Wednesday, August 22, 2012

SI UTOL ANG CHATMATE KO - Part 16

Sumiksik sa isip ko ang mga nangyari sa gabing nakaraan at pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat. Naghalo ang excitement at saya sa nangyari bagamat sa kaloob-looban ko, may nadarama din akong “guilt” o hiya sa sarili. Parang, “totoo” ba talaga ang lahat...?

Hinila ko ang kumot na ginamit ni kuya sa pagtulog at tiningnan ko ito nang maigi, hinanap ang bakat na magpapatunay na may nangyari nga. At noong makita ko ito, doon ko napagtanto na totoo nga ang lahat. Idinampi ko ito sa king mukha at inamoy-amoy ko ang parteng iyon kung saan naroon ang bakat...

Noong mahaplos ko ang aking pisngi, nakapa ko naman ang natutuyong dagta na dumikit pa doon. Magkahalong kilig at pagkahiya sa sarili ang aking naramdaman.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto upang hanapin si kuya.

“Umalis na papuntang school, may kalahating oras na ang nakalipas” Ang sagot sa akin ni mama.

Syempre, laking pagtataka ko kasi napakaaga naman niyang umalis at hindi ganoon si kuya. Palagi niya akong sinasabayan, hatid-sundo pa.

“Bakit hindi niya ako hinintay ma?” ang tanong kong may dalang pagmamaktol.

“Tinanong ko nga rin iyan sa kanya ngunit ang sabi ay may dadaanan pa raw siya…”

Agad kong tinawagan ang cp ni kuya ngunit hindi na ito ma-contact. “Out of coverage area” daw. Hindi ko alam kung pinatay niya o sadya bang wala lang power ang battery. Nagtext ako, walang reply. Bigla ko tuloy naramdaman ang takot na baka totohanin talaga niya ang sinabi niyang kundisyon na kapag doon ako matulog sa kwarto niya, magbabago na ang takbo ng aming set-up.

Kaya nalito man sa inastang iyon ni kuya, wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa school na mag-isa. Nalungkot ako, nag-alala na baka ganoon na nga palagi ang set-up namin.

Uwian galing eskwelahan, mag-aalas sais ng gabi. Tinungo ko ang student center kung saan ako dapat maghintay kay kuya. Iyon kasi ang waiting area namin kapag ganoong uwian at doon kami maghintayan. Kapag nandoon na kaming dalawa, sabay na kaming uuwi.

Bagama’t hindi niya sinagot ang mga texts at tawag ko, pumunta pa rin ako.

Ngunit wala akong kuyang nakita. Kinabahan ako kasi kapag ganoong hindi niya ako sasamahan sa pag-uwi, dapat ay may text siya o puntahn niya ako sa klase ko at magpaalam na may gagawin pa siya o kaya dapat na hintayin ko siya. Ngunit wala siyang text o pasabi.

Inikot ko ang mga mata sa paligid ngunit hindi ko pa rin siya mahagilap. Pinuntahan ko ang likod ng student center kung saan may mga malalaking puno ng kahoy at kung saan ginagawa itong umpukan ng mga estudynte. Laking gulat ko noong makita si kuya doon at may kaharutan. Si Zach! At walang katao-tao sa lugar kundi silang dalawa lang!

Habang nakatayo akong malayo sa kanila, kitang-kita ko ang pagtatawanan nila, pagbiburuan, dikit na dikit pa ang mga katawan nilang isinandal isa’t-isa, walang pakialam kung may makakita man na ibang mga estudyanteng biglang susulpot sa lugar. Parang sarili nila ang mundo at masayang-masaya sila.

Napasimangot agad ang aking mukha. Selos ba? Agad ko silang nilapitan.

Si Zach ang unang nakakita sa akin, “O nandito na pala ang utol mo!”

Agad ding tumayo si kuya, nagpaalam. “O, sige at puntahan ko na si Lani!” ang sagot ni kuya na hindi halos tumingin sa akin sabay talikod at alis.

“Kuya!!!!”” Sigaw ko

Ngunit tuloy-tuloy lang siya na parang walang narinig.

Syempre, nalito ako sa ipinakitang inasta niya. Parang hindi niya ako kilala. Parang may galit ba siya sa akin? Nalilito talaga ang isip ko. “At akala ko ba ay galit siya kay Zach at ang sabi pa nga niya ay uupakan niya ito kapag nakita niya. Tapos nakikipagharutan pala siya! Ano iyon?” sigaw ng isip ko. Wala talaga akong kaalam-alam sa takbo ng utak niya.

“Tara na…” sambit ni Zach.

“S-saan tayo pupunta?” sagot ko.

“Ako ang maghahatid sa iyo sa pag-uwi mo ngayon.”

“B-bakit si kuya? Pumayag ba siya?”

“Oo naman. Wala daw problema sa kanya. Ako na raw ang bahala sa iyo.”

“Ganoon? Para akong isang aso na inihabilin sa ibang taga-alaga?” sambit ko.

“Bakit? Ibang tao ba ako sa iyo?” sagot naman ni Zach.

“Ang ibig kong sabihin dapat kasali ako sa usapan ninyo. Kasi po, may utak din naman ako e. Kasi po, nakakaintindi naman ako sa salita ng tao e...”

“O, sya... sorry na. Sa sunod hindi na ako makikialam sa usapang mag-kuya...” ang nasabi ni Zach, ini-emphasize ang salitang “mag-kuya” naamoy na may tampuhan kami ng kuya ko. “Ok kana?” tanong niya uli.

“Sa iyo, OK. Pero sa kanya, hindi!” ang padabog kong salita.

“Aw, good. At least sa akin OK ka.” Sabay ngiti. “O tara na!”

Kaya sumama na ako kay Zach. Noong paangkas na ako sa motor niya, inikot ko pa ang mga mata ko sa paligid, nagbakasakaling makita ko pa si kuya. Ngunit wala na talaga siya.

In fairness, sweet naman si Zach. At hindi naibsan ang naramdaman kong excitement simula pa noong makilala ko siya sa internet. At sa pagsama ko sa kanya na iyon, lalo na sa pagyayakap ko sa katawan niya habang tumatakbo ang ang motor niya, matindi pa rin ng kilig at saya na naramdaman ko. At syempre, dahil boyfriend ko na siya, libre na akong tsumantsing. Bumabalik-balik tuloy sa isip ko ang unang pagkakataong naka-angkas ako sa motor niya at sobrang na-excite akong niyakap ko pa talaga siya ng mahigpit bagamat di pa kami ganoon ka close. Parang isang panaginip lang ang lahat; na ang inaasam-asam kong chatmate na sa internet ko lang nakikita noon, hayun, boyfriend ko na at nakaangkas pa ako sa motorsiklo niya, ang mga katawan namin ay mistulang hindi puwedeng mapaghiwalay sa sobrang pagkadikit.

At sapat na iyon upang sandaling malimutan ng aking isip si kuya. Nag-enjoy na lang ako sa pagyayakap sa katawan niya. Ang ganda rin kasi ng katawan ni Zach, halos pareho ng kay kuya, parehong matangkad, malinis, mabango, parehong guwapo. Parehong kinababaliwan ng mga babae at bakla.

Dinala niya ako sa paboritong kainan namin ni kuya na paborito din pala niya at kung saan din kami unang nag EB. Umurder ng pagkain. “Natandaan mo pa ba noong unang magkita tayo dito?” tanong niya.

“Oo naman! Dami kayang nangyari dito.” Sagot ko sabay tawa. Kasi, doon ako muntik malunod at siya pa mismo ang sumagip sa akin sa ilalim ng tubig at nag-mouth-to-mouth pa sa akin.

Natawa rin siya noong makitang natawa ako na parang alam niya ang eksenang sumagi sa isip ko. “Bakit ka nga pala tumalon diyan?” sambit niya sabay turo sa dagat.

Mistula naman akong binatukan sa bigla niyang pagsingit sa tanong na iyon. Iyon kasi ang puntong nabuking na ni kuya na lalaki pala ang chatmate ko at siya pa ang nagpanggap na ako. At dahil sa galit niya at takot na rin na ibuking niya ito kay Zach, tumalon na ako upang hindi na niya ituloy ang pagbuking niya sana…

“E… kasi…” ang nasambit ko, hindi makaisip agad ng tamang sabihin. “Ah… oo! Nag-away kami ni kuya noon! At upang di niya ako maabutan kaya ako tumalon. Akala ko kasi mababaw lang ang tubig e. Malalim pala!” ang naibigay kong alibi.

Tumawa siya ng malakas.

Tumawa na rin ako.

“Alam mo, cute ka naman talaga e. Mataray nga lang. At… makulit.”

“Ibig sabihin, type mo na ako noon pa? At hindi si kuya ang type mo?”

“Hahaha! Hindi naman ako naghahanap ng lalaki e. Na challenge lang ako… sa pagcha-chat. At gusto ko ang mataray, at makulit.” Sabay tawa at pisil sa aking pisngi.

“Hmpt!” ang sagot ko na lang sabay simangot.

Pagkatapos naming kumain, namasyal pa kami sa park, naupo sa seawall sa harap ng dagat. Kwentuhan, tawanan. Ang sarap niyang kasama. Kasi masaya, hindi nauubusan ng kwento.

Mag-aalas 10 na noong maisipan naming umuwi. Inihatid niya ako sa bahay at dumaan uli kami sa may malaking kahoy kung saan una niya akong pinahipo sa kanyng pagkalalaki, tinanong niya ako, “Gusto mo pumara tayo d’yan?” Marahil ay natandaan pa niya ang ginawa niya sa akin at ang pagtataray ko noong sinabihan niya akong nananatsing sa kanya at deny-to-death naman ako kaya tinarayan ko siya.

“Ayoko nga! Hayan o, parang may mga mata na namang nagmamasid sa atin…” ang sambit ko.

Tumawa siya ng malakas at sabay tulak pababa ng isang kamay niya sa isang kamay kong nakalingkis sa tiyan niya upang mahipo ko ang kanyang pagkalalaki.

At hindi ako pumalag. Ipinatong ko ang kamay ko doon at hinihipu-hipo iyon. Napa-“Shiittt!” naman ang utak ko. Kasi ba naman, tigas na tigas na pala ito at malaki pati. Napalunok ako ng laway at biglang natahimik habang patuloy na hinahaplos-haplos ko ito. Natahimik din siya, binagalan ang takbo ng motor, ninamnam ang sarap ng aking ginawa sa kandugan niya.

Parang gusto ko tuloy sabihin sa kanyang ihinto ang motor at doon kami magparaos sa gilid ng kalsada sa bandang iyon na walang ilaw at koryente. Ngunit, nahiya rin ako…

Kaya iyon lang ang tanging ginawa ko. Ang paghihimas-himas sa umbok niya hanggang sa ang kamay ko ay pilit na isiniksik ko na lang sa ilalim ng kanyang pantalon upang kahit papano ay masalat ng daliri ko ang ulo ng nanggagalit niyang pagkalalaki.

Noong makarating na kami sa mismong harap ng bahay namin, ipinarada niya sa gilid ng kalsada ang motorsiklo. Binuksan ko ang gate upang papasok na. Ngunit sumabay din siya at noong eksaktong makapasok na kaming pareho, dali-dali niyang gisinara ang gate at niyakap ako. Pulidong yero kasi ang gate namin at hindi nakikita sa labas ang tao sa loob.

Siniil niya ng halik ang mga labi ko. Hindi ako nakapalag sa sobrang bilis ng ginawa niya. Napayakap na rin ako sa kanya sabay sukli ng kanyang halik.

Nasa ganoon kaming pagnamnam sa sarap ng aming paghahalikan noong mula sa may harap ng bahay ay, “Uhumhhhhh! Uhummmmm!”

“Si kuya!” Sigaw ko sa sarili.

Biglang napa-atras si Zach at kumalas sa aming yakapan. “H-hi!” ang pagbati niya kay kuya na halatang nahiya sabay kaway.

“Hi!” ang sagot din ni kuya. Para silang nagkahiyaan samantalang ang sweet sweet nilang dalawa sa school bago ko sila nakita doon.

“E… Alis na ako.” Ang biglang pagpaalam ni Zach at kumaway kay kuya habang nagmamadaling lumabas ng gate.

Sinundan ko siya at isinara ang gate. Noong sinilip ko si Zach sa labas, kumaway siya sa akin sabay paandar na ng kanyang motor.

Dumeretso ako sa pintuan kung saan nakatayo si kuya. Matulis ang binitiwan niyang tingin sa akin. Dahil sa hiya na nakita niya kami at sa pangingialam pa niya sa aming paghahalikan, dagdagan pa sa hindi niya paghatid sa akin galing sa eskuwelahan, may inis din akong nadarama. Kahit nasa gilid ko na siya, dirediretso pa rin ako sa loob ng bahay, kunyari hindi ko siya nakita.

“Kumain ka na?” tanong niya galit ang boses.

“Opo!” padabog kong sagot.

“Matulog ka na!” utos niya.

“Opo!” sagot ko uling padabog. Lalo tuloy akong nainis kasi hinintay ko pa naman na magpaliwanag siya kung bakit iniwanan na lang niya akong basta sa eskwelahan.

Noong makapasok na ako sa aking kwarto, narinig ko ang malakas niyang pagsara sa pintuan ng kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko.

Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Pabaling-baling lang sa higaan, maraming katanungan ang naglalaro sa isipan tungkol kay kuya. “Bakit ganyan na siya sa akin? Bakit niya ako iniwanan school? Bakit parang ang sweet nila ni Zach noong makita ko sila sa likod ng student center?” At syempre, hindi ko rin maiwasang hindi sumagi sa isip ang nangyari sa amin sa kwarto niya sa nakaraang gabi. Nalilito ang isip ko kung bakit nagustuhan ko ang ginawa naming iyon. Nalilito rin ang isip ko kung bakit sobrang nasasaktan ako sa bagong inasta niya. At hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit ang laman ng isip ko ay puro siya.

Naalimpungatan ko na lang ang sariling tumayo at idinikit ang aking tainga sa dingding na siyang naghiwalay sa aming kwarto. Para akong isang espiya na nange-eavesdrop ng kalaban. Naiimagine ko na habang nakahiga siya, naka-boxers shorts lang at bakat na bakat sa kanyang harapan ang kanyang malaking kargada. O baka rin nanuod siya ng bold at may ginagawa na namang pagpapaligaya sa sarili…

Parang gusto kong palihim na butasan ang dinding na iyon. Alam ko, pwede iyon dahil hindi naman semento ang dingding na namagitan sa aming kuwarto…

Ngunit dahil sa gabi na, wala pa akong gamit at baka mahuli niya rin, bumalik na lang ako sa aking higaan at itinuloy ang pag-imagine sa kanya at sa nangyari noong nakaraang gabi.

Kinabukasan, hindi ko na naman naabutan si kuya. Maaga uli itong umalis at ang paalam pa raw kay mama ay gagabihin siyang umuwi.

Sa umagang iyon, pumasok ako ng eskwelahan na nag-iisa.

Oras ng uwian. Dahil sa gagabihin si kuya base sa paalam niya kay mama, hindi na ako nag-expect na nandoon siya sa student center. Ang ini-expect ko ay si Zach. Subalit bigla ring nagtext sa akin si Zach na hindi niya ako maihatid gawa nang may inaasikaso daw siya sa resort nila.

Noong gabing iyon, umuwi din akong mag-isa, lungkot na lungkot kasi wala ni isa man lang sa mga nagmamahal sa akin ang sumipot.

Noong nasa bahay na, hindi na naman ako mapakali. Parang napakabagal ng oras. Gusto ko, dumating na ang alas 10 o alas onse ng gabi upang makarating na si kuya.

Habang nasa ganoon akong paghihintay, bigla ding sumagi sa isip na butasan ang dingding na naghiwalay sa kwarto namin ni kuya upang masilip ko ang ginagawa niya sa loob.

Bagamat kinabahan agad kong kinuha ang tool box ni papa at gamit ang drill, diretsong binutasan ko ang dingding, sa gitna talaga nito upang makikita ko ang lahat ng sulok, lalo na ang kama ni kuya. Maliit lang naman. Siguro pasok ang tatlong toothpicks sa butas. Pagkatapos kong magawa iyon, tinapalan ko ng nilamukos na papel na kakulay ng dinding at isiningit ito sa butas. Magaling ang pagkagawa ko. Pagkatapos, pinasok ko din ang kuwarto ni kuya na hindi naman naka-lock at tiningnan kung hindi ba nahahalata ito sa side niya. Mukhang hindi naman.

Bumalik uli ako sa kwarto at naghintay. Excited...

Alas dose ng hatinggabi noong marinig ko ang tunog ng sasakyan na ginamit ni kuya. Agad-agad akong bumalikwas at binuksan ang pinto. “Saan ka nanggaling? At bakit hindi mo sinagot ang mga texts ko?” Ang tanong ko kaagad sa kanya, ang boses ay galit.

Ngunit tiningnan lang niya ako, tuloy-tuloy sa sala at tinanggal ang sapatos at tinumbok na ang hagdanan patungo sa kwarto niya sa second floor.

“Kuyaaaaaaa! Kausapin mo naman ako o!”

Nasa gitna na siya ng hagdanan noong nilingon niya ako, halatang naiirita. “Pinalitan ko na ang sim card ko! At anong pakialam mo kung saan ako nagpunta? Ikaw ba tinatanong ko kung saan ka nagpupunta?”

Napahinto naman ako sa tanong niyang iyon. Oo nga naman. Hindi na siya nagtatanong kung saan ako nagpupunta. “Bakit? Di ba dapat ikaw ang naghahatid sa akin pauwi at papuntang school? Bakit hindi mo na ako hinahatid? Hindi ko naman kasalanan kung si Zach ang naghahatid sa akin a. Gusto ko ikaw ang kasama ko! Gusto ko ikaw ang maghatid-sundo sa akin!” ang paninisi ko.

“Bakit ako? Dapat kanya-kanya na tayo. Dapat wala na tayong pakialaman. Ayaw mo noon? Libre ka na sa paglalandi mo?”

“Bakit ka ba ganyan kung magsalita? Parang hindi kita kuya. Ibang tao ba ako sa iyo?”

Bumaba uli siya sa hagdanan at biglang hinablot ang buhok ko at pagkatapos ay binatukan pa ako. “Ang tigas-tigas ng ulo mo! Hindi ka ba marunong umintindi? Hindi na pwede! Matuto kang mag-isa! Ok?!” sigaw niya.

“Ayaw ko!” sigaw ko rin.

“Pwes, wala akong pakialam kung ayaw mo.” Sabay tayo at talikod, tumbok uli sa hagdanan at tuloy-tuloy na sa pag akyat patungo sa kwarto niya.

Bumuntot ako sa kanya, “Kuyaaaaaa!”.

Ngunit ang sunod kong narinig ay, “K-blaggggg!” ang malakas na tunog ng pinto noong pumasok siya sa kanyang kwarto, pinagdabugan ako.

Sinundan ko pa siya sa kanyang pintuan at kinatok iyon. “Kuya! Kuya!”

Walang imik. Pinakiramdaman ko.

Kumatok uli ako, “Kuyaaaaaaaaaa!!!!!!!!!”

Maya-maya, binuksan din niya sabay bulyaw sa akin, “Ano baaaaaa!!!!!”

Bigla din akong natulala sa pagkakita sa mga mata niyang nanggagalaiti. At ang naisagot ko na lang ay, “N-namiss kita eh.” Ang boses ay hininaa at ang mukha ko ay parang sa isang napakaamong tupa.

“Ummmmmmm! Tarantado!” ang pagbatok niya uli sa ulo ko. “Iyan lang?” at bigla ding ibigangsak ang pintuan sa pagsara niya. Buti na lang at hindi naipit ang kamay ko.

“Hmmpttt!” ang nasabi ng utak ko. “Ang taray!”

Wala na akong magawa kundi ang pumunta sa aking kuwarto at doon, dali-daling tinanggal ang nakasiksik na papel sa ginawa kong butas sa dingding at doon sinilip ko kung ano ang ginawa ng aking mahal na kuya.

Hindi pa nakabihis sa kanyang isinuot, naupo si kuya sa gilid ng kanyang kama, ang ulo ay isinandal sa kanyang dalawang kamay, ang mga mata ay nakatutuk sa sahig na para bang malungkot na malungkot at napakalalim ng iniisip. Noon ko lang nakita ang kuya ko sa ganoon ka seryosong postura. Naitanong ko sa sarili kung ganyan ba talaga siya kapag nag-iisa? Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi malungkot sa nakita sa kanya. Parang biglang nalusaw ang aking nadamang galit.

Maya-maya, tumayo siya, naghubad ng t-shirt, inihagis ito sa lagayan ng mga labahan at pagkatapos, hinubad naman ang pantalon at isinabit niya ito sa isang gilid na sabitan.

Naka-brief lang, ini-unat-unat ang kanyang katawan, iginagalaw-galaw ang kanyang leeg at kamay at braso, ulo at maya-maya lang, sumampa sa sahig, itinukod ang dalawang kamay dito at nag push up. Isa, dalawa, tatlo, apat…. Hanggang 50!

Tumayo siya at binuhat ang dalawang dumb bells, paharap, pataas sa ulo… hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ginawa iyon ngunit halatang sanay sa kanyang ginagawa. Pagkatapos, tumihaya at nagsit-up. Ambilis pa. Walang kahirap-hirap sa kanyang ginagawa, at mahigit sandaan yata, di ko na rin mabilang. Habang ginagawa niya ang sit-ups, kitang-kita ko naman ang pagbakat ng kanyang six-pack abs kanyang tiyan.

Kaya pala ang ganda ng katawn ni kuya kasi, maliban sa mini-gym niya sa likod ng bahay namin, nagbubuhat din pala siya sa loob ng kanyang kwarto.

Napakagandang pagmasdan sa ganoong postura ni kuya. Lalong bumabakat ang ganda ng hubog ng kanyang muscles, ang kanyang mga braso. Hunk na hunk!

Pagkatapos niyang gawin ang maiksing exercise, inunat-unat uli niya ang kanyang katawan at pagkatapos, nagpahinga ng sandali, naupo sa isang gilid.

Noong makapagpahinga na, tumayo siya, hinubad ang kanyang brief at pagkatapos ay dumeretso sa paliguan, nagshower.

Ang sunod kong nakita ay nakatapis na siya ng tuwalya sa paglabas niya sa banyo. Preskong-presko, malinis, at sigurado, mabango.

Sa nakitang posturang iyon ni kuya hindi ko na naman maiwasan ang sariling hindi maalala ang nangyari sa amin sa gabing iyon. Naimagine ko pa ang malaking bukol sa ilalim ng kanyang tuwalya. Naramdamn ko na namang may init na gumapang sa aking katawan.

Subalit noong makitang muli ang mukha ni kuya, bakas pa rin ito ng lungkot. Naninibago talaga ako sa inasal ng kuya ko. Andaming tanong ang bumabagabag sa aking isipan.

Maya-maya, habang nakaharap siya sa salamin, bigla niyang tinanggal ang kanyang tuwalya at kinuskos ito sa kanyang buhok. Bagamat nakatalikod siya sa akin, nakikita ko pa rin sa gilid ang refleksyon ng salamin sa malaki niyang alaga na nakabitin sa gitna ng kanyang hita. Kitang-kita ko rin ang matambok na pwet ng kuya ko na lalong nagpapainit sa aking katawan.

Noong mad’yo natuyo na ang kanyang buhok, tinungo niya ang drawer at hinugot ang isang light brown na boxers short. Humiga siya, nakatihaya ang mga mata ay nakatutuk pa sa kisame habang ang isang kamay ay inihaplos-haplos sa kanyang tyan, sa at isiniksik pa ng bahagya ang daliri sa ilalim ng kanyang boxers shorts, hinihipo ang ulo ng kanyang ari. Nakakalibog…

Akala ko, hanggang doon na lang ang palabas kasi nakita kong tinungo na niya ang switch ng kanyang kwarto. Ngunit noong mistulang may naalala siya, binuksan niya ang drawer sa gilid. Naka-lock ito. Inikot niya ang mga numero ng kandado at noong mabuksan, may hinugot na isang litrato. Hindi ko na naman maiwasang hindi magkakaroon ng interes kung kanino iyong litrato na iyon. Tinitigan niya ito, hinaplos ng marahan sa kanyang mga daliri na para bang napakamahal para sa kanya iyon at iniingat-ingatan. Pagkatapos niyang titigan at haplos-haplosin, idinampi ito sa mukha niya at hinalikan!

“Waaahhh! Sino iyon?” Laking gulat ko talaga sa nasaksihan. “May itinatago ang kuya ko!” sambit ng utak ko.

Pagkatapos niyang halikan, ibinalik uli ang litrato sa drawer atsaka ini-lock muli, tuluyang pinatay ang ilaw. Tanging ang maliit na sinag na galing sa lapmshade na lang ang naiwan sa kwarto. At nahiga na rin si kuya sa kama.

Sa paninilip kong iyon, ang eksenang paghalik ni kuya sa isang litrato ang tumatak sa aking isip.

Kinabukasan, maaga na namang umalis si kuya at hindi na naman ako hinintay. Iyon na ang naging routine namin simula noong matulog ako sa kuwarto niya ilang araw na rin ang nakaraan. Maaga siyang aalis at ang maghatid sa akin galing school ay minsan si Zach at minsan, ako lang mag-isa ang umuuwi. Ang ipinagtataka ko ay palagi na lang gabing-gabi na kung umuwi si kuya na minsan hindi ko na siya nasisilipan pa kasi, tulog na ako. Sobrang lungkot ko sa nangyari. At ang isang ipinagtataka ko pa ay pagiging malungkutin niya. Parang hindi na siya ang nakilala kong kuya na masayahin, punong-puno ng energy at may nakakahawang kasayahang makikita sa mukha.

Pero inisip ko na lang na baka nandoon siya sa girlfriend niyang si Lani. Kasi mahal na mahal naman niya iyon. Takot na takot nga siya dito e… At kapag naisip ko iyan, napapabuntong-hininga na lang ako. Kasi, siguro iyon ang gusto niya na masanay akong mag-isa kasi, sabi nga niya, balang araw ay magkakaroon na siya ng pamilya, mag-aasawa na at… magkanya-kanya na kami. Masakit pero wala akong magagawa kasi totoo rin naman. Kaya minsan napapaiyak din ako kapag ganyang niisip ko ang sinabi niyang iyon.

Kinagabihan, noong hindi ko na talaga matiis. Kinausap ko si kuya. Hindi ko nilubayan ang pagkakatok sa kuwarto niya at nag-iiyak ako ng malakas. Hanggang sa narinig ni mama ang pagkakatok at pag-iiyak ko.

“Ano ba ang nangyari dito?” tanong ni mama.

“Hayan si kuya ma. Ayaw akong kausapin”

Kaya bago pa man siya napagalitan ni mama, agad bumukas ang kuwarto ni kuya at hinatak ang aking t-shirt papasok sa kuwarto niya sabay kindat at ngiti kay mama, “Wala ito ma, usapang mag-utol lang ito”

At napailing-iling na lang si mamang bumaba.

“At ano naman ang gusto mo sa pag-iinarte mo, ha?”

“Kausapin mo kasi ako kuya eh… Hindi mo na ako pinapansin!”

“Gusto mong pansinin kita? Ha???!

“O-opo. Gaya po ng dati!”

“Gaya ng dati pala. O e di sige, ganito...” napahinto siya ng sandali. “Hiwalayan mo si Zach! Ok ba?” dugtong niya.

Natulala naman akong bigla sa narinig. Parang binagsakan ng higanteng crane ang aking ulo. Ewan kung tinest niya lang kung gaano ko kamahal si Zach, o sinabi lang niya iyon dahil alam niyang mahirap para sa akin ang makipaghiwalay kay Zach at dahil hindi ko ito magawa, ang gusto pa rin niya ang masusunod.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga inasta ni kuya. Sobrang weird na ang mga pangyayari…

“E… mahirap kuya e. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Zach. Nagpakahirap ako para sa kanya at ngayong kami na, makikipagbreak na lang ako sa kanya ng ganyan-ganyan na lang?”

“E… di fine. Hindi ako namimilit. Kung gusto mong pag-isipan ok din naman sa akin. At kung hindi naman, walang problema.”

“S-sige kuya… pag-isipan ko.” Ang malungkot kong sabi.

At dahil sa matinding lungkot at pagkalito sa ibinigay sa akin ni kuya na kundisyon, tumalikod na lang ako at bumalik sa aking kuwarto na hindi na lang umimik, hinayaang pumatak ang aking mga luha hindi ipinapakita sa kanya ang aking pag-iyak.

Isang araw, may natanggap akong tawag mula mismo kay Lani. “Bakit napatawag ka?” tanong ko.

“Nasaan ba ang kuya mo?”

“Ha??? Akala ko ba sa iyo siya nagpunta?” Ang sagot kong gulat na gulat sa nalaman. Ang buong akala ko kasi ay siya ang pinupuntahan ni kuya kapag nawawala ito sa bahay o kung matagal umuuwi, o hindi ako ako inihahatid.

“Hindi!” ang galit na sagot niya. “At matagal na! Ano ba ang nangyari? Pinalitan na ba niya ko? Ang cp niya ay palaging out of coverage area at ang mga text ko ay hindi rin niya sinasagot! Buhay pa ba siya? May itinatago ba siya?” ang sunod-sunod na tanong ni Lani, ang halata sa boses ang matinding galit.

“E… hindi ko alam e. Pero may bago na siyang number kasi marami na naman daw nangungulit sa number na iyon!”

“Nagpalit siya ng number na hindi ipinaalam sa akin?” ang tanong naman niya.

“Ay naku, hindi ko alam. Malay ko ba sa inyo!” ang mataray ko ring sagot sabay putol sa na linya. Hindi ko kasi talaga alam ang mga nangyayari kay kuya kaya ayaw ko nang patulan pa ang mga tanong niya baka may masabi pa akong lalong magpalala sa galit niya.

Hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman sa pagkarinig sa sinabi ni Lani. Ewan, parang may parte sa utak kong natuwa dahil wala na sila atsaka natarayan din ako sa babaeng iyon. Ngunit may mga malalaking katanungan ding naiwan sa aking isip. Hiwalay na ba talaga sina kuya at Lani niya, at kung hiwalay na, sino ang pinupuntahan ni kuya sa mga gabing late na kung siya ay umuuwi? May kinalaman kaya ang litrato na iyon sa kanilang hiwalayan?

Sabado iyon noong narinig kong nagpaalam si kuya kay mama na mago-overnight.

“Saan ka matutulog?”

“May party ang kaibigan ko sa kabilang syudad ma, at doon na rin ako matutulog sa bahay nila kasi baka magkainuman pa, mahirap na.” Ang sagot ni kuya.

“Ah… o sige, mag-ingat ka ha?”

Syempre, tumaas ang kilay ko sa narinig. Kasi madami akong tanong. Saan siya mago-overnight? Sinong kasama niya? Sinong kaibigan iyong tinutukoy niya? May kinalaman kaya ang kasama niya ngayon sa litratong tinatago-tago niya?

Noong umakyat na si kuya sa kwarto niya upang magbihis at maghanda sa mga dadalhing gamit, dali-dali din akong umakyat sa kwarto ko upang silipin ang kanyang gagawin.

Pumili siya ng iilang t-shirt at isinilid iyon sa kanyang knapsack, pagkatapos, inilagay ang kanyang pabango, moisturizer, deodorant, toothbrust at toothpaste, dalawang shorts. Kumuha din siya ng apat na brief sa drawer niya at nagdala din siya ng dalawang swimming trunks!

“Waaahhh! May swimming ang pupuntahan niya!” sigaw ng isip ko.

Anyway, dali-dali akong bumaba ng sala upang maunahan ko siya.

Maya-maya, bumaba na siya, dala-dala ang kanyang knapsack at nagpaalam kay mama, hindi ako pinansin, dinaanan lang samanatalang nasa sofa lang naman ako nakaupo at nagkunyaring nagtitext.

Noong matapos siyang makapagpaalam kina mama at papa, dumaan uli siya sa gilid ko. Tiningnan ko siya, ang mukha ko ay parang iiyak na. “Kuya, sama ako…”.

Hindi niya pa rin ako pinansin at tuloy-tuloy na sa pintuan hanggang sa garahe, sabay paandar ng sasakyan. Tumakbo ako sa gate upang ako na ang magbukas noon. Noong dumaan siya, sinabi ko na naman sa kanya na gusto kong sumama.

Ngunit hindi pa rin niya ako pinansin.

Hanggang sa nakalabas na ang sasakyan niya at hindi ko na nakita…

Maga-ala una na iyon ng hapon noong ewan ko rin ba kung bakit biglang sumagi sa isip na tawagan ko si Zach. “Kuya Zach, nasaan ka?”

“Nasa resort!” sagot naman niya.

“Punta ako d’yan?”

“E... G-gusto mo?” ang pag-aalangan niyang sagot.

“Opo…”

“P-pero paalis ako ditto. M-may mga aayusing papeles sa mayor’s office, pinapalakad sa akin ni papa. Busy ako. Sa lunes na lang tayo magkita, puwede?”

“Ah... S-sige kuya. I love you!” ang nasabi ko na lang.

“Ok… I love you too!” sagot niya.

Ewan pero may iba talaga akong naramdaman.

Nagpunta kaagad ako kay mama at nagpaalam. “Ma… puwedeng pumunta ako sa kaibigan ko?”

“O, hindi ka rin uuwi?”

“Baka doon na ako matulog ma. Pwede ma?”

“Dapat kasama mo ang kuya mo. Baka magalit iyon lalo na hindi ka pala uuwi.”

“E… s-sige po ma, uuwi na lang ako mamayang bago mag alas 9 ng gabi.” Ang sabi ko na lang upang payagan.

At pumayag naman.

Agad-agad kong inihanda ang mga dadalhin at personal na gamit at nagcommute na lang akong papuntang terminal.

Alas tres ng hapon noong marating ko ang lugar. Halos walang pinagkaiba ito noong una naming madalaw ni kuya. “Napakaganda talaga nitong resort nila ni Zach!” Ang sambit ko sa sarili at tuloy-tuloy na sa main buliding ng hotel at nagtanong sa information. Nagkataon namang nandoon si Ormhel.

“Sir… nahuli yata kayo!” ang sabi niya sa akin.

Syempre, nagtaka ako sa tanong niya. “Nahuli? Paanong nahuli? Bakit?”

“Nandito ang kuya mo eh, kaninang alas dose ng tanghali siya dumating. At dito na rin sila sabay na naglunch ni Sir Zach. Nasa penthouse sila ngayon. Silang dalawa lang…”

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment