Matapos magexam ng buong class ay dinismiss na kami ni sir. Nagpalit muna ako ng damit sa may locker area Samantalang si Jeff ay naghintay na sa labas ng gym.
“Wala ka bang dalang gamit? Basang basa ka ng pawis oh,” sita ko sa kanya.
“Meron sa kotse. Hindi ko na lang nakuha kanina dahil nagmamadali ako. Halika dun tayo mag-usap sa kotse.”
Nang nasa loob na kami ng kotse ay kinuha ni Jeff ang bag niya at inilabas ang shirt niya. Hinubad niya ang basing-basa niyang damit at dun ko unang nakita si Jeff na walang suot na shirt. Hindi ko mapagiling hindi tingnan ang katawan niya. Mas maganda ito kesa sa inakala ko nung una ko siyang makitang nakasando sa bahay nila. Umiwas ako ng tingin para hindi niya mahalatang tinitingnan ko siya.
Matapos niyang magbihis ay nagsuklay siya ng kaunti at biglang hinawakan ang isa kong kamay.
“Bryan, I’m so sorry na hindi ako nagparamdam sa iyo ng ilang araw. Ni hindi man lang kita naitext. Nagkaproblema kasi sa bahay,” umpisa niyang pagpapaliwanag.”
“Alam ko na nag-away kayo ng dad mo pero sana man lang nagtext ka kahit isang beses para alam kong buhay ka pa. Nag-aalala din naman ako kahit papano,” sabi ko sa kanya.
“I know and I’m sorry.” Nang mga oras na ito ay binitawan na niya ang kamay ko at umupo ng tuwid habang ang kamay ay nilagay niya sa manibela. “Nagalit yung dad ko nang malaman niyang pinagluto kita ng pagkain.”
“What? Dahil lang dun kaya siya nagalit? I’m sorry. Kasalanan kop ala ang lahat.”
“Wala kang kasalanan. Ayaw lang niya na ganun ang kilos ko para sa isang lalaki. May sasabihin ako sa’yo Bryan. Wala ni isa man sa mga kaibigan ko ang may alam nito.”
“Ano yun Jeff?”
Humarap ulit sa akin si Jeff. “I am gay, and both my parents no about it. Sinabi ko yun sa kanila two years ago. Nagkaboyfriend ako when I was still a freshman. Nakilala ko siya nung umattend ako ng isang dance workshop. Nagtrain din siya dun. Naging close kami hanggang sa nahulog loob namin sa isa’t isa. Sa kagustuhan ong maging legal kami sa magulang ko ay inamin ko sa kanila that I’m gay at may boyfriend ako. Naintindihan ako ni Mama. Ang sabi niya ay ok lang daw iyon sa kanya basta daw masaya ako. Pero iba ang nangyari kay dad. Nung una, sabi nya ay nasa identity crisis lang daw ako at malalampasan ko rin daw yun. Pero alam ko sa sarili kong hindi na ko nalilito sa pagkatao ko. High school pa lang aya alam ko nang hindi ako straight. Never akong nagkagusto sa babae. Madalas ay napapansin ko pag gwapo ang isang lalaki. Nang sabihin ko yun sa kanya ay dun na nag-umpisang maging tuluyang malamig ang pakikitungo sa akin ni Dad.”
Hindi ako makapagsalita sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya. Gulat na gulat pa rin ako habang tuloy lang sa pagkuwento si Jeff.
“Kaya nung tinanong mo ako noon kung nagkaroon na ko ng girlfriend ay humindi ako dahil yun naman talaga ang totoo. You never asked me if I ever had a boyfriend that’s why I did not tell you.”
“Kaya nagalit si dad nung nalaman niya kina manang na nilutuan ng lunch dahil nagpapakabakla nanaman daw ako ng dahil sa lalaki. Nagsagutan kaming dalawa tapos naglayas ako. Nakitira ako sa cousin ko. Naiwan ko yung phone ko sa bahay kaya hindi kita natext. Hindi ako makapasok sa class dahil pinafreeze ni dad lahat ng bank accounts ko. Eh yung perang hawak ko, sakto lang para sa pagkain ko. Buti nga pinahiram ako ng pinsan ko ng pang-gas sa kotse.”
“Edi sana sinabi mo sa kanya na magkaibigan lang tayo kaya ka nagluto,” sabi ko sa kanya.”
“Ayoko namang magsinungaling sa kanya. Pwede nya kong sumbatan na wala akong utang na loob, na bakla ako, na immoral ako, pero hindi niya masasabing sinungaling ako. Gusto ko na may isang bagay siya na hindi niya masasabi tungkol sa akin.”
Naguguluhan na ko sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya na halatang hindi na maintindihan ang sinasabi niya.
“Bryan, tama si dad na nagpapakabakla na naman ako nung nilutuan kita. I’ve never done that to anyone except kay mama. Pero hindi ko alam kung bakit feeling ko kailangan lagi kita napapasaya. Yung pagiging masama ko sayo nung una ay pinipilit kong itanggi sa sarili ko yung nararamdaman ko para sayo kaya gumawa ako ng paraan para mawala iyon. Pero wala ding nangyari eh.”
“Hindi na talaga kita maintindihan Jeff,” sabi kosa kanya.
“Bryan, I like you. No, I like you so much. Nung una pa lang kita nakita nung 1st day of class natin sa PE, naging crush na kita hanggang sa inasar na nga kita at lahat. Nung naging close na tayo, unti-unting nahulog loob ko sa iyo dahil kahit gaano ako kasama ay ni minsan, hindi ka lumaban sa akin, naging mabait ka pa rin sa akin. Inintindi mo yung paiba-iba kong ugali. Look Bryan, hindi ko din ginusto tong nararamdaman ko pero nandito na, hindi ko na matanggi eh. Bryan, I think I love you.”
Tama ba ang narinig ko? Mahal ako ni Jeff? Ni sa panaginip hindi ko inakalang katulad ko rin siya. Pero ang mas nakakagulat pa dun ay yung sabihin niyang mahal niya ako. Ako na walang bilib sa sarili. Ako na hindi mo mapapansin kapag kasama ang maraming tao. Pero mahal DAW niya ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Baka kasi magising na lang siya isang araw at iba na ang nararamdaman niya.
May iniabot siya sa aking kahon. Nang buksan ko ito ay puro papel ang nakita ko. Ang sabi niya ay basahin ko daw lahat. Mga sulat niya iyon sa Mama niya. Pero nung tingnan ko yung date ay ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas nang isulat niyo yun samantalang isang tao nang patay ang mama niya.
“Mula nang mamatay si Mama, lagi ko siyang sinusulatan tapos tinatago ko yung sulat. Imbes na magtago ako ng journal o diary, kay Ma ko na lang sinasabi lahat tungkol sa buhay ko. Lahat ng laman ng box nay an ay yung sulat ko sa kanya simula nung una kitang Makita sa class hanggang kagabi. Araw-araw ay hindi pwedeng hindi kita mababanggit sa kanya. Nagtataka ka kung bakit bigla akong bumait sa iyo? Kinausap ako ni Mama sa panaginip ko at sinabi niyang wala daw maidudulot na mabuti sa akin ang pagiging masama ko sa ‘yo. Ginawa ko naman lahat para mawala to Bryan eh, pero wala lang din.”
“Parang hindi totoo lahat ng nangyayari. Iniisio ko na nananaginip lang ako. Pero yung mga sulat na hawak ko, ramdam na ramdam ko at nababasa ko ang mga sulat niya na patungkol sa akin. Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya.”
“I’m so sorry Bryan….huy, magsalita ka naman. Galit ka ba? Ok lang kung gusto mo akong sapakin,” pag-aalala niyang sinabi.
“Bakit naman kita sasapakin? Edi nasaktan pa ako nun. Para lang kasing hindi totoo lahat eh. Malay ko ba kung niloloko mo lang ako.”
Hindi agad nagsalita si Jeff. Nang tiningnan ko siya ay nakita kong may tumutulong luha. Doon ko nalaman na sincere siya sa lahat ng sinasabi niya.
“Hindi kita masisisi kung hindi ka maniwala. Pero yun talaga ang totoo Bryan. I do not expect for you to feel the same way. Hell, I do not even know if you’re like me. For all I know, straight ka at bugbugin mo ako maya-maya. But I’m taking my chances here Bryan.” Tuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Gusto ko siyang patahanin pero hindi ko alam kung paano. Sasabihin ko na lang sa kanya ang totoo, total sinabi ri naman niya saakin ang totoo kahit walang kasiguraduhan na matatanggap ko ito.
Hinawakan ko ang kamy niya. “Jeff. I also like you. I might also love you. Pero hindi ko alam kung handa na ako sa ganito. Hindi ko alam kung kaya ko na. Hindi ko pa nararanasan na magmahal ng kapareho ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin.”
“Wala namang may alam satin Bryan eh. Lahat tayo nagbabaka-sakali lang.”
“I know. Pero ayoko kasing masayang yung samahang binubuo natin.”
“I understand you Bryan. As I said earlier, hindi naman ako nag-eexpect. Gusto ko lang malaman mo lahat-lahat because you deserve to.”
“Sobrang natuwa ako na inamin mo lahat sa akin Jeff. Pero siguro let’s take things slow. Wag nating piliting pasukin ang isang bagay kung hindi pa naman tayo handa. Baka magsisi tayo sa huli,” sabi ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot pero tumigil na siya sa pag-iyak. Sa wakas ay nasabi ko na sakanya ang nararamdaman ko. Niyakap ko na lang siya at sabing, “nagugutom ako, kain tayo Jeff.”
Kumalas kami sa pagkakayakap at nagtawanan ng malakas. Magmula noon ay alam kong lalong titibay ang samahan namin. Alam na namin na mahal namin ang isa’t isa pero hindi kami nagmamadaling pumasok sa isang relasyon.
Habang papunta kami sa Jollibee na malapit sa school ay tsaka ko lang naalala nag tingnan ang phone ko. May 13 ng text messages at lahat ng iyon ay galling kay Mike. Tinatanong niya kung nasan ako at kung bakit hindi ako pumasok sa class namin. Nakalimang miss calls din siya sa akin. Magrereply na sana ako sa kanya ng biglang kunin ni Jeff sa akin ang phone ko.
“Mamaya na yan, kain muna tayo,” sabi niya sabay balik sa akin ng phone ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari pero sobrang saya ko. Ang isang lalaking sinasabi ko noon na perfect guy, ay inaming mahal ako. Siguro ako na ang pinakamasayang tao ng mga oras na iyon.
No comments:
Post a Comment