Wednesday, August 22, 2012

SI UTOL ANG CHATMATE KO - Part 13

Mistulang nasa suspended animation ang aking isip. Naalimpungatan ko na lang na itinulak ko si Zach at akmang lalabas ng banyo upang lapitan si kuya. Subalit noong lapitan ko na sana siya bigla ding tumalikod ito at dali-daling umalis.

Tumakbo ako hanggang sa may pintuan ng banyo. “Kuyaaaaaa!” sigaw ko.

Ngunit tuloy-tuloy lang si kuya palabas at hindi man lang lumingon.

Bigla akong nanlalanta. Nahuli niya kami ni Zach sa akto. At ang nangingibabaw sa akin ay ibayong kaba sa galit na nakita ko sa mga mata ni kuya.

Tiningnan ko si Zach na itinuloy ang pagsa-shower, parang wala lang nangyari. Noong makita niyang nakatingin ako sa kanya, nagsalita, “Halika na! Ituloy natin…”

Parang bigla riin akong nawalan ng gana sa nakitang reaksyon niya na parang wala lang hindi man lang naisip kung nasaktan ba ako o nagalit ba ang kuya ko sa akin, bagamat naisip ko ring normal lang marahil ang reaksyon niyang iyon dahil dapat lang naman talaga na magalit ang kuya ko. Ngunit sa kabilang banda naisip ko rin na dapat din sana niyang respetuhn ang galit ni kuya at hindi na niya sasabihin pa sa akin na ituloy panamin ang naunsyaming romansa dahil kung tutuusin, siya din ang dahilan kung bakit nangyari ang ganoon at nahuli tuloy kami. Parang ano ba to? Sinadya ba niya iyon upang pagselosin si kuya na siyang tunay niya talagang type? Wala bang halaga sa kanya ang naramdaman ko? Ang naramdaman namin ni kuya?

Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon bagkus nanatili akong nakaupo lang at nagyuyukyok sa gilid ng pintuan, hindi malaman kung babalik pa ba sa shower o tuluyang hahabulin na si kuya.

Ngunit lumapit sa akin si Zach. At bagamat hubo’t-hubad pa ito, hindi naiilang na ipangalandrakan pa sa mukha ko ang tayong-tayong pagkalalaki niya at inabot ang aking kamay upang patayuin ako. “Tol... huwag mong masyadong isipin iyon. Natural lang na magalit ang kuya mo. Halika na, sabay na tayong maligo.”

At ewan ko rin ba. Sa pagkakaita ko sa kanyang nakakaengganyong mukha at napaka-sweet na pananalita at sinabayan pa ng isang nakabibighaning ngiti na ang mga mata ay nanunukso, bigla na lang akong tumalima sa kanyang paghatak sa aking kamay at tumayo na rin, tuluyang nabura lahat sa isip si kuya.

Lumakas muli ang tibok ng dibdib ko. Kung kinabahan ako sa pagkahuli ni kuya sa ginawa namin, mabilis ding natakpan ito ng ibayong kasabikan sa sunod na gagawin sa akin ni Zach, sumagi sa isip na bihirang mangyari ang pagkakataong iyon. At bagamat may parte din ng utak ko ang tumutol, naalipin pa rin ito sa makapangyarihang tukso ni Zach.

Hatak-hatak ang aking kamay, pumasok kaming dalawa sa shower kung saan una niya akong hinablot at pinapapasok. Binuksan niya uli ang shower atsaka humarap sa akin, hinimas ang aking buhok habang natamaan ito sa bumabagsak a tubig.

Napapikit ako sa sarap ng sensasyong namayani sa aking katawan. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan sa sobrang excitement at kiliti.

Gumapang ang paghahaplos ng mga kamay niya sa aking noo, sa aking mga mata, sa magkabilang pisngi. Hanggang sa naramdaman ko ang mga daliri niya ay inilalaro-laro sa aking mga labi, mistulang ninamnam ang sarap sa bawat pagdampi ng mga daliri niya sa malambot kong mga labi. At lalo pa akong nag-init noong ipinasok niya ang hintuturo at gitnang daliri niya sa aking bibig. Isinubo ko naman ang mga ito at sinimulan niyang inilabas ang mga ito sa loob ng aking bunganga...


Noong matapos kami sa shower, saka na pumasok uli sa utak ko si kuya Erwin ko. At naramdaman ko ang ibayong panlulumo, pagsisisi, kung bakit nagpadaig pa ako sa tawag ng laman. Feeling ko tuloy ay isa akong napaka-cheap na karneng double-dead na baboy. Sabagy double dead na nga talaga ang aking puri dahil nilapastangan na nga ako sa nakaraang gabi, at hayun, nagpakangkang pa ako kinabukasan.

Feeling ko rin na ang tingin ni Zach sa akin ay sobrang easy at isang parausan lang. Dahil lang sa mahal ko siya atsaka ko kaagad isinurrender ang aking bandila. Syempre, kahit super crush o mahal ko iyong tao, iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag pinagbigyan mo ang isang tao o may nangyari man sa inyo dahil sa pagmamahal, hindi dahil sa isang libog lang na nalulusaw pagkatapos maipalabas. Ewan basta nanghinayang ako kung bakit pinagbigyan ko pa siya ng ganun lang kadali.

Pride kaya ang tawag doon? Iyong pakiramdam na taken advantage ka lang. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong charitable institution na bigay na lang nang bigay sa mga nangangailangan… Gusto ko kasi ay maramdaman sana iyong assurance na pagkatapos niya akong matikman, nandyan pa rin siya para sa akin. At kahit ano man ang mangyari ay ipaglalaban niya ako. At nangyayari lang kasi ang ganyan kapag may love na involved. Hindi iyong totot muna saka na pag-usapan iyong ibang issues sa aming dalawa kung mayroon man. Parang treasure hunting? Hukay muna ng hukay, saka na malalaman kung may ginto. Paano naman kung wala? Sayang ang effort? Sayang ang energy? Sayang ang expectations? Sayang ang investment? Haayyy kakalerkey.

In fairness naman kay Zach, kitang-kita ko pa rin ang saya sa mukha niya at ang pagpapasalamat niya sa nangyari. Siya ang nagpunas ng tuwalya sa katawan ko upang matuyo ito na parang isa akong paslit na pinapaliguan bagamat iyon na nga, walang sinabi kung ano ba talaga iyong nangyari, praktis lang ba iyon o sampol.

Anyway, noong makabihis na kaming dalawa, dali-dali kong tinumbok ang pintuan ng penthouse upang sundan at hanapin si kuya Erwin sa labas. Ngunit bigla akong hinawakan ni Zach sa kamay, “Sandali…” sabi niya.

“B-bakit kuya?” ang sagot kong may dalang pagkagulat.

“Saan ka pupunta?”

“Hahanapin ko si kuya sa labas eh…”

“Ayaw mo bang pag-usapan ang tungkol sa atin…?”

Pakiramdam ko ay parang biglang may mga nagsiilwang alitaptap sa aking paligid at ang aking mga mata ay napa-beautiful eyes nang wala sa oras. “Ano ba to…” sigaw ng isip ko. “Nananadya yata. Kung kailan ko gustong habulin at hanapin si kuya ay saka namang panunukso nito!” At ang tindi pa ng kanyang hatak! Syempre, iniisip ko na baka magtapat na ba siya ng pag-ibig or something. “A.. e…” ang bigkas ng aking bibig, tila malulusaw ang sarili sa maggkahalong hiya at pananabik. “A-ano ba ang pag-uusapan natin?” Pa-insoente epek ko pang tanong.

“So… tayo na?” ang bigkas niya.

“OMG!!!” ang sigaw ng isip ko. Ambilis naman. Pakiramdam ko ay talagang lalong nagpipikit ng mas mabilis pa ang aking mga mata sa pagbi-beautiful eyes. Feeling ang ganda ko talaga! I swear! Pramis! “A-anong tayo na?” Ang pa-innocent effect ko pa ring banat.

“Tayo na! Magkasintahan, magboyfriend…”

Grabe, hindi talaga nakayanan ng powers ko ang sobrang excitement. Parang gusto kong matae…

“O, ano… ba’t hindi ka makasagot?”

“E… dahil ba iyan sa nangyari sa atin kung kaya nasabi mong tayo na? O may iba pang dahilan?” ang pa-demure ko uling banat.

“Ano bang gusto mong sabihin ko? May naramdaman ako dito sa puso ko. Iyon lang…?”

“Ganoon?” Sa isip ko lang. Para akong isang ice cream na inilagay na talaga sa loob ng microwave. Lusaw na lusaw mga ateng. “E… s-sige. Tayo na” ang sagot ko.

At wala pang one second, lumapat sa aking bibig ang isang “confirmation kiss” upang tuluyang maitatak niya ang kanyang seal of love sa aking kissable na mga labi. Juice ko! At pikit naman kaagad ang aking haliparot na mga mata. Ewan ko ba, bwesit na bwesit talaga ako. Bakit ba ang lakas ng “arrive” niya sa akin? Gustuhin ko mang magpakademure, wala, natatalo ito sa makamandag niyang panunukso.

At pagkatapos ng aming confirmation kiss, tinitigan niya ang aking mukha, sabay haplos nito sa kanyang palad. Grabeh. To the next level na talaga!

Nasa ganoon kaming pagla-labing-labing noong pumasok na naman sa isip ko si kuya. “H-ahanapin ko pa pala si kuya!” ang bigla kong nasambit.

“A… sandali, tatawagan ko na lang.” Sabay talikod at tumbok sa kanyang drawer, hinugot doon ang kanyang cp may pinindot at noong bumalik, naka-dial na ang number.

Syempre, tumaas ang kilay ko at napatanong, “Ganyan na ba sila ka-close ni kuya? Ako nga hindi pa niya binigyan ng number pero si kuya, may number na sa kanya! Paano siya nagkaka-number kay kuya?”

Inabot niya sa akin ang cp. Kinuha ko ito at tiningnan. At may pangalan ngang nakalagay na connecting, “Enzo”

“Arrgggghhh! May mga number sila sa isa’t-isa ngunit di ko man lang alam ito?”

Wala na akong magawa kundi ang hintayin ang pagsagot ni kuya sa kabilang linya.

Naka-ilang ring din ito hanggang sa tumunog at “No answer” ang lumutang sa screen.

“Kailan ka pa nagkaroon ng number ni kuya?” ang tanong kong may bahid pagsususpetsa.

“K-kahapon lang, sa beach…” ang sagot niya.

“Ah, ganoon ba?” sagot ko. Pero nagtataka pa rin talaga ako kung bakit may number siya kay kuya. Kasi ang pagkakaalam ko, di ganoon si kuya na basta nagbibigay ng kanyang number e. Si kuya pa. Para sa kanya, dalawang number lang ang dapat nasa cp niya – gf niyang si Lani at ako. Sa mama ko nga at papa, wala siyang number, ako lagi tinatawagan pag gusto niyang may iparating sa kanila. At halos buwan-buwan ding nagpapalit ito ng sim card kasi kapag may nakaalam sa cp number niya at may mga nangungulit na babae, tapon kaagad. Kaya, laking pagtataka ko talaga kung bakit ganoon kabilis nagkakaroon ng number niya si Zach! Ngunit sinarili ko na lang ang katanungang iyon.

“Hanapin natin si kuya! Sigurado ako nagagalit iyon sa akin.” Ang nasabi ko na lang.

Lumabas kami ng penthouse at bumaba sa hotel. “Did you see Enzo, my other guest? Tanong ni Zach sa front desk.

“Sir, I saw him leave…”

“What?” ang gulat na reaksyon ni Zach. “What do you mean leave? Like he is not coming back?”

“I guess so. He had his knapsack with him.”

Mistula namang hinataw ng baseball bat ang aking ulo sa narinig, hindi makapaniwalang magawa ni kuyang iwanan na lang ako basta-basta doon. “Umalis na lang siya ng kusa? Ganoon na lang iyon?” ang sigaw ng utak ko. Hindi ko alam kung iiyak sa inis o maglupasay sa hindi ma-drowing na naramdaman. Hindi ko kasi lubusang maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis at iwanan ako sa lugar na iyon. Ganoon ba kalaki ang nagawa kong kasalanan? O ganoon ba kalalim ang galit niya sa akin? Kasi hindi iyon ang nature ni kuya na basta-basta na lang akong iwanan. Napaka-over protective nga niya sa akin na minsan ay feeling ko nasasakal na ako. At lalo na noong malaman niyang bakla pala ako. Ang banta pa nga niya ay hindi niya ako papayagang may kung sinu-sinong lalaking kasama, lalo na si Zach. Bubugbugin daw niya ito.

Pinuntahan namin ang gate guard at tinanong kung nakalabas nga ng resort si kuya. At nakumpirma naman ito. “Nakita ko pong sumakay siya ng taxi Sir...” ang sagot ng gate guard.

Nagkatinginan kamini Zach. “Wala na, galit na galit talaga ang kuya ko sa akin…” ang sabi ko kay Zach ang mukha ko ay hindi ma-drowing.

“Hayaan mo na siya. Mawawala din ang galit sa iyo noon. Dito na lang muna tayo sa resort. Bukas ka na umuwi, ihahatid kita.” Ang sagot naman ni Zach.

“Hindi puwede kuya!” Kailangang makausap ko siya. Tatawagan ko uli ang kuya ko…”

Naka sampung dial siguro ako sa aking cp at wala talagang kuyang sumagot. Syempre kinakabahan na ako ng super-mega-to-the-max!

Kaya napagdesisyonan kong umuwi. At bagamat todo pigil sa akin si Zach at ipinalabas uli sa akin ang kanyang nakamamatay na panunukso, pilit kong nilabanan ito, para lang sa aking pinakamamahal na kuya Erwin.

Walang nagawa si Zach. “Ok… it’s up to you.” Ang nasabi na lang niya.

Noong nasa loob na uli kami ng penthouse, diretso ako sa mga gamit at bag ko, pati mga naiwang gamit ni kuya, ang swimming trunks niyang basa pa, pati na briefs ay dinala ko na rin. Nilingon ko si Zach; nakahiga ito sa kama at nagmasid lang sa akin. Noong nakita niyang nilingon ko siya, iniabot naman niya ang kanyang kamay na para bang gusto niyang lalapit ako sa kanya.

Lumapit nga ako at hinawakan ang kamay niya. Agad din niya akong hinila bigla at gulat na napasampa ang katawan ko sa ibabaw ng katawan niya. “Hindi mo ba ako ma-miss?” tanong niya, ang mga mata ay nagmamakaawa.

“Ma-miss kita… kaso, hindi puwedeng hindi makausap ang kuya ko. Ayokong nagtatampo o nagagalit ang kuya ko sa akin.”

Ok… wala akong magagawa. Ihahatid na lang kita. Pero, isa pa… pwede?”

“Anong isa pa?”

“Dito…” sabay tampal sa likuran ko, binitiwan ang isang nakakalokong ngiti.

“Masakit na kuya eh...” ang pagreklamo ko.

“Please???” pagmamakaawa naman niya.

At ano pa ba ang magagawa ko. Ikaw ba naman ay pagmamakaawaan ng isang napakaguwapong nilalang.

At nangyari muli ang kanyang pagpapasasa sa mura ko pa ring katawan. At kahit masakit pa rin ang aking tumbong, pumayag pa rin ako at tiniis ang lahat, matamasa lang ang sarap ng pakikipagniig sa aking mahal na Zach.

At iyon, na-triple dead din ang aking pinakaiingat-ingatang puri. Syeetnesss talaga. Kung basketball lang iyon, naka-7 points na sila sa akin. Dalawang tigto-two points kay Zach at isang three points sa kung sino man iyong lumapastangan sa butas ng aking pang-upo.

At kung bakit three points ang markang ipinagkaloob ko sa kng sino man ang taong iyon? Ewan, masarap kasi siya eh… bagamat di ko kilala ang gumawa noon pero sa galing niyang magpaligaya tumatatak sa utak ko ang mala-hayop na pakikipagtalik niya. Naririnig ko pa ang pigil niyang pag-ungol, nalalasahan ko pa ang manamis-namis at malagkit-lagkit niyang laway, nakikiliti pa ang aking mga bibig sa sarap ng paglalaro ng dila niya sa kaloob-looban nito, nanginginig pa ang aking kalamnan sa bawat ulos ng kanyang malaking pagkalalaki sa kaloob-looban ng aking likuran. Ramdam ko pa ang masakit ngunit nakakakilitng pagkakagat at pagsisispsip niya sa aking utong at balat. At naiimagine ko pa ang pagpulandit ng kanyang katas sa aking tiyan, dibdib na ang medyo malangsang amoy ay nalalanghap pa ng aking ilong. May dalang sakit sa aking katawan ang kanyang ginawa ngunit may hatid din itong matinding sarap; may poot ang aking kalooban ngunit may pumukaw ding pagnanasa…

Habang minamaneho niya ang kotse niya patungo na sa bahay namin, panay naman ang hawak niya sa kamay ko. “Mahal mo ako?” tanong niya, tinitigan ang mukha ko saglit atsaka tumingin uli sa daanan.

“M-mahal din.” ang pakipot kong sagot.

“Kailan pa?” tanong niya uli.

Mistulang nasamid naman ako sa tanong niya na iyon. “A… k-kahapon?”

“Hahahahahaha!” Tawa niya. Parang hindi siya naniniwalang sa isang araw lang nagsimula ang pagmamahal ko sa kanya. Parang may something sa kanyang pagtawa.

“Bakit ka tumawa?”

“Wala… ambilis lang kasi” sagot niya

“Ikaw mahal mo ako?” tanong din niya sa akin.

“Oo naman!” sagot din niya.

“Kailan lang?” pagbalik ko sa tanong niya.

“Kahapon?” ang sagot niyang ang tono ay nagtatanong.

“Hmpt! Ginaya mo lang ang sagot ko eh. Pwede ba iyong isang araw lang tapos mahal mo na kaagad iyong tao?”

“E… Bakit ikaw?”

Napa-“amfffff!” naman ako. Hindi ko kasi naisip na hindi naman talaga iyon ang tunay na sagot ko. Nag-sisigaw ang isip kong sabihing hindi lang kahapon nagsimula ko siyang mahalin; na matagal na ito at ako rin ang tunay niyang chatmate. Hindi ko na sinagot ang tanong niyang iyon.

Tahimik.

“E… si kuya, type mo siya, di ba?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

Napatignin naman siyang bigla sa akin. “Humanga ako sa kay Erwin, este Enzo…” napahinto siya ng sandadli noong magkamaling bigkasin ang akala niyang pangalan ni kuya Erwin. “Masarap siyang kasama, lahat ng bagay ay magkasundo kami, pero, kaibigan na lang ang turing ko s kanya. May mahal na ako e.” ang sagot niya sabay bitiw ng nakakalokong titig.

“Hmmm! Bolero!” ang sambit ko naman, kinilig sa kanyang sinabi.

Nakalabas na ako sa sasakyan niya pagkarating namin sa harap ng bahay, lalabas na rin sana siya sa sasakyan upang sumunod sa akin papasok ng gate. “Huwag! Dito ka lang!” ang bigla kong sigaw.

“Bakit?” Tanong niya, ang mukha ay naguluhan

“Ayokong pumasok ka… baka isinumbong ako ni kuya, o kaya makita ng mga magulang ko na hindi si kuya ang kasama ko, mapagalitan pa ako.” Ang alibi ko bagamat ang gusto ko lang naman ay hindi siya makausap ng mama o papa ko kasi baka mabuking niya na ang tunay kong pangalan ko ay Enzo. “Alis ka na kuya… daliii!”

“O sige, pero wala man lang kiss?”

At dali-dali akong nag-kiss sa bibig niya sabay talikod.

“Di mo man lang ako bigyan ng number mo?” sigaw niya uli.

At bumalik uli ako, ibinigay ang number ko. “Alis naaaa…”

Tuamalima naman siya.

Dali-dali akong pumasok ng bahay, inihagis ang dala-dalang bag sa gilid ng sala at tinumbok ang kusina, ang garden at bahay-kubo sa likod, wala. Wala rin ang mga magulang ko.

Tinumbok ko ang kuwarto niya at kumatok. “Kuyaaaaaa! Nandito na ako!” sigaw ko. Noong bumukas ang kuwarto, tumambad sa mga mata ko si kuya, naka-puting boxer’s short lang, normal na postura niya kapag nag-iisa sa kuwarto.

Ewan pero parang sa pagkakataong iyon, sobra ang excitement na nadama ko sa pagkakita sa kuya ko. Siguro ay dahil sa alam kong may tampo lang siya o nasabik lang ako sa kanya dahil sa pag-iwan niya sa akin. At sa nakitang postura ni kuya na naka-boxers at nakakabighani ang ganda ng hubog ng kanyang katawan, lalo na ng kanyang extra-ordinaryong bukol sa harapan, parang may kung anong ibayong kasabikan ang gumapang sa aking pagkatao.

Noong magkasalubong ang aming mga mata, binitiwan ko ang isang nakakabighaning ngiti. Ngunit aba, hindi ako pinansin at hindi tinugon ang ngiti ko. Dedma. Parang wala lang siyang nakitang tao at diretsong bumalik sa loob ng kwarto at ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng kama, nakatihaya, itinutok ang mga mata sa nakabukas na TV.

Sumunod ako sa kanya at umupo sa gilid ng kanyang hinigaang kama. “Kuya… ba’t ka umalis doon? Ba’t mo ako iniwan?” ang paninisi kong tanong.

Ngunit hindi pa rin siya sumagot, ang mukha ay pakiramdam kong may itinatagong inis at hindi ito ma-drowing, nanatili pa ring nakatutok sa TV monitor ang kanyang mga mata.

Hinablot ko ang remote at pinatay ang TV.

“Ano baaaaa!” ang sigaw niya sabay hablot ng buhok ko.

“Kausapin mo kasi ako kuya eh!” sigaw ko.

“Ano bang pag-usapan natin? Tangina!” ang pagmamaktol naman niya.

“Bakit mo ako iniwanan doon sa resort?”

At bakit hindi kita iiwan? Ano ba ang gusto mong gawin ko pa doon? Nakikipaglandian ka sa tao na iyon at gusto mong manood ako sa inyo, ganoon? Habang nakikipagharutan ka sa kanya, nakikipag-sex sa kanya panoorin ko kayo, ganyan ba ang gusto mong gawin ko?”

Mistula naman akong binatukan sa narinig. Syempre, hindi nga naman maganda iyon. Bagamat alam niyang may pagnanasa ako kay Zach, iba pa rin siguro kapag nakita mong ang kapatid mo ay nakikipagyarian. “S-sorry na kuya…” ang nasambit ko na lang.

“Ang landi-landi mo!” ang sigaw pa niya sabay abot sa remote.

Ngunit kinuha ko rin ang remote at inihagis iyon sa malayo upang di niya makuha. “Sorry na nga eh!” Sigaw ko. “Hindi ka naman kasi ganyan. Naninibago ako sa iyo eh. Dati palagi mo nga akong binabantayan, kapag may mga kaibigan ako, binubusisi mo, pinagbabawalan mo akong makikipagkaibigan sa mga taong ayaw mo. Minsan pa nga, inaaway mo pa iyong iba. Bakit kanina bigla mo na lang akong iniwanan?”

“Alam mo, ikaw… hindi kita maintindihan. Gusto mo ako ang magpapanggap na ka chatmate noong tao na iyon, at noong nakilaro na ako at feeling chatmate na iyong tao sa akin, gusto mo namang dumestansya ako sa kanya dahil, sabi mo, para mapansin ka niya. Noong dumestansya na ako, ayaw mo naman at ang gusto mo ay ituloy ko lang. Iminungkahi kong ibunyag na sa kanya ang kahat, para magkaalaman na, ayaw mo rin. Ngayong nakuha mo na ang gusto mo at nayari ka na, tangina... ikaw naman itong nag-iinarte at gustong nandoon ako? Ano ba talaga tol? Naguguluhan ako sa iyo…” ang paliwanag ni kuya na ang tono ay nagmamakaawa.

Hindi din ako nakasagot kaagad sa sinabing iyon ni kuya. Di ko rin kasi lubos maintindihan ang sarili. Gusto ko si Zach pero ayaw ko rin namang mawala sa piling ko si kuya. “Kasalanan mo kasi!” Paninisi ko sa kanya. “Sinanay mo akong lagi na lang sa tabi mo. Hindi ako nakakalabas nang hindi ka kasama.”

Naalala ko pa kasi, simula noong bata pa kami, hindi talaga ako hinihiwalang ni kuya kahit saan man ako magpunta. Kumbaga, ayaw niyang mahiwalay ako sa kanya. Naalala ko pa, kahitnoong high school na ako, JS prom, nandoon din siya nag aantay sa akin sa labas. Kahit sa ganoong edad ko pa, mamasyal lang kasama ang mga kaibigan, nandoon din siya umaaligid na animoy isang presidential guard.

Hindi na pinansin ni kuya ang sinabi kong iyon, ang mukha ay nakasimangot pa rin.

“Bakit hindi ka nagpaalam sa amin?” tanong ko uli.

“Gago ka talaga!” Sagot niya habang biglang lumingon sa akin. Gusto mo bang lapitan ko kayo habang nagroromansahan at kalabitin sabay sabing, ‘Woi, aalis na ako ha? Pag-igihan ninyo! Tangina. Ang lakas-lakas pa ng halinghing!”

Napa-“Araykopo” naman ako sa sarili. “Para siyang nagseselos!” sa isip ko lang. “E, bakit hindi mo sinagot ang tawag ni Zach? At iyong tawag ko?” tanong ko uli.

“Naka silent ang cp ko!” padabog niyang sagot.

Ngunit hindi ako naniniwala sa sinabi niyang naka-silent ang cp niya. At ang sunod kong naitanong uli ay, “G-galit ka sa akin kuya?”

Natigilan siya ang mukha nakasimangot pa rin at tiningnan lang ako, hindi sinagot ang tanong ko.

“Galit ka sa akin eh!” ang bulyaw ko ipinaramdam na nagmamaktol ako at akmang iiyak na. Iyon lang naman ang panlaban ko kay kuya. Simula noong bata pa kami, kapag umiyak na ako, lahat ay gagawin niya upang tumahan ako sa pag-iiyak. Ayaw niyang makitang umiyak ako.

At doon na bumigay si kuya. Habang nakahiga siyang nakatihaya, hinablot uli ang buhok ko at hinila, sapat upang mapahiga ako sa ibabaw ng katawan niya. Alam ko, hindi na siya galit. Ganoon kasi iyon kapag naglalambing sa akin. Binabatukan ako o kaya, hanahablot ang buhok.

At tuluyan na rin akong tumaob sa kama, ang kalahating parte ng katawan ay nakapatong sa katawan niya samantalang ang isa kong hita ay sadyang idinantay ko pa sa mismong umbok ng kanyang pagkalalaki.

Hindi naman siya pumalag, bagkus inilingkis pa niya ang isa niyang kamay sa aking katawan. “Kulit! Kulit! Kulit!” ang birit niya, sabay pagtatampal sa aking mukha na mistulang nanggigigil.

“Yeheeeey! Hindi na galit ang kuya ko!” habang ang isa kong kamay ay inihaplos-haplos sa kanyang mukha, sa kanyang noo na para bang eksena ng magsing-irog na naglalambingan.

At hinablot niuya muli ang buhok ko. “Malandi!” sambit niyang pabiro.

Natawa na lang ako. Alam ko may inis pa rin siyang naramdaman para sa akin ngunit pinigilan na lang niya ang sarili. “Kuya iyong kiss ko. Sabi mo sa beach i–kiss mo ako kapag tuyo ang damit ko. Tuyo na ang damit ko ngayon.”

“Ikaw na ang ku-miss sa akin.” Sabay pikit ng mga mata niya na nakisang-ayon sa paglalambing ko.

“Kahit saan kuya?”

“Kahit saan!”

“Kahit saan naman pala e.” Sa isip ko lang. Kaya niloko kong sadyang idampi ng todo ang mga labi ko sa mga labi niya at tinangka ko pang ipasok ang dila ko sa lob ng bibig. Mabilisan lang.

Sa pagkabigla, kitang-kita ko ang paglaki ng kangyang mga mata. Ngunit hindi naman siya pumalag bagkus ang nasambit ay, “Tangina! Para saan iyon? Bakit sa lips?”

“Wala lang! Trip ko lang!” ang sagot ko naman.

At isang batok ang lumanding sa aking ulo. “Umm!”

Ngunit doon ako nawindang noong madama ng hitang nakadantay sa kanyang harapan ang biglang paglaki ng alaga niyang nasa loob ng kanyang boxers. “Waaahhhhhh! Tinigasan si kuya sa halik ko!!!!” sigaw ng utak kong natuturete.

Ewan ko ba, may kakaibang kiliti at excitement ang dulot ng paglaki ng alaga ni kuya sa na dinaganan ng aking hita at naramdaman ko pa ang pagpipintig-pintig nito.

Nagkatitigan na lang kami.

Tahimik.

Ewan ko kung ano ang dahilan ng katahimikan na iyon. Ngunit ang nasa isip ko ay ang kakaibang init na gumagapang sa aking buong katawan habang ninamnam ang nakaka-koryenteng kiliti sa mistulang pagwawala ng alaga niya sa ilalim ng aking hita.

(Itutuloy)

1 comment:

  1. There is shocking news in the sports betting industry.

    It's been said that any bettor must watch this,

    Watch this or stop placing bets on sports...

    Sports Cash System - Advanced Sports Betting Software.

    ReplyDelete