Nagulat din ako noong bumulyaw din sa akin ang nasa kabilang linya ng, “Tado, ako to! Kuya Erwin mo! Sipain na kita d’yan eh!”
At
pakiramdam ko ay umikot ang buong paligd sa aking narinig. Parang
ang lahat ng dugo sa aking katawan ay dumaloy papunta sa aking puso
at hindi ako makahinga sa sobrang pagkabog nito.
“Kuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaa!!!!!!!!!!” ang sigaw kong naglupasay sa
tuwa sa pagkarinig sa boses niya. Nagtatalon na ako na nag-iiyak, di
malaman kung aawayin siya o lambingin.
Tawanan silang lahat. Parang alam nila na si kuya pala iyon.
“Saan
ka ba ngayon? At saan ka nagpunta? Bakit mo ako iniwanan sa isla?
Kuya naman e... Muntink na akong mamatay wala ka man lang sa tabi ko?
Anong nangyari sa iyo?” ang sunod-sunod kong tanong, ang boses ay
tumaas na mistulang galit.
“Ammffffffff! Isa-isa lang! Andami namang tanong! Pupunta kami ni papa d’yan next week, saka na ako magpaliwanag.”
“Next week? Bakit next week???”
“Anong gusto mo, next month?” ang pilosopo niyang sagot.
“Bakit ang tagalllll?!!!!” ang boses ko ay galit na.
“Bakit
ano bang akala mo sa akin, superman? Syempre, maraming mga papeles,
requirements... Hindi ganyan kadali magpunta d’yan no?!”
Bagamat
na-disappoint ako ng kaunti kasi isang linggo ko pa pala siya
makikita, wala na akong magawa. Natakot kasi ako na baka bigla naman
siyang mawala. “Kuya wala na si kuya Zach!!!” ang naisiwalat ko, at
muli hindi ko napigilan ang hindi mag-iiyak.
“Alam ko...” ang sagot niya, binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga. Halatang malungkot ang kanyang boses.
“Paano mo nalaman?”
“Basta ipaliwanag ko na lang kapag nandyan na ako!”
“Kuya text-text tayo ha? Na miss kita, sobra. Antagal kitang hinahanap e...”
“Namiss din naman kita e. Pero bukas na, bibili pa ako ng bagong sim. O sige, bye na asawa ko... Mwah!”
“Kuya???
Kuya??? Mag-usap muna tayo ah!!!” ang pahabol ko. Ngunit naibaba na
niya ang kanyang telepono. Nagtaka na naman tuloy ako kung bakit para
siyang nagmamadali. Pero iyong sinabi niyang “bye na asawa ko...”
ansarap pakinggan! Sabagay, kasal na kami. Sa kanyang kuwarto nga lang
at kaming dalawa lang ang nakakaalam. “Hayyyy! Hindi pala talaga niya
nalimutan ang kasal-kasalan naming iyon.”
“B-akit kaya biglang ibinaba ni kuya ang telepono ma?” baling ko kay mama.
“M-may
mga gagawin pa raw silang preparasyon ng papa mo anak, kaya
nagmamadali. Kapos ang oras nila kaya hayun... Hayaan mo na.
Makakapiling mo rin ang kuya mo.
Sa
nakita kong pang-unawa at pag-intindi ni mama sa naramdaman kong
kasabikan kay kuya, bigla ding pumasok ang pag-aasam na sana ay
maisiwalat ko na sa kanya ang lahat tungkol sa namagitan sa amin ni
kuya. Parang may nag-udyok sa akin na magsalita.
Napatitig ako kay mama.
“Bakit anak? May bumagabag ba sa iyong isip? May sasabihin ka ba?”
At
tumulo na naman ang luha ko. Kasi, sobrang naappreciate ko ang
kanyang kabaitan at malawak na pang-unawa. Niyakap ko siya. “Salamat
ma ha?”
Mistulang nagtaka, niyakap na rin niya ako. “Salamat saan?”
“Sa
lahat-lahat... sa hindi ninyo pagbitiw sa akin noong nasa bingit ako
ng kamatayan, sa pag-alaga ninyo simula noong maliit pa ako. Sobrang
blessed po ako na kayo ang napili ng aking ina na maging pamilya ko,
na magiging mama ko. Sobra ang pasalamat ako na itinuring po ninyo
ako na tunay na anak.” Ang nasambit ko.
“Ano
ka ba Enzo. Anak naman talaga kita eh. At ayaw na ayaw kong isipin
mong iba ako sa iyo dahil hindi kita itinuring na iba. Nasasaktan din
ako anak. Nag-iisa kang bunso sa pamilya ko. Karugtong ng buhay ko at
ng papa mo, ang buhay mo. Tandaan mo iyan. At hindi ako papayag na
malayo ka sa akin.” Ang sagot ni mama.
“Mahal na mahal kita ma...”
“Mahal na mahal din kita anak...”
“Ma...
puwede po bang may...” halos hindi ko na maituloy ang sasabihin.
Parang may pagdadalawang-isip din akong nadama kung ituloy ko pa.
“A-ano iyon anak? Sige sabihin mo. Makikinig ako.”
“K-kahit ano po?”
“Kahit ano, anak...”
“Hindi po kayo magagalit?”
“Bakit naman ako magagalit?”
“Natatakot ako ma e...”
Nilingon ni mama ang nurse at ang aking biological na ina. “Puwedeng iwanan ninyo muna kami?” ang sabi niya sa kanila.
Tumalima naman sila.
At
noong kaming dalawa na lang ni mama ang naiwan, “O sige anak...
kahit ano ang sasabihin mo, pangako hindi ako magagalit. Huwag kang
matakot anak... Kakampi mo ako.”
Sa
narinig kong sinabi ni mama, lumakas ang loob kong ibunyag na ang
lahat. “A-alam niyo po ma... may... eh... n-nagmamahalan po kami ni
kuya Erwin.” at muli na naman akong napaiyak. Iyon bang feeling na
nahahabag sa sarili at hayun, sa wakas ay naipalabas din ang lahat ng
hinanakit sa isang taong pinagkakatiwalaan mo.
Niyakap ako ni mama, hinaplos ang aking buhok. “Alam na namin ng papa mo ang lahat, anak. Huwag kang mag-alala...” ang casual na pagsagot ni mama.
Na ikinabigla ko naman. Kumalas ako sa pagkayakap niya at tiningnan siya sa mata. “T-talaga po? Hindi po kayo galit?”
“Ako...
nabigla. Pero ang papa mo, galit na galit... noong una lang naman.
Nagtatampo, hindi makapaniwala. Kasi hindi naman niya inaashan na
ganyan ang mangyayari, lalo na kay kuya Erwin mo... Ngunit natanggap
na rin niya ang lahat kasi, na analyze din niya na marahil ang
nangyari sa kuya Erwin mo ay dahil sa sobrang attachment niya sa iyo;
napamahal siya sa iyo ng sobra dahil sa simula pa lang kasi, alam
niyang hindi kayo magkapatid. Kung napansin mo nga minsan, sobrang
napaka-overprotective sa iyo ang kuya mo na halos ang turing na niya
sa iyo ay pag-aari niya. Kahit noong bata pa iyan, bago ka palang
niyang nakita, halos ipasok ka na lang sa bag niya upang hindi mawalay
sa kanya kahit pa nasa school siya. Hindi siya nagbago. Ang palagi
niyang sinasabi sa amin ay, ‘akin yan, bunso ko yan, ako ang nakakita
niyan.’”
Napatango
na lang ako sa sinabi ni mama. Totoo naman kasing sa lahat ng aking
gawain, hindi maaaring hindi umepal si kuya. Laging nakikialam,
lagging nagbabantay, umaaligid... Sobrang seloso pa. “P-paano pala
ninyo nalaman ma ang tungkol sa amin ni kuya?”
“Si kuya Erwin mo mismo ang nagsabi sa papa mo. Nag-usap sila ng masinsinan, lalaki sa lalaki...”
“G-ganoon po ma? Kailan naman po iyon nangyari?”
“May tatlong buwan na ang nakalipas?”
“Tatlong
buwan?” Sa isip ko lang. “Ibig sabihin, noong nagkasal-kasalan kami
sa kuwarto niya, nasabi na niya kina mama at papa ang lahat?”
Ngunit
kinilig din ako sa nalaman. Kasi ipinakita ni kuya na ipinaglaban
niya talaga ang aming pagmamahalan at pinanindigan pa niya ito. Siguro
iyon na iyong sinabi niya palagi sa akin na siya daw ang bahala.
Feeling ko tuloy ay isa akong babae, at hiningi niya ang mga kamay ko
sa aking kinikilalang ama. Wow! Ang sarap naman ng pakiramdam.
“B-bakit kaya sinabi ni kuya iyon kay papa ma?” tanong ko.
“Wala
naman. Gusto lang daw niyang malaman namin na mahal na mahal ka niya
at ayaw niyang mawala ka, at sa pamilya natin. At ang pagmamahal
niya sa iyo ay mas higit pa kaysa kapatid. At natatakot daw siyang
ibalik ka namin sa iyong biological na ina at doon na mamalagi sa
Amerika...”
Tumaas nga ang boses ng papa mo bigla noong sinabi niya iyan, sabi sa kanya, “Gago ka ba? Kapatid mo iyan? At hindi babae iyan?”
Na
sinagot naman ng kuya mo na, “Hindi ko kapatid si Enzo pa! Sa simula
pa lang alam ko na iyan. Ako ang nakakita sa kanya! Akin siya! At
wala akong pakialam kung hindi siya babae. Basta mahal ko siya.”
“Pinayuhan
din namin siya na baka nasobrahan lang siya sa pagiging
overprotective sa iyo at na subukan niyang ibaling ang pag-ibig niya
sa iba. Ngunit ayaw paawat ng kuya mo. Alam mo naman iyan, hindi basta
nanghihingi iyan ng kung anu-ano sa amin. Ngunit kapag nagkagusto
naman ng isang bagay, hindi papayag na hindi niya makamit ito. Kaya,
wala nang nagawa ang papa mo kundi ang makipagkumpromiso. May usapan
na sila na hindi ipahiya ng kuya mo ang pamilya natin, at na hanggang
sa makakaya niya, itago niya ang inyong relasyon hanggang buhay pa
ang papa mo. Syempre, magkapatid kayo... Isa lang ang mga magulang
ninyo. Sa batas ng tao at sa batas ng Diyos, hindi tama ito...”
Sobrang touched talaga ako sa ginawa ni kuya. Lalo tuloy tumindi ang aking pagnanais na makita siya, mayakap, mahagkan...
“S-salamat ma...” ang nasambit ko na lang.
Hindi
ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa araw na iyon. Para pa
rin akong natulala sa dalawang magkasalungat at sukdulang mga
pangyayari sa aking buhay. Sobrang lungkot dahil sa pagkawala ng kuya
kong si Zach, ngunit sobrang saya naman dahil sa pagsulpot ng aking
mahal na kuya Erwin at sa nalamang ginawa niyang paninindigan sa aming
pagmamahalan.
Kinabuksan, naghanda kami upang bisitahin ang burol ni kuya Zach. Nasa mansyon na daw nila ito.
“Heto
anak ang isuot mong damit, at dalian mo ang pagbihis upang makahabol
tayo sa rite na gaganapin sa burol ng kuya Zach mo” ang wika ng
biological kong ina.
Pansin
kong pinaghandaan talaga nila ang pagpunta namin sa burol ni kuya
Zach. Ang aming mga damit ay ipinagawa pa talaga sa isang sikat na
couturier na nandoon din tumulong sa pagbibihis namin, may mga make up
assistants din na nagmi-make-up kina mama.
Pero
hindi na ako nagtanong pa kung bakit kailangang ganoon ka espesyal
ang kanilang paghahanda sa okasyon kasi nga, mayaman naman ang aking
biological na ina. At pangalawa, maaaring ganyan talaga ang mga
mayayaman sa Amerika at lalo’t mayayaman din sigurado ang kanilang mga
bisita o mga taong dadalaw sa burol ni kuya Zach. Mayaman kasi ang
daddy ni kuya Zach kaya siguradong mayayaman ang kanilang mga
kaibigan. “Ano pong rite iyon ma?” ang tanong ko na lang.
“Seremonya sa pag-bless ng mga labi ng kuya mo.” Ang sagot ni mama.
“Ah...
pero kailangan po bang naka-coat and tie talaga ako ma? Hindi kasi
ako kumportable eh.” Ang puna ko noong naisuot na sa aking ang coat
and tie at parang hindi ako makakilos ng maayos.
“Kailangan, anak... Pormal ang okasyon at dapat tayong lahat ay naka pormal, lalo na bahagi tayo ng pamilya ng kuya Zach mo.”
“Ahhh g-ganoon po ba ma? Sige po... tiisin ko na lang po.” ang sagot ko.
At
noong humarap na ako sa kanila. “Wow! Ang guapo-guwapo naman talaga
ng anak ko!” ang sambit ni mama. Kapag nakita ka ng kuya Erwin mo sa
ganyang ayos... naku, maiinsecure iyon sa iyong kapogian. Manggigigil
na naman iyon sa iyo anak.” Ang biro ni mama.
Tawanan
lang sila, bagamat kinilig din ako sa narinig. Alam kasi ng mama ko
na kapag nangigigil sa akin ang kuya Erwin, guguluhin niya ang buhok
ko, kukurutin o kagatin ang mukha, sambunutan, o ba kakarghin at
kakagat-kagatin ang iba’t-ibang bahagi ng katawan. Sa biro ni mama, lalo
itong nagpatindi sa aking pagnanasa na makita muli ang kuya Erwin ko
at makita sa ganoong ayos.
Binitiwan ko na lang ang isang buntong-hininga. “Next week ko na makikitang muli ang kuya Erwin ko!” Sa isip ko lang.
Habang
binaybay ng sasakyan namin ang highway patungo sa mansyon ng daddy
ni kuya Zach, hindi naman ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung
bakit. Nalungkot ako sa pagkamatay ni kuya Zach, naawa, at sobrang
naapreciate ang kanyang kabaitan lalo na sa pagbigay ng mga mata niya
sa akin. Habang iniikot ng aking mga mata at sinamsam ang ganda ng
aking mga nakikita sa paligid, hindi mbura-bura sa isip ko ang sinabi
ni kuya Zach sa akin, “...palagi mo pa rin akong maalaala, at palagi
mo pa rin akong makakasama. Sa pamamagitan ng aking mga mata,
makikita mo ang kulay ng mundo, ang iba’t-ibang bagay, lugar, o tao
na makakapagbigay ng aliw, inspirasyon at katuturan sa iyong buhay.
Sa pamamagitan niyan, hindi na kita maaaring iwanan pa.” Binitiwan ko
ang isang malalim na buntong-hininga.
May
inip din akong nadarama sa hindi pagtext sa akin ni kuya, na taliwas
sa sinabi niya na sa araw na iyon niya ako iti-text. Gustong-gusto
ko na siyang makita o makausap, kahit sa text man lang, lalo na sa
panahong iyon na nalulungkot ako sa pagkawala ni kuya Zach.
Noong
nilingon ko ang aming mga kasama sa sasakyan, tahimik silang lahat,
maliban kay mama na text nang text at minsan at may kausap sa
telepono. Pero hindi ko na pinansin kasi abala ang aking isip sa
pag-absorb sa napakabilis na mga pangyayari.
May
halos dalawang oras noong dumating na kami sa mansiyon ng daddy ni
kuya Zach. At med’yo nabigla ako noong sa bungad pa lang ng kanilang
mansion ay may nakalagay sa monitor tumatakbong petsa ng araw, “Dec
14...”
Biglang
napalingon ako kay mama. “December 14 na pala ngayon ma?” ang tanong
ko. Bigla din kasing sumingit sa isip ko ang sinabi ni mama na
dahilan kung bakit walang palyang binibigyan ako ng regalo ni kuya
Erwin kada Dec 14 kahit wala namang okasyon. At ang palagi lang
sinasabi niya kapag tinatanong ko kung anong virus ang umatake sa
utak niya ay, “Lucky Day Celebration” lang iyon. Syempre, ako naman
pag may regalo, tanggap na lang nang tanggap. Kuya ko yata ang
nagbigay at baka magbago pa ang isip niya kapag marami akong tanong.
Ngunit nalaman ko rin noong huli mula kay mama ang tunay na dahilan:
ang petsa pala na iyon ay ang araw kung saan ako “napulot” ni kuya
Erwin sa gate ng lumang bahay namin.
Syempre,
sa sunod na linggo pa makakarating ang kuya ko sa Amerika kaya
inexpect ko na marahil, may ibibigay na naman siya sa akin sa airport
pa lang. Di ko tuloy maiwasang maglaro sa aking isip ang eksena kapag
nagtagpo na muli kami ni kuya sa airport.
“Siguro...
sa pag labas na paglabas pa lang niya sa exit area, tatakbo siya
palapit sa akin, at ako din sa kanya, tapos yayakapin niya ako,
kakargahin, iikot-ikot, guguluhin ang buhok, pipisilin ng malakas ang
aking pisngi, kakgatin ang leeg o kaya ang dibdib o ang tiyan...
Pagkatapos, bibigyan niya ako ng bulaklak, o chocolate, o baka isang
regalo na nakabalot pa ng gift wrapper. Tapos ayaw na akong pakawalan
niyan, harutan na at as usual, gagawin na naman akong parang laruan na
aasar-asarin, tapos lalambingin.”
“Anak...
pasok na tayo sa loob.“ Biglang naputol ang aking pagmumuni-muni
noong magsalita si mama. Nasa labas na pala sila ng sasakyan at ako na
lang ang nasa loob nito.
Noong
pumasok na kami sa loob ng mansyon ni na kuya Zach, namangha ako sa
ganda at lawak nito. Parang isang palasyo. Sa gitna ng lobby ay
naroon ang kabaong ni kuya Zach at mula sa main entrance ng lobby ay
may pasilyo sa pagitan ng mga upuang nakaharap naman sa kabaong ni
kuy Zach.
Inikot
ko ang aking mga mata sa paligid. Maraming mga taong pormal din ang
mga kasuotan, nakaupo ngunit noong dumating kami ay lumingon lahat sa
amin na nasa bungad pa lamang ng main entrance. Siguro ay alam na
nila na ang inay ko ang biological na ina ni kuya Zach at ako ang
kapatid.
Nilapitan
kami ng daddy ni Zach na naka-coat and tie din. Kinamayan siya ng
dalawa kong ina, at ng asawa ng aking biological na ina.
Noong
ako na ang kumamay sa kanya, nagtaka ako sa kanyang binitawang
salita sa akin, “Maya malaking kasalanan akong nagawa sa iyo, hijo...
Sana ay maintindihan mo ako.”
“P-po???” ang bigla kong naisagot.
“Mamaya, sasabihin ko.” Sabay muestra sa amin na tumbukin na ang kabaong ni kuya Zach.
Nagtaka
man sa kanyang sinabi, sumunod na lang ako sa mga mama kong
dumeretso sa kinalalagyan ng kabaong. Noong masilip ng biological
naming ina ang mukha ni kuya Zach sa loob ng kabaong, umalingawngaw
sa buong lobby ang panaghoy ng isang inang nawalan ng isang anak.
Lahat ng tao sa paligid ay napaiyak. At ang kinikimkim na sakit sa
aking kalooban ay pinakawalan ko na rin. Kasabay sa pighati ng aking
biological na ina ay ang aking hikbi at walang humpay na pagdaloy ng
aking mga luha.
Maya-maya, narinig ko ang ugong ng mikropono. Nagsalita ang daddy ni kuya Zach.
“Minsan
sa buhay ng tao, hindi maiiwasan na may matatapakan tayong ibang
buhay din; ibang pamilya, mga taong nagmamahalan, mga emosyon, o
pangarap... Ako ay hindi exempted sa alituntunin na ito ng buhay.
Bilang isang ama na nagmamahal sa kanyang anak, ginawa ko ang lahat ng
aking makakaya upang sana ay kahit sa huling mga araw niya sa
mundong ito, ay mabigyan ko siya ng kaligayahan. Bilang isang ama
kung saan nakikita ang pagdurusa ng kanyang nag-iisang anak na
pakikipagbuno sa kamatayan, pakiramdam ko ay tinatadtad ang aking
puso, parang sa unti-unting pagliit sa mitsa ng kanyang buhay, ay
kasama din akong nawawalan ng lakas, ng sigla, at ng pag-asa...
Walang oras na ang tanging iniisip ko ay ay ang paghihirap niya at
kung paano ko siya matulungan upang kahit bago siya pumanaw ay may
saya pa akong makikita sa kanyang mukha at ngiti sa kanyang mga labi.
Oo, sa palagay ko, ay nabigyan ko siya ng saya, kahit papaano.
Lumisan ang anak ko na may baong saya at nag-iwan ng ngiti sa aking
ala-ala...”
Napahinto
sandali ang daddy ni kuya Zach, humugot ng panyo sa kanyang bulsa
atsaka pinahid ang kanyang mga mata. “Ngunit sa kabila ng saya niya ay
may mga taong natapakan dahil sa pagnanais kong sumaya ang aking
anak. Noong una, hindi alam ng aking anak ang aking ginawa. Subalit
walang lihim na hindi mabubunyag. Akala ko ay magagalit siya,
ma-disappoint. Ngunit naintindihan niya ang lahat at siya ang
nagmungkahi sa mga bagay na gagawin upang maituwid ko ang lahat ng
mga kamaliang nagawa ko sa kanya, at sa mga taong natapakan ko. Ito
daw ang paraan upang maituwid ang mga nasirang pangarap ng mga
inosenteng taong natapakan ko, sa mga taong nasaktan at nasira ang
buhay... Doon ko narealize na sadyang napakabait ng aking anak. Siya
ang nagbukas ng aking mga mata sa tama. Sa ginawa niya, kahit na wala
na siya, nagdulot ito ng saya at pag-asa... Noong narealize niyang
nasa point of no return na siya at naisip niyang kapag wala na siya
ay wala ng mag-aalaga sa akin, siya rin ang nagmungkahi na kukuhanan
siya ng sperm cells para kahit pumanaw man siya ay magkakaroon pa rin
ako ng apo, at marami kung gugustuhin ko... Ganyan ka maalalahanin
ang anak ko.” At turo sa biological kong ina at sa akin, “At dahil
dito, ay magkakaroon na rin ng mga apo si Martha, at si Enzo, mga
pamangkin.”
Pumalakpak
ang daddy ni Zach kaya nagsunuran na rin kaming lahat na pumalakpak.
“At iyan ang gagawin ko, pagkatapos na pagkatapos kagad ng libing
niya.”
Hinawakan ko ang kamay ni mama sabay bulong ng, “Ang bait talaga ni kuya ma no?”
Tumango lang din ang biological kong ina. Alam ko, noon lang din marahil niya na-realize kung gaano kabait si kuy Zach.
Tila
nahimasmasan na ang daddy ni kuya Zach at pinilit na nitong ngumiti.
“At dahil ayaw ng anak ko na maging malungkot tayo sa kanyang
pagpanaw, kaya simulan na nating ipatupad ang hiling at plano niya
para sa araw na ito ng kanyang burol...”
At bumalik na sa kanyang upuan ang daddy ni Zach.
Nanatili
lang kaming nakaupo, naghintay sa sunod na mangyari, nagtatanong sa
isip kong ano ang hiling ni kuya Zach na gusto ninyang mangyari.
Namatay ang mga ilaw.
“May brown out din pala dito sa Amerika ma?” ang inosenteng tanong ko kay mama.
Ngunit
hindi ako sinagot ng aking biological na ina. Bagkus, “Anak, halika,
samahan mo ako...” Sabay hila sa aking kamay habang tumayo siya at
tinumbok namin ang main entrance.
Nakatayo kami doon sa bukana mismo ng main entrance ng may 15 minutos. Madilim pa rin ang paligid.
Noong
binuksan na ang ilaw ay namangha ako sa nakita. Ibang-iba na ang
hitsura ng paligid, puro makukulay na mga palamuti. Maraming mga
bulaklak ang nagsulputan, balloons, ribbons. Naging isang masayang lugar
na ito, taliwas sa naunang malungkot na halos puti at itim lang ang
mga nakikitang kulay.
“Paano
napunta ang mga iyan d’yan ma? Wowww! Ang ganda?” ang sigaw ng isip
ko habang nanatili kaming nakatayo ni mama sa lugar na iyon hindi ko
rin alam kung bakit.
Pati ang mg gilid ng main aisle ay may mga flower pots at mga bulaklak na rin. Ambilis ng pagsulpot nila!
Noong
tiningnan ko ang sentro ng lobby kung saan nandoon ang kabaong ni
kuya Zach, bahagyang nasa tabi na ito at ang nakalagay na sa gitna ay
isang lamesa at sa harap noon ay may dalawang upuan paharap sa mesa.
Maya-maya, may pumasok na isang taong naka-coat and tie din, may dala-dalang parang libro...
“A-ano ang nangyari ma?” ang tanong kong nabalot sa matinding pgkalito.
Hindi sumagot ni mama. Nginitian lang niya ako sabay hawak sa aking kamay.
Ngunit
doon na ako tila mawalan ng malay noong makita ko ang dalawang
lalaking naglakad galing sa isang sulok at tinumbok ang gitna ng aisle
sa may harap lang naming.
Tumugtog bigla ang kantang –
Born For You – David Pomeranz « Listen & Lyrics
Too many billion people
Running around the planet
What is the chance in heaven
That you’d find your way to me
Tell me what is this sweet sensation
It’s a miracle that’s happened
Though I searched for an explanation
Only one thing it could be
That I was born for you
It was written in the stars
Yes I was born for you
And the choice was never ours
It’s as if the powers of the universe
Conspired to make you mine
And till the day I die
I blessed the day that I was born for you
Too many foolish people
Trying to come between us
None of them seems to matter
When I looked into your eyes
Now I know why I belong here
In your arms I found the answer
Somehow nothing would seemed so wrong here
If they’d only realized
That I was born for you
And that you were born for me
And in this random world
This was clearly meant to be
What we have the world
Could never understand
Or ever take away
And till the day I die
I blessed the day that I was born for you
What we have the world
Could never understand
Or ever take away
And as the years go by
Until the day I die
I blessed the day that I was born for you...
“Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!” ang sigaw ko.
Tatakbo
na sana ako upang yakapin sina kuya at papa noong pinigilan ako ng
biological kung ina at ang utos sa akin ay, “Sabay tayong pupunta sa
kanila.”
“P-po????”
“Huwag mo akong iwanan, sabay tayong maglakad papunta sa kanila. I-endorso na kita sa kuya Erwin mo?”
“P-po???” ang sagot kong litong-lito pa rin sa mga pangyayari.
At
habang tunutugtog ang kantang “Born For You” ay nagmartsa kami ni
mama patungo sa kinaroroonan nina kuya at papa. Hindi ko talaga alam
kung bakit kailangang maglakad kami ng ganoon.
Halos nakakalahati na kami sa aming pagmamartsa noong napansin kong ang lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin at nagpalakpakan.
Doon ako kinabahan. Nilingon ko si mama, “Ma... a-ano ba ang mayroon? Bakit nakatingin silang lahat sa atin?”
“K-kasal
mo anak... Di ba ito ang pinangarap mo? Ito ang hiniling ng kuya mo
sa papa mo, at noong malaman ito ng kuya Zach mo, sinabi niya ito sa
daddy niya. At sumang-ayon naman ang daddy ni Zach, upang makabawi
daw siya sa mga nagawa niyang kasalanan...”
At
sa narinig ko kay mama, mistula akong lumulutang sa ulap. Ansarap
pala ng pakiramdam kapag ikinasal. Hindi ako makapaniwala, hindi
magkamayaw sa aking gagawin. Parang isang panaginip lang ang lahat.
Noong narating na namin ang kinaroroonan nila ni kuya at papa, binitiwan na ni mama ang aking bisig sabay halik sa pisngi ko.
Una kong niyakap si papa at hinalikan din sa pisngi. “Pa... na miss kita ah!”
“Na-miss din kita anak! Pasensya na, wala ako sa tabi mo noong nasa delikadong kalagayan ka.”
“Ok lang iyon pa... Paano pala kayo nagkasama ni kuya?”
“Mahabang kuwento anak. Mamaya, malalaman mo rin ang lahat.”
“I-ibig sabihin nagkita na rin kayo ni mama dito sa Amerika?”
“Oo anak. Kasali ako sa pagplano ng lahat ng ito...”
“P-paano nangyari ito pa? Ikakasal ba kami? Magkapatid kami ni Kuya, di ba?”
“Hindi
na anak... Ipinalakad ng biological mong ina ang pagbawi niya sa iyo
at Carter na ang apilyedo mo, apelyido ng Amerikanong asawa ng
biological mong mama.”
“At pumayag naman si mama ko?”
“Oo.
Kasi, maging legal na asawa ka ni Erwin, anak ka pa rin namin...”
sabay haplos na sa aking pisngi at turo kay kuya. “Hayan si kuya Erwin
mo...” dugtong niya at nagpaalam na upang bumalik siya sa kanyang
upuan.
Noong
kami na lang dalawa ni kuya ang nakatayo sa center aisle, mistulang
nabusalan naman ako, parang nagmental block ako, hindi alam ang
gagawin. At noong binitiwan niya ang ngiting nakakaloko, parang bigla
din akong natauhan at nainis na naisahan na naman niya ako. Bigla ko
siyang sinambunutan. “Um!”
“Arekop!”
ang sambit niya sabay hawak sa kanyang buhok na nasira ko. Binatukan
din niya. “Umm!” At ginulo ang ang aking buhok, kinurot ang aking
dalawang pisngi at pagkatapos, kinarga na ako patungo sa gitna ng lobby
kung saan naghintay ang official na magkasal sa amin at ibinaba ako
doon.
Tawanan ang lahat.
Akala
ko ay tuloy-tuloy na ang seremonyas ng kasal noong bigla na naman
akong nagulat sa sunod na nangyari. Pinatayo ang kabaong ni kuya Zach!
Pinasadya talaga ang paggawa ng kabaong niya kung saan ay may sarili itong control. Noong makatayo na, itinabi ito sa akin.
Bumukas
ang isang 72-inch na monitor sa isang gilid ng lobby at lumantad ang
mukha ni kuya Zach, may bendahe ang kanyang mga mata. Marahil ay
tinanggal na ang kanyang mga mata noong ginawa ang video.
Nakangiti
sikuya Zach sa video, bagamat pansin na sa kanyang mukha ang ibayong
paghihirap at matinding pagpayat. Kitang-kita kong pinilit na lang
niyang magsalita at ngumiti. Isa pala itong pre-recorded video bago
siya pumanaw. “Tol... di ba sabi ko sa iyo na ako ang magbe-best man
kapag ikinasal ka? Kaso, pasensya ka na kasi...” napahinto si kuya na
tila humugot ng lakas dahil sa matinding hirap sa pagsasalita.
“Kasi... mukhang hindi ko na kaya pa tol... Kaya hayan, pagtiyagaan
mo na lang ang matigas at makapal kong attire ha?” at pilit siyang
tumawa sa ipinahiwatig na kabaong niyang attire.
Hindi
ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha sa nakitang effort
niya. Syempre, bumilib ako sa ipinakita niyang tapang, tatag, tibay ng
loob, at tinding pagnanais na bigyan ako ng kaligayahan at
encouragement. Natawa na rin ako, bagamat patuloy lang ang pagdaloy ng
aking luha.
“Tandaan
mo palagi ang mga sinabi ko sa iyo, at huwag palaging pasaway...”
Napahinto siyang muli. “At sa iyo, Erwin... Tol, maraming-maraming
salamat sa pag-alaga mo sa akin at sa pagdamay mo sa aking mga huling
araw. Napakasaya ko bagamat nalaman ko noong huli lang na pinilit at
pinuwersa ka ni daddy dahil sa galit niya sa iyo at ayaw mo ring
masaktan si utol. Pero nagpasalamat pa rin ako dahil sa ipinamalas mong
totoong pagdamay at ipinakitang concern sa kalagayan ko... Mawala man
ako sa mundong ito, lagi mong isipin na may isang tao kang napasaya
sa huling mga araw ng kanyang buhay. Alagaan mo palagi ang bunso
nating si Enzo ha? Hindi man kami nagkasama ng matagal bilang
magkuya, nadyan ka naman na magsilbing kuya at kabiyak. Alam kong
safe siya sa iyong mga kamay. Bagamat alam kong marami pa kayong
pagdadaanang pagsubok sa buhay ngunit sana ay maging mas matatag ka
pa para sa kanya.” Napahinto ng saglit si kuya Zach. “Sabagay, kapag
pinabayaan mo iyang utol ko, mumultuhin naman kita. Sige ka.”
Tawanan
ang mga tao. Tiningnan ko si kuya. Natawa rin siya bagamat
kitang-kita ko ang mga luhang dumadaloy din sa kanyang pisngi.
Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay, niyakap ko siya.
“Sige
mga tol... paalam. At oo nga pala, ayokong malungkot kayo sa aking
pagpanaw ha? Lumisan man ako, tuloy pa rin ang buhay. Tuloy ang saya.
Tuloy ang araw-araw na pakikibaka. Ang hiling ko lang ay huwag ninyo
akong kalimutan, lalo na ang mga masasayang alaala natin. Ang
magandang samahan. Ang mga pinagdaanan na nagbigay sa atin ng mga
aral sa buhay at nagpatatag sa ating pagkatao. Mahal na mahal ko
kayo! Paalam...”
At
naputol na ang tape. Alam ko na sa pagkatapos ng tape na iyon,
umiiyak siya. Sino ba ang hindi mapaiyak sa isang paalam? Kahit nga
magpapaalam lang ang isang kaibigan na mangibang-bansa, mapaiyak ka pa
rin. Siya pa, na hindi na babalik, aalis na nag-iisa, at maiiwan ang
mga mahal sa buhay...
Napayakap na lang ako sa kabaong na nakatayo sa tabi ko at humagulgol. At lalo pa akong naiyak noong pinatugtug pa ang –
We used to be frightened and scared to try
Of things we don’t really understand why
We laugh for a moment and start to cry
We were crazy
Now that the end is already here
We reminisce ’bout old yells and cheers
Even if our last hurrahs were never clear
Farewell to you my friends
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you
Yesterday’s a treasure, today is here
Tomorrows’ on its way, the sky is clear
Thank you for the mem’ries of all the laughters and tears
And not to mention our doubts and our fears
The hypertension we gave to our peers
It’s really funny to look back after all of these years
Farewell to you my friends
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you
Farewell to you my friends
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you
With you, my friends with only you
“Bakit
naman sa burol pa niya ipinasyang ikasal tayo kuya? Kawawa naman ang
kuya Zach?” ang naitanong ko na lang kay kuya Erwin pagkatapos ng
kanta at pakiramdam ko ay parang tinadtad ang aking puso sa sobrang
sakit na alam kong naramdaman din niya.
“Siya
ang may gusto ng lahat tol... noong nalaman niyang Dec 14 ka napunta
sa pamilya namin, ito na rin ang pinili niyang araw na maikasal
tayo. Lahat ng ito, siya ang nagdesisyon. Dahil gusto niyang maging
bahagi sa kasal natin at magbest man nga... Di ba sabi niya sa iyo
yan? Akala kasi niya aabutin pa niya ang araw na ito eh... kayo noong
maramdaman na niyang hindi na niya kaya, kaya hayun nabago ang
plano, dali-dali niyang ipinatanggal na ang kanyang mata at gumawa na
ng video...”
“G-ganoon po ba?” ang sagot ko na lang.
Mabigat
man ang kalooban, ipinagpatuloy pa rin namin ang seremonya. “I,
ERWIN, take you, ENZO, to be my partner. I promise to be true to you
in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you
and honor you all the days of my life. I, ERWIN take you, ENZO, for my
lawful partner, to have and to hold, from this day forward, for
better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in
health, until death do us part..”
At
saksi si kuya Zach at ang lahat ng mga taong dumalo sa okasyong iyon
noong inihayag naming pareho ni kuya ang mga katagang “I do...”
Doon na kami natulog sa mansion nin kuya Zach sa gabing iyon. Wala kaming honeymoon bilang respeto namin kay kuya Zach.
Noong mapag-isa na lang kami ni kuya Erwin, doon na kami nagka-kuwentuhan ng maayos tungkol sa mga nangyari sa kanya.
“Kuya, may naalala pala ako. Natandaan mo noong na-comatose ako nasa Pilipinas pa ako, dinalaw mo ba ako, di ba?”
“Oo... iyon ang time na kinidnap ako ng daddy ni Zach upang mamalagi sa tabi niya, lingid sa kaalaman ni Zach.”
“Paano mo ginawang bisitahin ako sa kabila ng maraming guwardiya sa iyo?”
“Sa
kisame ako dumaan. Pinag-aralan namin ni Ormhel ang kuwarto mo at
kuwarto ni Zach at noong makatyempo, umiskapo ako sandali, si Ormhel
ang aking lookout. Si Ormhel din ang nagsabi sa akin na nasagasaan
ka...”
Si Zach, paano niya nalaman na kinidnap ka ng daddy niya?”
“Nagduda
na siya noong palagi ka niyang tinatanong sa akin at iisa lang ang
sagot ko, hindi ko alam. Hanggang sa hindi ko na natiis at ibinunyag
ko sa kanya ang lahat. Pinakiusapan niya ang daddy niya at tinakot na
kung hindi ako pakawalan ay hindi na siya tatanggap ng gamot. Ngunit
huli na rin kasi nasa Amerika na raw kayo. At doon na may nabuong
ideya si Zach para sa atin... ang kasal.”
“Di
ba may singsing kang isinukbit sa daliri ko noong lihim na binisita
mo ako? Paano nawala iyon sa daliri ko at nakabalik sa iyo?”
“Ibinigay
iyon ng nurse kay papa. Noong inihanda ka raw ng nurse para sa trip
ninyo sa US, doon niya nakita. At nakuha ko ito kay papa noong
pinayagan na akong makauwi sa daddy ni Zach. Kaya noong maibigay ng
nurse it okay papa, alam ni papa na buhay ako...”
Tahimik.
“M-may aaminin ako sa iyo tol...” ang may pag-aalangang pagbasag ni kuya sa katahimikan.
“A-ano iyon kuya?”
“Noong ni rape kita?
“Bakit?”
“Hindi totoong wala akong alam sa ginagawa ko. Kahit lasing ako, alam ko ang lahat.”
“H-ha? Bakit mo ako ni-rape?”
“Nagseselos
ako kay Zach noon. At dahil angpunta natin ay a resort nila,
nag-isip ako na may mangyayari sa inyo ni Zach. Ayokong maunahan niya
sa iyo. Kaya nagbaon ako ng pampatulog upang gamitin para sa iyo...”
“Bakit mo naman ginawa iyon?”
“Syempre,
akin ka lang. Ako ang nagtanim, ako ang nag-ani, ako ang nagluto.
Papayag ba ako na kakainin ka na lang ni Zach?” sabay tawa.
“Ganoon?” ang sambit ko.
“Oo...”
“Arrgggggggghhhhhhhhh!!!” Sigaw ko. At pabiro ko siyang dinaganan at sinambunutan. “Ummm! Ummmm! Ummm!”
Na
humantong naman sa pagsambunuan naming ng lakas, at sa pagpin-down
niya sa akin, sa pagkakagat sa iba’t-ibang parte ng aking katawan...
Kinabukasan
pagkatapos sa aming kasal ni kuya ay iniuwi ang mga labi ni kuya
Zach sa Pilipinas upang doon ilibing. Umuwi din kaming dalawa ni kuya
Erwin.
Sa
noong ibinurol sa mansion nina Zach sa Pilipinas ang kanyang mga
labi, maraming tao ang nakiramay at nanghinayang; mga staffs nila sa
resort, mga natulungan niyang mga batang naipagamot, ang mga
recipients ng kanyang charities. Marami ang umiyak.
Araw
ng libing. Mas marami ang sumama sa paghatid sa kanya sa huling
hantungan. At habang patungo sa sementeryo ang kanyang mga labi,
pabalik-balik namang pinatugtog ang paboritong kanta ni kuya Zach –
Over there, just beneath the moon,
There’s a man with a burden to keep,
New sleep will fall, washouts, rags and paperbags
Homes and lives passing by
Who will see the beauty in your life
And who will be there to hear you when you call
Who will see the madness in your life
And who will be there to catch you if you fall
Now dreams run wild, as lovers find their way through the night,
Not a cared in the world
And over there, oh the twinkling of the lights, harbour lights
Say goodnight one more time
Who will see the beauty in your life
And who will be there to hear you when you call
Who will see the madness in your life
And who will be there to catch you if you fall
Who will see the beauty in your life
And who will be there to hear you when you call
Who will see the madness in your life
And who will be there to catch you if you fall
Napakamakahulugan ng kantang iyon. Alam kong sarili niya ang inihalintulad niya sa katagang "Over there, just beneath the moon,
Nagsiuwian na ang lahat ng mga tao at kami na lang ni kuya ang naiwan. At sa harap ng kanyang libing, “Salamat kuya sa lahat ng mga kabutihang ginawa mo. Hindi kita malilimutan... Palagi kang nandito sa aking puso, sa aking isip... Paano nga ba hindi, habang dumadaloy pa ang dugo sa aking kaugatan, at nakikita ko pa ang kagandahan ng mundo, palaging ikaw ang nasa isip ko. Ito ay dahil may buhay pa na bahagi ng iyong katawan na naging parte na rin ng buhay ko. Salamat sa pagdating ng isang kuya Zach sa buhay ko. Salamat sa mga magagandang halimbawa na ipinakita mo – sakahalagahan ng buhay, at sa paggawa ng ikabubuti sa kapwa. Salamat sa iyong pagpaparaya lalo na sa pag-ibig, sa kabila ng sakit na naramdaman mo. Pangako ko sa iyo, mamahalin ko si kuya Erwin. Alam ko, iyan ang gusto mong mangyari. Hindi kita bibiguin kuya. Ikaw ang nag-iisang hero ng buhay ko. Sana ay mapantayan ko ang kabaitan mo. Sana ay maging kasing tatag mo ako, at kasing tapang na humarap sa lahat ng mga pagsubok sa buhay. Paalam kuya. Saan ka man naroron, may you rest in peace. Mahal na mahal kita...” At inilaglag ko ang hawak-hawak na bulaklak sa ibabaw ng kanyang puntod.
There’s a man with a burden to keep..."
Parang ipinahiwatig niya ang takbo ng isang buhay, kung saan ang lahat ay darating din sa kinahahntungan nya; at na kapag wala na siya, kung sino ang nandyan upang tingnan ang ganda ng aking buhay, kung sino ang makinig sa aking tawag, kung sino ang tumingin kapag may kabulastugan sa aking buhay, o kung sino ang sasalo sa akin kapag ako ay bumagsak..."
Parang ipinahiwatig niya ang takbo ng isang buhay, kung saan ang lahat ay darating din sa kinahahntungan nya; at na kapag wala na siya, kung sino ang nandyan upang tingnan ang ganda ng aking buhay, kung sino ang makinig sa aking tawag, kung sino ang tumingin kapag may kabulastugan sa aking buhay, o kung sino ang sasalo sa akin kapag ako ay bumagsak..."
Nagsiuwian na ang lahat ng mga tao at kami na lang ni kuya ang naiwan. At sa harap ng kanyang libing, “Salamat kuya sa lahat ng mga kabutihang ginawa mo. Hindi kita malilimutan... Palagi kang nandito sa aking puso, sa aking isip... Paano nga ba hindi, habang dumadaloy pa ang dugo sa aking kaugatan, at nakikita ko pa ang kagandahan ng mundo, palaging ikaw ang nasa isip ko. Ito ay dahil may buhay pa na bahagi ng iyong katawan na naging parte na rin ng buhay ko. Salamat sa pagdating ng isang kuya Zach sa buhay ko. Salamat sa mga magagandang halimbawa na ipinakita mo – sakahalagahan ng buhay, at sa paggawa ng ikabubuti sa kapwa. Salamat sa iyong pagpaparaya lalo na sa pag-ibig, sa kabila ng sakit na naramdaman mo. Pangako ko sa iyo, mamahalin ko si kuya Erwin. Alam ko, iyan ang gusto mong mangyari. Hindi kita bibiguin kuya. Ikaw ang nag-iisang hero ng buhay ko. Sana ay mapantayan ko ang kabaitan mo. Sana ay maging kasing tatag mo ako, at kasing tapang na humarap sa lahat ng mga pagsubok sa buhay. Paalam kuya. Saan ka man naroron, may you rest in peace. Mahal na mahal kita...” At inilaglag ko ang hawak-hawak na bulaklak sa ibabaw ng kanyang puntod.
At
ganoon din si kuya. May ibinubulong din kay kuya Zach. Maya-maya,
may kinuha siyang papel at sinulatan ito, at ibinalabal sa bulaklak
niyang hawak. Ihahagis na sana niya ito noong maisipang kong abutin
ito sa kanya at basahin ko ang nakasulat. “Promise sa iyo tol...
mamahalin ko ang iyong kapatid, kasi... kapatid ko rin siya, at
ngayona ay asawa ko. Pangako ko rin sa iyo na hindi ko malilimutan ang
ating mga masasayang sandali at magagandang alalala. Ngayon ko lang
aaminin ito sa iyo tol... Mahal din kita. Ngunit nagkataon lang na
nauna kong minahal ang utol mo... -Erwin-”
Pagkatapos kong mabasa ito, iniabot ko uli ito kay kuya. Noong tiningnan niya ako, binitiwan ko ang isang ngiti sabay hawak at pisil sa kanyang kamay, pahiwatign na naintindihan ko siya, at ang naramdaman niya.
At tuluyan nang inilaglag ni kuya ang bulaklat at sulat sa kabaong ni kuya Zach...
Pagkatapos kong mabasa ito, iniabot ko uli ito kay kuya. Noong tiningnan niya ako, binitiwan ko ang isang ngiti sabay hawak at pisil sa kanyang kamay, pahiwatign na naintindihan ko siya, at ang naramdaman niya.
At tuluyan nang inilaglag ni kuya ang bulaklat at sulat sa kabaong ni kuya Zach...
Isang
taon ang nakaraan. Halos natanggap na rin naming ang lahat tungkol
sa pagkawala ni kuya Zach. Sa Amerika kami naglagi ni kuya Erwin
bagamat bumibisita din kami kina mama at papa at sa resort nina kuya
Zach.
Masaya
na rin ang daddy ni Zach kasi natupad ang wish ni kuya Zach na
magkaroon ng surrogate mother na siyang magbuntis sa magiging iniwanang
sperm ni kuya Zach. At nagkaroon na nga siya ng apo. Isang malusog na
lalaking kamukhang kamukha ni kuya Zach.
At
dahil sa ideyang ito ni kuya Zach, naisipan din ni kuya Erwin na ang
parehong babaeng naging surrogate mother sa sperm cells ni kuya Zach
ay siya ding gawing surrogate mother ng sperm cells ni kuya Erwin
upang mabigyan din namin ng apo ang mga magulang ni namin. Pumayag
naman ang babae.
Sa
sunod na buwan na gaganapin ang procedure. Hopefully, sa sunod na
taon din, ay may baby na kami... isang batang magiging kapatid na sa
ina ng anak din ni kuya Zach.
At... malay ninyo, maisipan ko ring magpa-surrogate sa parehong babae upang kumpletong ang mga anak naming tatlo ni kuya Erwin at kuya Zach, ay magkakapatid. Hmmmmm...
Tunay
ngang masalimuot ang buhay. Sino ang mag-aakalang ang ordinaryong
pakikipag-chat ko ay hahantong lahat sa ganito? Sino ang mag-aakalang
ang utol ko ay magiging asawa ko? Sino ang mag-aakalang sa
pakikipagchat ko, ay mabaliktad ang aking mundo at mahanap ang isang
taong napakahalaga sa aking buhay: si utol at ang chatmate ko...
Wakas.
haiz!!! nice story!!! napaiyak ako nito at di ko tinigilang basahin kahitma late pa ako sa work... bakit ba ngayon ko lang nakita itong story na ito?
ReplyDeleteyeah, it's true, gay story siya pero kahit sino mata touch. Sana ganyan kalawak ang isip ng lahat ng tao. Congrats Mr. Writer!
ReplyDeleteAng heavy ng drama pero overall i like it :)
ReplyDeletePang indie film ang storya..nakakadala ang istorya at nakakaantig.
ReplyDeletenakakatouch ang kwentong to,3 days ko syang bnasa
ReplyDeletekaht nasa work ako..
very nice story..ayaw ko ng bitawan cp s pgbabasa nito.ayaw kong maputol ang bwat eksena.congrats mr writer.kung gwing movie to.tiyak ptok n ptok.
ReplyDeletenakakaiyak naman 2nyts ko rin binabasa
ReplyDeletenice story,,,lalo tuloy aq nagkaroon ng pursige n makuha ung goal q x bhai..!!
ReplyDeletenice story to read...galing ng author...sana my M2M kasalan din d2 sa Pinas para mka pagpakasal na kmi ng bhe ko...hehehe
ReplyDeleteGanda.... Sobra.. Kakaiyak?, the best writer to...
ReplyDeleteIndi film sana din to... Kahit ndi na sa america., pero same story........
grabe!!! super nakakaiyak!!! ang galing galing ng writer ng story na ito!!!
ReplyDeleteMr.Writer! Thank Youuuuu :D
ReplyDeleteyou made me feel that love do exist in so many different ways.
ung ending parang tulad ng kwentong "ang kuya kong crush ng bayan". Congratssss :)
What a great story... Namugto mata ko.... Although na alam ko agad ang mga lijim ay suspende... Habang nanghihinala ako eh tama nmn un.... Tunay bng kwento to?
ReplyDeletemister writer salamat sa magandang story. hinaplos mo ang pagkatao ng mga readers mo. salamat sa pagbabahagi mo sa amin ng mga tauhan ng kwento mo.naging parte ng buhay ko sina zack, erwwi at enzo. good job
ReplyDeleteANG BIG CONGRATS TO THE AUTHOR / WRITER... Ang hirap bitawan...
ReplyDeleteLahat nanjan.. suspense... mapapaisip ka.. maiiyak maiinis...
soo inspiring..... Hope to hear u soon....
ernan
Akala ko korny.. pero iyak na ko ng iayak sa dulo.. maganda pala... thanks... nabuhayan na pede p pala ang fairytale
ReplyDeletegrabe ka Mr. Author, I sacrifice doing the midterm examinations of my students just to read all the episodes.... 2 thumbs up! great job
ReplyDeleteThe best pinoy m2m story I ever read!!
ReplyDeleteThe best pinoy m2m story I ever read!!
ReplyDeletegrabe napaiyak ako ng kwentong ito.. buti na lang hindi ko tinigilan ang pagbabasa habang nasa office.. nice one
ReplyDeleteIts one of the best that I have read here, it will makes you cry, love really do exist and forever is not just a dream it can come true...
ReplyDeleteang galing...ang ganda ng storya...sayang ngwakas na ang storya nila hindi natin masubaybayan sina zach, erwin at enzo parang totoo sila sa diwa ko....thanks mr. writer...
ReplyDeleteSalamat sa sumulat nito, ang storya nila Enzo, Erwin at Zack ay tlga namang nagrereflect satin, satin na nasa 3rd sex. I will surely miss this kind of story! thumbs up!
ReplyDeletenice story mr. writer . Pero nainis ako sau kc pinaiyak mo ako kwento mo!!! Na touch tlaga ako sa kwento, nakaka hindig balahibo! Gus2 kong icpin n mhaba pa ung story kc SOBRANG GANDA tlaga!, khit isang bwan ko pa bsahin mbasa ko lng. GOOD GOB MR.WRITER!
ReplyDeleteSana may kuya erwin din ako :)))
ReplyDeleteNice story galing!
Super thank u s writer ng story n to u made me believe dat der is LOVE just wait for m right time ansarap ng pkiramdam n max nagmamahal sau
ReplyDeletei hope der wil be next on diz story its j success and i congratulate u for ur wonderful piece.,
.huhu . Grabe super touching story na pi figure-out sa isip ko lahat ng mga pangyayari .. Nkakaiyak na sa lahat ng katapusan may panibago na namang simula ,keep in touch sa lahat thank you sa mga magagandang stories, alth0ugh di man naAppreciate ng iba ,masasabi ko na Good Job writer parang true stories ang dating sakin.. Godbless
ReplyDelete.huhu . Grabe super touching story na pi figure-out sa isip ko lahat ng mga pangyayari .. Nkakaiyak na sa lahat ng katapusan may panibago na namang simula ,keep in touch sa lahat thank you sa mga magagandang stories, alth0ugh di man naAppreciate ng iba ,masasabi ko na Good Job writer parang true stories ang dating sakin.. Godbless
ReplyDeleteKudos to the writer for making a long and consistently romantic gay love story. However I must say, the biggest flaw of this long read is the fact that it is grossly unrealistic. These kind of stories are the reason why people become overly, hopelessly, unrealistically romantic. I am sure a lot of gays will wish for Erwins or Zachs in their life and wish to be in similar romantic situations. But that is exactly what is wrong, the story is too far fetched to wish for and everyone will end up disappointed or become too choosy in picking their partners in life. That is the danger or reading and watching romance. "Love is not romance." - Oprah
ReplyDeleteThis is the best story i've ever read. Lot's of lesson. Nakarelate ako sa songs nila.
ReplyDeleteverynice story..di ko tuloy mapigilang umiyak.
ReplyDeleteSobrang ganda,...
ReplyDeleteKung iyakan nalang,.. isa na ako jan,... this is my 1first time reading this kind of story....
I am straight,..
At sabihin sa inyong homophobic ako,,...
And after reading this,...
Nqging open minded ako,...
Okay lang pala,...
Basta mahal mo ang tao,.. nice story,..
Sana magkamovie to,... at magampanan ang ganda ng estorya,...
Great story, wosthed pagpuyatan, nakakatouch
ReplyDeleteSalamat...
mr writer .good job!! Ganyan lang ang masabi q panimula pramiz ang galing5x mo talaga first ever encountered ths kind of story! I mean ang ganda talaga!
ReplyDeletemr writer .good job!! Ganyan lang ang masabi q panimula pramiz ang galing5x mo talaga first ever encountered ths kind of story! I mean ang ganda talaga!
ReplyDeletemr writer .good job!! Ganyan lang ang masabi q panimula pramiz ang galing5x mo talaga first ever encountered ths kind of story! I mean ang ganda talaga!
ReplyDeletemr writer .good job!! Ganyan lang ang masabi q panimula pramiz ang galing5x mo talaga first ever encountered ths kind of story! I mean ang ganda talaga!
ReplyDeletetsaka indi q talaga ma express ang na feel q whn i was reading ths story graveh!! Tagos puso talaga!! Ako talaga minsan lang humanga sa mga ganitng pag sulat ng storya pero ikaw u got me!!
ReplyDeleteako nga c rob! 21 yrs. Old alam muba mahilig din ako sa fantacy o mala fairytale ang buhay! At saka gusto q maiyak at tumawa! Para ipahayag ang saloobin q mr. Writer ito num q 09076240055 inform me kapag may new story ka na ganito ka ganda salamat po!
ReplyDeletei believe what ophra say! That love is not romance! But in terms of love! We love in a diffrent way or how will gonna express it as long as we cannot hurt people? When we do our love! Tsaka sa mga songs pala nice talaga! Lahat fav. Q
ReplyDeleteIsa ito sa diko malilimutang storya na nabasa ko... :)
ReplyDeleteSalamat mr.author pinasaya mo ako :)
Isa ito sa diko malilimutang storya na nabasa ko... :)
ReplyDeleteSalamat mr.author pinasaya mo ako :)
Isa ito sa diko malilimutang storya na nabasa ko... :)
ReplyDeleteSalamat mr.author pinasaya mo ako :)
I LOVE THE STORY.... THANX WRITER
ReplyDelete