Friday, August 3, 2012

NINONG - Part 14


musal ng mga oras na iyon. Nanatili na lamang akong nakaupo sa silid na kalapit ng ICU. Tila ba wala na akong pakiramdam ng mga sandaling iyon. Hindi ko na maramdaman ang pagkagutom o pagkauhaw. Nanatili na lamang akong nakatingin sa salamin na namamagitan sa aming kanya-kanyang kinalalagyan ni Daddy. 

Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto. 

"Hi. Kumusta na ang Daddy mo." ang tanong ng taong pumasok. 

"Emil, anong ginagawa mo dito? Papaano mo nalaman na nasa hospital si Daddy." ang mga tanong ko kay Emil. 

"Tumawag ako sa opisina ng Daddy mo at nabalitaan ko ang nangyari sa kanila ng Mommy mo. I'm sorry for what happened to your parents." ang tugon ni Emil. 

Hindi ko alam kung magagalit o matutuwa ako sa pagdating na iyon ni Emil. Subalit dala na rin ng aking paghihinagpis sa sinapit nina Daddy at Mommy ay bigla na lamang akong napayakap kay Emil sabay hagulgol sa iyak. 

"Everything will be ok soon. Don't worry. Kaya mo yan." pilit pinapakalma ni Emil ako. 

"I know. Pero wala na ang Mommy. Si Daddy naman ay hindi pa rin maayos ang lagay." ang mga nasabi ko pa kay Emil. 

"Don't worry. I'm still here. And I will always be by your side. Promise ko yan." ang nasabi naman ni Emil. 

Kapwa kami naupo ni Emil sa isang sopa. Nakaakbay siya sa akin at nakasandal naman ang aking ulo sa kanyang balikat. Hindi ko talaga mapigilan ang pagluha sa tuwing maiisip ko ang nangyari sa aking mga magulang. Pero dahil na rin sa presence ni Emil ay kumalma din ang aking pakiramdam. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin sina Ninong at ang dalawa kong kinakapatid. Matapos kong ipakilala si Emil sa kanila ay napilit din ako ni Emil na kumain ng almusal kahit papaano. 

Pabalik na kami noon ni Emil sa may ICU ng biglang napansin namin ang pagmamadali ng mga nurse at doctor papunta din sa ICU. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso na tila ba nararamdaman ko na may masamang nangyari na kay Daddy. Napatakbo tuloy ako at sumunod din si Emil. Subalit hindi pa man ako nakakalapit sa pintuan ay biglang lumabas si Ninong dala ang masamang balita na pati si Daddy ay binawian na rin ng buhay. Napasigaw ako ng marinig ko iyon at tila ba gusto ko na ring mamatay ng mga sandaling iyon. Niyakap ako ni Ninong na hindi na rin napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Si Emil din ay hindi na rin napigilan ang pagluha. 

Simula ng umagang iyon hanggang sa mailibing ang aking mga magulang ay hindi umalis sa aking tabi si Emil. Ayaw nya sana akong iwan matapos ang libing dahil mag-iisa na ako sa aming bahay. Subalit kailangan niyang bumalik sa Baguio upang mag-attend ng kanilang graduation. Alam ko naman na importante iyon sa buhay ng isang estudyante. Kaya naman pinilit ko siyang mag-attend ng kanilang graduation. Nang matapos ang graduation ni Emil ay agad din siyang bumalik sa Maynila. Medyo nanumbalik na rin ang aking sigla ng dumating siya sa bahay. 

"Kumusta ang graduation ninyo?" ang tanong ko sa kanya. 

"Okey naman. Medyo maayos daw ngayon compare noong isang taon dahil hindi na pinayagan ang pagkuha ng picture sa may entablado. Yung official photographer na lamang ang nakalapit sa stage." ang tugon naman ni Emil. 

"Salamat pala sa paggabay mo sa akin. Hindi ko makakayanan ang lahat kung wala ka sa tabi ko." ang nasabi ko sa kanya. 

"Ganyan talaga ang nagmamahalan. Damayan sa lahat ng oras. Walang iwanan." ang nasabi naman ni Emil. 

"Totoo ba yan?" ang medyo pabiro kong naitanong kay Emil. 

"Ikaw naman. Kailangan pa lactose intolerant itanong iyan?" ang nasabi naman ni Emil. 

"Nagkikita ba kayo ni Daddy bago siya namatay?" ang bigla kong naitanong sa kanya. 

Hindi agad nakasagot si Emil. 

"Please naman. Be honest naman sa akin kung talagang mahal mo ako." ang pakiusap ko sa kanya. 

"Yes, we did several times. The night of your Dad's accident ay nagkita pa kami." ang pagtatapat ni Emil. 

"So it's true that you and my Dad are having an affair. Bakit nyo nagawa sa akin iyon?" ang pagsumbat ko kay Emil. 

"That's not true. Humihingi lamang ako ng payo sa Daddy mo. Yun lactose intolerant payo ng isang ama sa isang anak. Alam mo naman na hindi kami close ng father ko." ang tugon ni Emil. 

"Ganoon lang ba iyon? Eh, inaaabot kayo ng madaling araw sa pag-uusap. Pag-uusap nga lang ba ang ginagawa ninyo? Baka pati payo tugkol sa kitchen at actual na kitchen ay ginagawa ninyo?" ang panunumbat kong muli kay Emil. 

"Ganyan na ba ang iniisip mo sa amin ng Daddy mo? Yes, I'll admit. We did it once noon sa Baguio. I know gising ka noon at nakita mo kami. Pero yun ang first and last namin. And I'm sorry for doing it. Malakas kasi ang kitchen appeal ng Daddy mo. Hindi ako nakapagpigil." ang paliwanag ni Emil. 

"Sobrang bait ng Daddy mo. Maswerte ka nga sa kanya. Alam mo ba ng umuwi ako galing Baguio matapos kong malaman na makaka-graduate ako ay hindi man lamang natuwa ang aking mga magulang. Lalo na si Daddy. Gusto kong umalis agad sa bahay ng araw na iyon. Buti na lamang at nakausap ko ang Daddy mo. Sabik ako sa isang tatay. Nakita ko iyon sa iyong Daddy. Sorry kung masama pala para sa iyo ang nagawa kong iyon. Pero I swear, walang halong kitchen ang mga naging usapan naming." ang dugtong pa ni Emil. 

Sa mga paliwanang ni Emil ay nakumbinse niya ako na totoo ang kanyang mga sanabi. Ako naman ngayon ang nakaramdam ng pagkahiya sa aking paghihinala tungkol sa kanila ni Daddy. 

"I'm sorry Emil. Nakapag-isip ako ng ganoon sa iyo. Sorry din po Dad sa paghihinala ko sa inyo." ang nasabi ko sabay yakap kay Emil. 

"It's okey. Alam ko naman na nagawa mo yan dahil masama pa ang loob mo sa pagkawalang sabay ng iyong mga magulang. Don't worry. I will always be here for you. And I will always love you." ang nasabi naman ni Emil. 

"Sorry again, Emill. I love you too." ang nasabi ko na lamang sa kanya. 

Matapos kong sabihin iyon ay bigla niya akong hinalikan sa aking mga labi. Ang halikan naming iyon ay nauwi sa isang mainitang pagtatalik mismo sa sala ng aming bahay. Buti na lamang at walang bisitang dumating ng hapon ding iyon. Simula ng araw na iyon ay doon na sa aming bahay nanirahan si Emil. 

Bago pa man nagbukas ang klase ay nakahanap na trabaho si Emil. Ako naman ay muling nagpalipat sa isang unibersidad dito sa Metro Manila. Nagsama kaming dalawa ni Emil na parang mag-asawa. Alam lahat ito ni Ninong kaya siya na rin ang naging gabay naming at hingian ng payo sa tuwing may suliranin kami ni Emil. Akala namin ay wala ng malaking problema ang darating sa aming dalawa. Muling nasubukan ang aming relasyon ni Emil ng magkita kaming muli ni Walt. 

- I T U T U L O Y - 

No comments:

Post a Comment