Wednesday, August 22, 2012

SI UTOL ANG CHATMATE KO - Part 20

Grabe talaga ang kabulastugan ng kuya ko. Parang adik. At nakakahawa! Habang nilalaro niya ang sarili, hindi ko maiwasang hindi mapasabay sa kanya.

Hanggang sa noong nakita kong pumulandit ang katas ng kanyang pagkalalaki, naramdaman ko rin ang sariling nagdedeliryo... at pumulandit na rin ang sariling likido ko na tumama lahat sa dingding kung saan nandoon ang butas na ginamit ko sa paninilip.

=========================================

May pasilip na video po ang eksenang ito base sa nasilip ni Enzo sa kuya niya sa loob ng kuwarto:

http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/11/ang-kabulastugan-ni-kuya-erwin.html

=========================================

Pagkatapos niya sa eksenang iyon, pumunta na siya ng shower. Agad ko ring pinahid ang mga bakat ng aking dagtang dumikit sa dingding atsaka tinumbok ang shower sa kwarto ko at naligo.

Noong matapos ako sa paliligo at nakahiga na sa kama, hindi maalis-alis sa isip ko ang eksenang ginawa ni kuya sa kanyang kwarto. At ang matinding katanungan sa isip ko ay kung sino ang tinitingnan-tingnan niya sa monitor ng kanyang laptop habang ginagawa niya ang maharot niyang pagsasayaw at pagpapaligaya sa sarili! Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip na baka si Zach na naman iyon, dahil nga sa ginawang panggagamit at pagmamanipula noong tao sa amin ni kuya. At syempre, may galit at pangamba na naman akong nadarama.

“Ansama-sama talaga ng Zach na iyon!” Sa isip ko lang. At biglang sumagi sa isip ko ang pagtatagpi-tagpi ng mga pangyayari. “Noong maglove-making kami ni Zack sa banyo kinabukasan noong ma-rape ako, puno ng kissmarks ang aking katawan. Ngunit bakit hindi siya nagtanong sa akin kung bakit may tila mga pasa ako sa katawan? Bakit parang wala lang sa kanya ito?” Lumakas tuloy ang kutob kong siya ang salarin kung hindi man may kinalaman sa lahat ng nangyaring panggagahasa sa akin. Kaya bumalik na naman ang matinding galit sa kanya.

Kinabukasan, pagkatapos naming maghapunan, nagkunyari akong walang ganang makipag-kwentuhan o makipagharutan kay kuya. Kasi, ang plano ko ay gusto kong pumasok na siya sa kuwarto niya upang masilipan ko uli. Naintriga kasi ako kung may ka-chat ba talaga siya at kung sino iyon. Baka sa pagkakataong iyon, mahuhulaan ko kung sino ba talaga ang ka-chat niya. Dahil kapag nalaman kong ang Zach na iyon ang ka-chat pa rin niya, ewan kung ano ang gagawin ko sa kanya. Baka hindi ko na siya mapapatawad pa.

“Tol... ditto muna tayo sa sala! Kwentuhan muna tayo lika!” panghikayat ni kuya.

“Ayoko kuya, inaantok na ako.” Ang pag-aalibi ko habang paakyat na sa hagdanan patungo sa second floor kung saan naroon ang kwarto namin.

“Inaantok ka? O may kabulastugan kang gagawin sa kwarto mo?”

Napa-“Amffffff!” naman ako sa narinig, sabay hinto sa pagakyat at nilingon siya. “Kuya... baka ikaw ang may kabulastugang ginagawa sa kwarto mo. Baka gusto mong i share sa akin, ok lang...” Ang sagot ko.

Na sinagot din niya ng pakanta-kantang, “May alam ako... ngunit hindi ko sasabihin. May alam ako ngunit hindi ko sasa bihin...”

“Ano?” Ang tanogn ko uli.

“Wala... mayroon lang akong sikretong alam ngunit hindi ko sasabihin.” Ang mahina at pasimple niyang sabi.

“Kala mo di ko alam huh!” sa sarili ko lang. Ngunit naintriga pa rin talaga ako sa parinig niyang iyon. “Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa parinig niyang iyon?” At ang naisagot ko na lang sa kanya ay, “Adikkkk!” sabay takbo na sa kwarto ko.

Malakas na tawa naman ang narinig kong isinagot niya.

Noong makapasok na ako sa kwarto ko, dali-dali akong naghanda para sa maitim kong plano: ang muling paninilip ko sa aking kuya!

At wala pang buong isang minuto, hayun, narinig kong may pumasok na sa kabilang kwarto. Agad kong sinilip ang butas at nandoon nga uli siya, dating pwesto. Binuksan niya uli ang kanyang laptop, ang monitor ay nakaharap sa kanya at siya naman, habang nakaharap sa kanyang laptop ang posisyon ay nakaharap sa mismong dingding kung saan ako sumisilip. Ibayong kaba at excitement naman ang aking naramdaman.

Gaya ng dati, may ikinabit uli siyang wire at noong maka-connect na, abot-tenga ang ngiti niya. Kumaway siya, pinalaki ang mga mata at ipinalabas ang dila! Parang nang-aasar!

“Sino kaya ang ka chat niya! Parang ang close close na nila!” sa isip ko lang. Syempre, kinakabahan ako na baka totoo nga ang hinala kong si Zach iyon.

At gaya ng dati, nagsasayaw na naman siya. Iginiling-giling ang kanyang beywang. At habang ginagawa niya ito, inihagis na naman niya ang kanyang t-shirt. Patuloy pa rin siyang sumasayaw at nakakaloko ang kanyang ngiti at tawa na parang inaasar o iniinggit ang kung sino man ang nasa monitor na sigurado akong nakatingin din sa ginagawa niya.

Grabe talaga ang tawa ko, at pati siya ay tumatawa din, halos tumatagos sa kwarto ko ang lakas ng kanyang tawa. Para talagang gago ang kuya ko. Adik na adik!

Unti unti na niyang tinatanggal ang zipper ng kanyang pantalon at bumulaga na ang harapang parte ng kanyang puting brief noong narinig kong biglang may kumatok sa kanyang pintuan. “Erwin! Erwin!” ang sigaw.

“Si mama!” sambit ko.

Biglang napahinto si kuya, dali-daling isinara ang zipper, dinampot ang kanyang t-shirt at isinuot ito, tinumbok ang pintuan ng kwarto niya at binuksan ito.

Nakita kong nag-uusap sila ni mama sa may pintuan at maya-maya lang ay lumabas din si kuya, isinara ang pinto iniwanang nakabukas ang laptop niya at sinamahan si mama. Marahil ay may ipinagawa si mama sa kanya.

Bigla namang sumiksik sa isip ko na pasukin ang kwarto ni kuya at alamin kung sino ba talaga ang ka-chatmate niyang sigurado ay naka-connect pa ang cam. Dali-dali ko ngang pinasok ang kwarto niya at tinumbok kaagad ang laptop.

At laking gulat ko noong tiningnan ko ito, ang tumambad sa mga mata kong nasa monitor ng laptop niya ay ito: ang loob mismo ng aking kwarto! At nakasentro pa ito sa dingding kung saan ako naninilip sa kanya!

“Arrrrrggggghhhhhh! Ako pala ang pinapakitaan niya sa kanyang live show! Ako pala ang sinisilipan niya sa kanyang laptop! May camera pala sa loob ng aking kwarto na lingid sa aking kaalaman, naka-connect sa kanyang laptop! Kaya pala nagpaparinig siya na may alam daw siya ngunit hindi niya sasabihin!” sigaw ng isip ko.

Tinumbok ko ang pinto ng kanyang kwarto at ini-lock ang pinto upang huwag makapasok si kuya.

At maya-maya lang, heto na... may umikot-ikot na sa door knob. Marahil ay hindi inakalang may ibang papasok sa loob.

Nakailang ikot rin siya sa door knob at noong marahil ay napagtanto niyang nandoon ako sa loob, sumigaw na. “Enzoooo!” alam kong nasa loob ka, buksan mo ang pinto!”

Lumapit ako sa may pintuan at sumigaw din, “Ayoko nga!”

“Papasukin mo ako sa kwarto ko!”

Binuksan ko ng bahagya ang pintuan. “Doon ka muna sa kwarto ko!” sigaw ko sa kanya.

“Anong gagawin ko sa kwarto mo?”

“Basta! Punta ka na doon! Sige, mag-iiyak ako dito sa loob at isusumbong pa kita na naglagay ka ng camera sa kwarto ko, para mapagalitan ka!” pananakot ko.

Kaya wala nang nagawa si kuya kundi ang pumasok sa kwarto ko. Med’yo nagdadabog nga lang.

Noong nasa kwarto ko na siya. Sumilip sa butas na silipan ko. Ako naman ang tawa ng tawa sa kanya. “Imagine! Naghirap ako sa pagsisilip sa napakaliit na butas samantalang siya, buong kwarto ang nakikita niya sa akin! Grabe, naisahan talaga ako!” sa isip ko lang.

Dahil hindi niya malaman ang gagawin, tumalikod na siya sa dinding at humarap sa camera, ang postura ng mga kamay ay ibinuka, iyon bang nagtatanong kung anong gagawin niya. At noong sumilip muli sa dingding upang tingnan ako, iminuestra ko naman ang mga kamay at katawan pahiwatig na magsasasayaw siya sa kwarto ko upang mapanood ko sa laptop niya.

At iyon nga ang ginawa ni kuya. Ipinagpatuloy ang naudlot na pagsasasayaw. Hanggang sa hinubad na naman niya ang kanyang damit, binuksan ang fly ng kanyang pantalon. At noong lumantad na ang kanyang brief, hinawi niya ito at ipinalabas ang kanyang ari, nilaro-laro.

Nasa ganoong pagsasayaw at paglalaro sa kanyang ari si kuya noong may kumatok na naman sa kwarto niya. Dahil ako ang nasa loob ng kwarto niya, ako na ang nagbukas nito. Si mama pala.

Nagulat siya noong ako ang nasa loob. “Nasaan ang kuya mo?”

“Nasa kwarto ko ma. Buksan mo lang ang kwarto ko ma, hindi naka lock iyon.”

Tumalima naman si mama at noong tumalikod na at tinumbok ang pintuan ng kwarto ko, simbilis naman ng kidlat akong bumalik sa loob at tiningnan sa monitor ng laptop niya ang kaabang-abang na sunod na pangyayari. Excited.

Nagsasayaw pa rin si kuya at nilalaro ang tigas na tigas na niyang ari, walang kamuwang-muwang ang nakaambang “trahedya”. “Ang sarap palang manood ng live na drama!” Sa isip ko lang.

At bumukas nga ang pinto at... wallah! Kitang-kita ni mama ang pagsasayaw ni kuya habang nagjajakol!

Napaantada kaagad si mama, halos hindi ma-drawing ang mukha at laki ng mata sa nakita habang si kuya Erwin naman ay nagulantang din, napahinto sa ginagawa, itinakip sa harapan ang kanyang dalawang palad, hindi alam ang gagawin kung uupo sa gilid ng kama o itataas ang brief at pantalon.

Di ako magkandaugaga sa pagtatawa sa nasaksihan. Kung gaano kabilis ang pagbukas ni mama sa kuwarto ay siya ding bilis sa pagsara niya nito at dali-daling tumalikod.

Noong makaalis na si mama, humarap si kuya sa camera, ang mukha ay hindi malaman kung tatawa o magpupuyos sa galit, inilapit sa camera ang kamao niya, pahiwatig na matitikman ko iyon ang buong bagsik noon.

Sinilip niya ako sa butas at nakita niya ang pagtatawa ko, mistulang naglupasay habang walang tigil naman ang pagtataas niya sa kanyang kamao. Tapos, dinilaan ko pa siya, iniinis pa. “Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag naka-resbak.” Sigaw ko sa sarili.

Maya-maya, noong humupa na ang pagtatawa ko, parang naawa naman ako kay kuya kaya lumabas na ako ng kwarto niya at pinasok na ang kwarto ko kung saan nandoon siya. Matapos kong i-lock ang pinto, agad din akong sinambunutan ni kuya at hinila papuntang kama, saka ako itinulak doon. Napatihaya ako sa ibabaw ng kama at agad niyang dinaganan ang katawan ko, ang dalawang palad ko ay nilock din ng dalawang kamay niya sa ibabaw ng aking ulo.

“K-kuya, di ako makagalaw!” sambit ko habang pilit na kumawala.

“May utang ka sa akin!” sagot din niya ang mga mata ay nanlilisik.

“A-ano?” pag-iinosentehan ko pa.

‘Anong ano?” alam mo na. At pagbabayaran mo iyon, mamaya. Ha???!!” sabay pagkakagat sa aking dibdib, puson, at tyan.

Hindi naman ako maawat sa pagsisigaw sa matinding kiliti at sakit sa mga pagkakakagat niya. “Kuyyyaaaa! Ahahahaha! Kuyaaaaa! Ayoko na kuyaaaaa! Ahahahahahahaha! Kuyaaaaaaaaaa!!!!!!!”

“Nang dahil sa iyo, nahuli ako ni mama ha?!!!!! Habang patuloy pa rin sa pagkakagat sa katawan ko.

“K-uyaaaaa! Hahahahahaha! Malibog ka kasi e!” Pang-aasar ko pa rin.

“Ah ganoon! Sige, hindi ko lulubayan ang pagkakagat! Heto pa, ummmm! Heto pa, ummm!!!

“Tama na pooooo kuyaaaaaaaa!!!! Hindi ko na po uulitin!!! Hahahahahaha! Ayoko na kuyaaaaaaaaa!!! Tama na po kuyaaaaaaaa!!!!”

Give up ka na? Ha?!!!”

At dahil hindi ako makagalaw, “O-opo! Give up na po ako kuyaaaaa!!! Ahahahaha! Ayoko na pooooo!!!!!”

Tinantanan naman niya ako sabay dantay ng kanyang ulo sa aking leeg na mistulang nagtutulog-tulugan, marahil ay napagod din. Alam ko, napawi na ang galit niya sa akin. Ganyan kasi ang kuya ko. Magalit lang iyan sandali at pagkatapos, wala na...

Niyakap ko na lang siya, hinaplos-haplos ang kanyang ulo, at likod bagamat nabigatan ako, tiniis ko. Ansarap kasi ng pakiramdam na parang naglalambing ang kuya ko sa akin. At hinahalik-halikan ko ang ulo niya. “I love you kuya...” ang sambit ko.

“I love you too bunso...” sagot naman niya, nanatili sa pwesto niya, hindi gumalaw.

Noong sumagi sa isip ko ang camera niya. “Bakit mo naisip lagyan ng camera ang kwarto ko? Naisahan mo na naman ako ah!” ang may pagmamaktol kong sabi.

Biglang inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako, “At bakit ikaw? Bakit mo ako sinisilipan?”

“Paano mo nalaman na sinisilipan kita?”

“Nakita ko iyan noong hindi ako natuloy ng Lebanon. Natandaan mo? Sa kwarto mo ako dumertso? At natandaan mo ring galing ka kina Zach, sa kwarto ko ikaw dumeretso? Doon ko nalaman na may silipan ka pala noong makita ko ang maliit na papel na isiniksik mo sa butas. Kaya dahil d’yan, naisipan kong lagyan ng camera ang kwarto mo para masilip ko rin ang ginagawa mong paninilip sa akin. Clever huh!?”

“Hmpppt!” Ang sagot ko. “E... lagyan mo din ng camera ang kwarto ko!” pagdadabog kong dugtong.

“Tama na sa iyo ang maliit na butas.”

“Ayoko. Ang hirap kayang manood sa maliit na butas. Sige ka, sisirain ko yang camera mo kapag di mo ako pinagbigyan.”

“Sige... lalagyan natin. Sa kwarto ba nila ni mama ilagay natin ang camera?” biro niya.

“Baliw!”

“Baka lang naman gusto mong malaman ang ginagawa nila.”

“Ayoko! Ayoko! Sa kuwarto mo lang eh!” pagmamaktol ko.

At tumango naman si kuya. “Biro lang...” sabay haplos sa aking mukha at akmang hahalik na sa aking pisngi.

Ngunit natunugan ko ang akmang paghalik niya at imbis na iyong pisngi na iyon ang iharap sa kanya, sinalubong ng bibig ko ang bibig niya.

Nagdampi ang mga labi namin. Nagulat si kuya at bahagya niyang iniatras ang kanyang ulo. Natigilan. Tinitigan ako.

Nagtitigan kami.

Mistula akong lunukin ng buo sa titig na iyon ni kuya sa akin. At pakiramdam ko ay lumulutang ako sa batis ng kaligayahan habang pinagmasdan ang tila nangungusap niyang mga mata.

Hanggang sa naramdamn ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko. At noong naramdaman kong dadampi na ang mga labi niya sa mga labi ko, ipinikit ko ang aking mga mata, pagpahiwatig na handa akong namnamin ang sarap ng kanyang halik. At noong lumapat na nga ang mga labi niya sa mga labi ko, mistulang nagdikit din ang aming mga kaluluwa. Matagal, puno ng pananabik at pagnanasa...

At sa gabing iyon, muli naming pinagsaluhan ang init ng aming mga damdamin. Mas mapusok, mas mainit, mas nag-aalab...

Sa status at sa mga nangyayari sa amin ni kuya, di ko maiwasan ang hindi sumagi sa isip ang pagkalito. Iyon bang pakiramdam na kami ngunit hindi pala. Walang duda namang mahal namin ang is’t-isa ngunit hindi naman kami magsyota. At bagamat feeling boyfriend ko siya dahil sa sobrang pagka-sweet niya sa akin, hindi naman talaga pwedeng mangyari sa totoong buhay kasi nga, magkapatid kami.

Ngunit hindi ko ring maitatwa na happy rin naman ako sa setup namin bagamat ganoon na nga, di ko alam kung ano ba talaga. At kahit naiisip ko pa rin ang mga sinasabi niya noon na balang araw ay mag-aasawa siya at magkanya-kanya kami, pilit ko na lang itong iwinaglit sa aking isip. Kasi, sa isip ko, nasabi lang niya iyon dahil sa pagmamanipula ni Zach sa buhay namin. Atsaka siguro na insecure din siya na baka ipagpalit ko siya kay Zach o kung kanino mang lalaki na mamahalin ko. Kaya gusto niyang isiksik ko sa isip na darating din ang panahon na mangyari iyon...

Pero... ang importate sa akin ay masaya kami sa kasalukuyang setup at lalo na nagbalik na rin ang closeness namin na in fact, mas close pa kaysa dati.

Akala ko, tuloy-tuloy na iyon at wala na talagang sagabal pa. Subalit, sa pagdaan pa ng ilang linggo, unti-unti na namang naramdaman ko ang pagiging malungkutin ni kuya. At hindi lang iyan, may mga oras na ring late kapag dumating siya galing school. At may mga araw ng byernes din na hindi siya umuuwi ng bahay.

“Kuya... may problema ka ba?” ang tanong ko sa kanya.

“Wala tol. Bakit mo naman naitanong iyan?”

“Kasi, parang minsan ang lalim ng iniisip mo, para kang tulala.”

“Wala... syempre, sa klase, nag-iisip ako sa mga projects mga activities”

“Wala ka namang girlfriend!” biro ko. Malay ko ba baka meron na siyang napupusuan. Sa dami ba namang nagka-crush sa kanya, lalo na sa paglalaro ng basketball.

“Girlfriend? Wala! Wala! Ayoko nang mag-girlfriend. Hindi uubra ang mga iyan sa higpit ng gwardiya ko ngayon.” Biro nyang patukoy sa akin sabay bitiw ng isang pilit na ngiti.

“E bakit minsan late ka kung umuwi at minsan din, hindi ka umuuwi ng bahay... wala na tuloy akong makikitang show sa laptop ko galing sa nag-iisang paborito kong macho dancer” pahiwatig ko rin sa pagsasayaw niya at paggigiling-giling ng kanyang katawan sa kwarto niya.

Napangiti naman siya sa sinabi ko. “Gusto mo ngayong gabi magshow ako?”

Na sinagot ko naman ng pagdadabog. “E... hindi iyan ang ibig kong sabihin e! Gusto ko iyong dating hindi pilit! Iyong ikaw na natural! Bakit para kang balisa ngayon? Iyan ang tanong ko.”

“Tol... wala akong problema, ok? At huwag mo akong alalahanin. Di ba mahal mo naman ako?” ang tanong niya sabay hawak sa baba ko.

Tumango naman ako. “Kaya nga nag-alala ako para sa iyo e...”

“Kahit anong mangyari tol, maipangako mo bang hindi ka magbabago sa akin? Na kaya mong ipaglaban ako?”

Mistula namang tumindig ang aking mga balahibo sa narinig. “Ano ba namang tanong iyan kuya? Kinilabutan na ako sa mga pinagsasabi mo ah! Syempre ipaglaban kita. Hindi ako papayag na basta na lang mawawala ka sa akin o aagawin ka ninuman sa akin. Ano bang mayroon? May sakit ka ba? May kanser? Para kang mamatay na kung makapagsalita ka eh!”

“OA ka naman. At ang kulit-kulit talaga ng baby bro ko! Tara na nga sa kwarto. May show ang paborito mong macho dancer, hehe.” ang pang-aamo niya.

“Ayoko ng show. Gusto ko pa rin iyong hindi scripted.” Sagot ko naman.

“A e di tara! Sa kwarto ko na lang ikaw matulog. Nood na lang tayong sabay ng isang scripted na palabas at gagawa tayo na isang hindi scripted na show.” sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti.

Ngunit kahit na nakangiti ang kuya ko, ramdam kong kakaiba ang ngiti na iyon; na may itinatago talaga siya sa akin.

At doon nga ako natulog sa kwarto niya. Pero habang nagtatabi kami, ramdam ko pa rin ang kakaibang kilos niya.

Himbing na himbing na siya noong naaninag kong umilaw ang cp niya na nakalatag sa ibabaw ng mesa. “Pati cp niya ay naka-silent mode na rin?” sa sarili ko lang.

Dahan-dahan akong bumalikwas at tinungo ang cp. Maingat kong inangat ito at pinindot ang message inbox.

At laking gulat ko noong mabasa doon ang mensahe na, “Tol... I miss you soooo much! Good night love! Mwah! Mwah! Mwah! Don’t 4get our date tomorrow, ok? TC!” At galing it okay Zach!

Mistulang sumabog muli ang bulkang Pinatubo sa lakas at bilis ng pagkabog ng aking dibdib dahil sa aking nabasa. Hawak-hawak ang cp ni kuya, nagmadali akong lumabas, maingat na hindi siya magising. Hanggang sa nakarating ako sa may gate ng bahay namin atsaka dali-dali kong dinayal ang number na iyon ni Zach.

“Tart! Napatawag ka!” ang narining kong sambit sa kabilang linya.

“Si Zach nga!” sigaw ng utak ko. “Tart mong mukha mo!” ang pabalang kong sagot.

“Owwwwwwwww!” sambit niya noong mabosesan ako. “Ang ex ko pala ito. Hahahaha! Musta ang buhay? Naka move on ka na ba?” pang-aasar pa niya.

“Hoy! Wag mong matawag-tawag na tart ang kuya ko dahil hindi ka mahal noon!” ang sigaw ko.

“Awwwwww! Kawawa ka naman Enzo. You are soooooo bitter! Mahal na mahal mo talaga ako no? Talagang hindi ka makapag move on... Pati kuya mo, sinisiraan mo sa akin? You are so pathetic. Nakakaawa ka.

“Mahal kita? Ewwwww! Kadiri to the highest level ka! Hindi kita mahal no!”

“Hahahaha! Nasa state of denial ka lang. May tama na ang utak mo tol. Dapat magpatingin ka sa isang psychiatrist. Ok... Ganito na lang, ibigay ko sa iyo ang number ni Dra. Margie Holmes para naman matulungan ka ha??? Magaling mag-advice iyon, makakapag-move on ka kaagad d’yan sa pag-ibig mo sa akin... Gusto mo i text ko na sa iyo ngayon ang number niya?”

“Baliw! Ikaw ang dapat magpatingin sa psychiatrist kasi, psychotic ka na! Hindi na nakukuha sa advice ang tindi ng pag-iilusyon mo!”

“Hahahahahahaha! Enzo... baka ikaw ang psychotic. Mahal namahal ako ng kuya mo at kaya nga hindi niya kayang bitiwan ang relasyon namin e. Hindi mo ba naisip iyon? Kaya tanggapin mo na lang ang masakit na katotohanang hindi ikaw ang mahal ko kundi ang kuya mo. Pasensya na, iisa lang ang puso ko e...?”

“Kapal ng mukha mo! At hoy, correction... napilitan lang po ang kuya ko sa iyo! Hindi ka niya mahal! May ibang mahal ang kuya ko!” Ang sagot ko.

“At sino naman ang mahal niya, tol? Ikaw? Hahahahaha! Psychotic ka nga. Ikaw ang nag-iilusyon. Kuya mo, pinagnanasaan mo? Hoy! Matakot ka sa kidlat! Baka tamaan ka! Hahahahaha!”

“Amfffff!” Bakit kaya nasabi ng gagong ito na ako ang mahal ni kuya?” Sa isip ko lang. “Hoy! Wala kang paki kung mahal ako ng kuya ko. Kuya ko iyon ano? At hindi ko siya basta-basta bibitiwan at lalo nang hindi ko siya ipamigay sa mga katulad katulad mo lang na may sayad!” Sigaw ko.

“Sige ka, isusumbong kita sa mama mo, baka papaluin ka pa noon, hahahahaha!” pangungutya pa niya.

“Hoy! Tantanan mo na ang kuya ko ha? Hindi na ako papayag na lolokohin mo pa siya! Na lolokohin mo pa kami!”

“Ako? Nanloloko sa inyo? Ako pa ngayon ang manloloko? Nalimutan mo na ba E-N-Z-O” pag empahasize niya sa pangalana ko “...na ikaw ang santo ng mga manloloko? Ikaw ang founder ng mga kalokohan at sa iyo nagsimula ang lahat ng ito? Natandaan mo pa ba kung paano mo ako niloko?”

Mistula namang nabusalan ako sa narinig. May punto naman talaga siya. At ang naisagot ko na lang ay, “Basta! Hindi ako papayag na magkita pa kayo ng kuya ko. At upang hindi mo na siya ma-contact, sisirain ko na ang sim card na ito upang hindi mo na siya matawagan o ma text pa!”

“Ok... gawin mo iyan at tingnan natin kung hindi ka magsisissi sa maaaring puwede kong gawin. Remember, alam ko ang bahay ninyo, alam ko ang landline ninyo at alam ko kung saan kayo nag-aaral...” ang pananakot pa niya.

Hindi ko na magawang sagutin pa ang sinabi niyang iyon. Ang totoo, hindi ko man alam ang bung kwento kung bakit may contact uli sina kuya at mukhang nagkabalikan pa, may takot pa rin akong nadarama. Syempre, mayaman sina Zach, at isang heneral pa ang papa niya. Kayang-kaya nila kaming i-frame up, lalo na nabangga pa man din ng sasakyan ni kuya si Zach at pinatawad lang nila ito. At ang lalo ko pang kinatatakutan, kayang-kaya din nila kaming ipa-salvage at ipalabas na mga rebelde o drug pusher o mga kriminal. “Inaykopooooooo!!!!” sigaw ng utak ko.

Dali-dali akong bumalik sa kwarto at walang sinayang na oras, ginising ko kaagad si kuya.

“Ano baaaaa!” Bulyaw ni kuya noong pilit kong gisingin siya, kuskos-kuskos pa ang mga mata.

“Kuya, may sasabihin ako...” napahinto ako ng sandali, nag-isip sa sunod kong sasabihin.

“Ano ba yan at kailangan pang gisingin ako sa kalagitnaan ng tulog ko? Istorbo ah!” pagmamaktol ni kuya.

“Tinawagan ko si Zach!”

Bigla siyang napabalikwas sa pagkahiga, nawala kaagad ang antok. “Ha??? Anong sabi?”

“Kuya... bakit nakikipagkita ka pa sa kanya...Bakit ang sabi niya ay magsyota daw kayo at mahal na mahal mo daw siya? Bakit hindi mo sinabi sa akin ito?” ang tanong ko, ang boses at tila maiiyak na.

Napahinto naman siya sandali, ang mukha ay biglang lumungkot. “Tol... pasensya na. Ayokong magalit ka e, ayokong malungkot ka. Pero mahal ko rin naman talaga si Zach e. Kaya hayaan mo na lang kami, ok?” Ang sabi niyang hindi makatingin-tingin sa akin.

Mistula naman akong hinagisan ng sampung granada sa narinig na rebelasyon ni kuya. Pakiwari ko ay paulit-ulit na sinaksak ang puso ko. “Bakit ang sabi mo sa akin dati ay napilitan ka lang sa kanya! Bakit ang sabi mo sa akin dati ay nandidiri ka na sa pinapagawa niya sa iyo! Bakit ngayon... biglang mahal mo na pala siya?!!! Ano ba talaga ang totoo?!!! Sigaw ko at nag-iiyak na.

Hindi siya nakasagot.

“Sabihin mo sa akin kuya na mahal mo siyang talaga, tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong hindi ka nagsisinungaling. Sabihin mong hindi ka lang napilitan!!!”

Tumingin siya sa akin, at noong magsalita na, yumuko rin, “Mahal ko si Zach.” Ang mahinang sambit niya.

“Arrrrggggghhhhh! Hindi ako naniniwala! Hindi ako naniniwala!!!!” at humahagulgol na ako.

“Ano ba ang gawin ko para maniwala ka tol...” sambit niya sabay yakap sa akin.

“Sabihin mong hindi totoong mahal mo siya kuya! Sabihin mo!!!” at tuluyan na akong nagwawala, nagsisigaw.

Nataranta naman si kuya. “Tol. Tol... cool ka lang tol Pleaseeeee. Huwag kang mag-iingay! Maririnig nila mama ang pag-iiyak mo!”

“Ah... wala akong pakialam! Maririnig na nila kung maririnig! Hindi ako titigil sa pagsisigaw kung hindi mo sasabihin ang totoo! Sabihin mo ng hindi mo siya mahal kuyaaa!!!!!!” ang pananakot ko.

“O sige na, sige na... sasabihin ko na. Huwag ka nang maingay ok? Sige sasabihin ko na...” ang sabi niya habang niyayakap niya ako at hinahaplos ang likod.

At tumigil na ako sa pagsisigaw.

“M-may video si Zach tungkol sa akin. At tinakot niya akong i-kalat iyon kapag hindi ako nakikipagbalikan sa kanya.” Ang sambit ni kuya, bakas sa mukha ang pagdadalawang-isip na ibunyag ito sa akin.

“Iyong pagsasayaw mo ba na parang macho dancer na nasisilip kong ginawa mo? Na pagkatapos ay nilalaro mo ang sarili?”

Parang natigilan siya at pagkatapos ay sumagot. “O-oo tol. Iyon nga tol. P-pinapasayaw niya ako at sinabihang laruin ko ang sarili... Tapos, nirecord niya iyon. Iyon nga iyon tol!”

“Iyon pala iyon...” sabi ko sa sarili. At dinampot ko uli ang cp ni kuya at biglang pinindot ang last called number na number ni Zach.

Tinangkang harangin ako ni kuya upang huwag matuloy ang pagtawag ko. Ngunit mabilis kong nailayo ang kamay kong nakahawak sa cp sabay takbo sa isang sulok ng kwarto, malayo kay kuya, hinintay na ang pagsagot ni Zach.

“Hello!” sagot ni Zach sa kabilang linya.

At pinindot ko pa talaga ang speaker upang marinig ni kuya ang usapan namin. “Hoy! Kung iyong video ang gamit mong pamba-blackmail sa kuya ko, huwag ka nang mag aksaya pa ng panahon upang ikalat iyon dahil kalat na iyon sa buong sambayanan, ok?” ang matigas kong boses na pagmamalaki kay Zach.

“Uh... mayroon ka nang kopya? Ambilis naman!” ang sarcastic na sagot naman ni Zach.

“Oo! At hindi lang kopya, personal ko pang nakikita ang pagsasayaw niya at ang pagti-tease niya na parang isang macho dancer! At walang epekto iyon kahit ang buong mundo pa ang makakita. Lalaki po ang kuya ko kaya kung iyan lang ang panakot mo, hindi uubra yan dahil lahat ng mga lalake sa mundo ay may kabulastugan at lahat sa kanila ay nagjajakol! Kaya kung ako ikaw, itigil ko na ang pamba-blackmail sa kanya!”

Ngunit parang nasorpresa pa si Zach. “Ay bakit ganoon? Hindi pa ako nagkaroon ng kopya niyan? Magtatampo na talaga ako kay Erwin. Pahingi naman ng kopya o... Kasi ibang video ang nandito sa akin eh! Hindi naman siya sumasayaw dito. Sayang nahuhuli pala ako sa hot item ni Erwin.” Ang sarcastic niyang sagot.

Napa-“huh!” naman ako sa narinig. “A-anong ibig mong sabihin?”

“Iba itong sa akin e. Mas malaking pasabog! Kapamilya, kapuso, lahat ay masasabugan nito! Hahahahahah! Gusto mo mag-exchange gift tayo ng video?”

“Anong video ang pinagsasabi mo, gago? Alam kong ang video na nasa iyo ay iyong nagsasayaw siya at nagpaparaos dahil iyan ang sabi niya sa akin! At ikaw pa nga daw ang nagsabi sa kanya na magsasayaw at laruin ang sarili niya habang kinukunan mo ng video!” ang sabi ko habang tiningnan si kuya na nasa isang tabi ng kama ang isang kamay ay nakapatong sa kanyang ulo, hindi mapakali, mangiyak-ngiyak at iniuuntog-untog ang ulo sa dingding at ang tila nasa isip ay, “Busted! Busted!”

“Tanga! Mag-isip ka! Ang ibig mong sabihin, pumunta ang kuya mo dito sa akin upang kunan ko siya ng video at upang gamitin kong pamba-blackmail din sa kanya? Ganoon? Napakatanga naman pala ng kuya mo! Para pala siyang naghanap ng malaking bato upang iuntog sa ulo niya! Ganoon ka tanga ang kuya mo? Hindi iyan ang hawak ko, gago! Iba ito at ayokong sabihin sa iyo dahil sa aming dalawa lang ito ng kuya Erwin mo. Makikisawsaw ka pa sa mga sikreto namin? Ano ka???” ang mataray niyang sabi.

Mistula naman akong nabusalan sa kanyang paliwanag. May punto nga siya. Baka nga totoong may ibang video siya. Hindi naman siguro ganyan katanga ang kuya ko upang pumayag na magpaparecord ng ganyan sa ibang tao? Kahit ganyan kaharot ang kuya ko, hindi ko maimagine na kaya niyang magpakuha ng video na ganoong magjajakol siya sa harap ng cam at ibang tao pa ang kukuha dahil siguradong magiging scandal talaga ito. At syempre naman, alam ni kuya iyan.

Kaya ang naisagot ko na lang kay Zach ay “Sinungaling!”

“Ay! Nagalit. Hahahahahahaha! Woi! Kung nand’yan ang kuya Erwin mo, sabihn mo naman na regards ha? Na miss ko na ang love-making namin e. At sweet dreams kamo! Mmmmmmmmwwwwwah! Ay oo nga pala, paki-remind na rin sa kanya sa aming pinag-usapan, baka malimutan niya lang... Sige siya, baka mamaya magtatampo ako.” sabay patay sa cp niya.

Matalinghaga ang kanyang binitiwang mga salita. Alam ko, pananakot iyong sinabing “magtatampo” siya. At lalo din akong naintriga tungkol sa ibang video na hawak niya.

Nilapitan ko agad si kuya na noon ay umiyak na pala. “Kuya, ano ba ang video na sinasabi niya?

Hindi na ako magawang tingnan pa ni kuya. At ang nasabi na lang niya ay, “Tol... sorry talaga. Pasensya na tol... Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...”

“Ipakita mo sa akin ang video na iyan kuya!” bulyaw ko na rin sa kanya sa pag-amin niyang may iba ngang video na hawak si Zach.

“Oo tol... ipakita ko na ito sa iyo. Basta, lagi mong tandaan, mahal na mahal kita tol... Ano man ang manyari, tandaan mong mahal ka ni kuya...”

Binuksan ni kuya ang laptop niya, hinanap ang nakatagopng file. At noong lumantad na ang pelikula, nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa nasaksihan. At ang sunod na nangyari ay ang pagsisigaw ko na ng... “Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!! Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!”

At umalingawngaw sa buong kwarto ang pagsisigaw kong iyon...

(Itutuloy)

1 comment:

  1. Searching for the Best Dating Site? Create an account and find your perfect date.

    ReplyDelete