Sunday, August 5, 2012

AFTER ALL - Part 8


Nagtake-out kami at doon kami sa kotse nya kumain. Puro lokohan at tawanan lang kami. Pero kung paminsan ay naging seryoso din ang usapan namin. Kung titingnan mo nga kami ay parang kaming dalawa na. Siguro ang sitwasyon namin ay parang may relasyon na pero hindi lang namin ito nilalagyan ng label. Ang importante sa amin ay panatag kaming mahal namin ang isa’t isa.
Habang kumakain kami ay paulit-ulit na tumutugtog sa player niya ang kantang ginamit namin sa exam namin. Naging espesyal na iyon sa amin dahil dun kami nag-umpisang magkasundo.
“Jeff, bumalik ka na sa bahay niyo. Mag-sorry ka na sa dad mo,” sabi ko sa kanya.
“Sige Bryan mamaya. Ayoko lang kasi na pinapakialaman pa niya ako.”
“Magulang mo pa rin siya kahit anong mangyari.”
“Eh bakit hindi ko maramdamang mahal niya ako?”
“Hay Jeff, hindi ko din alam. Pero gawin mo na lang ito para sa mama mo. Sigurado akong ayaw niya na nagkakaganito kayo ng daddy mo.”
“Sige,” tugon ni Jeff. “Bryan, pwedeng subuan mo ulit ako ng fries?”
“O bakit? Hindi ka naman nagmamaneho ah?”
“Sige na, please?” Mukhang naglalambing itong si Jeff. Natuwa naman ako kahit papano kaya ginawa ko na din ang gusto niya. Natatawa ako habang sinusubuan ko siya habang si Jeff ay nakangiti lang.
Nagtext sa akin si Alvin, punta daw kaming mall. Inaya ko si Jeff na sumama sa amin.
“Ok lang bas a mga kaibigan mo?”
“Bakit naman hindi? Naku, tiyak matutuwa si Alvin,” patawa kong sabi.
“Paano kapag nagtaka sila?”
“Sasabihin kong kaibigan kita. Wala namang masama dun.”
“O sige pero wag mo akong iiwanan mag-isa dun ah, baka ma-OP ako.”
“Aba, hindi kop ala alam na na-o-OP ka din pala,” pang-asar ko.
“Bryan naman, eh. Ikaw na nga lang pumunta dun,” pikon na sagot ni Jeff.
“O tingnan mo ‘to. Kapag siya nang-aasar hindi naman ako napipikon. Sorry na Jeff. Akong bahala sa ‘yo,” sabi ko sabay kindat na halata kong ikinatuwa naman niya.
“Bryan, favor ulit, ok lang?”
“Magpapasubo ka na naman?”
“Hindi.”
“Eh ano?”
“Pwede bang payakap ulit? Parang namiss ko agad eh,” naglalambing na sabi ni Jeff.
Hindi ko pinahalata sa kanya pero kinilig ako sa gusto niya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap din naman niya ako. Mga isang minute din kaming magkayakap. Ang sarap sa pakiramdam. Parang tamang tama lang ang katawan niya sa mga bisig ko. Sana lagi na lang kaming ganito.
“Sana pwede kitang yakapin kahit saan ano.” Si Jeff parang nagpaparinig.
“Ok lang ba sa iyo yun? Baka mapag-usapan tayo sa school.”
“Ok lang, wala naman akong pakialam sa sasabihin nila, eh.”
“Pero Jeff, diba nga hindi pa tayo? Parang hindi pa maganda na magyakapan sa harap ng kung sinu-sino. Tsaka hindi ko alam kung ok sa akin yung ganun,” sabi ko sa kanya.
“Ok. Sorry ah, gusto ko lang kasi na lagi kang mayakap.”
“Sorry din Jeff kung hindi pa ako handa sa ganun.”
Ngumiti na lang si Jeff at niyakap akong muli. Alam kong naiintindihan niya ako. Umalis na kami papunta kina Alvin.
“Aba, kasama mo pala si Papa Jeff,” pambungad na bati sa amin ni Alvin. Magkakasama na sila nina Mike at ng dalawa pa naming kaibigang babae na sina Sarah at Anne.
“Ah oo, magkasama kasi kami nung nag-aya ka kaya sinama ko na siya,” sagot ko. Nang tingnan ko si Mike ay parang hindi siya masaya. Hindi ko alam kung bakit.
“Ok nga yan eh, para may ka-date ako,” patawang sabi ni Alvin. Bigla niyang tinabihan si Jeff na tinawanan naman namin. Tumingin ako kay Jeff na parang nagtatanonog kung ok lang ba sa kanya iyon. Tumango naman sya kaya hinayaan ko na lang. Nilapitan ko si Mike upang kamustahin.
“Best friend, may ginawa ba kanina sa class natin?”
“Bakit hindi ka pumasok Bry? First time mong mag-absent ah.”
“Ah kumain kasi kami ni Jeff, mataas kasi nakuha naming grade sa exam namin.”
“Ok,” payak na tugon ni Mike na ipinagtaka ko. Hindi ko alam kung galit sa akin si Mike. Siguro ayaw lang niya na hindi ako pumapasok sa mga klase ko. Hinayaan ko na lang siya. Tinanong ko na lamang silang lahat kung ano bang gagawin namin sa mall.
Nilibot lang namin ang buong mall. Sina Alvin, Sarah at Anne ay nagwindow shopping. Natatawa ako habang naglalakad kami dahil si Alvin ay talagang nakakapit sa braso ni Jeff. Natutuwa ako kay Jeff dahil hindi siya nagagalit kay Alvin. Ako naman ay sinasabayang maglakad si Mike na kanina pa wala sa mood. Paminsan nga ay akamang kikilittin ko siya pero wala lang siyang reaksiyon.
Nang mapagod na sila maglibot ay nag-aya silang kumain. Medyo busog pa kami ni Jeff pero wala kaming nagawa kundi kumain ulit. Sa Pao Tsin nila naisipang kumain.
“Bryan, ok lang ba kung hati na lang tayo sa isang order? Medyo busog pa kasi ako eh,” tanong sa akin ni Jeff.
“O sige. Ako din busog pa eh,” sagot ko. Naalala kong wala nga pala siyang pera kaya sinabi kong ako na lang muna ang magbabayad. Nung una ay ayaw pa niyang pumayag at sinabing kasya pa naman daw ang dala niya pero nagpumilit ako. Mabuti na lang at napapayag ko siya.
Nang nakaupo na kami sa table, inumpisahan nang magtanong ni Alvin, Sarah at Anne si Jeff. Napakatsimosa talaga ng mga ‘to.
“Diba Jeff dati inaapi mo si Bry? Bakit ngayon magkabati na kayo?” usisa ni Anne.
“Ah nagsorry na ako sa kanya tungkol dun. Hindi ko naman talga yun sinasadya. Nasaktan lang talaga ako nung nasipa niya ko,” sagot ni Jeff na nakangiti. Ang gwapo niya talaga pag nakangiti siya.
“Eh diba aksidente lang naman yung nangyari? Bakit kailangan mo pang pahiyain yung tao sa harap ng class niyo?” Nagulat ako sa sinabi ni Mike. Magktabi kami ni Jeff sa table. Nasa kanan ko naman si Alvin. Samantalang sina Anne, Mike at Sarah ay nasa kabilang side. Ang sama ng tingin k okay Mike nung sinabi niya yun.
Kinabahan ako. Sana wag siyang patulan ni Jeff.
“I know. Sorry talaga. It was rude and pinagsisisihan ko nay un,” mahinang sagot ni Jeff. Halata ko kay Jeff ang pagkapahiya kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa hita niya. Tumingin siya sa akin at impit na ngumiti.
“Wala na yun. Matagal ng tapos yun eh, wag na nating ungkatin. Kumain na lang tayo,” malakas kong sabi sa lahat.
“Oo nga. Ito talaga si Mike oh, panira ng moment,” maarteng komento ni Alvin.
Tiningnan ko si Mike. Nakatungo lang siya at pinaglalaruan ang pagkain niya. Hindi ko na siya maintindihan.
Kumain na lang kami. Mabuti na lang at ok na si Jeff. Nag-aasaran na kami. Nag-aagawan kami sa natitirang isang dumpling. Nahalata iyon nina Sarah.
“Huy kayong dalawa. Hindi dapat kayo naghati, mukhang pareho kayong masiba eh,” sabi ni Sarah sabay tumawa.
“Dapat kasi Jeff sa akin ka na lang nakihati para sweet. Haha!” Si Alvin talaga, grabe makabanat.
Nakita kong medyo natawa si Jeff. Hay, sana lagi na lang siya masaya.
Mga alas sais na ng gabi ng mag-aya sina Anne na mag-Timezone daw kami.
“Bryan, hindi na ko makakasama sa inyo. Tutuparin ko pa yung promise ko sa’yo. Dadaan ako sa bahay ng pinsan ko tapos uwi na ko sa bahay,” paalam sa akin ni Jeff.
“O sige. Ingat ka ah.” Sinabi ko kina Alvin na aalis na si Jeff. Biglang lumapit si Alvin at niyakap si Jeff. Natatawa talaga ako sa mga ginagawa niya. Kung alam lang ni Alvin. Haha.
“Have fun,” sabi sa amin ni Jeff. Akala ko aalis na siya pero nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong, “I love you.”
Halos matunaw ako ng mga sandaling iyon. Kung katulad lang ako ni Alvin, malamang nagtatalon na ko at tumili sa sobrang kilig. Pero buti na lang at napagilan ko sarili ko. Nginitian ko lang siya. Umalis na siya at habang naglalakad ay humarap ulit siya sa amin at kumaway. Kaming dalawa ni Alvin ay sabay na kumaway sa kanya kaya nagtawanan na naman kami.
Habang papunta kami saTimezone ay tinext ko si Jeff.
Ako: I love you. J
Jeff: Akala ko hindi mo sasabihin eh. Magtatampo na sana ako.
Ako: Sorry. Binigla mo naman kasi ako kanina. Sana man lang may warning.
Jeff: Kasalanan ko pa pala. Haha. Mag-enjoy ka diyan ha!
Ako: Sure! Ingat Jeff ah!
Jeff: Uuuuyyy concerned siya sa akin.
Ako: Syempre naman.
Jeff: Opo, magiingat po ako sir. Hehe. I’ll just text you later. Mag-drive na ko.
As usual, basketball, air hockey, at dance revo na naman ang nilaro namin. Si Mike, biglang sumigla at parang bumalik na sa sarili niya. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina kaya hindi ko siya pinapansin. Ganun din naman siya. Parang hindi kami nagkakakitaan. Mabuti na lang at busy sina Alvin sa kakalaro kaya hindi na nila ito napansin.
Nasa dorm na ako nang magtext sa akin si Jeff. Kanina ko pa siya tinetext pero hindi siya nagrereply.
Jeff: Bryan, sorry ngayon lang ako nakapagtext. I’m already home. Hindi nag alit sa akin si Dad and sabi niya i-aactivate na niya ulit bank accounts ko. Mayaman na ulit mahal mo. Haha
Ako: Haha! Yabang!
Jeff: Diba bukas isa lang class mo?
Ako: Oo, bakit?
Jeff: Hanggang 4:00 class ko. Ok lang ban a hintayin mo ako? Gusto kita makasama eh. Itutuloy na natin yung naudlot na pagkain natin sa labas last week.
Ako: Oh that…Haha. Sure. Uwi na lang muna ako sa dorm after class. Ok lang ban a doon tayo magkita?
Jeff: Sure. Sunduin na lang kita dun.
Ako: Ok. Magpahinga ka na. Pagod ka sa byahe.
Jeff: Hay, ang sarap ng feeling na may concerned sa akin. Sobrang thank you Bryan. Nakwento ko na din pala kay Mama yung nangyari kanina. For sure natatawa yun sa ating dalawa.
Ako: No prob. Ikaw pa, eh malakas ka sa akin. Parang naririnig ko nga yung tawa nya ditto eh.
Jeff: Ako din naririnig ko! Hehe. O sige, tulog na tayo. Good night Bryan. Sweet dreams.
Ako: Good night. Sweet dreams.
Pinatay ko na ang ilaw ng room ko para matulog ng biglang magring ang phone ko. Si Jeff ang tumatawag.
“Oh bakit ka pa tumawag? Akala ko matutulog ka na,” pagtataka ko.
“Matutulog na nga. I just want to tell you something.”
“Ano yun?”
“I love you, Bryan. And I’ll never get tired of saying that.”
Kinilig na naman ako! Grabe talaga itong si Jeff. Sana hindi niya rinig sa phone yung pagkakilig ko.
“I’ll never get tired of listening to it Jeff. I love you, too.”
Binaba na namin yung phone at natulog na. Pinilit kong makatulog agad pero naiisip ko pa rin lahat ng nangyari kanina. Parang pangtelenovela yung nangyari sa amin. Pero iba ito. Totoong nangyari iyon sa amin. Sana huwag magbago yung nararamdaman niJeff.
Kinabukasan ay natuloy na ang pagkain namin ni Jeff sa labas. Sobrang saya nun. Sa isang fine-dining restaurant kami kumain. Natutuwa daw siya sa akin dahil hindi ako masyado marunong gumamit ng knife. Madalas ko yung nabibitawan. Tinuruan naman niya ko tapos pinaghiwa pa niya ako para daw hindi na ako mahirapan.
At sa mga sumunod na araw ay lagi ko na siyang sinasama sa lakad ng barkada. Napalapit na rin siya kina Alvin, Sarah, at Anne. Tuwang tuwa ako dahil gusto siya ng mga kaibigan ko, maliban lamang kay Mike. Hindi ko alam pero naging tahimik siya simula ng isama ko si Jeff. Siguro ay nagseselos. Sinusubukan ko namang sabihin sa kanya na siya pa rin best friend ko pero parang wala lang sa kanya. Madalas na rin siyang hindi sumasama sa amin. Nagtataka na nga rin sina Alvin eh.

1 comment:

  1. DOWNLOAD $12,234 in 2 months GAMBLING App?

    Let me tell it straight.

    I don't care about sports. Shame on me but I dont even know the football rules. Never cared less.

    I tried every thing from forex & stocks to internet systems and affiliate products.. I even made some money but then lost it all away when the stock market went south.

    I think I finally found it. DOWNLOAD NOW!!

    ReplyDelete