Dali-daling
bumalikwas si Kuya at tinungo ang salamin upang tingnan kung gaano
kalaki ng pinsalang idinulot ng pag-ahit ko sa kanyang
pinakaiingat-ingatang bigote. Noong makitang nakakalahati ang na-shave
ko, hinarap niya ako, ang mga kamay ay nanginginig, ang mga mata ay
nanlilisik at mabilis na lumapit sa akin. “Anong ginawa mo sa bigote ko!
Anong ginawa mo sa bigote koooooo!!!” Arrrggghhhhhhh!!!” Sabay sakal
sa akin at pagkatapos ay itinulak ako sa kama.
Natumba ako doon at nakatihaya, gulantang at hindi alam ang gagawin sa sobrang takot kay kuya.
Inupuan niya ang tiyan ko. At parang kidlat sa bilis na binitiwan ang isang malakas na suntok na tumama sa bibig ko. “Bog!”
Sa sobrang bilis ng pangyayri naalimpungatan ko na lang na umiyak na
ako sa sakit na nadarama sa bibig ko. At noong pinahid ko ito, nakita
kong may dugo ang kamay na ipinahid ko dito.
Natulala naman si kuya, hindi makapaniwalang nasuntok niya ako. Ni
minsan kasi, kahit sinasapak niyan ang ulo ko, hindi naman ganoong
kalakas na para bang gusto na niya akong patayin. Natigilan siya, hindi
makapaniwala sa lakas ng suntok na pinakawalan niya at ang dugong
umagos sa bibig ko.
“Tol… sorry, nabigla ako tol! Sorry! Ikaw kasi… alam mo naman kung
gaano ko kamahal itong bigote ko eh. Paano na iyan, magagalit na sa
akin si Lani nito.” sabay abot sa kamay ko upang tulungan akong
makatayo.
Ngunit hindi ko tinanggap ang kamay niya. “Ganyan ka naman eh. Mas
mahal mo ang Laning iyan kaysa akin!” ang bulyaw kong nag-iiyak ng
malakas sabay tayo at tumbok sa pintuan ng kuwarto niya, hawak-hawak ko
pa rin ang shaver.
“Tol… saan ka pupunta? Sorry na please!” sigaw niya.
Hindi mo ako mahal!!!! Sigaw ko sa kanya sabay bagsak ng malakas ang pagsara ng pintuan sa kwarto niya.
Dali-dali naman akong pumasok sa kuwarto ko, nag-iiyak pa rin, inilock
ito at diretso sa salamin, tiningnan ang pinsalang dulot na kanyang
kamao sa aking inosente, sariwa, at walasng kamuwang-muwang na mga labi.
Hindi ko pa napagmasdan ng maayos, kumatok na si kuya sa kuwarto ko.
Malakas at mabibilis na katok. “Tol… papasukin mo nga ako! Please…?”
Hindi ko pa rin siya binuksan. “Manigas ka!” sigaw ko sa sarili.
Ngunit narinig pala ni mama ang aming ingay at tinawag niya si kuya. “Erwin! Anong ingay ba iyan? Nag-aaway ba kayo?!!”
Bigla din akong kinabahan kasi, baka makita ni mama ang ginawa ko sa
bigote ni kuya at pagagalitan pa ako. Syempre, mali naman talaga ang
ginawa ko eh. Kaya dali-dali ko ding tinungo ang pinto at binuksan ito.
”Ok lang kami ma! Naghaharutan lang!” sagot ko kay mama.
Hindi na sumagot si mama habang si kuya naman na naka-brief lang, hindi
na nagawang magpantalon pa ay dali-daling pumasok sa kwarto ko at
naupo sa gilid ng kama. Ini-lock ko ang pinto, nakasimangot na tiumbok
uli ang salamin at pinahid ang dugo sa bibig ko.
Tumayo naman si Kuya. “Tol… sorry na.” ang sambit niyang may dalang
panunuyo, kumuha din ng tissue at pinaharap ako sa kanya, itinuloy niya
ang pagpahid ng dugo sa bibig ko.
“Hindi mo ako mahal. Mas mahal mo pa ang Laning iyon kaysa sa akin!” ang pagmamaktol kong sagot.
“Mahal naman kita eh…” sagot niya habang patuloy sa ginawang pagpahid.
“Mahal mo nga ako pero mas mahal mo ang Laning iyon!”
Natigilan siya s sinabi ko, napahinto sa ginawang pagpahid sa bibig ko at umupo sa ibabaw ng kama.
“See? Di ka makasagot eh. Mas mahal mo nga ang Laning iyon kaysa akin!” bulyaw ko uli.
“Halika nga! Upo ka dito” ang sabi niya.
Umupo naman ako sa tabi niya.
“Nasaan iyong shaver? Kunin mo.”
Tumayo ako at kinuha ang shaver, umupo naman siya sa gitna ng kama.
“Halika, upo ka dito sa harap ko.”
Walang imik naman akong umupo sa harap niya.
“Lapit ka pa dito.” Sabi niyang isa-isang itinaas ang mga paa ko, ipinatong sa mga paa at umusog akong palapit sa kanya.
Halos maglapat na ang aming mga katawan sa sobrang lapit namin. Para
kaming magsing-irog na naglalambingan sa aming posisyon. Ewan, para
akong kinikilig sa posisyon naming iyon. Wala siyang saplot sa katawan
kungdi ang brief, ang macho-macho pa niya, makinis…Nasabi ko tuloy sa
sarili na sana ay hindi ko na lang siya kuya. Ang cute kasi niyang
tingnan. Tapos, lapat na lapat pa ang mga katawan namin na kulang na
lang ay ang magyakapan kami at maghalikan. Tuloy, unti-unting nalusaw
ang galit ko.
“Tingnan mo nga ang bigote ko?” sambit niya sabay ngiti.
Tinitigan ko. Ang guwapo-guwapo at ang kinis ng mukha tapos nasira lang
sa bigoteng ang kalahati ay napanot na. Hindi ko napigilan ang matawa.
“O, tingnan mo ang pinaggagawa mo. Tinatawanan mo pa. Ahitin mo na lang.” sambit niya.
“T-talaga kuya? Ako ang mag-ahit?”
“Oo.”
“Eh, pagagalitan ka na niyan sa pinakamamahal mong Lani!”
“Hayaan mo siyang magalit. Mas mahal ko naman ang baby bro ko...”
Grabe. Di ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa narinig. Sobrang happy
ako na nalamang mahal na mahal pala ako ng kuya ko, at mas mahal pa sa
kanyang kinababaliwang Lani. Pero ewan ko lang din kung masasabi pa rin
niya ito kapag nabuking niya na niloko ko na nga siya, dalaga din pala
ang baby bro niya. Hay buhay! Maloloka na yata ako! “Talaga Kuya?” Ang
nasabi ko na lang sabay yakap sa kanya ng mahigpit. “P-puede kiss
kuya?” dagdag ko pa.
“May ganoon pa talaga?” Ang sagot niyang medyo nag-aalangan, marahil ay
naninibago o naiilang. Ngunit pumayag din. “Saan mo gustong ku-miss?”
“Sa pisngi, syempre!”
“O sige, sige.”
At nag-kiss nga ako. “Mwah! Mwah! Mwah! I love you kuya!” tapos nag kiss din ako sa leeg niya “Mwah! Mwah!”
“Oy, tama na! Sinabi kong mahal kita pero hindi ko sinabing
magromansahan tayo!” sabi niyang pabiro. “Hindi ka na galit sa akin?”
tanong niya.
“Hindi na po…”
Hinawakan ng dalawang kamay niya ang ulo ko at kiniss niya ako sa noo.
“Mwah!” Tapos, tiningnan maigi ang mga labi kong natamaan ng suntok
niya, hinahaplos-haplos. “Kawawa naman baby bro ko…” at kiniss uli ako
sa pisngi.
Hindi ako kumibo. Mistula din akong isang batanag nagparaya.
“O, sige, i-shave mo na…” itinuro ang bibig niya sa akin.
At inahit ko ang bigote niya sa ganoong posiyon naming magkaharap at
halos magkadikit ang katawan, ang isang kamay ko ay nakahawak sa shaver
at ang isa ay nakahawak sa panga niya. Para siyang isang batang
susunod-sunran at ipinaubaya sa akin ang kung ano man ang gusto kong
gawin sa kanya. Ipinihit-pihit ko ang kanyang mukha sa kaliwa, kanan,
habang inaahit ko ang makasaysayang bigote niya. At may papikit-pikit pa
sya sa mata niya ha.
Syempre, gusto ko ring ahitin iyong pinanggigigilan kong goatee.
Malinis kasi ang mukha niya noong naka-chat niya si kuya Zach kaya
gusto ko ay kasing linis din noon upang wala talagang duda. Ngunit
nagdadalawang-isip akong imungkahi iyon dahil baka magalit na naman sa
akin. Alam ko, gustong-gusto rin niya kasi ito. Hinihipo-hipo daw kasi
iyon ng Lani niya.
“K-kuya… itong goatee mo, ampangit. Ang dumi-duming tingnan kaya ng
mukha mo…” Ang nasabi ko na lang kahit ang totoo, bagay na bagay din
naman sa kanya iyon.
Akala ko magre-react siya sa sinabi ko. Ngunit, “Di ahitin mo na rin kung gusto mo” ang casual niyang sagot.
Touched naman ako. Syempre, hindi ko akalain na sa isang malakas na
suntok lang pala sa bibig ko igi-give up na niya ang kanyang
pinakaiingat-ingatang mga balahibo sa mukha. At wala na akong sinayang
pa na sandali. Inahit at inahit ko talaga ito ng bonggang bongga.
“Hayan kuya, tapos na. Ang pogi talaga ng kuya ko kapag malinis na
malinis ang mukha!” sabi ko noong matapos na ang ahitan session namin.
“Ganoon ba?” Hinipo-hipo niya ang mga na-ahit na parte ng mukha niya at
pagkatapos ay, “O di sige, simula ngayon, ikaw na ang taga-ahit sa
mukha ko.” and nasambit niya.
“Yeheey! Love talaga ako ng kuya ko!” Niyakap ko siya uli at kiniss sa pisngi. “Mwah! Mwah!”
Doon ko narealize, mahal na mahal pala talaga ako ng kuya ko bagamat
nakalanding muna to the highest level ang kanyang kamao sa aking bibig.
Pero ewan ko lang kung kaya pa niya akong mahalain kung may ma diskubre
pa siyang ibang kabulastugang ginawa ko.
Pagkatapos ng ahitan, ang sunod kong nilambing kay kuya ay ang
pagcha-chat naman namin ni kuya Zach. At hindi naman ako nahirapann
dahil sa alam na ni kuya ang role niya palagi pag sinabi kong makikipag
chat ako sa napakagandang chatmate kong ang panagalan ay Zakie na in
love na in love ako, na sa totoo pala ay Zach ang pangalan. Syempre,
adik kaya sa babae si Kuya, lalo na kapag maganda at sexy. Kaya sa
ngalan ng kanayan gpagka manyak, “Oo” kaagad ang sagot niya.
At kinabukasan ng gabi, nagchat nga kami ni Zach. At as usual, ako ang
nagmi-message gamit ang laptop ko samantalang sa isang computer naman
si kuya na nakaharap sa akin (hindi niya nasisilip ang monitor ko) at
nagpapanggap na nagcha-chat, at mukha niya ang naka-focus sa webcam.
“Eyyyyyyyyyyyy!!!!!!” ang bati kaagad ni Zach. “You look OK now! How do you feel?” dagdag niya.
“Smile ka na kuya! Nand’yan na siya, nakatingin sa iyo!” sigaw ko.
Nag smile naman si kuya na parang gago. Pero ang ganda ng smile niya ha, with feeling pa talaga.
“I’m ok now Zach, salamat. How about you? Pinaayos ko na talaga ang cam ko dahil lang sa request mo.”
“Talaga? Just for me? Wow! Thanks man… you deserve a big hug from me.”
“Whoaaaaa! Ibang level na to!“ sigaw ko sa sariling nakangiting-aso,
sumagi sa isip na baka nabighani na ang mokong sa akin, este kay kuya
pala. “Oo. Ganyan ka kalakas sa akin” ang sagot ko.
“Ano daw ang sabi?” tanong naman ni kuya na gusto nang pumapel dahil sa
nakitang nakakalokang ngiti ko sa pagkabasa ko sa message na “big hug”
daw. “Pogi daw ako?” dugtong niya.
“Opo! Pogi ka daw. Gusto ka raw niyang i-hug!” Sagot ko kay kuya. “Ano
ba to, egocentric na manyak na kulang sa pansin” sa isip ko lang kay
kuya. “Smile ka nga lang d’yan kuya! Huwag kang maingay” dagdag ko pa,
di pinansin kung ano ang ginagawa niya basta concentrate lang ako sa
pagcha-chat kay Zach at pagtitingin sa mukha niya sa monitor.
Sumunod naman si kuya. Type nang type at ngiti nang ngiti. Mukha talaga siyang gago, di ko lang masabi-sabi.
“Really… so dapat magkita na tayo in person this Friday na talaga.” Message ni Zach
“Oo naman, sure na yan” paniniguro ko.
“If I can’t still see you on Friday, I guess you won’t see me anymore.” Sagot naman niya.
Nabigla naman ako sa messge niyang iyon. Parang ma-drama kasi at may dalang pagbabanta. “Ha? Bakit?” sagot ko.
“Nothing. I just want to be sure…”
“Hmm, nagduda yata ang kumag.” Sa loob-loob ko. “Sure about what?”
“If I’m really chatting to the right person.”
“Ha?? Bakit?” tanong ko uli. “Nagduda ka?”
“Not really. It just seems that you have many chatmates. Type ka kasi ng type kahit ang message mo ay lumabas na sa screen.”
“Aba! Seloso!” sa sarili ko. “Kuya!!! Wag ka ngang type nang type
diyan? Napapansin kang nagtatype pa rin kahit lumalabas na ang message
ko sa screen niya.”
“E, paano ko ba malalaman kung tapos ka nang mag-type. Hindi ko naman
nakikita ang monitor mo!” ang pagmamaktol ni kuya. “Kapag naiinis ako,
magwa-walk out ako dito, sige ka!” pananakot ni kuya.
“Kuya naman eh…” ang sagot ko naman, ang mukha ay mistulang iiyak na sa pagtatampo dahil sa sinabi.
“Sabihin mo kasi kung kailan ako magtatype para consistent ang mga galaw natin.”
“Ganyan ka. Lagi mo akong tinatakot…” hirit ko pa, pangungonsyensiya sa kanya.
“O sya… chat ka na. Sabihin mo lang kung magtatype na ako.” Ang panunuyo naman niya.
Nahimasmasan naman ako.
Dahil sa pag-uusap naming ni kuya, natigil ang pagchat ko ng sandali at
dumami nap ala ang message ni Zach sa monitor. “What happened?” “It
seems you are talking with someone…” “Are you still there?” “Is there
any problem?” “Heyyy!”
Marahil ay nakita niya ang mukha ni kuya sa pag-uusap namin na nakasimangot at inaamo ako kaya natanong ni Zach ang ganoon.
“Ang makulit ko na namang utol… alam mo na, nandito kasi kaya nahihirapan akong mag-chat.” ang alibi ko na lang.
“Ha? Nasaan si Erwin?” ang name ni kuya na ako ang gumamit sa pagpakilala sa kanya.
“Nalintekan na! Paano ba to?” sigaw ko sa sarili. Ang ginawa ko,
nagtype muna ako ng “Heto siya o!” tapos tumayo ako at tumabi kay kuya
upang makita sa cam at kumaway-kaway, at ininggit pang hinalik-halikan
si kuya sa pisngi. “Mwah! Mwah!”
“Bakit? Ano ba ang sinabi at hinahlik-halikan mo ako?” ang tanong ni kuya, ang mukha ay nakasimangot na naman sa kalituhan.
“Hay naku Kuya. Nakita ka noong mag-usap tayo kaya ang sabi ko na lang na may kapatid akong makulit.”
Mukhang satisfied naman si kuya sa paliwanag ko kaya, upang hindi na
lumala pa ang usapan, “Sige na kuya, smile ka na uli d’yan. Ako na ang
bahala dito.”
“Ah… nand’yan pala ang makulit na duwag? Lol!” message ni Zach.
“Amfffff!!! Duwag ka jan!” sa sarili ko lang. “Nandito nga eh…” sagot ko.
“Ganyan ba kayo ka close ng kapatid mo? How I wish may ganyan din akong kumikiss-kiss sa akin.”
Natawa naman ako sa message niya. “Nainggit!” sa isip ko lang. “Gusto
mo sa iyo na lang siya?” ang naitype ko, na parang gusto kong i-test
kung gusto ba niyang maging little bro ako.
Ngunit “Ah, huwag na lang!” ang kanyang sagot.
“Araykopo!!!!” sigaw ng utak ko. “E, di sige. Love na love ko din naman
yang baby bro ko.” depensa ko na lang din upang maredeem ang aking
nasaktang pride.
“Lol!” sagot niya.
Maarte siya. Nagtatampo tuloy ako sa kanya….
Anyway, sa pagcha-chat namin, ipaalam ko kay kuya kung magta-type na
ako, “Type na tayo kuya” at pag natapos na ang pagta-type, “Tapos na ang
pagtatype kuya, send na!” “may message na kuya, read mode na ang mukha
mo!” O kaya, “Maganda ang message kuya, smile ka!” “Nakakatawa ang
message, tumawa ka!” “May sinabi akong mwah, mag mwah ka sa cam!”. At
sinusunod naman niya lahat.
Para kaming mga tanga. Pero si kuya, parang uto-uto. Hay naku, kung
alam lang niyang nauuto na nga siya, naloko pala siya dahil sa hindi
babae ang nanunood sa kanya kundi lalaki. Isang lalaki lang pala ang
pinag aaksayahan niya ng oras. Grabe, dahil sa pag-ibig ko sa mokong na
Zach na iyon nagawa ko ang lahat ng kabulastugan at sa sariling kuya
ko pa man din.
Anyway, ganyan ang setup ng pagcha-chat namin. At mabuti na lang at
naniwala naman si Zach na utro ding nauto ko. Ah, ewan ko lang din.
Hanggang sa humantong na ang message niya sa, “Be sure to come on
Friday if you don’t want me to think you’re just taking me for a ride.”
“Whoaaa! Demanding! May pagdududa ba? Mapapasubo talaga ako na ipapakita ko si kuya sa kanya.” sa isip ko lang.
Dumating ang takdang araw ng aming makasaysayang eyeball. At pumayag
naman si kuya na paninindigan na siya talaga ang chatmate. Feeling ko
nga, excited siya eh. Iniisip kasi niya na guwapo si Zach kaya maganda
rin ang kapatid noong babae.
Syempre, natatakot pa rin ako. Hindi ko lubos maisalarawan ang tunay na
naramdaman. May takot na baka mabuking kami ni kuya at kung ano ang
magiging reaksyon ng pinakamamahal kong kuya kapag malaman niyang lalaki
pala ang napusuan ko at ginamit ko pa siya na siyang magpanggap na si
Enzo at ka chatmate. Ngunit may excitement din naman kasi makikita ko
uli ang Zach ng puso ko. Basta, sobrang tuliro ang naramdaman ko sa
pagkakataong iyon.
“Ano ba ang sasabihin ko doon kapag nagkausap kami?” tanong ni kuya.
“Wala. Normal lang lahat. Lahat ng detalye naman na sinabi ko ay
detalye mo eh, gusto, di gusto, sports, favorite movie, singer, songs,
games, artista, singers… lahat.”
“Ah, ganoon ba? O, e.. di, walang problema!” ang sagot niya. “Woohhh!
Binata na talaga ang utol ko! Na in-love na sa babae.” dugtong naman
niya.
“Correction! Dalaga!” bulong kong pagtutol sa sinabi niya.
“Anong sabi mo?”
“Wala Kuya. Masaya lang ako!”
Masaya naman talaga ako na pumayag si Kuya. Kaso nga lang, hindi ko
kayang sabihin sa kanya na lalaki pala ang ka-chatmate ko, na
papanindigan niyang siya ang ka-chatmate. Syempre, nabulabog ang utak
ko, nakonsyensyan, tuliro. Pressure. Grabe.
“E… paano yan tol kung tuluyan nang ma-inlove sa akin ang babae mo… pasensyahan na lang”
Bigla naman akong nabilaukan sa narinig. “Kuya, kahit ma-inlove pa siya
sa iyo, hindi mo siya magugustuhan! Promise! Kaya akin lang siya.” ang
naisagot ko na lang.
“Talaga lang ha? E, di tingnan na lang natin…” ang hamon naman niya.
Akala ko, tuloy-tuloy na talaga ang plano. Ngunit 30 minutes bago kami
aalis na sana papunta sa resto na venue namin, nagtext ang kontrabidang
Lani niya at magpasama daw itong magshopping.
“Disgrasya na!” Sigaw ng isip ko. “Paano yan kuya? Sabihin mo na lang kayang di maganda ang pakiramdam mo?”
“Tange! Pupunta dito iyon. At kapag nalaman noon na nagsinungaling ako
hahagisan noon ng nuclear bomb ang bahay natin. Alam mo ba na sa
pagtanggal ko ng bigoteng ito, katakot-takot na explanations ang ginawa
ko? Kaya mahirap kontrahin iyan ngayon.”
“Bakit kasi di mo pa hiwalayan yan! Kadami-daming nagkandarapa sa iyo d’yan ah, naghihintay lang na magkahiwalay kayo?”
“Tol, naman… hindi ganyan kadali yan”
“E, anong gagawin natin ngayon? Paano na lang ang chatmate ko? Ako naman ang malalagay sa alanganin nito?”
“Ganito na lang ha… ikaw na muna ang mauna doon at susunod ako. Maghanap ako ng paraan para makaeskapo, ok?”
“Promise na sisipot ka ha? Maghintay kami!”
“Oo! 7:00 tol. Pipilitin kong makarating.”
Alas 5:30 ng hapon nandoon na ako sa restaurant na nasabi. Dahil sa
sobrang kaba ko, nag-order ako ng beer habang hinintay ang pagdating ni
Zach. Delikado kasi ang kalagayan ko. Imagine, kung hindi susulpot si
kuya, baka sakalin na ako ni Zach at tuluyan na niya akong iiwan. Hindi
ko kakayanin ang ganoon! Mas gugustuhin ko pang tamaan ng kidlat kesa
iiwanan ni Zach!
Maya-maya, heto, dumating na siya. Shiittt! Ang ganda ng porma ng
kumag. Kumalampag na naman ang aking dibdib ng bonggang bonga sa nakita
sa kanya. Talagang guwapong-guwapo ng Zach ng buhay ko!
At lalo akong namesmerize noong makita na niya ako at ngumiti, tinumbok
ang mesa ko sabay sabing pabiro, “Ikaw na naman?” sabay hila ng silya
at naupo sa harap ko.
Tangina, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa sobrang excitement
na nakita at nakasama uli siya. Para akong matatae! Grabe mga ateng.
Pero nilabanan ko ito. Kunyari, parang wala lang sa akin, hindi ako
natatae. “Ehem… Ok ka lang? Sinabi kaya ni kuya na ako muna ang maunang
pupunta dito.”
“Oppsssss! Huwag mong sabihing wala na naman ang kuya mo dahil nagkasakit.. Magdududa na talaga ako niyan.”
“Sisipot po alas 7:30 daw. Kaya mag-order ka na ng makain natin.” Ang
sambit ko. Ako pa tlaga ang nag-utos na siya ang mag-order. “Hahaha!
Tawa ko lang sa sarili”
At nag-order din naman siya, beer nga lang at pulutan kasi hintayin pa
raw namin ang chatmate niya at sabay kaming kakain. “Huh! Sweet!” sigaw
ko sa sarili.
Kaya, nag-inuman na lang kami. Kuwentuhan ng konti, pantasya ng marami sa kanya. Basta, di ako mapakali.
“Oist! Bakit hindi mo ako pinapasok sa bahay ninyo?” tanong niya pahiwatig noong inihatid iya ako sa amin.
“E… madaladal ang mama ko! Ano, gusto mong mabuking si Kuya na lalaki pala ang type??”
“Ah… so inamain mo na ngayon na bakla pala ang kuya mo…”
“Eh… hindi ah! Ang ibig kong sabihin, na lalaki ang ka chatmate! Syempre, magdududa iyon.”
“Hindi mo alam na bakla ang kuya mo?”
“Dyos na mahabagin!” sigaw ko sa sarili ko. “Dagdag kasalanan ko na naman kay kuya to. Bakla si kuya??. Paano na to!!!”
“O bakit hindi ka makasagot?”
“Hindi bakla si kuya!” pagtutol ko.
“Kung hindi bakla, e bakit siya nakikipag-chat sa akin?”
“Eh, ikaw din naman ah. Nakikipag chat ka rin naman sa kanya ah. Ikaw kaya ang bakla!”
“Hoy, makulit.” Sambit niya na mistulang na touched ang pride. “Noon pa
lang unang magchat kami, sinabi ko na sa kanya na hindi ako nakikipag
chat sa kapwa lalaki. Ngunit itong kuya mo ang message ng message sa
akin… O ngayon sasabihin mong hindi siya bakla?”
“Eh… malay ko ba sa kanya. Baka trip lang niya. Ang guwapo kaya ng kuya ko at madaming babae…” sabay irap sa kanya.
Napangiti na lang siya na para bang ang sinasabi sa isip ay “Guwapo
pala. Ok, fine…” at ayaw nang makipag argumento. Tapos, tinitigan na
lang ako na parang ewan, nakakaloka ang titig niya ha.
At hayon… mistulang nalulusaw na naman ako sa titig niya. Iba kasi ang titig niya eh. Makalaglag panty at brief. Grabe. Heaven!
Ngunit naiirita din ako sa mga tanong niya ha. Na lalo namang
nagpatindi sa takot ko kay kuya. Imagine, si kuya ay bakla? Oo nga
naman, bakit siya nakikipag chat at makipag eyeball pa sa kapawa lalaki
kung hindi nga siya bakla? At heto pa, matatanggap kaya ni kuya na
tawagin siyang bakla ni Zach? Huwaaa!!!! Naamoy kong may kamao na
namang maglalanding sa aking mukha at baka mas marami pa at ito na ang
ikamamatay ko!”
“Sandali, anong nangyari d’yan sa bibig mo?” pahiwatig niya sa medyo
namaga ko pang labi gawa ng pagsuntok sa akin ni kuya Erwin.
“Wala yan!”
“Siguro nakikipaghalikan ka ano, at hindi nagustuhan ang halik mo kaya ka kiinagat?” pang-iinis niya.
“Woi, walang ganyanan ah! Virgin pa po ako!”
“Woo? Virgin pa daw o. Wala naman sa hitsura mo eh.” Sabay halakhak.
“Ikaw siguro andami mo nang nahalikan!”
“Mga babae, oo. Pero kapag ikaw ang nakatikim sa halik ko, mababaliw ka, hahanap-hanapin mo na ako!” biro niya.
“Waaahhhh!” Sigaw ko sa sarili, ramdam ang pamumula ng pisngi ko. “Di
pa nga ako nakatikim e hinahanap-hanap ko na siya, e lalo na siguro
kapag nangyari” sigaw ko sa sarili. Napayuko tuloy ako, di makatingin
sa kanya.
“Woi... bibigay na yan!” dgdag pa niya.
“Ano ba tong kumag na to? Nagpaparamdam ba ito, o gusto lang niya akong
asarin?” bulong ko sa sarili. Nakakainis kasi… “Hindi ako bakla no!”
ang nasabi ko tuloy.
Tumawa siya ng malakas.
Anyway, kahit ninierbiyos sa hindi pa rin pagdting ni kuya, nag-eenjoy
din naman ako sa pakikipag-usap at pakikipag-okrayan kay Zach. Ang
siste lang, 7:30 na ng gabi at hindi pa rin sumipot si Kuya Erwin, ni
hindi sumasagot sa mga text ko! Wala!
Nakita kong unti-unti nang nakasimangot si Zach, tahimik at mistulang
malalim na ang iniisip. “May naaamoy talaga akong hindi maganda.” Ang
pagparinig niya sa akin.
Syempre, kinakabahan na ako at di mapakali. At sa pakiramdam ko ay
galing sa pamumula, nagtransform sa pamumutla ang aking mala-anghel na
faace at nanginginig ang aking sariwang kalamnan. “At bakit mo naman
nasabi iyan?” ang sagot ko.
“Basta…”
“Darating iyon. Hindi iyon indiyanero” pagdepensa ko pa
“Paano kung hindi??”
“Basta, darating iyon! Pramis!”
Ngunit alas 8 na lang at walang kuya ang sumipot. Hanggang sa tumayo na si Zach at umalis nang walang paalam.
“Saan ka pupunta?” sigaw ko.
Lumingon siya, bakas ang galit sa kanyang mga mata, “Sabihin mo sa kuya
mo na huwag na siyang mag-expect na makipagkita pa ako sa kanya. OK?”
sabay walk out at hindi na lumingon pa, nagdadabog at iniwanan akong
tulala at ramdam ang matinding galit at pagkadismaya.
-itutuloy
(DOWNLOAD) $12,234 within 2 months Casino Software?
ReplyDeleteLet me say it straight.
I dont care about sports. Never cared less.
I tried everything from stocks & forex to internet marketing and affiliate programs.. I even made some money but then lost it all away when the stock market went south.
I think I finally found it. Download Now!