Pagpasok ko ng PE class namin, medyo nanibago ako na walang nang-aasar sa akin. Andun si Jeff pero hindi niya ko pinapansin. Mas gusto ko nay un kesa naman pagtripan niya ko.
Natapos na “mapayapa” ang PE class ko. Nireview lan g sa amin ni sir yung naituro na niya.
Nagkita ulit kami ni Mike sasusunod kong class. As usual, kwentuhan lang tungkol sa mga bagay-bagay. Madalas ko siyang binibiro tungkol sa love life nya. Halos isang taon na kasi siyang walang girlfriend. Yung huli niyang nakwento sa akin ay yung kaklase nya nung high school at nagbreak sila dahil nagmigrate na sa US yung pamilya nung babae.
“Mike, wala ka pa bang ikukwento saking bago? Malapit na magpasko ah. Dapat may bago ka ng chikababes,” pang-aasar ko kay Mike.
“Tsaka na pagkagraduate natin. Hindi naman ako nagmamadali. At sa tingin ko, hindi pa narerealize ng taong yun na mahal nya ako. “
“Ang drama ng best friend ko ah. Sabagay, mahirap din yung ngayon ka pag magkakagirlfriend. Gagraduate na tayo eh, mahihirapan kayo pag nagtatrabaho ka na.” Totoo naman kasing mahirap pagkasyahin ang oras mo sa trabaho at sa karelasyon mo. Hindi ko pa naman iyon nararanasan. Feeling ko lang naman. J
Nagulat ako sa susunod na tinanong ni Mike. “Ikaw Bry, wala ka bang ipapakilalang girlfriend o boyfriend sa akin?”
“Gago, boyfriend ka dyan. Tigil-tigilan mo nga ko,” painis kong sabi. Hindi ko alam kung nagloloko lang siya o nahalata na niya kung ano ako.
“Joke lang, ito naman. Malay ko ba. Basta pag meron, kahit sino pa yan, pakilala mo sa akin ah. Para mahusgahan na tin. Hehe. Bigla ka naman naging defensive. Bakit pag ako ang nagkaboyfriend, magugulat ka?”
Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlaki mata ko. “Bakit Mike, are you gay?”
“Of course not. Alam mo naming playboy ako. Pero ang sa akin lang, kung lalaki talaga para sa akin, edi hahayaan ko na lang. I’m not closing my doors. Haha. Baka kasi love na tapos nag-inarte pa ako. Edi ako pa mawawalan kung ganun. Haha. Pero so far, mukha namang straight pa ko.” Ang lakas ng tawa ni Mike nung sabihin niya yun. Pinagtinginan nga kami ng classmates naming. Hindi ko lang alam kung narinig nila yung sinabi niya.
Gwapo kung sa gwapo si Mike. Isa siya sa pinakahabulin sa college namin. Isa din siya dun sa iilang lalaki na taga CMC na hindi pinagkamalang bading ng mga chismosang babae. Syempre, pangarap din nilang mapasakanila si Mike. Pero bigo sila. Nang magbreak si Mike at yung huli niyang girlfriend, parang nawalan na siya ng interes na pumasok sa isang relasyon. Madalas ay nag-aaral na lang siya o gumigimik kasama mga kaibigian niya. Madalas kami magkasama, kumakain kasama ng mga friends namin sa organization.
Isang beses may nagbigay kay Mike ng isang box ng chocolates. Pinaabot lang sa guard. Ng tanungin niya kung sino, hindi sinabi ng guard. Makalipas ang ilang araw, nagpakilala na yung nagbigay sa kanya ng chocolates. Isang lalaki na taga College of Music. Magkatabi lang ang building namin.
Nagulat kami sa ginawa nung lalaki. Tinanong niya si Mike sa harap naming lahat kung pwede siyang manligaw. Inabangan namin yung sasabihin ni Mike. Alam naming hindi siya magagalit kaya hindi kami natatakot na magkaron ng eskandalo.
“I’m sorry pero hindi kasi ok for me yung ganito. I’m very flattered pero hindi talaga ako interested. It’s better na sabihin ko sayo ngayon na. ayaw din kasi kita paasahin.”
Mabuti na lang at naintindihan nung lalaki at umalis na lamang siya.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong si Mike, nagkagusto na rin ako sa kanya. Pero masyado kong pinapahalagahan yung pagkakaibigan namin para dungisan lang ng pagkagusto sa kanya. And besides, masayang masaya ako sa kung anong meron kami ngayon.
May practice pala ulit kami ni Jeff. Tinext ko siya na nasa fishbolan lang ako at itext lang ako kung saan kami magkikita. Hindi siya nagreply. Nagulat na lang ako nang makita ko yung kotse niya sa tapat ng fishbolan. Lumabas siya at lumapit sa akin.
“Huy Bryan, halika na, practice na tayo.” Sabay galaw ng kamay niya na inaaya ako papasok ng kotse niya.
Tumayo ako at pinakilala siya sa mga kaibigan ko. “Guys, si Jeff nga pala. Siya yung ka-pair ko sa street dance. Jeff sila ang mga kaibigan ko.”
“Hi guys. Sige alis na kami ni Bryan. Ang hirap kasi turuan ng kaibigan niyo eh.” Ang kapal talaga ng mukha ni Jeff. Inaasar pa rin ako kahit mga kaibigan ko na yung kaharap niya. Nagtawanan na lang sila. Kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam sa kanila. Pagsakay ko ng kotse ni Jeff, nakatanggap ako ng text mula kay Mike.
Ingat. Kita-kits na lang bukas.
Pagkadating namin sa bahay nina Jeff, binati ako ni manang. Kinuha niya ulit yung mga gamit ko at inayos sa tabi. Umakyat na agad kami ni Jeff sa kwarto niya para makapag-umpisa na.
Matapos niyang magbihis ay pinatugtog na niya ulit yung kantang gagamitin namin.
Ang akala ko ay magsasayaw na kami pero may iniabot siya sa aking CD.
“Oh Bryan, sinayaw ko yung routine natin tapos nirecord ko para mapag-aralan mo sa bahay ninyo.”
“Anong nakain mo at ginawan mo ko ng pabor?”
“Ginagawan ko sarili ko ng pabor. Pag hindi mo kasi natutunan yan, damay ako. Tsaka sorry din pala sa naging asal ko sayo simula pa lang nung natumba ka nung class natin. Nasaktan naman kasi talaga ako nun.”
“Sorry din Jeff. Pero teka, bakit biglang bait mo naman ata sa akin? Pinagtitripan mo ulit ako ano?”
“Hindi. Basta. Wag ka na lang magtanong. Halika na sayaw na tayo.”
Nag-enjoy ako sa practice naming iyon. Madalas kami magtawanan pag nagkakamali ako. Inaasar pa rin niya ko pero pabiro na lang kaya natatawa na lang din ako.
Halos dalawang oras na rin kaming nakapag-ensayo ng nag-aya akong magpahinga muna. Dun ako nag-umpisang magtanong tungkol sa kanya.
“May kapatid ka ba Jeff? Para kasing wala akong nakikitang tao dito maliban sa’yo at sa Daddy mo. Yung mommy mo, nasaan siya?”
“Only child ako. Si Mommy, wala na siya. Namatay siya last year dahil sa cancer. Siya yung dahilan kung bakit ako naging mabait sa ‘yo?”
Nakitako yung lungkot sa mata ni Jeff nang sabihin niya yung tungkol sa mommy niya. “I’m sorry to hear that. Pero paanong naging mommy mo ang dahilan?”
“Wala. Nevermind. Halika kain na lang tayo sa baba para makauwi ka na din.”
“Aba, parang gusting gusto mo na akong pauwiin ah.”
“Hindi naman. Baka lang kasi gabihin ka.”
Medyo nawiwirduhan ako sa kinikilos ni Jeff pero hinayaan ko na lang . Sa katunayan masaya nga ako dahil baka maging magkaibigan pa kami ng mokong na to.
Natapos na kaming kumain at hindi kami nadatnan ng daddy niya. Gagabihin daw sabi ni manang. Nasa labas na ako ng pinto at hinihintay na lang yung driver nila. Sabi kasi niya kanina ihahatid daw ulit ako pauwi. Sino ba naman ako para tumanggi pa sa libreng sakay pauwi diba. Pagbukas ng kotse ay si Jeff ang nakita ko.
“Bryan sakay na. Ako na maghahatid sa ‘yo.”
Hindi na ako nagtanong at sumakay na lang ako. Habang nasa biyahe ay pinapa-recite sa akin ni Jeff yung order ng steps namin. Medyo nagkakamali pa ko kaya ilang beses din naming inulit yun. Inantok na ko kaya nagpaalam akong matutulog na lang muna. Pagkagising ko ay nasa tapat na kami ng dorm ko.
“Salamat sa paghatid sa akin Jeff. Ingat sa pagdadrive pauwi.”
“Bryan, pag-aralan mo yang cd na binigay ko ah. Tsaka sana maging magkaibigan na din tayo.” Iniangant ni Jeff ang kamay nya na akmang makikipagkamay.
“Oo naman. Basta ba magpakatino ka at tigilan na akong asarin. O sige na umuwi ka na.” Tinapik ko ang kamay niya. Hinintay ko siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay. Kinawayan pa niya ako ng papaalis na siya. Habang tinatanaw ko siya papalayo, napangiti ako. Sa mayabang pala niyang itsura ay may nagtatago ring kabaitan.
Hindi ko na siya tinext dahil alam kong nagmamaneho siya. Nakapagbihis na ako ng may nareceive akong text message.
Mike: Bry, asan ka na? medyo gabi na baka mahirapan ka na umuwi.
Ako: Kakauwi ko lang Mike. Hindi ako nahirapan umuwi. Hinatid naman ako ni Jeff eh.
Mike: Ah… ok..
May nagtext ulit at akala ko ay si Mike iyon.
Jeff: Ang traffic! Hehe.
Ako: Hala pano yan, baka gabihin ka sobra.
Jeff: Sus ok lang yun, wala naman nang magagalit sa akin. Si dad wala ng pakialam kahit hindi na ako umuwi. Haha
Ako: Ingat ka na lang. Asan ka nab a?
Jeff: Cubao pa lang. Dapat pala nag Katipunan na lang ako pauwi. Haha. Huy pag-aralan mo na yang cd ko.
Ako: Ito na panonoorin na po.
Binuksan ko ang computer ko sa loob ng room at pinanood ang cd. Ang galing talaga magsayaw ni Jeff. Napakagraceful pero may angas pa rin. Lalo akong humanga sa kanya. May itsura na, magaling pa sumayaw, tapos mabait din naman pala. Ngayon ko lang ata aaminin to sa sarili ko pero mukhang crush ko na siya.
Sinubukan kong gayahin si Jeff sa nirecord niya pero medyo nahihirapan pa ako. Nahiga muna ako sa kama at nagpahinga.
Dear Mama,Kauuwi ko lang. Hinatid ko siya sa bahay nila. Mabait na ako sa kanya ngayon ma. Ikaw kasi eh, kinausap mo pa ko sa panaginip ko. Mabait pala siya pag hindi ko siya iniinis. Mukha ngang nagkasundo kami eh. Mama, nagpapaalam na ako sa iyo ah. Alam ko namang papayag ka. Malakas ako sa iyo eh. Sige ma, good night po. I miss you. I love you ma.
No comments:
Post a Comment