Sunday, August 5, 2012

AFTER ALL - Part 12


Pagpasok ko ay sinalubong ako ni manang.
“Manang si Jeff ba nasa taas? Nawala kasi phone ko kaya hindi ko siya matawagan.”
“Ah sir wala po siya rito sa bahay,” mahinang tugon ni Manang.
“Ay ganun ba? Sige hintayin ko na lang po siya sa kwarto niya.”
“Ay sir wag na po sa kwarto niya. Dito na lang po sa sala. Hindi ko pa po kasi naayos kwarto ni sir Jeff eh,” nanginginig na sabi ni Manang.
“Ako na lang po mag-aayos manang.” Umakyat na ko papunta sa kwarto ni Jeff.
Naglakad ako papunta sa kwarto niya. Bubuksan ko na ang pinto ng may marinig akong ingay na galing sa loob ng kwarto ni Jeff.
“Ahh. Shit. Ang galing mo. Sige pa.”
Hindi ako nakagalaw sa narinig ko. Boses iyon ni Jeff. Halos hindi ko magalaw katawan ko. Nanginginig ako. Parang gusto kong umalis pero kelangan kong malaman kung ano ginagawa ni Jeff sa loob.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lalo akong hindi nakagalaw sa nakita ko. Si jeff nakahiga sa kama niya. May kasiping siyang lalaki. Tumama ang pinto sa dingding at doon na lumingon sa direksyon ko si Jeff.
Tarantang taranta si Jeff at ang kasama niya. Dali dali silang tumayo at nagsuot ng damit. Patakbo namang umalis ang lalaking kasama niya. Samantalang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko nalang na may tumutulo ng luha sa aking mata. Ng medyo nagkaron na kao ng lakas ay tumalikod ako at naglakad papaalis ng kwarto niya.
Bigla akong niyakap ni Jeff mula sa likod.
“I’m so sorry. I made a mistake.” Ang higpit ng pagkakayakap sa akin ni Jeff.
“Kelan pa, Jeff?” nanginginig at mahina kong tanong sa kanya.
Iniharap ako ni Jeff sa kanya at muling niyakap.
“I’m so sorry Bry,” umiiyak na tugon niya.
Bry na naman ang tawag niya sa akin. Hindi na ko sumagot pa. Tumalikod na lang ako sa kanya at tumakbo papaalis sa kanila. Hindi ko na mapigilan na umiyak ng malakas.
Hindi ko maintindihan kung paanong nagawa sa akin ni Jeff iyon. Hindi ko alam na sobrang laking issue na pala sa kanya na hindi pa ko handang makipagsex sa kanya. Hindi ko alam na dahil dun ay nagawa niya kong lokohin. Ang laki-laki ng tiwala ko sa kanya.
Sumakay ako ng taxi. Wala pa rin akong tigil sa kakaiyak. Mabuti na lang at ng nakauwi ako ay tulog na sina mama at papa.
Dumiretso ako sa kwarto at dun na ibinuhos lahat ng iyak ko.
Tanghali na ko nagising. Hindi ko na nagawang pumasok sa trabaho. Tinanong ako ni mama kung bakit hindi ako pumasok. Sinabi ko na lang na hindi maganda pakiramdam ko. Tatawagan ko sana ang boss ko pero naalala kong nawala nga pala phone ko kaya nagpaalam ako kay mama na aalis lang ako para bumili ng bagong telepono. Magang maga mata ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi.
Pagkabili ko ng telepono at baging sim card ay umuwi na rin ako agad. Kung hindi ko lang talaga kelangan tumawag ay hindi na ko babangon sa higaan.
Pagbaba ko ng tricycle ay nakakita ako ng isang pamilyar na sasakyan sa tapat ng bahay.
Pagpasok ko ay nakita ko si Jeff. Nakaupo sa sala.
“Ano ginagawa mo dito?” Dali dali akong umakyat sa kwarto. Ilolock ko sana ang pinto pero nakasunod siya agad at napigilan niya ko.
“Mag-usap naman tayo please. Kagabi pa kita sinusubukan tawagan pero nakapatay ata phone mo.”
“O sige mag-usap tayo. Ano pa ba kelangan mo sabihin na hindi ko nakita kagabi?” Umiiyak na naman ako.
“Nagkamali ako. Bryan tao lang ako, natukso ako. Buong araw kita hindi macontact kaya…”
“Ah. Dahil hindi mo ko macontact eh nagpasya ka na lang na makipagsex sa iba.”
“Hindi kasi ganun yun.”
“Sige nga Jeff, ipaliwanag mo kung bakit ka nakipagsex sa iba. Dali, para maintindihan ko naman kung bakit nagawa mo kong lokohin at kung paano mo nasira tiwala ko sayo.”
“I’m sorry,” mahina at nakayukong sagot ni Jeff.
“Putang ina naman Jeff. Sinira mo relasyon natin ng dahil sa isang kantot lang? Ganun lang ba kababaw sayo tong putang inang relsyong ‘to?” Hindi ko na napigilan sarili ko. Umiiyak kao pero galit din ako.
“Look. Walang tamang dahilan sa nagawa ko. Mali ako, ang I’m sorry. Pero mahal kita Bryan. Mahal na mahal kita.”
“Kung ganyan ka magmahal eh wag na lang. Ni hindi mo lang ba naisip na baka pumunta ako sa bahay ninyo? Sino ba yung putang lalaking yun? Sang kalsada mo napulot yun?”
Sinara ni Jeff yung pinto ng kwarto para hindi marinig ni mama ang pag-aaway namin. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
“Putang ina sagutin mo ko Jeff. Sino yun?”
“Classmate ko,” mahina niyang sagot na halos kainin na niya sinasabi niya.
“Classmate mo? Yan ba yang project na inaatupag niyo palagi?” Napaupo ako sa kama ko at wala paring tigil sa pag-iyak.
Lumuhod sa harapan ko si Jeff. Umiiyak na rin pala siya. “I’m so sorry Bryan. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita.”
“Tang ina mo, kung mahal mo ko bakit mo ginawa yun?” Halos hindi na ko makapagsalita sa kakaiyak. “Alam mo namang kung kaya ko matagal ko ng ginawa yang putang inang gusto mo diba? Ni hindi ka man lang nakapaghintay. Gago ka.” Hagulgol na lang ako ng hagulgol. Umupo sa tabi ko si Jeff at niyakap ako.
“I’m so sorry.”
“Tang ina ka mahal na mahal kita eh tapos gaganituhin mo lang ako,” sabi ko sa kanya.
“Mahal na mahal din kita. Tama na Bryan, please. I’m so sorry.”
Mga ilang minuto din niya kong niyakap. Marahil sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako. Pagkagising ko ay nakita ko si Jeff na nakaupo sa tabi ko.
“Galit ka pa rin ba sakin?” tanong niya.
“Sino bang hindi magagalit sa ginawa mo?”
“Hindi na ko na uulitin yun Bry, promise.” Humiga si Jeff sa tabi ko at niyakap ako.
“Pinapatawad mo na ko?”
“Oo. Pero please wag mo na gagawin ulit yun.”
“Hindi na.”
Tumayo na kami at hinatid ko na siya sa labas ng bahay.
“Bye Bry.”
“Bye.”
“Balik na tayo sa dati ah.”
“Oo.” Hindi na. Nag-iba na. Mahal kita pero dahil sa ginawa mo, nag-iba na. “Sige na. Ingat ka.”

No comments:

Post a Comment