubusan si Edward subalit maligaya siyang nakasama niya ito sa araw na iyon.
Sa paglipas pa ng mga araw ay hindi talaga nagkaroon ng lakas ng loob si Sam na kausapin si Lance. Alam niya na may hinanakit pa din ito sa kanya dahil wala pa din siyang natatanggap na tawag o text man lamang mula dito. Tanging mga tawag at text mula kay Edward ang kanyang natatanggap. Hanggang sa dumating muli ang weekend.
“Are you free tonight?” ang text na na-receive ni Sam mula kay Edward habang naghahanda na siya sa pag-alis sa kanyang opisina.
Ayaw na sana niyang sagutin iyon. Dahil balak niyang kausapin si Lance ng gabing iyon kung maaari lamang. Subalit parang may nag-udyok sa kanya na sagutin na ang text ni Edward at tiyak na yayayain siya nito na gumimik.
“Yes, i’m free tonight.” ang text naman ni Sam.
“Just want to invite to a bar in The Fort. Never been there.” ang sumunod na text ni Edward.
“Sure.” ang maikling text ni Sam.
Nagpatuloy pa ang palitan nila ng text messages at na-set nga ang lakad nila. Nagkasundo din sila kung saang bar sila pupunta.
Sa loob ng bar na napili nila ay umorder sila ng kanilang inumin at pulutan. Masayang nagkwentuhan ang dalawa hanggang naparami na ang kanilang nainom.
“You know Sam, I like you.” ang biglang sinabi ni Edward na ikinagulat ni Sam.
“What do you mean?” ang tanong ni Sam.
“I guess I’m falling in love with you.” ang sabi pa ni Edward.
“Pare, ano bang sinasabi mo. Lasing ka na yata.” ang sabi naman ni Sam.
“Nararamdaman ko na you also like me. Pero ayaw mong sabihin yun. Kaya ako na ang nagsasabi ng nararamdaman ko sa iyo.” ang sabi pa ni Edward.
“Baka tumira ka lang ng drugs kanina kaya ganyan ang trip mo ngayon.” ang sabi naman ni Sam.
“Walang biro Sam. I think I love you. Sabi ko na nga eh. Kaya hindi nagwo-work-out ang mga relasyon ko with girls eh sa kabaro ko pala ako dapat magmahal. I also can feel that there is something going on between you and my brother in law. That’s crazy. Kawawa si ate. Ako na lang Sam ang mahalin mo.” ang pasusumamo pa ni Edward.
Hindi malaman ni Sam kung ano ang isasagot kay Edward. Aaminin ba niya ang tungkol sa kanila ni Lance o iibahin na lamang muli niya ang usapan. Subalit dama ni Sam ang sincerity ni Edward ng mga oras na iyon.
“I love your borther in law and I don’t want to break up with him. Siya ang nagtuwid sa aking landas noong wala ni isa man kaibigan ang tumutulong sa akin noong mga panahong hinahanap ko ang aking sarili. Muntik na magulo ang buhay ko nang ilang beses din akong nakipag-live-in sa kabaro ko na ang pakay lamang ay ang huthutan ako ng salapi. Minahal niya ako at tinanggap niya ako kung ano ako noon. Siya ang naging daan sa aking tuluyang pagbabago.” ang sumabulat na saloobin ni Sam.
“Pero may asawa na siya. Noon pang una ko siyang nakilala ay batid ko na pilit niyang nilalabanan ang tunay niyang pagkatao. Tulad ko at tulad mo din siya. Pero mas pinili niya ang magkaroon ng asawa at pamilya. Dapat yun na lamang ang pangtawanan niya. Mahirap ang mamangka sa dalawang ilog.” ang sabi naman ni Edward.
“Alam ko yun Edward. Mahal na mahal nya ang ate mo. Kaya nga kahit mahirap sa aking damdamin na ako na lamang ang nagbibigay sa tuwing may conflict sa schedule namin ng ate mo ay ayos lang sa akin. Alam ko naman na malaki ang obligasyon niya sa ate mo at sa mga anak nila. Tanggap ko iyon. Naiintindihan ko iyon.” ang sabi naman ni Sam.
“Mali eh. Mali yun. Pwede ka naman magmahal ng walang pananagutan sa buhay tulad ko. Para tuluyan ka ng lumigaya. You deserve to be happy.” ang sabi naman ni Edward.
Nagpatuloy ang pagsusumamo ni Edward at si Sam naman ay patuloy pa din ginagawan ng rason ang kanilang relasyon ni Lance. Hanggang sa magyaya ng umuwi si Sam.
“Hatid na kita.” ang alok ni Sam paglabas nila ng bar.
“No need. Nakabili na din ako ng bagong car. Yung tinignan natin na naka-display sa mall. Nangulit yung ahenteng kausap natin. Hindi tuloy ako nakatanggi. Ayos naman kasi malaking discount din ang nabigay nya at natupad din nya ang delivery kaninang umaga.” ang nabanggit ni Edward.
“Ayos ah. Pwede ka ng gumimik gabi-gabi.” ang sabi naman ni Sam.
“Pwede basta ba ikaw ang kasama ko.” ang sabi naman ni Edward.
“Mabuti pa after this car ay ayusin mo na ang business na itatayo mo.” ang suggestion ni Sam.
“Ayos na din yun. Nakausap ko na yung kaibigan ko na owner ng store ng vehicle spare parts. Magpapartner kami at kukuha kami ng mas malaki pang pwesto. Syempre dadamihan na din namin ang iaalok naming spare parts. Balak na din namin mag-direct ng importation ng spare parts at magbukas ng repair shop. Nakahanap na kami ng pwesto at mga next week sisimulan na ang renovation ng lugar. Kapag open na yun, ikaw sana ang unang client namin.” ang sabi naman ni Edward.
“No problem basta ba libre.” ang biro ni Sam.
“Ganun! Lugi kaagad. Dapat ang buena mano ay yung good customer para maganda ang pasok sa negosyo.” ang sabi naman ni Edward.
Natawa na lamang si Sam at tungkol nga sa bubuksang business ni Edward natuon ang kanilang usapan habang nakatayo sila sa parking lot.
“I have to go na. Lumalalim na ang gabi.” ang paalam na ni Sam.
“O sige. Basta pag-isipan mo yun ipinagtapat ko sa iyo kanina.” ang sabi naman Edward.
“Ang alin? Yun bang business mo?” ang biro ni Sam.
“Ikaw talaga Sam. Hahalikan kita dyan.” ang sabi naman ni Edward.
“Ooops. Bawal sa public place yun. Pero seryoso pare, please don’t tell this to your brother in law. Even about you going out with me tonight, wag mong mababanggit sa bayaw mo. Simula last Sunday hindi pa kami nagkakausap. I know nararamdaman na nya sa iyo ang kakaiba mong nararamdaman sa akin. Ayaw kong masaktan ang bayaw mo. At hindi naman dapat siya masasaktan kasi wala naman tayong relasyon.” ang pakiusap ni Sam.
“No problem. Hindi ako madamot sa pagmamahal. Kapag mahal ko ang isang tao, masaya ako na makitang masaya siya. Eh kung mas magiging masaya ka kay bayaw eh masaya na din ako para sa iyo.” ang sabi na lamang ni Edward.
Hindi nagtagal ay naghiwalay na ang dalawa ng gabing iyon.Simula ng magtapat ng saloobin si Edward kay Sam ay hindi na nawaglit sa isipan ni Sam si Edward. Naguguluhan siya kung ano ang dapat niyang gawing desisyon. Hindi pa nya lubusang kilala si Edward. Subalit may hindi siya maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit parang hinahanap na niya si Edward at laging laman na nga ng kanyang isipan. Matagal na sila ni Lance at subok na ang pagmamahal ni Lance sa kanya kahit ito ay isang bawal na pag-ibig at batid niyang may mga tao siyang masasaktan kapag lumantad ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa ni Lance. Ang mas lalong nakakagulo pa sa isipan ni Sam ay ang mismong kapatid ng asawa ni Lance ang napagtapatan niya ng tunay na namamagitan sa kanila ni Lance.
Makalipas ng ilang araw ay masinsinan niya kinausap si Edward. Inamin nito kay Edward na napapamahal na din siya dito. Laking tuwa naman ni Edward. Subalit pinakiusapan ni Sam si Edward na bigyan siya ng panahon upang tapusin muna ang relasyon nila ni Lance. Sumang-ayon naman si Edward at nangako din siya na magiging maingat din siya na manataling lihim ang lahat ng iyon kay Lance. Sa isang restaurant sila nag-usap at nagkasundo sa kanilang gagawin.
“Maaga pa at pwede pa tayong makadalawang bote man lamang dyan sa malapit na bar,” ang alok ni Edward paglabas nila sa restaurant.
“Next time na lang. May pasok pa ako bukas.” ang pagtanggi ni Sam.
“Sige na. Pagbigyan mo naman ako. This time lang. Remember after this night iiwasan na natin munang lumabas para hindi makahalata si bayaw.” ang pagpupumilit ni Edward.
Hindi maintindihan ni Sam ang kanyang sarili kung bakit napadali niyang mapapayag ni Edward. Sumama siya kay Edward sa isang malapit na bar. Nang makaubos na sila ng tig-apat na bote ng beer ay nagyaya na si Sam na umuwi. Pumayag naman si Edward. Matapos mabayaran ang kanilang bill ay nilisan na nila ang bar na iyon.
Makalipas ng ilang minuto ay nasa tapat na ng kanilang bahay si Sam. Nasa akto na niyang binubuksan ang kanilang gate ng may dumating na kotse. Pagtingin ni Sam sa dumating na kotse ay nakilala nya agad ang kotse. Kotse ni Edward ang dumating. Ilang segundo lamang buhat ng huminto ang kotse ay lumabas si Edward.
“O Edward, anong ginagawa mo dito?” ang tanong ni Sam.
“Pasensya na Sam. Nabanggit ko kasi kay ate Emily na magpapalipas lang ako ng gabi sa Tagaytay pagkatapos ng meeting ko sa susuplayan namin ng spare parts sa Batangas. Kaya di muna ako uuwi sa bahay ngayong gabi. Baka pwede dito muna ako matulog.” ang tugon ni Edward.
“Pwede naman yun. Kaya lang papaano kung malalaman ni Lance.” ang pag-aalinlangan ni Sam.
“Sabi ko nga sa iyo, ang alam nila ay nasa Tagaytay ako ngayong gabi. Don’t worry di niya malalaman kung hindi mo sasabihin.” ang sabi naman ni Edward.
“Ikaw talaga. Sige na nga. Sandali lang. Ipapasok ko ang sasakyan ko at isunod mo na din ipasok ang sasakyan mo sa loob. Kasya naman ang dalawang kotse sa garahe. Buti na lang nasa casa ang sasakyan ni Papa. Ipinagbabawal kasi ng homeowners’ association dito ang pagpaparada sa daan.” ang nasabi na lamang ni Sam.
Tulog na ang mga tao sa bahay ni Sam ng dumating sila. Subalit bago makapasok sa kanyang silid sina Sam at Edward ay biglang bumukas ang pintuan ng katabing silid nito.
“Sam, ginabi ka yata.” ang sabi ng Mama ni Sam na siyang nagbukas ng pintuan ng kabilang silid.
“Ma, medyo po. Sya po pala si Edward yung bayaw ni Lance. Dito muna sa matutulog ngayong gabi kasi di na nya kayang mag-drive papauwi sa kanila.” ang sabi naman ni Sam.
“Good evening po.” ang bati naman ni Edward sa Mama ni Lance.
“Syanga pala Sam. Tumawag kaninang mga alas-otcho si Lance. Hinahanap ka.” ang sabi ng Mama ni Sam sa kanya.
“Ganun po ba. Eh ano pong sabi nyo?” ang tanong ni Sam.
“Syempre sabi ko baka nag-overtime ka o may dinaanan lang.” ang sabi naman ng Mama ni Sam.
“Sige po kakausapin ko na lang siya bukas.” ang sabi na lamang ni Sam bago sila tuluyang pumasok sa loon ng kanyang silid.
Pagpasok nila sa loob ng silid ay nagpaalam muna si Sam kay Edward na maliligo lamang. Makalipas ng ilang minuto ay natapos ng maligo si Sam. Si Edward naman ang nanghiram ng tuwalya upang makaligo din siya. Makalipas din ng ilang minuto ay lumabas na din ng banyo si Edward na nakatapis lamang ng tuwalya.
“Pwede bang makahiram ng shorts? Nakalimutan kong ibaba yung bag ko sa kotse.” ang hiling ni Edward.
“Sure, sandali lang.” ang tugon naman ni Sam na nakasuot na ng nakagawian niyang kasuotan ng boxer shorts at sando kapag natutulog.
Boxer shorts at sando din ang iniabot ni Sam kay Edward. Subalit pag-abot ni Sam ng mga iyo at hinawakan siya ni Edward sa kanyang kamay na may tahan-tahan ng mga damit. Dahan-dahang inilapit ni Edward ang kanyang katawan kay Sam. Ilang sandali pa ay sinimulan niyang halikan sa kanyang mga labi si Sam. Tila naging estatwa lamang si Sam na nagpaubaya sa nais ni Edward. Mga ilang minuto pa ang lumipas ng medyo natauhan si Sam.
“Wait. Di tama ito. Wala sa usapan natin ito.” ang biglang nasabi ni Sam.
Bumitaw din sa kanilang halikan si Edward. Subalit hindi siya nagsalita. Muli niyang niyapos si Sam at sinimulan muling halikan sa kanyang mga labi. Hindi na rin napigilan ni Sam ang nais mangyari si Edward. Sya din ay nadala na ng kanyang damdamin at hindi na din bumitaw sa halikan nila ni Edward. Makalipas ng ilang minutong halikan nila habang nakatayo ay bigla ng inilaglag ni Edward ang tapis niyang tuwalya. Isinunod naman niyang hubarin ang sando ni Sam habang patuloy pa rin sila sa halikan. Bago pa man sila tuluyang pumaibabaw sa kama ay kapwa na sila hubo’t hubad. Naglalagabalab na halikan at pagtatalik ang naganap sa silid na iyon ni Sam. Sa silid na madalas na naging saksi sa pagtatalik nila ni Lance.
Nang matapos ang mainit na tagpong iyon at maisaayos ang kani-kanilang sarili ay kapwa na sila natulog sa kama na kapwa pa din hubo’t hubad na magkayakap. Kapwa din sila walang imikan kahit magkayap hanggang sa makatulog na sila. Sapat ang yakap nila sa isa’t isa upang maipahiwatig ang namumuo na nilang pagmamahalan sa isa’t isa.
Mataas na ang araw ng magising si Edward. Wala na sa silid si Sam. Matapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng silid.
“Good morning iho. Halika kain ka na ng almusal.” ang bati sa kanya ng Mama ni Sam habang papalapit siya sa hapag-kainan.
“Si Sam po? Nasaan po siya?” ang tanong ni Edward.
“Maaga siyang pumasok. Hindi ka na nya ginising para makapagpahinga ka pa daw. Pero ibinilin ka naman sa amin na pakainin muna bago ka umalis.” ang sabi ng Mama ni Sam.
“Ganun po ba.” ang nasabi na lamang ni Edward.
Pagkaupo ni Edward sa mesa ay inabutan agad siya ng brewed coffee ng katulong nina Sam.
“Ilapit mo din ang cream at sugar.” ang utos naman ng Mama ni Sam sa katulong.
“Salamat po.” ang sabi naman ni Sam.
Kumakain na si Sam ng almusal habang kakwentuhan pa rin ang Mama ni Sam ng may lumapit na matandang lalaki.
“Papa, si Edward pala. Bayaw sya ni Lance.” ang pakilala kay Edward ng Mama ni Sam sa asawa nito.
“Good morning po. Mukhang galing po kayo sa jogging.” ang bati naman ni Edward.
“Kailangan ko maglakad-lakad iho para hindi ako mabilis tumanda.” ang sabi naman ng Papa ni Sam.
“Hindi pa naman po kayo mukhang matanda.” ang sabi naman ni Edward.
“Itong batang ito, tulad mo din ang bayaw mo na puro biro.” ang sabi ng Papa ni Sam.
Sa pananalitang iyon ng Papa ni Sam at sa naging kwentuhan niya sa Mama si Sam ay mukhang batid na niya na pati sa mga magulang ni Sam ay malapit din ang kanyang bayaw. Hindi nga lamang niya matiyak kung pati ang mga magulang ni Sam ay alam ang namamagitan kina Sam at Lance. Nagpatuloy lamang sila sa kwentuhan at sinaluhan na din ng Papa ni Sam si Edward sa pagkain nito ng almusal. Masayahing tao si Edward at mahilig din magbiro. Kaya naman aliw na aliw ang mag-asawa sa pakikipag-usap kay Edward.
Nang matapos mag-almusal si Edward ay kinuha niya ang bag na naglalaman ng kanyang damit sa kanyang kotse at muli siyang bumalik sa silid ni Sam. Naligo at nagbihis siya at naghanda sa pag-alis niya.
May kakaibang kasiyahang nadarama si Edward ng lisanin niya ang bahay nina Sam. Subalit napag-isip-isip niya na mukhang malalim na ang naging samahan nina Sam at ng kanyang bayaw. Pati kasi mga magulang ni Sam ay kilalang-kilala na din si Lance. Nagtungo si Edward sa partner niya sa business at kapwa nila binisita ang inaayos na pwesto nila. Naging abala si Edward sa pagsu-supervise ng mga trabahador sa kanilang pwesto. Gabi na ng makauwi siya sa bahay ng kanyang ate at bayaw. Si Lance ang naabutan niya sa may sala na nanonood ng TV.
“Kumusta lakad mo bayaw?” ang tanong ni Lance.
“Ayos naman bayaw. Dumaan na din nga ako sa bubuksan kong business. Malapit ng matapos ang store area na pwede na naming buksan sa isang Linngo. Yung sa repair shop area naman ay mga two weeks pa siguro bago nila matapos.” ang tugon naman ni Edward.
“Hindi tungkol doon. Yung lakad ninyo ni Sam.” ang dugtong ni Lance.
“Ha... Galing akong Batangas at pagbalik ko sa Maynila ay tumuloy ako sa tumuloy ako sa pwesto namin.” ang sabi naman ni Edward.
“Katatawag ko lang sa bahay ni Sam. Galing ka daw doon at doon ka din daw natulog kagabi.” ang sabi naman ni Lance.
-ITUTULOY-“Ah yun ba. Ganito yun bayaw. Sana sa Tagaytay na ako magpapalipas ng gabi. Ginabi na kasi ako sa Batangas. Eh hindi ko naman kabisado ang mga maayos at murang hotel sa Tagaytay at gabi na din kasi. Baka mahirapan akong maghanap. Kaya naman dumerestso na ako sa Manila. Gising pa si Sam ng magtext ako sa kanya at ayaw ko ng mang-istorbo sa inyo dahil malamang tulog na kayo. Kaya doon na ako nagpalipas ng gabi. Kilalang-kilala ka pala sa bahay ni Sam.” ang sabi naman ni Edward.
Parang natigilan ng magtanong pa si Lance. Parang gusto niyang paaminin ang bayaw sa kung ano talaga ang pakay ni Edward sa pagtulog kina Sam. Parang gusto din niyang tanungin kung magkatabi silang natulog ni Sam at kung may nagyaring pagtatalik sa kanilang dalawa. May lihim si Lance na dapat di malaman ni Edward kaya ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila. Pero lingid sa kanyang kaalaman ay alam na ng kanyang bayaw ang tungkol sa kanila ni Sam.
“Sige bayaw, maliligo lang ako. Si ate pala?” ang tanong ni Edward.
“Nasa kwarto ng mga bata at tinutulungan sa kanilang assignments. Sabihan mo na lang si Elen na maghanda na ng pagkain mo. Nakakain na kasi kaming lahat.” ang sabi naman ni Lance.
“Sige bayaw pagkatapos kong maligo saka ako kakain.” ang sabi naman ni Edward bago niya tuluyang iniwan si Lance sa sala.
Kahit na may guilt feelings si Edward ay hindi nya yun pinahalata kay Lance. Ayaw nya ng gulo at malaki pa rin ang respeto niya sa bayaw nya. Matapos maligo at makakain ay nanatili na lamang siya sa kanyang silid upang hindi na sila muling magkausap ng kanyang bayaw. Simula ng gabing iyon ay talagang iniwasan niya ang makausap ng kanyang bayaw lalo ng kung silang dalawa lamang. Naging abala din siya sa pag-aasikaso ng bubuksan niyang business at sa paghahanap ng condominium unit na malilipatan niya.
Pero ang hindi niya kayang iwasan ay si Sam. Bago kasi siya umuwi kina Lance ay dumadaan pa siya kay Sam. Dahil naging madalas nga si Edward kina Sam ay nagbilin na lamang si Sam sa kanyang mga magulang at mga kasambahay na huwag iyon mababanggit kay Lance kung sakali man na tumawag ito. Iyon ang ipinagtaka ng kanyang mga magulang na may alam sa relasyon nila ni Lance. Kaya naman isang gabi ng makaalis na si Edward ay kinausap si Sam ng kanyang mga magulang.
“May problema ka ba anak?” ang tanong ng kanyang Papa.
“Wala po Pa.” ang tugon ni Sam.
“Kilala ka namin anak. Nararamdaman namin na may bumabagabag sa iyo. Kumusta na kayo ni Lance? Yung bayaw ba nya ang ipinalit mo na sa kanya?” ang mga tanong ng kanyang Mama.
“Ma, wala pong problema. Nakikipagkaibigan lang po ang bayaw ni Lance sa akin. Wala po kasi siyang ibang kaibigan dito sa Maynila.” ang sabi naman ni Sam.
“Anak, huwag mo ng itago sa amin ang problema mo. Matagal kang naglihim sa amin ng tunay mong pagkatao. Pero ng magtapat ka sa amin ay buong puso naming tinanggap iyon dahil anak ka namin at mahal ka namin. Nang dumating sa buhay mo si Lance ay mas lalo ka namin naunawaan. Ayaw sana namin maniwala na pwedeng magmahalan ang kapwa lalaki. Dahil bago namin nakilala si Lance ay puro pasakit at panloloko lamang ang nakuha mo sa mga lalaking sinabi mong mahal ka.” ang dugtong pa ng Mama ni Sam.
Hindi makapagsalita si Sam.
“Akala ko nawalan ako ng anak na lalaki. Pero sa pagkakakilala mo kay Lance ay naging dalawa na ang anak kong lalaki.” ang sabi naman ng kanyang Papa.
“Batid namin na may asawa na si Lance pero kayo na din ni Lance ang nangako sa amin na wala kayong sasaktang tao sa iyong pagkakaroon ng relasyon. Kaya naman buong puso din naming tinanggap si Lance. Kaya anak, alam namin na may problema kayo ni Lance.” ang sabi ng Mama ni Sam.
Biglang napatulo ang luha ni Sam.
“Sorry po Pa. Sorry po Ma. Pati ako naguguluhan din. Di ba sabi ko din sa inyo na kapag nagkahiwalay kami ni Lance ay doon na ako maghahanap ng babaeng pakakasalan ko upang may makasama ako sa aking pagtanda. Batid naman kasi natin na kahit baligtarin pa natin ang mundo ay hindi ko tuluyang masasarili si Lance at hindi lubusang makakapiling sa aking pagtanda. Mahal na mahal ko si Lance. Pero parang gusto ko na syang palayain ng matigil na din ang pagtataksil namin sa kanyang asawa.” ang sabi ni Sam habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Sa tingin mo ba si Edward na yung pinapangarap mong makakasama sa habang buhay?” ang tanong ng kanyang Papa.
“Ewan ko po. Hindi ko pa sya masyadong kilala.” ang tugon ni Sam.
“Akala ko ba nagkasundo na tayo na kapag nagkahiwalay kayo ay mag-aasawa ka na lang.” ang sabi naman ng kanyang ama.
“Pa, mas lalo nyo naman akong pinahihirapang mag-decide.” ang sabi naman ni Sam.
“Hindi naman sa ganun anak. Kahit ano pa ang maging desisyon mo ay nasa tabi mo pa rin kami. Kaisa-isa ka naming anak at hanggad lang namin na masaya ka namin iiwan kapag dumating na ang panahon...” ang hindi natapos na sabihin ng kanyang ama dahil biglang sumingit si Sam.
“Pa naman. Bakit sa ganoon na ang usapan natin. Walang aalis at walang maiiwan. Matagal na matagal pa tayong magsasama.” ang sabi ni Sam sabay yapos sa kanyang ama’t ina.
“O sige anak. Hindi na namin panghihimasukan ang magiging desisyon mo. Basta alalahanin mo na kahit ano pa man ang mangyari, nandito lang kami. Worst come to worst ay itutuloy na nating ang pagpunta natin sa US. Doon na lang muna tayo titira hanggang mahanap mo ang tunay na kaligayahan.” ang sabi naman ng kanyang Mama.
“Sige Ma, promise. Papayag ako sa gusto nyo. Basta ba mangako din kayo na hindi nyo ako iiwan kahit na umabot sa isang daan ang edad nyo kahit hanggang libong taon.” ang pabirong sinabi ni Sam sabay tawa.
Nagtawanan ang tatlo at sunud-sunod na ang naging kantyawan nila. Naging medyo magaang ang pakiramdam ni Sam simula ng masabi na niya sa kanyang mga magulang ang bumabagabag sa kanya.
Isang araw ay kinausap na niya si Lance ng masinsinan.
“Ilang taon na din tayo. Pero hindi pa rin naalis sa akin ang maging guilty lalong lalo na kay Emily at sa mga anak mo. Batid ko na kapwa din tayo nahihirapan sa ating sitwasyon.” ang panimula ni Sam.
“Bakit? Di mo na ba ako mahal?” ang tanong ni Lance.
“Hindi na mawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Pero habang tumatagal tayo eh lalong lumalalim ang sugat na maari nating maidulot kay Emily. Ayaw kong dumating ang panahon na malalaman nya ang lahat ng tungkol sa atin.” ang paliwanag ni Sam.
“Sam, mahigit anim na tao na nating naitago ito kay Emily. Ngayon ka pa ba bibigay.” ang sabi naman ni Lance.
“Yun na nga Lance. Mahigit anim na taon na tayong nagtataksil sa kanya. Papaano kung malalaki na ang mga anak mo at nalaman din nila. Ano kaya ang pwede nilang gawin sa iyo. Sa akin. Kaya sana hanggang sa wala pang nakakaalam ng ating lihim ay putulin na natin ito.” ang pagsusumamo ni Sam.
“Meron na ba akong kapalit? Si Edward ba?” ang mga tanong ni Lance.
“Walang third party na involve. Wala din kinalaman dito si Edward.” ang tugon naman ni Sam.
“Simula kasi ng makilala mo si Edward ay nagbago ka na sa akin. Madalas na din kayong magkita ni Edward.” ang sumbat ni Lance.
“Lance, please, huwag natin idawit dito si Edward. Desisyon ko ito. Basta ang alam ko ito ang tama. Kung sakali man na masaktan ako sa desisyon ko ay buong puso kong tatanggapin.” ang sabi naman ni Sam.
Pilit pa rin iniuugnay ni Lance si Edward sa desisyong iyon ni Sam. Nais mang sumigaw ni Lance sa nararamdamang sama ng loob ay hindi niya magawa dahil nasa pampublikong lugar sila. Kahit ano pa ang sabihin ni Lance ay talagang desidido na si Sam sa nais niyang hiwalayan nila ni Lance. Hindi man lubusang sang-ayon si Lance sa nais mangyari ni Sam ay napilitan na rin niya itong tanggapin. Naghiwalay sila ng gabing iyon na masama pa din ang damdamin ni Lance sa pangyayari.
Nang magkaroon naman ng pagkakataon si Sam na kausapin si Edward ay agad din niya itong ginawa. Pinakiusapan muna niya si Edward na huwag muna silang magkikita. Ipinagtapat din niya kay Edward ang hiwalayan nila ni Lance at ayaw niyang mabuntungan ng sisi si Edward kapag nakita sila ni Lance na magkasama. Sumang-ayon naman si Edward dahil naging abala din naman siya na kabubukas na business. Hindi din nagtagal ay nakabili na din ng sarili niyang condominium unit si Edward. Agad din siyang lumipat dito upang makaiwas na din sa kanyang bayaw.
Makalipas ang mahigit tatlong Linggo ay nabigla si Sam na madatnan niya si Lance sa kanyang pag-uwi sa bahay.
“O Lance, anong ginagawa mo dito?” ang tanong ni Sam.
“Wala lang nadaan lang ako.” ang tugon ni Lance.
Masaya ang aura ni Lance ng gabing iyon.
“Kumain ka na ba?” ang tanong ni Sam.
“Hindi pa. Kanina pa ako inaalok ni Mama. Pero sabi ko hintayin na lang kita.” ang tugon ni Lance.
“Saan na pala sina Mama at Papa?” ang tanong ni Sam.
“May pinuntahan lang. Pero dito din daw sa loob ng subdivision nyo. Birthday daw ng kumare ni Mama.” ang sabi naman ni Lance.
“Tara na sa dining room at ng makakain na.” ang alok ni Sam kay Lance.
Sabay na nag-dinner ang dalawa. Masaya naman ang kanilang naging kwentuhan habang naghahapunan. Wala ng sumbatan at sisihan sa isa’t isa. Masasayang alaala na lamang ang nagpag-usapan ng dalawa pati na din ang tungkol sa kani-kanilang trabaho.
Matapos silang kumain ay nagbukas ng dalawang bote ng beer si Sam. Inabutan niya ng isang bote si Lance.
“Bago ka umuwi, inom ka muna ng beer.” ang alok ni Sam kay Lance.
“Sam, pwede bang dito muna ako magpalipas ng gabi.” ang hiling ni Lance.
“Pwede naman pero anong idadahilan mo kay Emily?” ang tanong ni Sam.
“Wala si Emily until tomorrow night. Nasa Baguio sya right now at nag-attend ng convention nila doon.” ang sabi naman ni Lance.
“Eh sinong kasama ng mga anak mo?” ang tanong na naman ni Sam.
“Isinaman silang dalawa ni Emily. Pati yung yaya nila kasama din sa Baguio. Kaya nag-iisa lang ako sa bahay.” ang sagot naman ni Lance.
“Kaya nga naisipan ko na dito na lamang matulog.” ang dugtong pa ni Lance.
Nagpatuloy pa ang kwentuhan ng dalawa sa harapan ng TV. Ang tig-isang bote ng beer ay nadagdagan pa ng ilang bote. Hanggang sa dumating na ang mga magulang ni Sam.
“Mukhang nagkakaigihan na naman kayo ah.” ang biro ng ama ni Sam ng makita silang masayang nag-uusap.
“Hindi naman po Papa. Na-mi-miss ko lang kasi ang anak nyo. Ni hindi na kasi ako kinakausap mga ilang Linggo na.” ang sabi naman ni Lance.
“Gabi na Lance ah. Buti pa siguro dito ka na matulog. Mukhang nakarami na din kayo ng beer na nainom.” ang alok naman ng ina ni Sam.
“Ganun na nga po ang usapan namin ni Sam. Wala din po sina Emily at mga bata sa bahay. Nag-iisa lang ako doon. Kaya minabuti ko din na dito na lang magpalipas ng gabi.” ang sabi naman ni Lance.
“O sige. Maiwan na namin kayo. Inaantok na kami kaya umuwi na kami. Pero huwag kayong iinom ng marami.” ang bilin naman ng ama ni Sam
“Pa, last bottle na po namin ito. Wala na din po kaming iinumin. Sige po Ma, Pa, matutulog na din po kami pagkaubos namin nito.” ang sabi naman ni Sam.
Ganoon na nga ang nagyari. Matapos maubos ang huling bote nila ng beer ay pumasok na sila sa silid ni Sam.
“Ligo lang muna ako.” ang paalam ni Sam.
“Sabay na tayo.” ang hiling naman ni Lance.
Hindi naman tumanggi si Sam. Bago sila pumasok sa banyo ay isa-isa muna nilang inalis ang lahat ng kanila kasuotan. Nang muling makita ni Sam ang hubad at matipunong katawan ni Lance ay parang gusto niya ito yapusin. Subalit pinigilan niya ang sarili at gusto niyang pangatawanan nag desisyon niyang tapusin ang kanilang relasyon. Pagpasok nila sa loob ng banyo ay kapwa sila tumapat sa showerhead ng buksan na iyon ni Sam. Nagdikit ang kanilang mga katawan habang patuloy ang pagdaloy ng tubig sa kanilang katawan.
Maya’t maya pa ay biglang niyapos ni Lance si Sam. Hinalikan sa kanyang mga labi. Hindi na din napigilan ni Sam ang kanyang sarili. Nakipaghalikan na din siya kay Lance habang patuloy pa din ang tubig mula sa shower na dumadaloy sa kanilang unti-unti ng umiinit ng katawan.
“I miss you Sam. Sana isang masamang panaginip lang ang pagtapos mo ng ating relasyon.” ang nabanggit ni Lance.
Hindi naman nagsalita si Sam. Nagpatuloy lamang siya sa paghalik sa mga labi ni Lance. Ang mainitang halikan nila ay nauwi sa isa pang mainitang pagtatalik sa loob mismo ng banyo. Pagkatapos nilang makapagpapalipas ng init ng katawan ay itinuloy na nila ang kanilang paliligo. Nang matapos silang makapaligo at makapagpunas ay kapwa na lamang sila nahiga sa kama ni Sam na wala pa rin saplot sa katawan.
“Wala na bang chance na magkabalikan tayo?” ang biglang naitanong ni Lance.
“Lance, I have decided already. Sana maintidahan mo ako. Sana din hindi na maulit ito. Papaano kita malilimutan kung palagi ka lang nandyan.” ang sabi naman ni Sam.
“Sige kung ayaw mo ng relasyon eh ganito lang muna tayo. Paminsan-minsan ay magkikita tayo. Pwede naman tayong sex partners lang. Alam ko naman miss mo din junior ko.” ang sabi naman ni Lance.
“Ayan ka naman. Ipagmamalaki mo na naman yang otcho pulgada mong batuta. Madami dyang bading sa labas na pakitaan mo lang ng otcho pulgada mong batuta ay tiyak na magkakandarapa na sa iyo.” ang biro naman ni Sam.
“Kidding aside. Sorry pala ay napaghinalaan ko kayo ni bayaw. Sorry sa mga nasabi ko sa iyo noon.” ang sabi naman ni Lance.
“Sabi ko naman sa iyo na walang third party involve. Gusto ko lang talaga na matapos na ang pagiging-guilty ko kay Emily at sa iyong mga anak.” ang sabi naman ni Sam.
“I know na wala ngang third party. Bahay-opisina ka lang. At si Edward naman ay sobrang busy din sa negosyo nya.” ang sabi ni Lance.
“Papaano mo naman nalaman ang activities namin for the past weeks?” ang tanong ni Sam.
“Sorry sa ipagtatapat ko. I hired people kasi para alamin ang mga lakad nyo. Alam mo naman na noong nag-usap tayo ay malakas ang kutob ko na may kinalaman nga si Edward sa desisyon mo.” ang pagtatapat ni Lance.
“Nagawa mo yun. Ibig sabihin talagang pinagdududahan mo ako na may third party involve.” ang medyo pagalit ng nasabi ni Sam.
“Sorry. Pero talagang I don’t want to lose you. Ewan ko ba kung bakit napamahal ka ng husto sa akin. May asawa ako at pamilya. At kung yung sexual na pagpapaligaya mo sa akin lamang ang hanap ko eh pwede naman ako makahanap dyan ng mas magaling pa sa iyo. Pero iba ka. Ikaw ay isang tao na dapat lamang mahalin.” ang pagpapaliwanag ni Lance.
“Labis naman pagdududa yan. Naghire ka ng mga tao para manmanan mga kilos namin. Sobra na yan Lance. Isipin mo na lang na para din sa pamilya mo ang iniisip ko. Kung makasarili lang ako eh hindi ko tatapusin ang relasyon natin.” ang sabi naman ni Sam.
“Sorry na. Wag ka ng magagalit. Nagawa ko lang iyon kasi mahal talaga kita. Ayaw ko talagang mawala ka sa buhay ko.” ang paghingi ng tawad ni Lance.
“Mahal ba yung pagdudahan mo ako. Hindi ako ang mundo mo Lance. Pamilya mo dapat ang isama mo sa pag-inog ng mundo mo. Sila lamang at wala ng iba.” ang sabi naman ni Sam.
“Sorry na, please.” ang pagsusumamo ni Lance.
Hindi na umimik pa si Sam. Tumalikod siya kay Lance at pilit nagbingibingihan kahit na paulit-ulit ang pagsusumamo ni Lance. Nang hindi na inimik ni Sam si Lance ay nagpasya na lamang si Lance na manahimik na. Kahit na may samaan ng loob ang dalawa ay nakuha pa din nilang matulog na magkatabi.
Kinaumagahan ay nanlamig sa pakikitungo kay Lance si Sam. Hindi iyon nakaligtas sa pandama ng mga magulang ni Sam. Kaya naman ng makaalis na si Lance ay inusisa si Sam ng kanyang mga magulang. Umamin naman si Sam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit naging ganoon siya kay Sam. Naintindihan naman siya ng kanyang mga magulang. Subalit ipinagtanggol pa rin si Lance na nagawa nya yun dahil mahal talaga sya ni Lance. Muli ay nagbingi-bingihan lamang si Sam sa nasabi ng mga magulang nya.
“Free ka ba tonight?” ang text na natanggap ni Sam isang araw habang nasa opisina siya mula kay Edward.
Medyo matagal-tagal na din na hindi sila nagkikita ni Edward kaya pumayag siyang magkita sila ni Edward ng gabing iyon.
“No commitment yet. Pwede naman.” ang reply ng text ni Sam.
“Sige, dadaanan na lang kita sa bahay nyo at around 7PM para hindi ka na magdala ng sasakyan.” ang text muli ni Edward.
“Sure. Sige I’ll wait for you sa bahay na lang.” ang reply din ni Sam.
Medyo natrapik si Sam sa kanyang pag-uwi. Pagdating niya ng past 6 o’clock sa kanilang bahay ay naroroon na si Edward na naghihintay kausap ang Mama ni Sam.
“Kanina ka pa ba?” ang tanong ni Sam.
“Before 6PM yata noong dumating ako.” ang sabi naman ni Edward.
“Sorry medyo trapik paglabas sa opisina. Eh 7PM pa naman usapan natin ah.” ang sabi naman ni Sam.
“Excited kasi ako sa ibabalita ko kaya napaaga ako. Buti naman at nandirito si Mama na nakakwentuhan ko.” ang sabi naman ni Edward.
“Sige, wait lang. Magpapalit lang ako ng damit.” ang paalam naman ni Sam.
“Ayos na yan iho. Ganyan ka na lang.” ang sabi naman ng Mama ni Sam.
“Mag-jeans lang ako ma. Para mas comfortable ako. At para bagay din sa suot ng kasama ko.” ang sabi naman ni Sam.
Matapos makapagpalit ng damit si Sam ay agad na din silang umalis. Nagtungo sila sa isang bar sa tabi ng Manila bay. Maingay ang music sa loob ng bar kaya naman mas pinili nila ang outdoor area ng bar para mas makapag-usap sila.
“Kumusta na kayo ni bayaw?” ang tanong ni Edward.
“I don't know. He's been acting weird the last time we met. Grabe ang bayaw mo. Parang ayaw nya talaga akong palayain.” ang tugon ni Sam.
“I can feel that also. Iba din ang treatment niya the last time na bumisita ako sa bahay nila. Wala naman syang nababanggit na masama pero nararamdaman ko na parang gusto nya akong i-confront.” ang sabi naman ni Edward.
Naikweto tuloy ni Sam kay Edward ang nangyari sa huli nilang pagkikita.
“Timing din pala na naging busy ako sa aking business at hindi talaga tayo nagkita. Siguro right now meron nagmamasid sa atin at for sure makakarating ito kay bayaw.” ang sabi naman ni Edward.
“Ewan ko ba Edward. Bakit naging ganoon si Lance. Ako siguro ang may kasalanan kaya sya nagkaganoon.” ang nabanggit na lamang ni Sam.
“I know he's straight guy. He's madly in love with my sister noong una ko siyang nakilala. Kung sabagay hindi naman talaga umaamin ang tulad namin ni bayaw kung may experience kami sa kapwa namin lalaki. Siguro nga kasalanan mo yun Sam. Pinadama mo sa kanya ang labis na pagmamahal kaya ganoon na lamang ang ginagawa nya upang hindi ka mawala sa kanya. Parang yun din ang nakikita ko sa iyo kaya napapamahal ka na sa akin.” ang sabi ni Edward.
“Ikaw din ba tutulad sa bayaw mo? Maawa naman kayo sa akin. Wag nyo naman pahirapan ang aking kalooban.” ang pakiusap ni Sam.
“Hindi Sam. Ibahin mo ako sa bayaw ko. I can let go of you kung saan ang gusto mo at kung doon ka magiging maligaya. Pwede kayong magbalikan ni bayaw at mananatiling lihim iyon kay ate. Ganyan kita kamahal. Siguro naman makakakita din ako ng iba pang mamahalin. Pwedeng tulad mo din o sa isang babae. Basta all out support ako sa magiging desisyon mo.” ang sabi naman ni Edward.
“Salamat for understanding. Naguguluhan na kasi ako kay Lance. Akala ko nga noong una ay sexual lang ang magiging relasyon namin. Pero naging mas malalim pa pala doon.” ang nabanggit ni Sam.
“It's weird talaga. Lagi nating hinahanap ang love sa opposite sex or ang lagi nating pinaplanong makakasama habang buhay ay ang opposite sex. Pero hindi pala laging ganoon.” ang sabi ni Edward.
Nagpatuloy ang kanilang usapan tungkol kay Lance. Pero nauwi din iyon sa kwentuhan nila tungkol sa mga pinakaabalahan nila lately. Natapos ang inuman nila sa masasayang kwentuhan. Pag-alis nila sa bar na iyon ay niyaya ni Edward si Sam na duamaan muna sa kanyang condominium unit. Hindi naman tumanggi si Sam. Makalipas ng ilang minuto ay narating na din nila ang condominium unit ni Edward.
Pagpasok nila sa condo ni Edward ay ipinakita kaagad ni Edward ang kanyang silid. Biglang sinabihan niya si Sam na ang silid na iyon ang magiging saksi ng kanilang pagmamahalan kapag naging silang dalawa na. Natawa na lamang si Sam at sinabing hindi mangyayari iyon. Biglang tinanong ni Edward si Sam kung may pag-asa ba siyang mahalin ni Sam. Hindi sumagot si Sam. Niyapos ni Edward si Sam at sinabihan ito na huwag matakot na aminin sa sarili ang nararamdaman. Bigla niyang hinalikan sa mga labi si Sam.
Hindi na iniwas ni Sam ang kanyang mga labi. Marahil iyon din ang gusto niya, ang mahalikan ang mga labi ni Edward. Naging mainit ang tagpong iyon sa pagitan ng dalawa. Ang halikang iyon ay nauwi sa muli nilang pagtatalik. Isang pagtatalik na kahit papaano ay naibsan ang bumabagabag sa kalooban ni Sam tungkol kay Lance. Doon na din nagpalipas ng gabi si Sam.
“I need to talk to you Edward.” ang sabi ni Lance ng minsang bumisita si Edward sa bahay nina Lance.
“Tungkol saan yun kuya?” ang tanong ni Edward.
“Tara dito tayo sa labas.” ang yaya ni Lance kay Edward bago niya tuluyang kausapin si Edward.
“Bakit dito?” ang tanong uli ni Edward ng makapunta na sila sa may garahe ng bahay.
“I know you know kung tungkol saan ang pag-uusapan natin at alam mo din na di pwedeng marinig ng ate mo ang mga iyon.” ang sabi ni Lance.
“Hindi kita maintindihan kuya.” ang pagmamaang-maangan ni Edward.
“Alam ko na alam mo na ang tungkol sa amin ni Sam. Alam ko rin na meron ng namamagitan din sa inyong dalawa. Bayaw, kabaliwan na itong ginagawa natin. Hindi babae si Sam. Lalaki din syang tulad natin.” ang medyo pagalit na nabitiwan ni Lance.
“What's wrong with you bayaw?” ang tanong naman ni Edward.
“Everything is wrong. Mali na nga ang pakikipagrelasyon ko kay Sam. Tapos heto ikaw na kararating lamang, panapatos mo pa ako. Mali di yun.” ang sabi naman ni Lance.
“Ano bang nagawa kong mali sa inyo ni Sam?” tanong muli ang binitiwan ni Edward.
“Please bayaw, leave Sam alone. Naguguluhan na ang tao simula ng dumating ka sa buhay nya. Alam ko na gagamitin mo lang sya. Yang business na sinasabi mo, yang pagbili mo ng condominium, sa tingin mo ba uunlad ang negosyo mo. Sasapat ba ang ipon mo para mabayaran mo ang condominium mo. Gagatasan mo lang si Sam.” ang panunumbat na ni Lance.
“Ano bang pinagsasabi mo dyan? Wala akong masamang ginagawa kay Sam. At wala sa intensyon ko na gawin iyon kay Sam.” ang sabi naman ni Edward.
“Kilala kita Edward. Noon pa man hindi mo kayang ituwid ang buhay mo. Kaya ka iniwan ng asawa mo. You are so immature. You can not stand with your own feet. Lagi kang naghahanap ng aakay sa iyo kapag lugmok ka na sa problema.” ang dagdag pa ni Lance.
“Kuya Lance sumusobra na ang panghahamak mo sa akin. Noon maaari kong tanggapin ang mga sinasabi mo. Ibahin mo na ako ngayon. Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan. Wala kang alam sa mga napagdaanan ko sa buhay. Kung ano man ang nalaman mo noon ay nakaraan na yun. Iba na ang Edward na kaharap mo ngayon.” ang pagtatanggol sa sarili ni Edward.
“Basta ang nasisigurado ko lamang ay ang pera lamang ni Sam ang habol mo. Nalaman mo na nag-iisang anak sya at for sure sa kanya lamang mapupunta ang mga naipundar ng kanyang mga magulang.” ang sabi pa ni Lance.
Nakahalata si Emily na parang nagtatalo ang magbayaw sa kanilang garahe. Kaya naman naisipan niyang lumabas ng bahay ay magtungo sa kinaroroonan ng magbayaw.
“What's wrong honey? Parang nagtatalo na kayo.” ang tanong ni Emily.
“Wala ate. Nabentahan ko daw ng defective spare parts yung isang ka-opisina ni kuya. Eh hindi naman pinakabit sa shop namin yun. Sarili niyang mekaniko ang ginamit nya. So wala kaming liability kung nasira ito ng mekaniko sa pagkakabit.” ang palusot na lamang ni Edward.
“Ganoon ba honey. Sabihan mo ang ka-opisina na sa susunod hayaan na lang sina Edward ang mag-asikaso ng ipapaayos nyang sasakyan. Pero Edward, baka naman pwede mo bigyan ng consideration. Tutal officemate naman ng kuya mo yun.” ang sabi naman ni Emily.
“Sige ate. Oh kuya, pabalikin mo na lang officemate mo. Ako ng bahala sa partner ko. Baka maihirit ko din na mapapalitan ng supplier namin iyon.” ang sabi ni Edward.
Nanahimik na lamang si Edward. Kahit pilit niyang tinatago ang galit sa bayaw ay halata pa din iyon ni Emily.
“Ikaw naman honey, yun lang naman pala ang problem. Wag na kayong magtalo pa. Payag na si Edward.” ang dugtong pa ni Emily.
“Sige, sasabihan ko officemate ko bukas.” ang sabi na lamang ni Edward.
Agad din pumasok si Edward sa loob ng bahay. Si Emily naman ay niyaya ang kapatid na pumasok din upang makapaghapunan na sila. Tumanggi si Edward at sinabing may dinner meeting pa sya sa isang client nya. Hindi naman na sya napilit ni Emily. Agad na din lumisan si Edward.
Makalipas ng ilang araw ay muling nagkausap sina Sam at Edward ng makasundo silang mag-jogging isang umaga sa The Fort.
“Tama ka nga Sam. My brother in law is acting so weird lately. Ang dami na nyang binibintang sa akin. Masasakit na ang mga nabitiwan niyang salita sa akin.” ang bungad ni Edward.
“Siguro lilipas din yan. Soon marerealize nya kung ano ang tama para sa aming dalawa. He's also trying to talk to me again lately. Pero sabi ko nga na mas mabuti pa siguro na huwag muna kami magkita. You know, I love your brother in law. Kaya lang sobra na akong guilty sa ate mo. Sa tuwing magkakaharap kami ay labis-labis ang aking pagpapanggap na ayos lang ako at walang itinatagong lihim sa kanya.” ang nabanggit naman ni Sam.
“Minsan nga naisip ko na ipagtapat na kay ate ang nalalaman ko. Pero ikaw din ang iniisip ko. Then kapag nalaman nya yun, pati ako damay na din sa gulo. Napaka-complicated ng situation natin sa ngayon.” ang dagdag naman ni Edward.
“Sana nga matapos na itong paghihirap natin.” ang hiling ni Sam.
“I hope so. Pero hindi nangangahulugan na wala na tayong karapatang humanap pa ng makakapagpaligaya sa atin.” ang sabi ni Edward.
“Oo naman.” ang pagsang-ayon ni Sam.
“Pwede bang maging tayo na lang?” ang tanong ni Edward.
“Ano ka ba Edward. Baka mas lalong lumala ang situation kapag magiging tayo na dalawa.” ang sabi ni Sam.
“Gusto ko sana patunayan kay bayaw na mahal na mahal kita. At hindi kita gagamitin lamang para sa personal kong ambisyon sa buhay. Dahil kasama ka sa lahat ng pangarap ko at sa lahat ng gusto kong marating sa buhay.” ang pagpupumilit ni Edward.
“Pero baka mas lalong gumulo ang sitwasyo. Di natin alam kung ano pa ang kayang gawin ni Lance.” ang pag-aalinlangan ni Sam.
“Ako ng bahala kay bayaw. Alam ko na mahal niya ang pamilya niya at hindi siya gagawa ng ikasisira niya sa kanyang pamilya.” ang pangako ni Edward.
“Parang mahirap Edward.” ang maikling nabanggit ni Sam.
“Mahirap pero kakayanin natin yun. Huwag kang mag-alala.” ang sabi ni Edward.
Biglang napayakap si Edward kay Sam. Himigpit din ang pagkakayap ni Sam kay Edward. Tanda iyon ng pagsang-ayon ni Sam sa nais mangyari ni Edward. Bumitaw lang sila sa yakapan ng mapansin nila na pinagtitinginan na sila ng mga taong nag-jojogging din sa lugar.
Simula ng araw na iyon ay nanirahan na din sa condo unit ni Edward si Sam. Bago nilisan ni Sam ang kanilang bahay ay humingi muna sya ng pahitulot sa kanyang mga magulang. Suportado naman siya ng kanyang mga magulang sa kanyang naging desisyon. Naging masaya ang dalawa sa unang Linggo ng kanilang pagsasama.
Isang gabi, nag-set ng dinner nila ni Sam si Edward. Hindi ipinaalam ni Edward kay Sam na kasama sa dinner sina Lance at Emily. Kaya nabigla si Sam ng dumating ang mag-asawa sa kanilang dinner.
“Mukhang the best of friends na din kayo ng kapatid ko.” ang unang nabanggit ni Emily ng makalapit na sila sa table nina Sam at Edward at habang kinakamayan si Sam.
“Oo naman mare.” ang nabanggit na lamang ni Sam.
“Hi pare.” ang bati naman ni Sam kay Lance sabay abot ng kamay nito.
“Ayos lang pare. Long time no see, pare.” ang sabi naman ni Lance.
“Sige, order muna tayo na makakain natin. Then later ko na sasabihin what's this dinner is all about.” ang sabi naman ni Lance.
“Oo nga. Sabi mo meron kang sasabihing magandang nangyari sa buhay mo. Sa business mo ba yan?” ang tanong naman ni Emily.
“Mamaya na ate. Let's have dinner first.” ang sabi naman ni Lance.
Nag-order sila ng dinner. Habang naghihintay sa pag-serve ng order nila ay nagkwentuhan muna sila. Normal naman si Lance sa kanyang pakikipag-usap kina Edward at Sam. Paminsan-minsan pa nga ay nakikisama sa tawanan si Lance. Tila wala na kay Lance ang poot na dating ipinadama niya sa bayaw.
Nang matapos na silang kumain ay kumuha ng tyempo si Edward upang sabihin ang nais niyang ipaalam.
“Ate, bayaw, I want you to know na natagpuan ko na ang mamahalin kong tao at makakasama habang-buhay.” ang panimula ni Edward.
“Ha! Grabe ka naman Edward. Bakit hindi mo sya isinama dito para nakilala na din sana namin agad.” ang biglang nabanggit ni Emily.
“Ate, kilalang-kilala mo sya at kasama natin sya now. Si Sam.” ang pag-amin ni Edward.
“Ano! Bading ka ba o nababaliw ka lang? Kaya pala hiniwalayan ka ng asawa mo. Lalaki din ang gusto mo. At si Sam pa.” ang nabanggit ni Emily sa kanyang pagkakabigla sa narinig mula sa kapatid.
“Ate naman. Mahirap ipaliwanag. Pero bigla ko na lamang naramdaman iyon.” ang sabi na lamang ni Edward,
Halata sa pagmumukha ni Lance na nagpipigil siyang masabi ang nasa loob niya. Si Sam naman ay tila nakaramdam ng pagkahiya kay Emily.
“Ano, pare. Totoo ba itong sinasabi ng kapatid ko? Baka nahihibang lang ito?” ang mga tanong ni Emily.
“Mare, I guess it's time for you to know the real score between us. Yes, it's true.” ang pag-amin ni Sam.
“Oh my gosh, meron pala akong kapatid na bading at kumpareng bading din.” ang medyo napalakas na boses ni Emily.
“Calm down honey. Nasa public place tayo. Maraming ibang tao dito sa restaurant.” ang biglang pagsingit ni Lance sa usapan.
“Pareng Sam, baka pati itong kumpare mo pinagnasaan mo din? Oh my gosh, ilang taon na kayong magkumpare. Baka may nangyari na din sa inyo?” ang mga tanong pa ni Emily.
“Honey, pwede ba wag mong isipin yun. Hindi ko din alam na ganyan pala si pareng Sam.” ang pagtanggi naman ni Lance.
Napatingin na lamang sina Edward at Sam kay Lance.
“Sana umamin ka pare na ganyan ka. Baka napagbigyan pa kita.” ang pilit birong binanggit ni Lance.
Hindi naman sumagot si Sam.
“Sa totoo lang pareng Sam. Was there an instance na nagkagusto ka sa asawa ko?” ang tanong ni Emily kay Sam.
“Hindi ko type ang may asawa. Turn-off ako sa kanila.” ang naisipang sabihin na lamang ni Sam.
“Pare naman, kilala mo ako. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki.” ang sabi naman ni Lance.
“Hindi ko din pala type yung masyadong seryoso sa buhay. Mas ok sa akin ang tulad ni Edward.” ang dagdag pa ni Sam na medryo naiinis din sa nabanggit ni Lance.
“Hay naku magtatalo pa kayo. Pero honey, hindi mo ba nahalata noon pa na ganyan pala si pareng Sam?” ang tanong naman ni Emily kay Lance.
“Medyo, lalo na noong una kaming sabay naligo pagkatapos ng basketball game namin. Panay sulyap nya sa manoy ko.” ang tugon ni Lance.
“Uy hindi kaya. Kahit maghubad ka sa harapan ko ay hindi kita pagnanasaan.” ang sabi naman ni Sam.
“O sige na nga. Naniniwala na ako. Gusto ko lang makasiguro na di bading itong asawa ko.” ang sabi na lamang ni Emily.
Natawa si Edward sa nabanggit ni Emily.
“Bakit ate, anong gagawin mo ba kung malalaman mong nanlalaki na din si bayaw?” ang tanong ni Edward.
“Mawawalang sya ng asawa at mga anak. Lalayasan namin sya.” ang tugon ni Emily.
“Hindi naman mangyayari yun honey.” ang sabi naman ni Lance.
“Siguraduhin mo lang. Kasi puputulin ko si manoy mo para wala ng makinabang dyan.” ang biro naman ni Emily.
Nagtawanan ang apat. Nagkaroon pa sila ng kwentuhan hanggang sa muling tanungin ni Edward ang ate nya tungkol sa kanila ni Sam. Sumagot na lamang ito na wala naman syang magagawa kung ganoon nga ang mga pangyayari. Basta susuporta na lamang daw siya sa kapatid sa mga desisyon nito. Hindi nagtagal ay nahiwalay na silang apat. Sa pag-uwi nina Sam at Edward, batid nila na kahit nakisama sa biruan at kwentuhan si Lance ay may poot pa rin siyang kinikimkim sa dalawa.
Matapos ang usapan nilang iyon during a dinner, naging maayos naman ang pagsasama nina Sam at Edward. Iniwasan nilang dalawa ang madalas na makasama ang mag-asawang Lance at Emily dahil nababakasakali silang tuluyan ng malimutan ni Lance ang lahat sa pagitan nila ni Sam. Subalit nagkamali pala ang dalawa.
Nag-iisa noon si Sam sa condominium unit ng marinig niya ang door bell. Laking gulat niya ng buksan niya ang pintuan.
“Uy, Lance ikaw pala.” ang sabi na lamang ni Sam na pilit itinago ang pagkakabigla niya ng makita si Lance.
“Kumusta na? Kumusta na kayo ni Edward?” ang mga tanong ni Lance.
“Ayos naman kami. Halika. Pasok ka.” ang tugon ni Sam.
“Sobrang busy yata kayo ni Edward at hindi na kayo napapasyal sa bahay lately.” ang sambit ni Lance.
“Medyo, Lance. Sumaglit nga kami last week sa China para bisitahin yung isang supplier nya doon. Medyo gumaganda na ang takbo ng negosyo ni Edward.” ang sabi naman ni Sam.
Tila wala ng maitanong o maisabi man lamang si Sam. Nakaupo siya sa sopa at nakatigtig kay Sam.
“Gusto mo ba ng juice or beer or anything?” ang tanong ni Sam.
“Beer will be fine.” ang sagot ni Lance.
Kumuha ng isang boteng beer si Sam. Binuksan iyon at iniabot kay Lance.
“Mas mabuti pa kaya dito ka na mag-dinner. Katatawag lang ni Edward. Medyo male-late sya ng uwi kasi personal nyang inaasikaso ang isa sa regular na client nila. Kung sabagay hindi pa naman luto yung bulalo na niluluto ko. Favorite ni Edward yun. Tamang-tama siguro pagdating nya eh luto na din yun.” ang sabi ni Sam.
Nanatiling tahimik pa din si Lance at pinagmamasdan lamang ang bawat kilos ni Sam.
“Is there something wrong Lance?” ang tanong ni Sam.
Parang walang narinig si Lance. Nakatingin pa rin siya kay Sam.
“I'm sorry Sam kung nagkulang man ang pagmamahal ko sa iyo. Kung gusto mo hihiwalayan ko na si Emily. Then masasama na tayo.” ang biglang bulalas ni Lance.
“What? Nahihibang ka na ba Lance.” ang pagkagulat ni Sam sa nasabi ni Lance.
“Di ba yun na lang ang kulang sa atin before. Ang magsama na tayo sa iisang bubong. Katulad ng ginagawa nyo ni Edward.” ang dugtong pa ni Lance.
“Hindi yun Lance. Nagi-guilty ako kay Emily at sa mga anak mo. Kaya dapat lang na itigil na natin ang namamagitan sa ating dalawa.” ang sabi naman ni Sam.
“Pero I love you Sam and I know deep in your heart ako pa rin ang mahal mo.” ang sambit naman ni Lance.
“Tama na Lance. Ayos na ang sitwasyon natin. Manatili ka na lamang sanang faithful kay Emily. Mas tahimik na ang buhay ko ngayon.” ang pakiusap ni Sam.
“Eh papaano ako. I still love you Sam. I need you. Hindi mo na ba ako mahal?” ang mga tanong ni Lance ng tabihan nya sa pagkakaupo si Sam.
Hindi makasagot si Sam.
“I know ang I can still see in your eyes that you still love me.” ang sabi naman ni Lance sabay yapos kay Sam.
Parang kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ni Sam at hindi siya makakilos. Sinimulan siyang halikan sa labi ni Lance. Hindi nya makuhang iiwas ang kanyang labi. Nagtagumpay si Lance na mahalikan si Sam. Gumanti na din ng halik sa Sam kay Lance. Naging mainit ang mga sumunod nilang ginawa. Ang mainit na halikan nilang iyon ay sinundan ng unti-unti nilang paghuhubad ng lahat ng saplot nila sa katawan. Tila na-miss talaga nila ang isa't isa. Isang mainitang pagtatalik ang sumunod nilang ginawa.
Natigilan lamang sila sa kanilang ginagawang pagtatalik ng maramdaman nilang bumukas ang pintuan.
“What are you doing? Sam! Bayaw! Anong ibig sabihin nito?” ang mga pasigaw na tanong ni Edward matapos niyang isara ang pintuan.
Nagulantang ang dalawa at biglang tumigil sa kanilang pagtatalik. Kapwa hubo't hubad sina Lance at Sam na humarap kay Edward.
“Akala ko tapos na ang lahat sa inyo. You made me believe, Sam. Bakit ganoon?” ang sumbat ni Edward kay Sam.
“I'm sorry Edward. Masyadong mabilis ang pangyayari. I am really sorry.” ang sabi na lamang ni Sam.
“It was my fault. I forced him to have sex with me. Patawad bayaw pero namimiss ko na rin ang pagtatalik namin ni Sam kaya pinilit ko sya.” ang paliwanag naman ni Lance.
“Ayaw ko ng marinig ang mga paliwanag nyo. Ginagawa pala ninyo akong tanga. Malay ko ba na hindi lang pala ngayon nangyari ito. Ako naman si gunggong na pinaniwala mo Sam na wala na kayo ni bayaw.” ang muling sumbat ni Edward.
“That's not true Edward. Ngayon lamang nangyari ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyari ito. Pero hindi kita niloloko.” ang paliwanag naman ni Sam.
“Eh anong tawag mo dito. Hindi ba ito panloloko sa akin.” ang dugtong ni Edward.
“I am really sorry Edward.” ang paghingi muli ng tawad ni Sam.
“Bayaw, ako ang may kasalanan. Sa akin ka dapat magalit.” ang sabi naman ni Lance.
“Bullshit! Magsama kayo muling dalawa! Mga manloloko!” ang sigaw ni Edward sabat labas ng condominium unit.
Hindi na nakuhang habulin ni Sam si Edward. Wala pa din sya kasing saplot sa katawan. Hinayaan na lamang niyang umalis si Edward. Napaupo siya sa sopa at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.
“Sorry, Sam. It was really my fault.” ang paghingi ng tawad ni Lance kay Sam.
Hindi pa rin nagsalita si Sam. Nagpatuloy lamang ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata.
“Don't worry Sam. Nandito pa naman ako. Hinding-hindi kita iiwan. Tulad ng nasabi ko kanina, I am willing to leave my family just to be with you.” ang sabi na naman ni Lance.
Biglang napatitig si Sam sa mga mata ni Lance.
“No, Sam. I'd rather be alone that ruin your family. Go home Lance and be a faithful husband again to your wife and a good father to your children. I can't be truly happy with you Lance. May nasasaktan tayo sa ating relasyon.” ang pakiusap ni Sam kay Lance.
“Pero....” may sasabihin pa sana si Lance pero napigilan syang magsalita ni Sam.
“I already made my decision. Be with your wife and kids. Ayaw ko ng maglaro pa tayo ng apoy. Napapaso na ako. Ayos lang kung ako lang ang mapaso at masaktan. Pero papaano kung si Emily ang masaktan o ang mga anak mo. Ayokong lumaki ang mga anak mo na kinamumuhian ka nila.” ang dugtong pa ni Sam.
Wala ng magawa si Lance kundi sundin si Sam. Isa-isa niyang pinulot ang kanyang mga damit at isinuot ang mga yun. Matapos maisaayos ang sarili ay nagpaalam na siya kay Sam.
Nang gabing iyon ay hindi na umuwi sa condominium unit nya si Edward. Balisang-balisa si Sam sa kung saan nagpalipas ng gabi si Edward. Kinaumagahan ay wala pa din si Edward. Kahit anong tawag ni Sam sa celfone ni Edward ay hindi niya ito sinasagot. Batid ni Sam na masama ang loob ni Edward sa kanya. At sa sandaling panahon na pagsasama nila ay hindi basta-basta napapaliwanagan si Edward para kumbinsihin na baguhin ang kanyang pananaw. Wala na din alam na paliwanag si Sam upang maibsan ang sama ng loob ni Edward sa kanya.
Minabuti na lamang ni Sam na lumisan. Nag-impake si Sam ng kanyang mga damit. Isang maikling liham ang iniwan ni Sam sa condominium unit na nasasabi lamang na “Thank you for loving me and I'm really sorry. I will always love you.”
-WAKAS-

kaasar... nag end sa wala... nu ba yun? kala ko magiging maganda ending... anu na nangyari kay edward? raymac Velasques
ReplyDeletesigh.. im in the same situation.. the only difference is, i have no kids just yet.. im the lance in this story and im really confused whether to go with what the society dictates, having heterosexual relationship or i have to choose what i really wanted.. life is indeed complicated...
ReplyDeleteSAYANG SAD ENDING...SANA MAY BOOK2 NITO..
ReplyDeletesana nga may part 2 ang ganda ng story ndi xa more on sex mas focus xa sa story heheheheheh
ReplyDeleteNaging marupok si Sam... Ok na sana eh... Sya ang nanloko... Nakarma tuloy sya...
ReplyDeleteNakakaiyak ang kwentong ito...
ReplyDeleteThere's shocking news in the sports betting world.
ReplyDeleteIt's been said that every bettor needs to see this,
Watch this or quit placing bets on sports...
Sports Cash System - Advanced Sports Betting Software.
If you'd like an alternative to randomly flirting with girls and trying to find out the right thing to do...
ReplyDeleteIf you'd rather have women hit on YOU, instead of spending your nights prowling around in filthy bars and restaurants...
Then I encourage you to view this short video to uncover a amazing little secret that might get you your personal harem of hot women:
FACEBOOK SEDUCTION SYSTEM...